Chapter 9

2211 Words
Habang naglalakad pabalik sa kanilang dorm, hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Joyce ang sinabi ng kapatid ni Amelia. Hindi niya maintindihan kung paano ang kaniyang ngiti ay naging ‘di kaaya-aya. Sa huli ay binalewala na lang ito Joyce. Umuwi siya at nagluto dahil mas importante ang makakain siya. Pagkatapos ay inatupag ang mga gagawin katulad din ni Amelia na abala. Hindi nila alam pero nagsabay pa talaga ang gagawin nila. Medyo mahirap ang kailangang gawin ni Joyce dahil kailangan niya ng gadget. Mabuti na lang at mabait si Amelia dahil pinahiram niya ulit si Joyce ng kaniyang gamit. Hatinggabi na noong natapos sila at nakatulog, pero maaga pa ring nagising si Joyce para makapaghanda ng agahan nila. Naging abala silang dalawa. Kahit biyernes na, buhay na buhay pa rin ang mga estudyante sa dami ng pinapagawa at minsan ay test pa. Hanggang sumapit ang alas-dose, vacant ni Joyce na aabot hanggang alas-dos. Habang naglalakad siya pabalik sa dorm, pinagtitingin na naman siya ng mga estudyante. Ngunit ang hindi niya alam, may matang nakamasid sa kaniya mula sa hindi kalayuan. “Anong oras siya kung pumunta ng library?” tanong ng babaeng may masamang tingin kay Joyce. “After her class. Today is friday, pupunta siya ng four,” sabi ng isa. “Stop her later then,” nakaismid na sabi niya. Mas lalong kumukulo ang dugo niya nang maalala niya ang nangyari kahapon ng hapon. Para sa kaniya, masakit sa mata ang kaniyang nakita. “Okay,” simpleng sabi ng isa bago bumaling sa kaibigan. “O, ‘di ba? English iyon!” pagmamalaki pa nito. “Yeah!” Umismid pa siya bago nagpatuloy, “Whatever, stùpìd!” Mag-aaway na naman sana ang dala nang iniwan na lang sila bigla ng kanilang leader. Wala silang nagawa kundi habulin ito. Mabilis na lumipas ang mga oras at dumating na nga ang uwian ni Joyce. Balak niyang pumunta muna sa opisina ng School Pub para ipakita ang nagawa niyang mga tula at short story. Nakapili na rin siya ng iilan at pipili pa mula sa nga estudyante. Mas gusto niyang makapili na ang guro nila para kaunti na lang ang bubunuin niya. Saka, gusto niyang mag-suggest ng isa pang puwedeng idagdag. Dahil isa sa mga hilig niya ang pag-drawing, gusto niyang dagdagan ang mga tula o kwento ng kahit maliit lang na drawing na nagsisimbolo tungkol dito. Bago makapunta sa opisina, dadaanan muna niya ang isang harden na ni minsan ay hindi niya tinangkang pasukin. May trangka kasi ito kaya alam niyang hindi puwedeng pumasok. May puno rin sa labas na siyang nagbibigay lilim. Medyo mainit pa kaya hindi maiwasang hindi makaramdam ng init si Joyce. Kaya naman tumigil muna siya sandali at sumilong sa ilalim ng puno. Malaki ang ugat nito na siyang ginawa naman niyang upuan. Ngunit hindi pa nga siya nakakahinga, may biglang lumitaw sa kaniyang harapan. Napakunot ang kaniyang noo na tiningnan ang tatlong babae. Hindi niya kasi ito kilala at base sa mukha, hindi naman ito lumapit para batiin lang siya. Napuno ng pagtataka at katanungan ang kaniyang isipan. “May maitutulong po ba ako sa inyo?” magalang niyang tanong. Hindi nagsalita ang dalawa pero ang talim ng tingin nito sa kaniya na akala mo may ninakaw siya mula sa mga ito. Habang ang isa naman ay sinusuri siya mula ulo hanggang paa saka pabalik. Gustong tusukin ni Joyce ang mata nito pero nagtimpi lang siya. “Do you know Artavius?” direktang tanong ng babae sa gitna. “Sino po iyon?” nagtataka niyang tanong dahil hindi niya maalala kung sino iyon. “Talagang nagmamaang-maangan ka pa! You are so… so… hurt!” Mas lalong napuno ng pagtataka ang pag-iisip ni Joyce sa sinabi nito. Paputol-putol pa ang sabi nito na mukhang pinag-isipan pa ang sasabihin pero mali pa rin. “You are so nagmamagaling. It is flìrt,” pangwawasto naman ng isa na sobrang conyo kung magsalita. “Wait, hindi ko kayo maintindihan. Sino po ba iyon?” Napataas ang kilay ng nasa gitna sa sinabi ni Joyce. “You don’t know the School Council President? You’re so ridiculous! Are you pulling my leg?” Puno ng pagmamataas ang bawat salita nito na siyang pinakaayaw ni Joyce. “Maybe nakausap ko nga siya, pero hindi ko siya kilala.” Hindi talaga nag-iba ang paninindigan niya kaya nagtaka ang tatlo. Gusto na talagang sabunutan ng isa si Joyce but the leader stopped her on time dahil dumaan ang hardinero. Kahit hardinero ito, takot sila dahil mas may kapit pa ito sa taas kaysa sa mga guro. “Kinausap ka niya kahapon noong uwian.” Napaisip si Joyce kung sino ang kaniyang nakausap hanggang naalala ang isang taong nagalit sa kaniya ng walang dahilan. “Naalala ko na. Si Kuya Art ba ang tinutukoy ninyo?” Gustong matawa ni Joyce nang makilala niya kung sino ang tinutukoy ng tatlo. “Bakit ko naman laladiin iyon, e hindi ko nga siya kilala maliban sa pangalan niyang Kuya Art.” Natawa na nga siya na kinatanga ng tatlo. “What do you mean? At bakit ka niya kinausap kung hindi mo siya kilala?” nakataas ang kilay na tanong ng babaeng nasa gitna. “Huwag mong balaking magsinungaling para lang makatakas dahil mas malala ang mangyayari kapag nalaman ko ang totoo.” Dinuro pa nito si Joyce, na agad naman nitong hinawi nang dahan-dahan. “Bakit naman ako magsisinungaling? Ikayayaman ko ba iyan?” puno ng pang-uuyam niyang sabi. Tiningnan niya ang tatlo na parang mga baliw ito, may awa sa mata pero nakangiti ng peke. “Pogi nga si Kuya Art pero hindi naman umaabot sa puntong kailangan kong manghamak ng ibang tao para makuha lang siya. Actually, he hates me, so why should I bother?” Kibit-balikat niya. “W-what?” Hindi makapagsalita ang leader nila pero napakuyom siya ng kaniyang kamao sa galit. “Kung gusto ninyo siya, sa inyo na. Saka, kaya nga kuya ang tawag ko dahil kuya lang talaga siya sa paningin ko. Kung ang tinatanong ninyo ay iyong kahapon, ginawa lang naman akong utusan ng prince charming ninyo. Kaya naman, please lang, lumabayan ninyo ako kung usapang lalaki lang naman. Kausapin ninyo ako kung gusto ninyong magpaturo sa subject ninyo dahil mas gusto ko pa iyon.” Walang lingon-lingon na iniwan niya ang tatlo, pero nag-iwan pa rin siya ng mga salita. “Mauna na ako. Palagi akong nasa library kung kailangan ninyo ng tulong.” Nanggagalaiti ang tatlo, lalo na ang leader, dahil sa asta ni Joyce at pakiramdam niya ay natalo siya rito. Ni minsan ay hindi sila napahiya pero dahil sa babaeng hindi naman nila kilala, palagay nila inapakan na rin ang kanilang pagkatao. Ito ang unang beses na may nagsalita sa kanila ng ganito. Ayaw pa rin magpatalo ng leader dahil para sa kaniya, hindi siya ang loser. “Siguraduhin mo lang na wala kang gusto kay Art!” pagbabanta nito bago nagpatuloy, “Hansel Stoll, remember that name! Dahil kapag nagkamali ka, pera lang ang kapalit ng buhay mo! Know your place, loser!” nanggagalaiti niyang sabi habang si Joyce ay nakangiti lang na nagpatuloy sa paglalakad. Kumaway siya sa tatlo na hindi ito nililingon. Some students who saw it felt great dahil sa unang pagkakataon ay may lumaban kay Hansel. Noon kasi hinahayaan lang siya ng mga guro dahil sa antas nito sa buhay. Anak si Hansel ng isang mayamang negosyante at malakas din ang kapit nito sa opisyal ng bansa. Kaya naman, kahit anong gawin nito ay hindi napaparusahan. Matagal na rin itong may gusto kay Artavius kaya ilag din ang mga kababaihan na lumapit sa binata dahil sa kaniya. Palagi niya kasing pinagbabantaan ang mga ito. Isa rin siyang kilalang bully ng buong Anderson University. Walang may nagtatagal na estudyante rito kapag ikaw ang napagtripan niya. Sina Artavius at Amelia lang talaga ang hindi takot sa kaniya. At ngayon nga ay si Joyce, isang iskolar na puno ng prinsipyo. Habang nanggagalaiti ang tatlo, tumuloy naman sa library si Joyce. Wala siyang makialam sa tatlo na agad nga niyang nakalimutan noong nakita niya ang librong kailangan. Dalawang libro lang ang kaniyang kinuha dahil baka hindi niya rin maubos sa isang gabi. Balak niya ring umuwi ng kanila sa hapon pagkatapos niyang maglaba at mag-ayos ng gamit. Tapos magsisimba silang mag-ina sa linggo at kakain ng sabay. Babalik siya ng hapon para makapaghanda na naman para sa susunod na araw. Hindi pa naman sobrang abala ang lahat kaya may oras pa siya para umuwi sa weekend. Nang makuha niya ang dalawang libro ay naupo muna siya sa bakanteng upuan at tiningnan ito. Scan lang ang ginawa niya para makita kung alam niya na ba ang laman nito o hindi pa. Minsan kasi magkatulad lang ang laman ng ilang libro kahit magkaiba ang pabalat nila. Habang abala siya sa pag-scan, may bigla na lang lumapag ng librong makakapal sa ibabaw ng mesa. Napaangat ng tingin si Joyce na halatang nagtataka ito. Magkasalubong ang kilay at nakanguso siya ng bahagya na mas lalong humaba nang mapagtanto niya kung sino ang kaharap. “Bakit po, Kuya Art?” tanong niya sa binata na siyang dahilan ng gabundok na libro sa kaniyang harapan. Hindi mabasa ni Joyce kung ano ang iniisip ng binata. Ang hindi niya alam, naiinis na naman ito dahil sa kaniyang narinig kanina. Hindi alam ng apat kanina na isa rin siya sa nakarinig sa usapan ng mga ito. At hindi niya nagustuhan ang sagot ng dalaga. Sa hindi malamang dahilan ay naiinis si Artavius sa mga sagot niya kanina lalo na ang tungkol sa kaniya. Kung ibang babae ang nagsabi no’n ay baka matuwa pa siya. Ngunit, pagdating kay Joyce ay hindi nagiging matino ang kaniyang pag-iisip. Gusto niyang makuha ang pansin ng dalaga na minsan naman ay naiinis siya rito. “Read all of this or I revoke your scholarship,” sabi ni Art na kinagulat ni Joyce. Naningkit ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa binata, inaarok kung nagbibiro ba ito. Nakuha na niya ang scholarship, kaya bakit ito magsasalita ng ganoon. Iyan ang katanungan sa isip ni Joyce. Tiningnan ni Joyce ang libro bago sumagot, “But I already read all of them.” Inisa-isa niya pa ang bawat libro at ano ang laman nito. “Salamat na lang po, Kuya pero ito lang ang kailangan ko.” Inangat niya pa ang dalang libro at sinabi kung ano ito. Nagulat at napatulala si Art nang marinig niya ang sabi nito at hindi siya makapagsalita. Hindi niya inakalang ganito kamasigasig mag-aral si Joyce. Dinaig pa siya nito noong nasa ganitong edad pa lang siya. Napabuka siya ng bibig at magsasalita sana pero naunahan pa siya ni Joyce. Para itong nagmamadali dahil lumingon ito sa malaking relo sa gilid. “Kuya Art, salamat po sa pagbigay ng reference. Pero mauna na po ako dahil dadaan pa ako sa opisina para magpakita ng gawa ko. Sige po! Mauna na po ako.” Hindi na nakapagsalita si Art dahil agad na umalis ang dalaga. Naglista lang ito ng kung anong libro ang hiniram niya tapos umalis agad. Napaupo na lang sa huli si Art at hindi nakapagsalita. Ngunit ang hindi niya alam, isang ngiti ang namutawi sa kaniyang mga labi. Agad na pumunta si Joyce sa opisina at tamang-tama ang kaniyang dating dahil nandoon ng guro. Nakikipag-usap ito sa ibang writer kung ano ang kanilang isusulat na article. Kaya naupo na muna si Joyce sa gilid at hinintay silang matapos. “May kailangan ka kay Miss?” tanong ng isang nakaupo rin sa kaniyang tabi. May salamin ito at halatang bookworm din katulad ng iba. “Oo. May papakita lang ako sa kaniya,” nakangiting sabi ni Joyce. “Hintayin mo na lang silang matapos.” Ngumiti rin ito sa kaniya na indikasyong mabait ito kahit alam nitong mahirap lang siya. Hindi katulad noong tatlong babaeng humarang sa kaniya. Hindi nagtagal ay natapos na rin sila kaya si Joyce naman ang lumapit. Mag-aayos na sana ito ng gamit nang mapansin nito si Joyce kaya tumigil siya. “Nandiyan ka pala. Tapos mo na ba?” “Good afternoon, Miss!” “Good afternoon! May kailangan ka ba?” “Gusto ko po sanang ipakita sa inyo ang napagpasyahan kong ilagay aa magazine. Saka po, may suggestion po sana ako kung puwede lang.” Nakuha ang pansin ng guro sa huli nitong sinabi. “Ano iyon?” “Hindi man po ako kagalingan, pero gusto ko po sanang lagyan ng drawing ang ilang story or poem para mas ma-express po ang damdamin ng sinulat.” Nagliwanag ang mata ng guro sa narinig. “Matagal ko na iyang gusto pero walang may gustong gumawa at wala talagang gagawa.” Napabuntonghininga ito bago magpatuloy, “Bakit? Kaya mo ba at may sample ka?” “Ito po,” sabi niya sabay abot ng hinandang isang papel. Nakapaloob rito ang isang tula at mayroong drawing sa gilid. Isang mata na may luha ang nakasulat tapos ang pamagat ng tula ay Tears. “Hindi ko po alam kung gusto po ninyo.” Nahihiya si Joyce ngunit nawala ito nang masayang tinapik siya ng guro sa balikat. Masaya si Joyce na pinakinggan ang kaniyang sasabihin. “Let’s do this!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD