Chapter 3

1560 Words
"Anong ginagawa mo dito kumag ka? Tsaka, paano ka nakapasok?" Tanong ni Alona, puno ng pagtataka sa kanyang mukha na tanging si Kenneth lamang ang makakapagbigay ng kasagutan sa kanya. Ngiting aso ang iginawad ni Kenneth kay Alona na gulat na gulat pagkakita sa kanya. Inaasahan na ni Kenneth na ganoon ang makikita niyang reaksyon mula sa babae. Sinadya niyang isurprise ito para naman kahit papaano ay matuwa sa kanya si Alona. "Binuksan ko yong pinto syempre." Piloposong tugon ni Kenneth kaya naman nakatanggap siya ng malakas na hampas sa braso mula kay Alona. "Aray naman! Ba't nanghahampas ka dyan." Reklamo nito, hinimas-himas niya abg brasi na bahagyang namula. "Nagtatanong ako ng maayos kaya huwag mo 'kong dinadaan sa kanal humor mo." Singhal ni Alona. "Eto naman highblood agad e, ang aga-aga. Kumain ka kaya muna. Sigurado ako pagod ka lang galing work. Tara, saktong-sakto nakapagluto na 'ko." Anyaya ni Kenneth sa kanya, mayabang na itinuro ng lalaki ang kanyang mga nilutong pagkain na noon ay nakahain na sa may lamesa. "Maupo ka na dito.." Ipinaghila pa siya ni Kenneth ng upuan habang nakasuot ng sobrang tamis na ngiti sa labi nito. Hindi magawang matuwa ni Alona dahil mas nanaig ang inis na kanyang nararamdaman. "Ano ba talaga ang ginagawa mo dito? Ano bang kailangan mo, ha?" "Ikaw.." bulong ni Kenneth pero narinig iyon ni Alona. "Ano?" "Wala, sabi ko maupo ka na at kumain." Ipinaghain siya ni Kenneth ng makakain. Wala siyang nagawa kundi ang magpatangay kay Kenneth nang alalayan siya nitong maupo. "Kenneth, kung ginagawa mo 'to para hingin 'yong kapatawaran ko, please, ihinto mo na." Seryosong tugon ni Alona, hindi niya magawang galawin ang mga pagkain sa kanyang plato. Napasandal si Kenneth sa upuan, nakaharap siya kay Alona na noon ay hindi na maipinta ang inis sa kanyang mukha. "I'm not doing this para lang sa past natin, I'm doing this dahil concern ako kay Cleo." Sagot ni Kenneth. "Sinungaling." Inirapan siya ni Alona. "Psh! Ang feelingera mo naman kasi e. Porket naghahabol na ako sayo, feeling mo nakikipagbalikan na ako? Hindi ba pwedeng hinahabol kita dahil gusto ko na sa akin mapunta si Cleo?" Napabuntong-hininga ng malalim si Alona. Alam niyang nagpapalusot lamang si Kenneth para isawalang bahala niya ang nakaraan nila. "C'mon, Kenneth, hindi na ako tulad ng dati na madali mong napapaikot sa mga kamay mo. Kagaya ng kulay ng budhi mo, alam kong may maitim kang balak ngayon." Agresibong depensa ni Alona. Natawa si Kenneth sa mga sinabi ni Alona. Bahagya niyang naigalaw ang kanyang panga saka nakangising tinitigan si Alona. "Sige, kung meron man, hindi ako magpapatalo. Sisiguraduhin ko na ako ang mananalo at ikaw ang magiging talunan." "Psh! Nauna ang panaginip mo kaysa sa tulog, Kenneth." Pilyong tugon ni Alona. "Kilalang-kilala kita, Kenneth, kakaiba 'yang pagkakatubo ng sungay mo." "Kilala din kita, may nunal ka sa pwet." Nagpakawala ng halakhak si Kenneth na muntik na rin maiyak sa sariling sinabi nito. Samantala, matalim na tingin ang itinapon ni Alona sa lalaki na noon ay halos maiyak na sa pagtawa. Sa inis ni Alona ay mabilis siyang tumayo