OLIVIA PIPER ROBLES
"How dare you."
Lumayo siya sa akin at nasa kamay na nito ang kwintas. Maingat niya na pinasok iyon sa box. May pinindot siya na code at unti-unting bumaba ang lalagyan sa sahig. Napalingon ako nang bumukas ang pinto at ang pumasok ang lalaki.
Huminto sila sa gilid ko. "He will escort you to your car, Miss Robles."
Bago pa ako mahawakan ng dalawang lalaki ay idiniin ko ang takong sa kanyang paa ngunit walang reaksyon ang mukha nito. Masama niya akong tiningnan, tila isa lang akong alikabok sa kanyang balikat na kaya niyang pagpagin.
Napalingon ako nang mahinang tumatawa si Ryker.
"Dragon, please escort the little miss troublemaker to her car."
Inarapan ko ito at hindi na umimik. Nauna na akong lumabas at ramdam ko na nakasunod sa akin ang tinawag niyang Dragon. Seriously? Why do they have this codenames? Para silang mga tanga.
Naabutan ko si Mama at Papa na nag-aaway habang nasa labas ng kanilang sasakyan. Tila ang pinag-uusapan nito ay ang ginawa kong gulo sa kanina. It's just Twenty Million and we have diamonds, hindi naman kami nalugi.
Nahinto sila nang makita ako na palapit. Hindi ko ito binati at pumasok na agad sa sasakyan. Sumunod sila Mama at matalim ang tingin nila sa akin nang makaupo sila sa harapan ko.
"Ano ang problema?"
"Really, Olivia? Hindi mo alam ang problema?"
"Alicia, calm down," bulong ni Papa sa aking ina at hinawakan ang kamay nito.
"Itatanong ko ba kung alam ko? Mama, we get what we paid for. We did not lose anything."
"We did, Olivia. May pinaglalaanan kami ng pera na iyon. That money is allotted for acquisition of Building A, nakikipag-unahan tayo na makuha iyon dahil kalaban natin ang Abelardo sa building na iyon. But you just gave the money away. Your pride and bratiness will ruin us all."
I sighed and massaged my temple.
"Don't give me that attitude, young lady!" tumaas ang boses ni Mama.
"The owner of Building A is Antonio Agaton, right?"
"Yes."
"Does Abelardo know how much our offer is?"
"Yes."
"Tell Antonio that I'll meet him tomorrow morning."
Nagtagis ang bagang ni Papa. "You will not sleep with him, Olivia Piper!"
"Papa, I don't have to use my body. I know other ways to make men bow to me."
Nagkatinginan ang dalawa. Huminga ng malalim si Mama bago tumingin muli sa akin.
"No, Olivia. Kami na ang gagawa ng paraan. Tomorrow, I will call your doctor and–”
"I don't need her anymore,” I said in a stern voice..
"You have to talk to her, sweetie," nagging malambing ang boses ni Mama.
"Why? I'm stable now!"
"Oli," inabot ni papa ang aking kamay at pinisil iyon. "Just talk to her. We're still worried, and you know why."
Nag-iwas ako ng tingin. "I don't hurt anyone anymore."
"Please, Oli? For us. You need to talk to your therapist."
"And tell her what?"
"Lahat ng nasa isip mo, anak," marahan na sambit ni Papa.
"That b-tch will just give me a bunch of medicines!"
“Olivia–”
“Fine!” Walang gana kong sambit at sumandal. Mahigpit ang hawak ko sa armrest dahil sa labis na inis.
Nakauwi na kami. Mabilis ko na inubos ang dinner at saka nagtungo sa aking silid. Nang makapagbihis ay naabutan ko si Mama na nakaupo sa gilid ng aking kama at nang makita niya ako ay tumayo siya at lumapit sa akin. Hawak nito ang baso ng tubig sa isang kamay habang ang pamilyar na pills ang nasa kabila.
“I don’t need it.”
“Nagka-insomnia ka, Olivia.”
“I. Am. Working. Hindi ako nagka-insomnia,” pagtatama ko.
“Please, sweetie, pagod na ako makipag-away.”
Huminga ako ng malalim. Dinakot ang pills na nasa kanyang kamay at sunod na inabot ang tubig. Nilunok ko iyon dahil alam kong hindi titigil si Mama.
Hinalikan niya ang aking pisngi. “Good night, my baby.”
Nang lumapat ang pinto sa hamba ay mabilis akong naglakad papunta sa bathroom. Humarap ako sa lavatory counter at sinundot ang aking lalamunan. I opened the faucet and vomited. Pagkatapos ay nagmumog ako upang alisin ang naiwang lasa.
Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin at biglang naalala ang mga salitang binanggit ng lalaki.
‘Look at you, you're just begging for someone to put you in your place.’
Fck him. I will ruin him, too.
Lumabas ako ng bathroom. Kinuha ko ang aking laptop at in-access ang lahat ng CCTV ng event place kanina. Nagbabaka-sakali na may anggulo na kung saan ay mahahagip ang lalaki. Gagamitin ko iyon upang mahanap ang totoong identity niya. Iyon din magiging susi upang mahukay ko pa ang ibang impormasyon.
Lumipas ang tatlong oras ay nakatutok pa rin ako sa laptop. Sinara ko ang laptop nang marinig ang mga yapak sa harap ng aking pinto. Agad akong humiga at nagkunwaring tulog. Walang lock ang silid ko dahil iyon ang batas nila Papa kaya malaya nilang nabubuksan ang pinto.
Umingit ang aking pinto at narinig ko ang pagtawag ni Mama sa aking pangalan.
“She’s sleeping, Alicia. Huwag ka ng masyadong mag-alala,” bulong ni Papa.
“Okay. Good night, sweetie. I love you,” saad ni Mama bago isara ang aking pinto.
Love? Do they?
Do they really love me?
Kung ganoon, bakit patuloy pa rin silang naghahanap ng maaampon? Akala ba nila ay hindi ko makikita ang mga adoption papers na nasa drawers nila? Noone can take my place. Noone.
And that man… that man… I will totally…
“Oli? Baby?” Unti-unti akong dumilat at nakita ko si Mama. “Male-late ka na. Nakaalis na ang Papa mo, pero tulog ka pa rin.”
Kumurap ako ng ilang beses. Wait, nakatulog ako?!
Napasinghap ako at mabilis na bumangon. Dumiretso agad ako sa bathroom upang mabilis na maligo. Last warning ko na kay Boss Kiko, at kahit na ang mahinang nilalang ang tingin ko sa kanya ay kailangan ko ang trabaho na ito. Maganda ang connection nila sa lahat ng industriya at nagagamit ko ang data nila sa lahat ng nais ko.
“Ibabalot ko nalang ang sandwich mo, anak.”
Habang tinutuyo ko ang buhok ay binuksan ko ang laptop. Bigla ay may pamilyar na pigura akong naaninag sa CCTV 4. Pinatay ko ang blower ang ni-zoom iyon.
I smirked.
I got you now, baby.
Habang nagda-drive ay ni-ra-run ko sa database ang picture ng lalaki upang makita ang tunay niyang pangalan. Kahit ano pa ang tago nila, siguradong hindi magtatagal ay mapapasaakin din ang huling halakhak.
Huminto ako nang mag-red light at sumulyap sa aking laptop. Tumaas ang aking kilay nang mabasa ang nakasulat sa aking laptop na ‘MATCH’.
“Ryker,” basa ko sa nakasulat na pangalan sa pasaporte. “Ryker Salvador.”
Nilagay ko ang imahe sa aking cellphone upang ipakita iyon kay Vivian.
Nakarating ako sa opisina ngunit kalahating oras akong late. Buti na lang ay nasa loob ng meeting room si Boss Kiko at kausap nito si Vivian. Matatanggal na rin ata ang maldita na iyon. Tumambay muna ako sa tapat ng cubicle ni Vivian habang hinihintay ito.
Lumipas ang isang oras ay lumabas na siya. Nakakunot ang kanyang noon mang malapitan ako. Hinila ko palabas ng working area.
Pumasok kami sa fire exit door. Nang bitiwan ko siya ay nagpalakad-lakad ako sa kanyang harapan. Nagkunwari na nababagabag.
"Ano'ng problema mo, Olivia? Nakaltasan ka ba ng sahod?"
"Hindi, baliw!" I spatted. Isinuklay ko ang mga daliri sa buhok. "Nagkita kami."
"Huh? Nino? N'ong fiancé mo na baliw? Akala ko ba sumama na siya sa pamilya niya sa London?"
"Hindi siya. Pakialam ko ba sa baliw na iyon. Mabuti nga na iniwan na niya ako kasi hindi ko na matiis ang amoy-imburnal niyang paa."
"Nagkita kami, Vivian. Nagkita ng kami ng lalaki na pinag-uusapan natin noon."
"Counselor, Manager, Captain, SIC, and the Supreme?"
"Yes! Pero 'yong The Manager... nakilala ko na siya."
Nanlaki ang mga mata nito. "Sino siya? Nalaman mo ba ang pangalan niya?"
Tumango ako at lumunok. "Ryker... Ryker Salvador."
She gasped. Binasa ko ang ekspresyon nito at tila malalim ang kanyang iniisip. Nag-iwas siya ng tingin at kumibot ang kanyang labi. Nanliit ang aking mga mata. She’s hiding something from me.
"Wala masyadong impormasyon about sa mga Salvador. All we know is they own multiple industry and one of the major shareholders. Pero after n'on, wala na."
"Wait, bakit hindi tayo mag-deep search sa internet? Baka sakali—"
"I tried, Vi. Naubos ko na ata ang pages ni Google pero wala akong makuha na information na masasabi natin na worth it," pagsisinungaling ko dahil sa totoo ay hindi ko naman ginamit ang google search at nakapag-deep dive na rin ako sa assets ng mga Salvador.
"May picture ka ni Ryker?"
"Yes!"
Dinukot ko ang phone at sabay naming tiningnan iyon. Habang dinadala ko siya sa gallery niya ay biglang nag-black ang screen ng phone ko at lumabas ang mga katagang...
'You got my attention. Good job.'
At pagkatapos niyon at namatay na ang phone ko, hindi ko na iyon mabuksan.
"WHAT?!" Umalingawngaw ang boses ko sa fire exit.
Fck! What happened?! Maganda ang security system ng phone ko at laptop, paano nila ito na-access?!
"Pa... Paano ito, Vi?! Hindi ko alam na hacker sila."
"Kaya pala wala masyadong information about sa kanila ay binubura na nila sa net?"
"Hala, paano ito?!"
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. "Gagawa tayo ng paraan. Sa ngayon, mag-lay low ka nalang din muna."
Tumango ako at huminga ng malalim. Mukhang wala akong mapapala sa babae na ito. I’ll just use her as a decoy.
"Magpapaalam ako kay Boss Kiko. Idadahilan ko nalang na may family emergency ako."
"Pero samahan mo muna ako na uminom. Malungkot na uminom ng mag-isa."
Umiling ako. I looked at her and acted scared. "No. I won't risk it. Hindi ko pa kilala ang kinalaban ko, hindi ako pwedeng tumambay lang at uminom."
I need to get them before they get me.
They already made a move.