Chapter 5

1746 Words
Mabilis na lumipas ang mga araw. Parang nilipad lang ang mga araw sa sobrang abala ni Joyce.  Nagigising siya ng alas-singko ng umaga para magsaing tapos alas-syete ay nasa opisina na siya. Libre ang tanghalian niya kaya tuloy-tuloy ang trabaho.  Pagsapit ng alas-singko ng hapon, uuwi na rin siya. Iniinit niya lang ang mga niluto niya sa umaga bilang hapunan. Tapos maaga pa siyang natutulog sa sobrang pagod.  Limang araw niya itong ginawa tapos noong biyernes ng hapon ay naibigay na sa kaniya ang libro at uniporme na pinangako nila. Kasama nito ang allowance niya sa isang buwan.  Hindi makapaniwala si Joyce dahil kadalasan ay halos delay kung dumating ang allowance ng ibang iskolar. Pero rito pala sa Anderson University ay agad mong matatanggap at mabibili mo na agad ang pangangailangan mo. Araw ng sabado, hinihintay niya na dumating ang kaniyang makakasama sa silid. Hindi pa niya alam kung sino, pero panalangin niya na makakasundo niya ito.  Maaga pa lang ay nag-ayos na siya pagkatapos ay nagbasa ng libro na binigay sa kaniya. Gusto niyang malaman kung ano ang maaring maging lesson niya. Ito ang pinagtuunan niya ng pansin hanggang sumapit ang pananghalian. Kumain lang siya sandali at nag-aral ulit.  Pero natigil ito nang biglang may kumatok sa pinto. Nasa sala lang siya kaya pagtayo niya ay pinto na agad at kaniya itong binuksan.  Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makilala niya ang taong nasa kaniyang harapan. Malawak itong nakangiti habang may mga tao sa kaniyang likuran na siyang nagbubuhat ng kaniyang mga gamit. “A-Amelia?” hindi makapaniwalang bulalas ni Joyce.  “The one and only!” Nakadipa nito sabi bago sinugod ng yakap si Joyce. “Eh! Nagkita ulit tayo!” tili pa nito.  Noong una ay gulat pa si Joyce at nang matauhan siya, napangiti na rin siya at niyakap ang kaibigan. Masaya siya at si Amelia ang makakasama niya sa silid. Hindi niya na kailangang mag-adjust o ano pa dahil kakilala niya ang kaniyang kasama.  “Pasok po kayo.” Itinuro niya ang pinto ng kwartong bakante, at nagsabi, “Okay na ba sa iyo iyan?”  “Kahit saan naman ako ay ayos lang. Saka, pakiramdam ko ang homey nitong bahay.” Nakita nito ang mga libro sa lamesa na kinatanga niya. “Nag-aaral ka na kaagad?”  Binati muna ni Joyce ang kasama ni Amelia bago hinarap ang bagong kaibigan. “Ah, oo. Gusto ko lang malaman kung ano ang magiging klase ko.”  “Ang aga naman.” Dinampot nito ang isang libro at tinitigan. Halos magkatulad ang ilan nilang klase kaya hindi siya nahirapang intindihin ang ilan sa mga ito.  “Mas mainam na iyan.” Nakita ni Joyce na pumunta ng kusina ang isa sa kasama ng kaibigan. “Sandali lang,” paalam niya rito bago sumunod sa kusina.  “May kailangan po ba akong tanggalin?” tanong niya sa babaeng naglalagay ng pinamili sa ref at kabinet.  “Naku! Wala na, Iha dahil kaunti lang naman ang gamit po rito. Hati-hati na kayo ni Ma’am Amelia rito. Saka, mukhang marunong ka namang magluto, ikaw na lang bahala sa pagkain ninyo. Ang utos kasi sa amin, hayaan si Ma’am na maging independent. Kaya naman ni Ma’am iyon kaya lang nababahala kami kapag usaping kusina. Pero nang makita ko ang gamit dito, alam ko na agad na nasa mabuting kamay si Ma’am!” Ngumiti pa ito habang nagsasalita at patuloy na nilalagay ang mga gamit. May dala pa silang mga kagamitan sa pagkain na para talaga sa dalaga.  “Simpleng pagkain lang po ang kaya kong lutuin.” Nahihiyang napakamot si Joyce sa kaniyang braso.  “Hindi naman mapili si Ma’am. Sana lang po ay tulungan po ninyo siya.” Nahihiya si Joyce na nahimik na lang at tumulong paminsan-minsan.  “Joyce!” napalingon sila nang biglang sumigaw si Amelia habang bitbit nito ang isang slip na naglalaman ng personal information ni Joyce. Winawagayway niya ito na may ngiti sa mga labi. “You have to call me ate!”  “Ha?” nagtatakang tanong ni Joyce.  “You’re just sixteen years old!”  Nakakunot ang noo na tumigil si Joyce sa ginagawa. Tiningnan nito ang kaibigan bago nagtanong, “Oo. Bakit?” “Edi ibig sabihin, ate mo ako. I am eighteen habang ikaw sixteen pa lang.” Agad itong lumapit kay Joyce  at yumapos sa braso nito. “You skipped the grade?” “Hmm, oo. Tumalon ako ng grade four pagkatapos ko mag-grade one.” Nagningning ang mata ni Amelia sa narinig.  “Wow! Ang talino mo talaga Joyce!” Sobrang hanga talaga nito sa kaibigan, hindi lang mabait at magaling mag-drawing kundi matalino pa talaga.  Nag-usap pa sila habang nakikinig lang ang nag-aayos na babae. Binigyan niya na rin ng meryenda ang dalawa na kung ano-ano na ang pinag-uusapan.  Hindi nagtagal ang dalawa at iniwan ang dalawang dalaga na nag-uusap ng tungkol sa portrait na ipapagawa niya kay Joyce. Kung saan sila puwedeng bumili ng mga gamit na kakailanganin dahil walang alam si Joyce rito.  Kailangan niya ring bumili ng mga gamit na nilista ng isa niyang guro. Doon mapupunta ang allowance na binigay sa kaniya kaya may pera siya. Iyon nga lang, hindi niya alam kung saan puwede makakabili ng mura pero magandang klase.  Dahil may cellphone si Amelia, ito ang naghanap ng lugar gamit ito. Marami ng impormasyon na makukuha gamit nito, at puwede rin silang mag-order online.  Iyon ang usapan nilang nang umalis ang dalawa. Sa labas ay naghihintay ang driver na nasa labas ng sasakyan at naninigarilyo.  “Kumusta ang roommate ni Ma’am?” tanong ng lalaking nasa singkwenta na ang edad pagkatapos niya patayin ang sigarilyo. “Mukha namang mabait ang bata. Kahit sa amin ay magalang ito at hindi mo makikitang gold digger ang dalaga,” sabi ng matandang babae na nasa singwenta na mahigit. Siya ang yaya ng magkapatid simula noong bata pa sila. “Opo, Yaya Meding. Nakausap ko siya kanina sa kusina at mukhang mapagkakatiwalaan naman siya. Hindi siya katulad ng mga kaklase noon ni Ma’am sa middle school na halata namang pakitang-tao lang ang kabaitan.” Umismid pa ito dahil naalala niya ang kaniyang karanasan sa kaibigan ni Amelia noon. May isang beses na panay ang utos nila sa kaniya na hindi niya na alam kung saan uunahin. Tapos minura siya nang hindi niya agad nagawa. Mabuti na lang dumating si Yaya Meding dahil tumigil sila at akala mo maamong tupa na gumalang sa matanda.  “Ito pa iyong parang kana?” singit ng driver nila.  “Oo. Nakilala mo na ba iyon?”  “Opo, Yaya Meding. Mabait nga iyon at hindi plastik makipagkaibigan. Gusto ko po ang batang iyon.”  Sa sinabi ng driver, mas napanatag ang loob ni Meding. Ayaw niya sanang iwan ang alaga pero ito ang gusto ng mga magulang nito lalo na ng kuya nito. Tumatanda na raw ang kapatid kaya gusto nitong natuto ng mag-isa ang dalaga.  Habang ang dalawang dalaga, nagplano silang magsisimba sa umaga at sa hapon ay bibili sila ng mga gamit. Kanila nga itong ginawa nang sumapit ang araw.  