Mabilis na lumipas ang oras at sumapit na rin ang umaga. Excited na kinakabahan si Joyce sa kaniyang pupuntahan, lalo na’t mag-isa na lang siyang pupunta.
“Handa na ba lahat ng dadalhin mo, Anak?” tanong ni Elsa sa anak na parang may iniisip pa kung ano ang kulang. Nakatulala kasi ito at tumitingin sa paligid.
“Mukhang nasa bag ko naman na po lahat, ‘Nay. Kaya ko na po ito.” Ngumiti pa siya sa ina. Tapos na silang kumain at handa na ring umalis. “Ako na po ang maglo-lock ng pinto, ‘Nay.”
“Sige. Mauna na ako at hintayin na lang kita sa labas.” Naunang lumabas ng bahay si Elsa habang si Joyce ay sinigurado munang nakasara ang lahat ng pinto at bintana.
Paglabas niya, nakita niya ang ina na kausap ang isang batang babae. Isa ito sa binibigyan ng kaniyang ina ng pagkain kapag nakikita niya ito lalo na kapag umaga paglabas niya ng bahay.
“Tara na po, ‘Nay,” aya ni Joyce at kumaway pa sa bata.
Sumakay sila sa jeep at naunang bumaba ito habang siya ay nagpatuloy sa biyahe. Isang sakayan lang naman ito pero ang mahirap lang ang sa loob ng campus. Maaga pa naman, kaya niya pa iyong lakarin.
Pagkarating niya, halos lahat ng estudyante ay nakasasakyan at sa loob talaga ito bumababa. Si Joyce ay naglakad pa at napapangiti siya dahil ang ganda ng mga bulaklak sa daan.
Para kay Joyce, hindi mahirap ang lakarin. Inabot nga lang niya ng sampung minuto bago niya narating ang pilahan kung saan kukuha ng papel na kailangang sagutan para sa enrollment.
Wala naman siyang kilala kaya nanahimik lang siya at sumusunod sa susunod na pila. Hindi naman nagtagal at nakakuha rin siya.
Naghanap siya ng mauupuan at doon balak magsulat. May bench sa malapit kaya doon siya naupo at nag-umpisang sulatan ito. Nakakabit din dito kung ano ang kailangan niyang gawin.
Una, kumuha ng registration form tapos sulatan ng nararapat na impormasyon. Ang sunod ay ipasuri ito sa kabilang room para mabigyan ng slip para makapunta sa clinic. Libre ang medical dito kaya pumunta lang sa clinic for medical. Lalabas agad ang resulta at kapag nakapasa ka ay diretso ka na sa registrar for signing at doon din mangyayari ang interview. Malalaman naman agad kung tagumpay ang enrollment mo.
Kailangan itong sundin ni Joyce kaya naman inisa-isa niya. Sinagutan niya muna lahat, na madali lang naman dahil personal information lang naman ito. May baon din siyang envelope at doon niya nilagay ang mga xerox copy habang tinago niya sa isang envelope ang original.
Sa pagtayo niya, halos matumba siya dahil hindi niya napansing may nakatayo pala sa kaniyang harapan. Nagulat siya sa lalaki at tiningnan niya ito. Pogi ito at masasabing habulin ng mga babae. Mapapansin mo talaga siya kapag hinalo mo sa ibang tao.
“Congratulations! You made it!” nakangiti nitong sabi pero kapansin-pansin ang kakaibang kislap sa mata nito. Laking kalye si Joyce kaya alam niya ang ganitong tao. Ngumiti pa rin ang dalaga kahit medyo naguguluhan.
“Thank you, Sir! Pero, puwede ko bang malaman kung sino po kayo?” puno ng pagtataka niyang tanong.
Dahil sa kaniyang tanong, nakarinig siya ng bulungan pero hindi niya alam kung ano iyon. Pero siguradong tungkol iyon sa kaniya na mas nagpataka sa dalaga.
“Kailangan bang kilala ko siya?” nagtatakang tanong niya sa sarili. Mukhang mayaman ang lalaki sa paningin niya kaya siguradong kilala rito pero hindi niya talaga maalala kung sino ito.
“Really? You forgot about me?” nababakas na naiinis ito dahil hindi siya makilala ng dalaga. Out of instinct na rin siguro, napaatras si Joyce.
“Nagkakilala na po ba tayo, Sir?” Kahit anong halungkat niya sa kaniyang isipan ay hindi niya talaga maalala ang lalaki. Isa ito sa pangit niyang ugali, makalimutin siya sa pangalan at pati sa mukha. Hindi rin siya mahilig tumingin sa mukha ng nakakasalubong niya kahit kaklase niya pa ito. Maraming naiinis sa kaniya dahil dito.
“Yes. Tsk!” Pumalatak ito at pumihit paikot. “Nevermind!” Halatang galit ito bago umalis.
Hindi naman siya kilala ni Joyce kaya hindi niya ito pinigilan. Napakamot si Joyce ng kaniyang braso dahil nahihiya. Hindi niya talaga kasi matandaan.
“Hindi mo talaga siya kilala?” tanong ng babaeng agad na lumapit sa kaniya. Nakangiti ito at halatang mabait kahit mayaman. Ang ibang nakikita niya ay mapagmataas kaya ibang-iba ang aura nito. Hindi makabasag pinggan ika nga.
“Hindi, e. Sino ba siya?” nakakunot pa ang noo na tanong ni Joyce.
“Wala. Pero dahil hindi mo siya kilala, can we be friends?” nakangiti na may dalang pa-cute pa nitong sabi. Sino ba ang hihindi sa ganitong mukha? Ang cute niya na ang sarap kurutin ang pisngi.
“Sure,” sagot ni Joyce. Kinuha niya ang kaniyang bag at tumingin sa bagong kaibigan. “Tapos ka na bang sumagot? At ano nga pala ang pangalan pa?”
“Tapos na, kaya tara na roon sa step two. Ang pangalan ko ay Amelia at katulad mo rin akong first year. Ano palang course or program ang kukunin mo?” tanong ni Amelia habang naglalakad sila papunta sa building kung nasaan ang step two.
“Bachelor of Architecture ang nilagay ko, pero baka magastos. Puwede ko kayang palitan ito?” nag-aalangan talaga siya dahil baka mahirapan siya kapag nangyari.
“iskolar ka, ‘di ba?” Tumango si Joyce bilang sagot. “Kung ganoon, huwag kang mabahala. Nakabase rin kasi sa course mo ang magiging allowance mo. Kaya masasagot lahat ng gastusin mo. Kung problema mo ang pamasahe, may dorm sila rito na puwede mong tirahan kapag weekdays tapos uwi ka ng weekend. Maraming offer ang eskwelahan na ito pero siyempre, kailangan mong palitan ito sa pamamagitan ng pagsali sa club na ia-assign nila sa iyo o maging teacher assistant.” Napatanga si Joyce sa sinabi ni Amelia, pero sa sinabi nito ay nagkaroon ng liwanag para sa kaniya.
“Gagawin ko ang lahat basta matupad ko lang ang gusto ko. Salamat, Amelia.” Napatigil siya at nagtanong ulit nang maalalang hindi niya natanong ito. “Ikaw pala, anong course ang kukunin mo?”
“Engineering naman ang sa akin at saka wala iyon. Pero dahil architecture ang kukunin mo, siguradong magaling kang mag-drawing. Puwede ko bang makita ang mga gawa mo?” Napakamot si Joyce ng kaniyang braso nito.
“May mga drawing ako pero lapis lang gamit ko at bond paper dahil wala naman akong pambili. At dala ko ang iilan ngayon para maging reference ko kung tatanungin ako mamaya.” Nahihiya pa si Joyce pero mawala ito noong nakita niyang excited talaga ang kausap, ang bagong kaibigan.
“Puwede ko bang makita?” Nangingislap ang mata nito sa excitement.
“Sige. Mamaya pagkatapos ng enrollment.” Ngumiti naman si Joyce dahil ang cute ni Amelia para sa kaniya.
“Sige. Hihintayin kita.”
Masaya silang nagpa-enroll at walang takot na hinarap ang lahat. Kahit ang interview ay walang kahirap-hirap. Nakita pa lang ng interviewer ang gawa ni Joyce, gusto niya na lang itong ilipat sa Fine Arts pero mas gusto talaga ni Joyce ang Architecture. Magaling din si Amelia kaya nakapasa agad silang dalawa.
Pero dahil iskolar si Joyce, may kailangan pa itong puntahan para ma-process nito ang grant sa kaniya. Kasama na rin doon ang dorm niya dahil mas madali ito para sa kaniya.
“Ito,” may inabot itong papel na naman, “dalhin mo iyan sa Student Council President. Magpasama ka na lang kay Amelia dahil alam niya kung saan iyon.”
“Sige, Sir. Salamat po.”
“You’re welcome. Also, welcome to our school. Ito ang ikalawang pagkakataon na may nakakuha ng mataas na eskor sa entrance exam.” Nakipagkamay pa ito bago sila hinayaang umalis.
“Upo muna tayo sa roon sa lilim ng puno ng para matapos ka na rin. Tapos, puwede ba tayong kumain pagkatapos? Nagugutom na ako. May treat, at bawal humindi.” Napailing na lang si Joyce dahil parang bata si Amelia.
“Sige. Habang sinusulatan ko ito, puwede mong tingnan ang drawings ko.” Tukoy nito sa panibagong form na binibigay sa kaniya.
“Sige!"
Iyon nga ang ginawa nila. Nanlalaki ang mata ni Amelia nang makita niya ang drawing ni Joyce. Ang realistic nito kahit lapis lang ang gamit. Mayroon din siyang sample design na babagay sa kurso niya kaya makikita talagang magaling ito.
“Pinag-aralan mo ba ito?” Napaisip si Joyce sa tanong nito.
“Pinag-aralan na pumasok talaga sa eskwelahan, hindi. Natuto lang ako sa isang retiradong guro na nagtuturo ng Arts noon. Ang iba ay inaral ko sa pamamagitan ng panonood sa mga video.” Lalong namangha si Amelia dahil wala pa itong proper training pero ang gawa parang gawa na ng isang sikat na artist.
“Bakit hindi ka nag-Fine Arts?” Natawa si Joyce rito dahil magkatulad silang ng interviewer ng reaksiyon.
“Ganiyan rin ang sinabi ng guro kanina. Pero gusto ko talaga ang Architecture, e.”
“Okay.” Hindi na nakipagtalo pa si Amelia at tiningnan na lang ang gawa ng kaibigan. Gusto niyang bilhin ito lalo na ang isang drawing na mata lang nandoon. Hindi niya alam pero napakapamilyar ng mata. “Puwede ko bang bilhin ito?”
Pinakita niya ang drawing ng mata pero umiling si Joyce. Hindi niya kayang ipaliwanag pero ayaw niyang ibigay ang drawing na mata na iyon.
“Drawing na lang ako ng portrait mo.”
“Really?”
“Opo. Kaya lang bond paper lang ang kaya ko pero kung gusto mo ng malaki, ikaw na lang bumili ng papel at lapis.” Wala rin kasi siyang budget, talent lang talaga ang mayroon.
“G! Ako ang bahala sa materials, ikaw ang sa drawing.” Malawak ang ngiti na tumingin ulit si Amelia sa mga drawing. Hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang mata dahil pamilyar talaga.
Sandali lang ay natapos na rin si Joyce. Ilang kopya rin ang kaniyang ginawa kaya medyo natagalan.
“Ito na ang office niya. Katok ka lang at pumasok. Hintayin na lang kita roon sa bench.” Tinuro pa nito ang bench sa ilalim ng puno. Marami kasing puno ng eskwelahan kaya napakaaliwalas.
“Sige. Salamat talaga, Amelia.”
“Sige na. Pasok ka na at baka naghihintay na iyon.” Tumango na lang si Joyce at kumatok. Hindi naman nagtagal at may nagsalita sa loob.
“Come in.” Dahan-dahan na binuksan ni Joyce ang pinto at nagulat talaga siya noong nakita niya ang lalaki. Tiningnan niya ang pangalan sa desk nito.
Artavius Winner, School Council President.
Habang ang lalaki ay napakunot ang noo. Artavius left a while ago with rage in his heart because for the first time, a woman forgot about him even though he didn’t care before. Naiinis siya sa maganda nitong mukha at talino na nasasabayan siya o baka higit pa. Siya lang din ang babaeng binalewala siya.
Ngayon niya naalalang iskolar nga pala ito. Kaya dadaan at dadaan talaga sa kaniya.
“Sorry po, Sir. Maling room po ata napasok ko.” Doon napabalik si Artavius sa kasalukuyan. Hindi siya sumagot dito at hinayaan ito.
Lumabas nga si Joyce at tiningnan ang pinto pero ito nga talaga. Nahihiya siya bumalik. Nakayuko siyang humarap sa lalaking ilang taon lang ata ang tanda sa kaniya.
“Sir, kayo po ba ang President? Sorry po kung hindi ko kayo agad nakilala.” Pinaalala pa nito ang nangyari kanina kaya mas nainis ang lalaki.
“What do you think? Sit down, Miss Scott.” Seryoso talaga ito kaya medyo kinabahan si Joyce. Ito na lang ang huling proseso at baka mabulilyaso pa.
Naupo siya sa upuang nandoon. “Thank you, Sir. Also, sorry po sa disturbo. Ang sabi po ng Dean sa akin ay sa inyo ko raw po ipapasa itong sa scholarship form kasama na rin ng para sa dorm.” Inabot niya ang papel at agad naman itong tinanggap ng lalaki. Pinasadahan niya lang ito ng tingin bago itinabi.
“All good. By the way, congratulations for a perfect score,” walang emosyon niyang sabi na nakasandal sa upuan.
“Really? Thank you, Sir. Hindi ko po alam na na-perfect ko po pala.” Nangingislap pa ang mata ng dalaga na siyang kinaismid ng lalaki.
“Yeah, and how did you do it? Did someone give you the answer beforehand? Or you stole the answer that day when I saw you running in the corridor?” Ang ngiti kanina ni Joyce ay agad nawala. She was speechless at first, pero nakabawi rin siya agad sa katinuan.
“I never cheated and never in my life will I!” buong diin niyang sabi. Nagagalit siya sa panghuhusga ng lalaking ito.
“Okay. If you say so. I don’t care what was done. But I am warning you, I am watching you.” He smirked and bit his lower lips while looking at the dumbfounded girl.