sa pagkakaupo at walang kahirap-hirap na hinawakan ang kwelyo ng damit ni Kenneth. Nasamid pa si Kenneth sa sobrang gulat at higpit ng pagkakahawak non ni Alona. "A-aray! Alona, ang sakit!" reklamo ni Kenneth. "Babawiin mo yon o hindi?" Pinagdilatan niya ito ng tingin para matakot. "Ba-bat ko babawiin e totoo namang may nu--- Aray!" Mas hinigpitan lalo ni Alona ang pagkakahawak niya sa kwelyo ni Kenneth dahil napipikon siya ng sobra. Hindi niya maitatanggi iyon dahil nakita na ni Kenneth ang kanyang pwet dahil may isang beses ng nangyari sa kanila. "Alona! Pag ako namatay, mumultuhin kita." Sinusubukan ni Kenneth na alisin iyong kamay ni Alona pero hindi sapat ang kanyang lakas. At sa ingay nilang dalawa na halos marinig na pati ng kanilang mga kapitbahay, may isang tinig na parehas na nakapagpatigil sa kanilang dalawa. "Waahhh!" Natigilan silang dalawa, napatingin sila parehas sa kwartong kinaroroonan ng tinig na iyon. Nagkatitig silang dalawa pagkatapos ay nag-unahan silang makapasok sa kwarto na iyon para puntahan si Cleo na umiiyak. Muntik madulas si Kenneth sa pakikipag-unahan kay Alona. "Cleo?" Tugon ni Alona nang tuluyan ng makapasok sa kwarto na kinaroroonan nito. Nilapitan niya ang bata saka pinatahan mula sa pagkakaiyak. "Shh! Tahan na. Nandito na si Ninang." Dahil si Kenneth ang huling ng nakapasok sa kwarto, nakatunganga siyang pinapanood sina Alona at Cleo na naroon sa kama. Nakita niya pa kung paano siya ngisian ni Alona at binelatan. Kung wala lang si Cleo na hawak-hawak nito ay baka sinabunutan na niya ang babae. Matapos nilang mapatahan si Cleo, iginaya na nila ito sa kusina upang mapakain na. Nag-unahan pa sina Alona at Kenneth kung sino ang kakandong kay Cleo pero sa huli, nanalo ulit si Alona. Napakamot na lamang si Kenneth sa kanyang ulo dahil sa inis. Walang nagawa si Kenneth kundi ang pagsilbihan ang bata ng makakain nito. Ipinuwesto niya paharap ang upuan sa gawi nina Alona at Cleo hawak-hawak ang isang plato. Si Kenneth na ang nag-antubiling humawak ng kutsara upang subuan ng makakain si Cleo. “Ano, masarap ba ang luto ni Ninong?” pagtatanong ni Kenneth sa bata. Tumango si Cleo, nagpapahiwatig non na nasarapangan nga siya sa niluto ni Kenneth. Sa kanilang dalawa, si Kenneth talaga ang mas marunong kung usapan sa pagluluto. "Ninang, subuan mo naman si Ninong." Suhestiyon ni Cleo na ikinagulat nila parehas. Nagkatitigan sina Alona at Kenneth. Palihim na napangiti si Kenneth sa gustong mangyari ni Cleo samantalang kinikimkim ni Alona ang inis. "Cleo, hindi siya gutom." Palusot ni Alona at inirapan niya ang lalaki. Sinandukan niya ulit ng makakain si Cleo gamit ang kutsara na hawak dahil gusto niyang takasan ang ipinapagawa ng bata sa kanya. Baka kapag pumayag siya na subuan si Kenneth ay sa sobrang pagkainis ay maisaksak niya sa lalamunan ng lalaki ang isusubo nitong kutsara. "Ahhh...." Nakaabang ang bunganga ni Kenneth upang subuan siya ni Alona. Nandilim ang paningin ni Alona sa pag-iinarte na yon ni Kenneth. Wala siyang nagawa kundi ang subuan na lamang ito. "Hmm.. ang sarap." Usal ni Kenneth matapos siyang subuan ni Alona na noon ay pinasadahan siya ng iritableng tingin. "OA." iritableng tugon ni Mahana habang nakatingin ng nakataas kilay kay Kenneth. "Oh, bakit? Totoong masarap naman talaga e." Depensa ng lalaki. Pinunasan ni Kenneth ang gilid ng kanyang labi gamit ang likod ng kanyang palad pagkatapos ay tinitigan si Alona na hindi maipinta ang inis sa kanyang mukha. "Psh! Bida-bida! Paanong masarap e wala naman akong nilagay na ulam don. Puro kanin lang 'yon." Alyansa ni Alona, inipit niya ang nakaharang na buhok sa mukha nito sa likod ng kanyang teinga. "Hindi naman pagkain ang tinutukoy kong masarap e." Nangising sagot ni Kenneth. Napakunot-noo si Alona na tinitigan ang lalaki. "E ano?" Natawa pa ng bahagya si Kenneth bago ito tuluyang sinagot ang tanong ni Alona. "Ang sarap kumain na lalo na kung sobrang ganda ng nagpapakain sa'yo." Nagpakawala siya ng kindat. Imbes na kiligin si Alona ay inis ang namuo sa kanyang dibdib. Gusto niyang kurutin si Kenneth sa braso pero hindi niya magawa dahil naroon si Cleo. Napamura nalang siya sa loob-loob niya dahil sa pangbabadtrip ni Kenneth sa kanya ng umaga na 'yon. "Che! Ulamin mo 'yang pagiging maharot mo." Pasimple niya itong sinikmurahan si Kenneth saka kinuha si Cleo upang paliguan ito. Matapos nilang mapakain ang bata, si Alona na ang nagprisintang maghugas ng kanilang pinagkainan. Kalaro naman ni Cleo si Kenneth sa may sala na kapansin-pansin ang pagiging masigla ng bata. Nagmistulang playground ang kabuuan ng sala dahil don naghahabulan ang dalawa. Nagkalat din roon ang ilang mga laruan ni Cleo. Samantala, atat na atat si Alona na umalis si Kenneth dahil gusto niya ng kapayapaan. Kapag nararamdaman niya ang presensya ng lalaki ay mas lalong bumibigat ang kanyang dibdib sanhi ng inis at galit. Hindi niya kayang magtagal sa isang lugar na naroon si Kenneth. “Hello? Yap, uuwi na ‘ko. Okay, see you, love.” Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang usapan na iyon ni Kenneth at ng kausap nito sa telepono. Napalingon pa siya saglit sa gawi ng lalaki at nang magtama na ang kanilang tingin ay mabilis siyang umiwas ng tingin. “Aalis na ‘ko.” “Sige.” Hindi na siya nag-aksaya ng oras para ihatid palabas si Kenneth. Hinayaan niya na lumabas na lang ang lalaki ng mag-isa. Panigurado kasing magkakasagutan na naman sila kaya mas pinili niyang manahimik na lamang at magpatay malisya sa narinig nito. Nahirapan pang makaalis ni Kenneth dahil hindi siya pinapayagan ni Cleo. Natagalan pa siya lalo doon dahil umiyak ang bata. Wala itong nagawa kundi ang patahanin at mamalagi doon ng ilang pang oras. Mas lalo tuloy nabuwisit si Alona dahil napapansin niya na mas gusto ni Cleo si Kenneth. “Siguro naman hindi ka bulag. Mas gusto ako ng bata oh?” nakaduro si Kenneth sa batang nakatulog sa kanyang bisig. Inirapan siya ni Alona na noon ay nakakrus ang mga braso nito sa inis. “Asan?” nagkunwari pa siyang naghanap sa paligid. “Eto oh.” Itinuro niya ulit si Cleo. “Asan ang pake ko.” singhal nito pagkatapos ay nilayasan na niya si Kenneth at kinuha nalang niya ang selpon nito saka naupo sa pang-isahang sofa na nasa tapat ni Kenneth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD