Chapter 4

1593 Words
"Yes! Out na naman. Thank you, Lord." Nag-inat ng braso si Alona dahil tapos na naman ang kanyang duty sa may call center. Matapos mag-inat ng braso ay inalis na niya ang head phone na nakasalpak sa kanyang teinga. Inayos niya ang mga kalat sa kanyang desk. Nagspray siya ng alcohol sa ibabaw nito pagkatapos ay inilagay sa basurahan na nakapwesto sa ilalim ng kanyang desk ang mga pinagbalatan niya ng candy. Pagkatapos ay kinuha niya ang tasa na ginamit niya kaninang madaling araw na pinagtimplahan niya ng kape pampawala ng antok. Pumunta siya sa sariling kusina ng kanilang opisina at hinugasan iyong tasa at iba pang kubyertos na kanyang ginamit. After niyang maghugas ay bumalik na siya sa kanyang desk. Inilabas niya ang kanyang mga kolorete sa bag at sinimulang magretouch. Haggard siyang tignan sa salamin niya kaya naglagay siya ng kaunting foundatin sa mukha nito, konting liptint sa kanyang bibig at pinasadahan niya din ng mascara ang kanyang mga pilikmata para maganda kung tignan. After ng pareretouch, hindi niya nakaligtaan na maglagay ng pabango sa buo nitong katawan. "Wow! Mukha yatang pinaghahandaan mo 'yong sundo mo na nandon sa baba ah." Asar ni Sharmaine sa kanya, ang katrabaho niyang kakarating lang dahil day ang shift niya. Napakunot-noo si Alona. "Sundo? Wala naman akong inaasahan na sundo. Saka nagreretouch lang ako kasi sobrang haggard ko tignan. Syempre, kahit stress sa work, huwag kalimutang magpaganda para magmukhang yummy all the time." Patutsada niya habang isa-isa na ibinabalik sa loob ng kanyang bag ang mga kolorete na kanyang ginamit. "Gaga! Totoo nga, may sundo ka. Nag-aantay nga siya sa labas e." "Sinong kumag naman ang susundo sa'kin?" "Well, sakto lang talaga na napansin mong haggard ka today kasi nakakahiya kung humarap ka don na dugyutin. Gora na bes!" Naupo na ng tuluyan si Sharmaine sa kanyang pwesto at sinimulan na ang kanyang trabaho. Samantala, isinuklib na ni Alona ang kanyang bag sa balikat nito. Hindi na siya nag-abalang magtanong pa ulit kay Sharmaine dahil napalitan ng kaba at pagtataka ang kanyang excitement na nararamdaman. Sa sobrang excited niyang malaman kung sino ang tinutukoy ni Sharmaine, nakipag-unahan siya sa mga taong sasakay ng elevator. Nakipagsiksikan siya doon na dati ay hindi naman talaga niya ginagawa. At pagdating sa grouns floor ng building at habol na niya ang kanyang hininga kasabay noon ang kaba na nararamdaman. Mukhang tatalon na ang puso nito sa kaba. "Finally, you're here. Halos pumuti na ang mata ko kakahintay sa'yo." Sinalubong kaagad siya ni Kenneth pagkalabas niya ng building. Nadatnan niya si Kenneth na nakasandal sa may pintuan ng sasakyan nito habang abala na nagpipindot sa kanyang selpon. Mahigpit na kapit ang ginawa ni Alona sa kanyang sling bag habang pinapanood si Kenneth na naglalakad na patungo sa gawi niya. "Anong ginagawa mo dito'ng panget ka?" Salubong na tugon niya sa binata. "Anong masamang hangin ang nagtulak sayo at nandito ka?" Taas kilay na pagpapatuloy ni Alona. Mapaklang natawa si Kenneth. "Tutal, sa iisang bahay lang naman tayo uuwi, naisipan na kitang sunduin." Sagot ng lalaki. Salubong ang kilay ni Alona sa kanyang narinig. Natawa siya ng bahagya. "Nakahithit ka ba ng sunog na tsinelas? Ang lakas ata ng tama mo ngayon?" Asar ni Alona. Naigalaw ni Kenneth ang kanyang panga. "Pwede bang magpasalamat ka nalang dahil nag-aksaya pa ako ng oras para sunduin ka?" "Aba! Siya pa may ganang magalit. Hoy, Kenneth!" Dinuro niya ito gamit ang kanyang hintuturo. "Hindi ko sinabi na sunduan mo ko para maggalit-galitan ka dyan. Tsaka, anong sa isang bahay na uuwian? Sino maysabi sayo na welcome ka don, ha?" "Ako, bakit?" Maangas na tugon niya. Inirapan siya ni Alona sa pagiging mayabang nito. "Tumigil ka na dyan sa kahibangan mo, okay? Wala kang mapapala dahil gagawin ko ang lahat para hindi mapunta si Cleo sa'yo. Hahayaan ko talaga na mamuti yang mata kakaantay." Iniiwas na ni Alona ang kanyang tingin dahil nababadtrip siya ng sobra kapag ganon na nakikita niya si Kenneth. "Umagang-umaga, highblood agad e." Nilapitan niya lalo si Alona. "Tara, uwi na tayo. Akin na 'tong bag mo." Akma niyang hahawakan ang bag ni Alona noong mabilis iyon na iniiwas ng babae para hindi niya ito makuha. Hinampas pa ng bahagya ni Alona ang kanyang kamay. "Hindi bagay sa'yo maging gentleman, ang pangit mo." Masungit na usal ni Alona. "Hindi ako sasabay sayo, kilala kita, kung makapagpatakbo ka akala mo pusa ka na may siyam na buhay. Psh!" Natawa si Kenneth sa sinabing iyon ni Alona. Totoo na mabilis siyang magpatakbo pero alam naman niyang mag-ingat lalo na kung may kasama siya. Wala pa naman siyang history ng aksidente dahil gamay na gamay niyang magmaneho kahit mabilis siyang magpatakbo. "Safe ka sa'kin, hindi naman ako makakapayag na may mangyari sa'yong masama e." Kumindat pa si Kenneth ng bahagya. "Safe mo mama mo." Inirapan siya ni Alona saka inilinga-linga ang paligid upang humanap ng taxi na masasakyan nito pauwi. "Tara na, sumabay ka na sakin. Magsasayang ka lang ng pera pamasahe. Nagmamagandang-loob na nga 'yong tao e." Paawa effect ni Kenneth upang mapapayag si Alona na sumabay sa kanya. "Tigilan mo ko, Kenneth, baka masampal kita. Umagang-umaga ah." Iritableng usal ni Alona. "Tara na!" "Ayoko!" "Okay! Ang arte mo!" At nilayasan nga siya ni Kenneth, pinanood niya ang sasakyan ng lalaki paalis. Natulala pa siya sa ginawa ni Kenneth. Isang salita niya lang ay napasunod na niya ito kaagad. Imbes na masiyahan siya dahil napalayas niya si Kenneth ay hindi, nabadtrip siya lalo. "Gago yon ah, hindi manlang ako pinilit!" - "Ninang!" Sinalubong kaagad ni Cleo ang kanyang ninang na kakapasok lang ng kabahayan. Umalis ito sa pagkakaupo mula sa playmat na nakalatag sa sahig kasama na ang sandamakmak na mga laruan ito. Samantala, lumabas naman mula sa kusina si Kenneth na nakasuot pa ng apron. Nagtama ang kanilang tingin pero matinding irap ang natanggap ni Kenneth mula sa babae. Itinuon nalang ni Alona ang kanyang atensyon kay Cleo, inalis niya ang slingbag sa kanyang balikat saka binuhat si Cleo at saka niyakap ng mahigpit. "Hello, baby, kumusta ang tulog mo?" "Okay lang po, Ninang." Masiglang tugon ng bata. "Look, Ninang, tintas ni Ninong ang buhok ko." Nauutal na sabi ni Cleo. Ipinagmayabang niya ang tinirintas ni Kenneth na buhok nito. "Wow! You look so pretty!" Komento ni Alona. "Wait lang ha, si Ninang ay magbibihis muna bago tayo magplay, okay?" Ibinaba niya ng maingat si Cleo sa playmat. "Okay, Ninang." "Very good. Go, magplay ka na muna." Matapos magpaalam kay Cleo ay pumaroon siya sa kusina upang kumuha ng tubig sa fridge dahil nakaramdam siya ng uhaw. Kinakailangan pa kasi na makipagsiksikan siya sa may tren kanina upang makasakay, kasama na din doon sa jeep, nakipag-unahan pa siya sa mga estudyante na papasok sa eskwelahan. Nagsisisi siya tuloy na nagmakeup bago siya umalis ng opisina dahil nalusaw lang lahat yon dahil sa init. "Buti may nasakyan ka pa pauwi." Usal ni Kenneth sa kanya habang abala na sinasalinan nito ang baso ng tubig. Abala naman si Kenneth sa pag-aayos ng lamesa para sa kanilang umagahan. "Psh! Huwag mo nga kong kausapin. Nakakairita ka alam mo ba yon?" Itinungga ni Alona iyong baso ng tubig ng walang kahirap-hirap saka inilagay sa lababo iyong ginamit niyang baso. Pagkatapos ay naglakad ito palapit sa fridge upang ibalik yong pitsel. "Ang sungit. Alam mo, ikain mo nalang yan. Sakto nakaluto na 'ko." Inanyaya niya si Alona na pumaroon na sa dining table upang makakain na. Ipinagmayabang niya ang kanyang mga niluto na simpleng ulam lang naman kagaya ng pritong itlog at spam. "Psh!" Singhal ni Alona at hindi pinansin ang pagpapasikat ni Kenneth. Pumaroon siya sa kusina upang maglaga ng itlog dahil ayaw niya ng prinito. Samantala, kinuna naman ni Kenneth si Cleo sa may sala upang mapakain na. Hinayaan niya si Kenneth na pakainin si Cleo dahil nga magluluto siya. "Ang sarap magluto ni Ninong 'no? Alam mo ba si Ninang mo, malakas yan kumain pero hindi marunong magluto." Pagkwekwento ni Kenneth kay Cleo. "Sa sobrang takaw niyan pati ako kinain niya." Nagpakawala ng tawa si Kenneth. Pasalamat niya dahil walang pakialam ang bata sa kanyang pinagsasabi dahil abala ito sa paglalaro habang nasa kandungan ni Kenneth. "Hoy! Kenneth, ang baboy mo talag!" Pasimple niyang kinurot sa may tagiliran si Kenneth dahil nag-open ito ng bastos na topic. "Hindi ka na nahiya, nakakandong pa ang bata sayo. Ang sarap talaga supalpalayan yang bunganga mo e." "Nagbibiro lang naman e. Saka wala naman siya pakialam oh, tignan mo." Tinuro niya pa si Cleo na wala ngang pakialam dahil naglalaro ito. "Ewan ko sa'yo, nakakairita ka." Bago binaybay ang daan pabalik sa kusina ay naglaan pa siya ng segundo para sabunutan si Kenneth dahil nanggigil siya ng sobra. Kagaya ng mga nakaraang araw na bumibisita roon si Kenneth, naging playmate siya ni Cleo. Habang si Alona ay kinukuha ang pagkakataon na iyon para gawin ang mga gawaing bahay. Kahit papaano, nagpapasalamat siya dahil kung hindi dahil kay Kenneth, wala siyang kalayaan na magsikilos sa mga gawaing bahay. "Anong meron? May nasunugan ba?" Kagigising lamang ni Alona nang bumungad sa kanya si Kenneth na may dala-dalang basket ng damit. Tulog pa din si Cleo na napagod sa pakikipaglaro kay Kenneth kanina. "Wala.." "E bakit may sandamakmak na basket ng damit at maleta dito? May bisita ka ba at dito mo papatuluyin?" Nagtatakang tanong ni Alona kay Kenneth na abalang inaayos ang mga maleta sa sala. "Wala akong bisita, dinala ko lang ang mga gamit ko dito dahil mula ngayong araw, dito na 'ko titira." Sagot ni Kenneth. "Ano?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD