Chapter 8

1844 Words
Naging sunod-sunod ang mga araw na pumupunta si Art sa dorm nila Joyce para lang maghapunan. Hindi na nagsalita pa si Joyce, bagkus ay nagdadagdag na lang ng luto. Umpisa pa lang naman, hindi sa kaniya ang niluluto niya kaya hinayaan niya na. Minsan nagdadala rin naman ang lalaki ng grocery kaya ang dami nila palaging pagkain.   Ngayong umaga, sa unang pagkakataon, sabay na lumabas ang magkaibigan para pumasok. Naging maaga ang pagpasok ni Joyce dahil dadaan pa siya sa library para kumuha ng ilang libro para sa susunod nilang leksiyon. Hindi kasi sapat ang paliwanag ng librong mayroon siya kaya gusto niyang mag-research pa.  “Mamaya pala libre ako ng one to two. Sa labas tayo kumain mamaya?” aya ni Amelia sa kaibigan. “I am craving for some seafood at may malapit atang seafood restaurant dito. Punta tayo?” “Wala akong pera maiaambag,” nahihiyang sabi ni Joyce.  “Okay lang. Libre ko na! Malaki naman ang allowance ko saka malaki na nga naiipon ko dahil sa mga luto mo sa bahay. Mas nakakatipid ako kapag ikaw ang nagluluto.” Tumingin ito kay Joyce na ang lawak ng ngiti. Hindi nga ito nagbibiro o nagsisinungaling na malaki ang naipon. Saka, nandiyan ang kuya niya kaya mas tipid siya.  “Pero-” Hindi pa niya natapos ang sasabihin nang sumabat na si Amelia, “Minsan lang naman. Kaya samahan mo na ako. Sige ka, baka nakawin ako riyan sa labas.” Hindi alam ni Joyce kung natatawa ba siya o iiyak sa kaibigan. Napabuntonghininga na lang siya at sumang-ayon dito. Tuwang-tuwa itong umalis at nauna na dahil malapit ng mag-umpisa ang kaniyang klase.  Habang si Joyce ay tumuloy nga sa library. Maaga pa lang ay bukas na ang library kaya kaagad siyang nakapasok.  Ang hindi niya alam, halos lahat ng madaanan niya kaninang estudyante ay mapapalingon sa kaniya. Karamihan ay nga kalalakihan dahil naakit sa ganda niyang taglay. Ang iba ay may nobya pa kaya nahahampas ang ilan sa mga ito.  “Nandito ako pero siya pa ang nililingon mo?” Umirap pa ang babae sa nobyo nito. Hindi siya katulad ng iba na sisisihin ang babae o si Joyce dahil lumingon ang kaniyang nobyo rito. Ni hindi nga pinapansin ng dalaga ang mga lalaking halatang nagpapansin.  “Nagandahan lang, Babe. Saka, balita ko kasi matalino iyan kaya, I am curious too,” pagdadahilan nito na yumakap pa sa kabiyak.  “Oo. Alam ko kung gaano siya katalino. Siya lang naman ang naka-perfect ng entrance exam after our school president did it on his time.” Kahit nga rin siya ay hanga sa babae kaya hindi niya masisi ang nobyo.  Kung ang itsura ni Joyce ay nakakaakit ng lalaki, ang karisma naman nito ay maaaring makaakit ng mga babae. Dahil siguro sa kaniyang pananatili sa lugar nila na palaging may away, nagkaroon siya ng karismang nakakaakit sa mga babae. Para kasing ligtas ka kapag siya ang kasama mo at dagdagan pa ito ng talino niyang taglay.  Marami pang bulungan ang maririnig sa daan, at hindi iyon nakaligtas sa isang babaeng naglalakad sa gitna. May dalawang alipores ito sa kaniyang gilid na akala mo nga espasol ang mukha. Mamahalin ang kaniyang mga gamit, na noon ay palaging gitna ng atensyon.  “What are they talking about?” tanong ng babae sa gitna. Ngayon lang ito pumasok dahil nag-enjoy sa bakasyon niya sa ibang bansa. Wala namang masabi ang mga guro dahil sila pa ang mananagot kapag nagreklamo sila.  “Sa pagkakaalam ko, there’s a new student na mas beautiful daw kaysa sa iyo.” Ang conyo nitong magsalita na kahit sino ay maiinis maliban sa dalawang sanay na sa kaniya.  “Yup! Bulong-bulungan ang tungkol sa kaniya ng mga kalalakihan. Sa pagkakaalam ko, kumukuha siya ng… ng acupuncture.” Nagtaas pa ito ng kamay na akala mo tama ang sinabi.  “Architecture iyon! Stūpîd!”  “Ikaw iyon! Ang conyo mo!”  “At least, hindi like you.” Irap nito at umirap naman ang isa.  “Can you cut it off?” Nanahimik silang dalawa nang magsalita ang kanilang leader. “I want to know about this woman. Give her information before the end of the day.” She flipped her hair and left them with a sway on her hips.  Iba na ang tumatakbo sa isipan ng babae, at si Joyce ay walang kaalam-alam kung ano maaaring dumating sa kaniya. Minsan, ang pagiging maganda ay nakakasira ng bait ng ibang tao. Ito ay dahil sa inggit.  Nang sumapit ang ala-una ng hapon, nagkita ang dalawa sa restaurant na sinasabi ni Amelia. Seafood nga ang mga binebenta nila at halatang masasarap.  Mas nauna si Amelia roon kaya nasa mesa na ang order niya bago pa dumating si Joyce. Nagulat pa ang huli sa dami ng pagkain na nasa mesa.  “Mauubos ba natin itong lahat?” nagtataka nitong tanong.  “No. Kaya tinawag ko si Kuya,” sabi nito na ngumiti ng malawak.  Hindi man sabihin ng harapan ng Kuya ni Amelia, ramdam ni Joyce na ayaw siya nito. Hindi niya alam kung bakit lalo na’t hindi naman siya palaging pakikisalamuha rito.  Hindi nga nagtagal at dumating din ito. Nagulat pa ito nang makita si Joyce pero hindi siya umimik kahit binati siya ng dalaga. Hindi na ito binigyang pansin ni Joyce at nagsuot na lang ng plastic gloves.  Unang kumuha si Amelia ng alimango at halatang hirap ito sa pagbukas kaya si Joyce na ang gumawa. Nilagay niya ang laman sa pinggan ng kaibigan at nilagay sa platong lagayan ng balat ang shell nito. “Thank you!” sabi ni Amelia na maganang kumain.  “You’re welcome,” nakangiting turan naman ni Joyce.  Nagpatuloy siya sa pagbalat para sa kanila ni Amelia. Doon niya lang din napansin na hindi kumukuha ng pagkain ang Kuya Art ni Amelia kung may balat pa ito. Pero pansin niyang napapalingon ito sa plato ng kapatid.  Gustong matawa ni Joyce pero pinigilan niya na lang. Baka mas magalit pa kasi ito sa kaniya kaya naman magbalat na lang siya.  Nagulat si Art nang biglang may kamay na naglagay ng pagkain sa plato niya. Napalingon siya kay Joyce na nakangiti. Hindi ito nagmamayabang o ano man, sadyang natural lang ang ngiti nito.  Agad napaiwas ng tingin at napatikhim si Art dahil palagay niya biglang pumitik ang kaniyang puso. Hindi na lang siya nagsalita at kumain na rin.  Mayroon silang alimango, tempura, lobster, at tahong na may cheese and butter. Maganang kumain ang tatlo at dahil iyon kay Joyce na siyang nagbabalat ng mga pagkain nila. Halos ulam nga lang ang kinain nila at ang kanin ay napabayaan na.  Marami ang order ni Amelia kanina pero lahat ay naubos nila sa loob ng kalahating oras. Akala mo gutom ang tatlo dahil ang bilis nila.  Ang mga nakakakita sa kanila ay napapangiti na lang at hindi na nagkomento. Kilala nila ang magkapatid, lalo na si Art, kaya hindi nila kayang magsalita dahil baka mainis si Art sa kanila kapag narinig niya ito. Ang karamihan sa mga customer ay mga estudyante. Pero nagtataka sila kung sino ang magandang babaeng kasama ng magkapatid. Maganda ito pero hindi nag-aalinlangan sa paghawak ng mga pagkain at alam kung paano balatan.  Pero may iilan talaga na hindi na nakapagpigil at nagbulungan na, at hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Art. Napaismid ito sa kaniyang isipan habang tinitingnan ang dalaga sa gilid ng kaniyang mata. Habang si Joyce ay parang binging hindi naririnig ang sinasabi nila, o sadyang wala lang talaga siyang pakialam.  Nang matapos silang kumain, naghiwa-hiwalay na agad sila para makapunta sa kani-kanilang klase. Marami napansin si Art sa mga galaw ni Joyce kanina pero hindi niya ito pinuna. Hindi niya alam ang dahilan, pero hindi niya kayang gawin ito sa dalaga.  Madalas na tawagin siya na perfectionist ng mga tao sa kaniyang maligid. Kahit sa pagkain, dapat maayos at ayaw niya ng magulo. Ang pagkakabangga pa lang noon ng dalaga sa kaniya, nainis na siya. Inisip niyang ang gaspang ng dalaga kung gumalaw.  Ayaw niyang magaya ang kapatid dito kaya palagi siyang nakamasid. Gusto niyang makita ang masama nitong ugali at maisabi sa kapatid para layuan na nito si Joyce. Pero ayon, wala pa rin siyang mahanap na masangsang na amoy rito.  Habang si Joyce ay naging abala sa klase. Ngunit minsan ay nagtataka siya kapag naglalakad sa hallway dahil minsan ay may bigla na lang babati sa kaniya na hindi niya naman kakilala. Nagtataka man ay binabati niya ito pabalik tapos maririnig na lang niyang tinutukso na ito ng kaibigan o minsan ay parang kinikilig.  Hindi ito binigyang pansin ni Joyce at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa buong maghapon. Naisip niyang sa dorm na rin gawin ang para sa magazine at medyo marami rin ang assignment niya.  Habang nasa daan pabalik ng dorm, may nakasalubong siyang ibang estudyante na panay ang bati. Kaya ngiti naman siya ng ngiti.  Ngunit habang naglalakad, may bigla na lang humarang sa kaniyang daraanan. May kataasan ito kaya napatingala pa siya bago niya nakita kung sino ang kaniyang kaharap. Agad niya itong nakilala lalo na ang magkasalubong nitong kilay.  “Kuya Art, good afternoon po!” bati niya rito. Balak niyang umiwas pero hinarang ulit siya ng binata.  Hindi nagsalita si Art kaya tumayo na lang si Joyce at hinintay kung ano ang sasabihin nito. Ngunit kahit anong hintay niya ay hindi ito nagsalita at nakatitig lang sa kaniya. Nakaramdam na ng hiya si Joyce, lalo na’t pinagtitinginan na sila ng ibang estudyante.  “Kuya, may sasabihin po ba kayo?” alanganin niyang tanong.  “Amelia,” sabi lang ni Artavius na nakuha agad ng dalaga.  “Siguro po nakauwi na ng dorm. Bakit po? May ipabibigay po ba kayo?”  Hindi ito sumagot at inabot na lang ang libro sa kaniya. Tungkol ito sa engineering kaya siguradong kailangan ito ni Amelia.  “Sige po. Ibibigay ko po ito sa kaniya pagbalik ko. Mayroon pa po ba?” Hinawakan niya ng mas maayos ang libro at baka mabitawan niya ito.  Nakakunot pa rin ang noo ni Art habang nakatingin sa dalaga. Ni wala kasi itong reaksiyon nang makita siya hindi katulad ng iba na nakakaramdam ng saya o kilig. Nakaramdam na naman ng inis si Art. Alam niyang ayaw niya ng atensiyon pero kung kay Joyce, naiinis siya dahil hindi niya ito makuha.  Hindi siya nagpadala sa kalituhan ng kaniyang damdamin. Basta ang alam niya, naiinis siya sa dalaga at ayaw niyang palapitin ito sa kapatid. Pero sa ngayon, abala siya para bantayan ang dalawa.  “Tell her, hindi ako makakapunta mamaya. I am busy,” ika niyang nakatitig pa rin sa dalaga. Medyo naasiwa na si Joyce sa mga titig nito pero hindi niya pinahalata.  “Okay po. Sasabihin ko po.” Napansin ni Joyce na papadilim na at gusto niya na ring bumalik sa dorm. “Kung iyon lang po, alis na po ako.” Hindi sumagot ang binata kaya akala ni Joyce wala na itong sasabihin. Pero sa paghakbang niya, nagulat siya sa huling sinabi ni Art.  “Stop smiling. It’s disgusting.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD