Chapter 2

1308 Words
Minsan lang sa buhay ni Joyce siya ay nabigyan ng pagkakataon upang ipamalas ang angking talino. Dahil din dito ay nakakuha siya ng pagkakataon na matupad ang kaniyang pangarap. Palalampasin niya pa ba ito?  Ni minsan ay hindi nag-iba ang pasya ni Joyce simula noong nalaman niya na nakapasa siya sa entrance exam s***h scholarship ng eskwelahan.  Wala naman problema sa lahat dahil sagot na ng scholarship. Pero iyon nga lang, kailangan niyang bayaran ang dati niyang paaralan para makuha ang mga credentials niya roon at makapag-enroll na siya. Kailangan niya rin ng pang-xerox, makakuha ng ID picture, at pamasahe dahil hindi na sasama ang ginang.  “‘Nay, alis po muna ako.” Napalingon si Elsa sa anak na may pagtataka sa mukha.  “Saan ka na naman pupuntang bata ka? Ang aga-aga pa, ah," puno ng pagtataka niyang sabi habang naghahanda ng pagkain para pambaon.  “Mag-eekstra po ako sa patahian ni Mang Julio roon sa kanto, ‘Nay. Kaunti na lang po ang kulang sa pera ko at makukuha ko na rin ang papel ko sa school mamaya. Bukas last day na po ng enrollment doon sa Anderson.”  “Nakung bata ka! Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin? Edi sana noon ka pa nakapag-enroll. Magkano ba ang kailangan mo? May naipon pa ako rito,” nagpunas ng kamay si Elsa at handa ng pumasok sa silid pero pinigilan siya ni Joyce.  “Huwag na po, ‘Nay. Ipunin na lang po muna ninyo iyan para kung may mas importanteng paggagamitan ay may madukot. Isa pa, malakas pa po ako para kumayod para sa panggastos ko.” Humalik siya sa ina at ngumiti ng malawak rito. “Sige po. Ingat po kayo sa pagpasok. Bye!”  “Sandali! Ito!” pigil ng kaniyang ina at binigay ang baon na hinanda niya kanina. “Sa iyo na iyan at mag-ingat ka.” Hinalikan niya sa noo ang anak.  Agad na tumakbo si Joyce palabas ng kanilang bahay habang si Elsa ay napailing na lang. Laki ng pasasalamat niya na lumaking responsable at masipag ang anak niya kaya hindi naging mahirap para sa kaniya ang palakihin ito. Pero mahirap pa rin ang buhay kaya hindi niya maibigay ang nararapat dito lalo na sa edukasyon.  Nagpatuloy si Elsa sa ginagawa at umalis na rin para magtrabaho. Si Joyce naman ay mabilis na narating ang patahian. Kalahating araw lang siya rito kaya dapat niya agad matapos ang nakatuka sa kaniya.  Mabilis ang galaw na nagsimula agad si Joyce. Sanay na siya sa ganitong gawain kaya mabilis lang sa kaniya na gawin ito.  “Ang aga natin, ah.” Isa sa mga trabahador ng may-ari ng patahian ang lumapit kay Joyce.  “Kailangan ko po kasi agad na matapos ang pagtahi rito sa basahan. May pupuntahan pa po kasi ako mamaya.” Sumagot lang si Joyce na hindi na nilingon ang kausap at nagpatuloy lang sa pagtahi.  “Ganoon ba. Sige, pagsipagan mo.” Umalis na rin ito agad dahil alam niyang hindi niya makakausap si Joyce kapag tutok na tutok ito sa ginagawa.  Mabilis na lumipas ang oras at tapos na mananghalian ang kasamahan ni Joyce noong natapos siya. Pinili niyang huwag na kumain at tinapos na lang ang gawain. Ngayong tapos niya na ang kailangan niyang gawin, makakakain na rin siya.  Pagbukas niya ng baunan na pinadala ng kaniyang nanay, napangiti siya. Para sa kaniya ay suwerte niya sa kaniyang nanay dahil maalaga ito at napakabait.  Ang laman ng baonan ay kainin at tuyo lang pero ang ngiti ni Joyce ay parang nakaulam siya ng masarap na putahe. Masaya siya sa simpleng ulam na ito dahil alam niyang pinaghirapan ito ng kaniyang nanay. Kahit ganito man ang buhay niya ay masaya na siya.  “Joyce,” tawag ng matandang boses sa kaniya. Agad niligpit ng dalaga ang baonan, sakto lang din na tapos na siya.  “Nandito po ako.” Lumapit siya sa matanda na tinitingnan ang kaniyang gawa. Mukhang nagustuhan naman nito kasi panay ang tango.  “Maganda ng gawa mo.” Dumukot agad ito ng pera na pambayad kay Joyce. “Nasa dalawang daan lang ito, ah. Tulad ng usapan natin,” sabi niya sabay abot ng pera.  “Salamat po talaga. Dalawang daan man po ito, malaking tulong na po ito.” Totoo naman na malaking tulong na ito sa dalaga.  Kasama ng ipon niya, mababayaran niya na ang bayarin sa eskwelahan pagkatapos ay may matitira pa siya para pamasahe at pang meryenda pa siyang banana cue.  “Oh, siya. ‘Di ba sabi mo, pupunta ka pa ng paaralan? Kung gayon, gumayak ka na at naka mahuli ka pa," sabi nito habang nakangiti. Ginulo niya pa ang buhok ng dalaga na natawa na lang. Mabait ang matanda kaya marami ang lumapit dito kapag may kailangan pero nga lang ay kailangan mong pagsikapan na natural lang.  Nagpaalam lang sandali si Joyce at umalis na rin agad. Hindi na siya umuwi at tumuloy na lang sa paaralan. Doon ay nakita siya ng dati niyang guro.  “Good afternoon, Ma’am!" bati niya rito.  “Oh, Joyce! Good afternoon din. Bakit ngayon ka lang napadalaw? Mag-aaral ka ba ngayong taon?” tanong agad nito kay Joyce, ang pinakamatalino niyang estudyante nitong taon.  “Opo. May tumulong po sa akin upang makakuha ng scholarship kaya makakapag-aral po ako.” Ngumiti pa ito na kinahinga ng maluwag ng guro. Mabuti na lang at hindi mababalewala ang talino ng kaniyang estudyante.  “Kung ganoon, kukuha ka ba ng card mo?”  “Opo. Last day na po kasi ng enrollment bukas. Hahabol po ako.” Sumabay na si Joyce sa paglalakad sa kaniyang guro na mukhang papunta rin sa office ng paaralan.  “Saan ka ba mag-aaral?”  “Sa Anderson University po dahil doon po ako nakakuha ng scholarship,” nakangiting sabi ni Joyce na kinatulala sandali ng ginang.  “Wow! Congratulations, Joyce. Maraming nagsasabing maganda raw ang scholarship nila riyan dahil may pa-allowance pa sila na kailangan talaga ng estudyante. Kaya lang napakahirap ng exam kaya hindi madali makakuha. Anderson University is one of the prestigious schools in the country. I am so proud of you na nakapasok ka. I know, sa talino at sipag mo ay makakapagtapos ka talaga roon.” Bakas talaga ang paghanga nito kay Joyce na siyang kinapula ng pisngi ng dalaga. Nahihiya siya na nasisiyahan sa sinabi ng guro.  “Salamat po, Ma’am. Sinuwerte lang po akong nakapasok kaya grab the opportunity na po agad.”  “Tama iyan.” Nakarating din sila sa office sa wakas. “Sige. Kunin mo na kailangan mo at baka abutin ka ng closing. Mauna na ako. Ingat ka!” “Sige po, Ma’am. Ingat din po.”  Kinuha na rin ni Joyce ang kaniyang pakay sa eskwelahan. Mga credentials niya na kakailanganin sa bagong school. Pagkalabas niya ay pinakopya niya lahat, pati ang birth certificate na dala niya, pagkatapos ay nagpakuha ng litrato. Natapos niya ang lahat at may natira pa siyang tatlong daang peso dahil binayaran daw ng punong-guro ang kalahati ng bayarin niya bilang regalo sa paggiging top one.  Kahit saan talaga siya magpunta ay binibiyayaan talaga siya ng Diyos. Hindi siya nito pinapabayaan na nararapat lang dahil sa kabaitan nitong taglay.  Umuwi agad siya sa kanilang bahay. Wala pa ang kaniyang nanay, kaya agad siyang nagluto para ka gokain na lang ito pagkauwi. Naubusan din sila ng tubig kaya nag-igib siya sa puso. Nakatatlong balik din siya para pampaligo niya na rin bukas.  Pagkatapos niya ng gawing bahay, hinanda niya ang kaniyang dadalhin para bukas. Pati ang damit ay kaniya na ring hinanda para hindi siya ma-late kakahanap ng damit. Jeans lang naman ito at ang damit na bago pa tingnan dahil tinatago niya.  Sumapit ang gabi at payapang natulog ang mag-ina. Masaya silang magkayakap sa maliit na silid ng kanilang bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD