Prologue
"Biglaan itong nangyari kina Benj at Krisha kaya nakakaawa ang kalagayan ng naiwan nilang anak. Kaya napagdesisyunan namin na ibigay ang tiwala sa mga matalik na kaibigan nila upang akuhin iyong responsibilidad na kanilang iniwan."
Mangiyak-iyak si Alona dahil sa nangyari kina Benj at Krisha na parehas nitong matalik na kaibigan. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na niya halos matanggap na naiwan ng mag-isa ang kanilang anak na walang kaalam-alam sa nangyari. Hindi halos magsink-in sa utak nito ang napala ng dalawa matapos ang malagim na aksidente na kanilang kinahantungan.
"Buong puso ko po na tinatanggap si Cleo, aakuhin ko po ang responsibilidad na iniwan ng mga magulang niya. Hindi ibang tao si Cleo sa akin kaya gagawin ko ang lahat para hindi niya maramdaman na nag-iisa siya."
Napatingin ito sa batang lalaki na naroon sa sofa, naglalaro sa mini truck nitong hawak habang abala sila ni Attorney na pinag-uusapan ang tungkol sa pang-ampon nito kay Cleo. Mukhang alam na nina Benj at Krisha na may mangyayari sa kanila kaya naman nakapagtataka at gumawa sila ng last will and testament bago pa man nangyari ang aksidente.
"Sige, gagawin natin ang proseso as soon as possible pero kinakailangan nating hintayin iyong makakasama mo sa paggabay sa pagpapalaki kay Cleo." Tugon ng Attorney na ikinatigil halos ng paghinga Alona.
"Ano pong ibig niyong sabihin, Attorney?"
Hindi kaagad siya sinagot ng abogado na nasa harapan nito bagkus ay may kinuha siya sa kanyang drawer na folder at pinanood ko na buklatin niya ito.
"Ayon dito sa last will and testament ng mag-asawa, incase na may mangyaring masama sa kanila at maiwan ang kanilang anak, ipinagkakatiwala nila si Cleo sa malapit nilang mga kaibigan na sina Alona Cyses Medina at Kenneth Salvador.."
Hindi nito halos narinig pa ang iba pang sinabi ni Attorney matapos marinig ang pangalan na matagal na nitong kinalimutan. Isang taon mahigit siguro na kinalimutan niya ang lalaki na 'yon tapos ngayon, malalaman niya na ito ang makakasama niya sa pag-aalaga kay Cleo?
No way! Ani Alona sa kanyang isip.
"Para isahang diskurso na lamang ang mangyayari, inimbitahan ko na si Mr. Salvador para pag-usapan ang co-parenting niyo kay Cleo." Tugon ng abogado na dahilan upang bumilis ang t***k ng kanyang puso dahil sa kaba.
Sa dinami-dami ng kasama nito na natatayong magulang kay Cleo, bakit si Kenneth pa? Bakit 'yong lalaki na nagbigay ng trauma sa kanya one year ago pa ang napili nina Krisha at Benj? Sa dami ng tropa ni Benj, bakit iyong kumag pa ang pinagkatiwalaan niya? s**t! Parang gusto nalang ni Alona na magback out knowing na si Kenneth iyong makakasama niya para magpalaki kay Cleo.
"Sorry, Attorney, I'm late. Rush hour kasi e."
Nagsitaasan ang mga balahibo nito sa batok nang marinig muli ang tinig na isang taon nitong kinalimutan. Napako siya sa kanyang kinauupuan at pakiramdam, naligo na siya sa pawis dahil sa kaba na aking nararamdaman.
Side-eye ang ginawa nitong pagtitig nang makipagkamay siya kay Attorney. Pagkatapos ay naupo siya sa tapat ni Alona kung saan nakaharap sila sa abogado na mukhang nasiyahan dahil dumating na 'yong tao na kanina pa nila hinihintay.
"So, let's start?"
Hindi magawang lumingon ni Alona sa gawi ni Kenneth na noon ay presentableng nakaharap kay Attorney. Kagaya pa rin siya ng dati, malakas ang dating ng porma. Magaling pumili ng isusuot at talagang nakakalaglag ng panty sa kagwapuhan nitong taglay.
"Bago pala tayo magsimula, Alona, this is Mr. Kenneth Salvador ang matalik na kaibigan ni Benj," idinuro siya ni Attorney at nagdadalawang isip si Alona kung lilingunin ba niya ito para makipag-approach o hindi.
Sa hiya na masabihan ng bastos, napalunok si Alona bago tuluyang humarap ng pormal. Nilabanan niya ang titig nito sa kanya, talagang ginawa niya ang lahat para ipakita sa lalaki na wala ng epekto ang presensya nito sa kanya.
Ngumiti ito sa kanya kahit labag iyon sa kalooban niya.
"-Mr. Salvador, this is Alona, ang matalik na kaibigan ni Krisha." Pagpapakilala naman ni Attorney sa kanya.
Si Kenneth ang naglapag ng kamay upang makipagshakehands sa kanya. Napatitig si Alona sa kamay niya na nag-aantay na tugunin ito ng babae. Wala pa rin nagbago sa ekspresyon ng mukha niya, hindi niya mawari kung natutuwa ba si Kenneth sa kanya o hindi.
Shit! Ngayon pa lang, kinakabahan na ako sa mga pwedeng mangyari. Tugon ni Alona sa kanyang isip.
Para hindi maging awkward ang pagitan nila, tinanggap ni Alona kamay nito at nakipagshakehands. Siya ang unang kumalas ron at nagpatay malisya pagkatapos. Itinapon nito ang atensyon kay Attorney pero parang may humihigop sa kanya na pagnakawan ng tingin si Kenneth.
Takte! Bakit sa gantong sitwasyon pa kami nagkita ulit?
"I'm hoping that your co-parenting to Cleo is going to be fine, Mr. Salvador and Miss Medina." Tugon ni Attorney matapos iyong mga diskurso nito na hindi halos naintindihan ni Alona dahil mas nangibabaw ang lakas ng t***k ng puso nito dahil sa presensya ni Kenneth.
Anong fine? Ngayon na nalaman ko na siya ang makakasama ko sa paggabay kay Cleo ay sumasabog na sa kaba ang puso ko.
Gustong humindi ni Alona sa responsibilidad na ito na kasama ang kumag na si Kennrth. Pero, may isa siyang salita sa matalik nitong kaibigan na si Krisha, baka multuhin siya nito kapag hindi nito ginampanan ng maayos ang hiling niya sa kanya.
Paano niya kaya makakayang alagaan si Cleo na kasama si Kenneth? Anong buhay ang naghihintay sa kanya? Anong mapapala nito sa responsibilidad na 'to na kasama ang lalaking kinalimutan na niya?
How can she survive to her co-parenting with that f*****g Playboy?