Masaya ang dalawa lalo na si Amelia na minsan lang makalabas ng bahay. Si Joyce ang naging guide niya sa daan at kung ano ang sasakyan habang siya ang naging bahala sa loob ng department store.  Naging abala ang dalawa noong linggo at maagang natulog. Gusto nilang makapasok ng maaga sa lunes, ang umpisa ng bagong taon sa paaralan.  Pagdating ng lunes, naunang naligo si Joyce habang nagluluto ng kanin sa rice cooker. Balak niya, pagkatapos maligo ay makapag-ayos ay magluluto siya. Pritong itlog at hotdog lang ang plano niyang lutuin dahil hindi ito mabaho sa damit.  Nang magising si Amelia ay naghahanda pa lang si Joyce na magluto. Agad itong lumapit sa dalaga at bumati, “Good morning, Joy!” “Good morning!” nakangiting bati rin ng isa. “Maligo ka na roon at para makakain agad tayo.”  “Okay!” Nag-inat pa ito bago kumuha ng tuwalya sa kwarto at pumunta ng banyo.  Kaniya-kaniya silang may ginawa hanggang dumating ang oras na kailangan na nilang pumunta ng eskwelahan. Malapit lang ang dorm sa eskwelahan kaya kaya lang lakarin.  Doon lang din napag-alaman ni Joyce na ang dorm ay kadalasan sa mga estudyanteng may kaya sa buhay pero malalayo ang tirahan. Iba ay piniling manatili rito habang ang iba ay may condo na nakukuha.  Ang mga iskolar na katulad niya ay binibigyan talaga ng dorm. Ito ay para agad silang mapatawag ng guro kung may kailangan sa kanila. Saka, kasama kasi ito sa scholarship program. Puwede namang hindi manatili ang estudyante sa dorm kung gusto nila, kadalasan nga lang ay dahil sa kahirapan, sa dorm na pinipili ng estudyante.  Opening ceremony pa lang naman kaya dumalo silang dalawa at naupo ng magkatabi. Walang seating arrangement, basta ang importante ay nakuha ang attendance mo gamit ang ID.  Sa pagpasok ng hall, may device doon kung saan puwedeng mag-swipe ng ID. Doon nakikilala ang mga estudyante at siguradong dumalo talaga sila.  Dahil first year pa lang sila, hindi pa naibibigay ang ID nila. Kaya naman nililista na lang muna sila ng taong nakaupo roon sa labas. Alam naman nila ang section nila kaya madaling na sort out ito.  Naupo ang magkaibigan sa gilid. Medyo hindi pansinin ang pwesto nila, iyon nga lang, dahil sa taglay nilang ganda ay napapalingon ang ibang tao lalo na ang mga kalalakihan.  Sa kalahating banyaga ba naman nilang ganda, halos lahat talaga ay mapapalingon sa kanila. May katulad din naman nilang banyaga na estudyante pero iba lang siguro ang vibes ng dalawa kaya pansinin.  Nag-umpisa ang programa at maraming tao ang nagsalita sa harap. Nakikinig man sina Joyce at Amelia, nagbubulungan pa rin ang dalawa. Iyon nga lang ay hindi palagi at baka masaway na talaga sila.  Nagsalita ang mga guro sa harap, pero ni isa ay wala maalaala agad si Joyce. Nakakalimutan agad niya kung sino ito lalo na kung hindi nag-iiwan ng magandang impression sa kaniya.  Ang kilala niya pa lang ay ang nasa registrar at ang Dean. Ang huli ay inalala niya talaga kasi kailangan niyang kilalanin ito kasi nay importante itong posisyon. Ang tao sa registrar ay naaalala niya lang dahil limang araw niyang nakasama.  Hanggang nagsalita ang Student Council President. Naalala ni Joyce na presidente ito pero hindi niya maalala ang totoo nitong pangalan.  Ang alam niya kasi, bad experience ang mga tagpo nila. Kaya ayon, hindi niya maalala kahit pangalan lang nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD