RYKER
Nakataas ang aking paa sa mesa habang nakatingin sa tatlong monitor. Nakaunan ang ulo ko sa aking palad at nakasandal sa swivel chair.
“You’re smiling, Manager.”
Nanatili ako sa ganoong posisyon at nilingon ang nagsalita.
“Bloodhound. Good to see you. How’s the hunt?”
Itinapon nito sa basurahan ang basahan na puno ng dugo na galing sa kanyang kamao. “The snakes took care of it.”
“Hm,” matipid kong saad.
“They will crush every bone in that man.”
“That’s what they’re trained for.”
Tumayo ako at hinarap ito. I tapped his shoulder. “Good job, Supreme would be proud.”
“Olivia Piper Robles,” basa nito sa nakasulat sa monitor. “Dude, are you using the mafia’s resources in stalking? Taas pa naman ng tingin ko sa iyo, Manager.”
Hindi ako umimik.
“Wait, sinadya mo na ibigay sa kanya ang footage kung saan kita ka? And you even sent a fake passport? What the hell!”
“She’s a threat.”
“In your pants?”
Matalim ko siyang tiningnan. I let out a sigh and walked past him. Pinaloob ko ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at naglakad palayo.
“This is the main reason why you were never promoted to the alpha-security position. You always underestimate your enemies.”
“She has an angelic face.”
“She’s a hacker. She got through our system. The birds blocked it and notified me.”
“And what are you planning to do to her?”
“She has hell to pay,” saad ko ng hindi siya nililingon.
OLIVIA PIPER ROBLES
Hindi ako nakatulog buong gabi at kahit sa umaga ay hindi ako lumabas sa aking silid. Hinukay ko ang lahat ng maaari kong mahukay tungkol sa kanya. Kailangan ko silang maunahan bago nila ako masira.
May mali ba akong nagawa? May butas ba sa system ko? Kailangan ko hanapin at ayusin iyon bago pa magkanda-leche-leche ang lahat.
Hindi ko pinansin ang katok sa aking pinto. Sumilip ang kasambahay.
“Senyorita—”
“Get out,” malamig kong saad.
“Pero, senyori—”
“I said, get out!”
Mabilis nitong sinara ang pinto at nagpatuloy lang ako sa ginagawa. Ilang sandali lang ay may kumatok na muli sa aking silid sa pagkakataon na iyon ay si Mama na ang sumilip.
“Olivia Piper, you did not eat dinner last night. You didn’t touch your breakfast. You didn’t even have enough rest! Buong araw ay nandyan ka lang sa harap ng computer mo.”
“Leave me alone.”
“I’ve had enough of you, young lady!” malalaki ang kanyang hakbang at sinara ang laptop bago iyon agawin sa akin. “You will have this tomorrow.”
Matalim ko siyang tiningnan. Tumayo ako at hinarap ito.
“You think you can do this to me? I’m not a kid.”
“A… Alvario…” tawag nito sa aking ama.
I glared at her, coldly. “Give me my laptop.”
“Sweetie—”
“Give it, mom,” my voice is ice cold while continuously intimidating her.
She stepped backward every time I got close to her. “Olivia, I am your mother! This has to be stopped! Alvario!”
Mahigpit kong hinawakan ang braso nito. Napansin ko ang takot sa kanyang mga mata.
“Bakit ka natatakot? I won’t hurt you… mother.”
Lumunok ito. “Alvario!”
Sa pagkakataon na iyon ay pumasok na ang aking ama sa silid ko. Hinila niya palayo sa akin ang aking ina at saka niya iyon niyakap. Nagtago ang aking ina sa kanyang likod at inihawak ang mga kamay sa braso ni Papa.
“For Pete’s sake, Olivia! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi mo na nirerespeto ang mga magulang mo. You’re out of control!”
“Me? I am out of control? Do you hear yourself?”
“Oo. Ang sabi sa akin ng therapist mo ay hindi ka sumipot sa session niyo. Do you really want to live like this?!”
Hinilot ko ang aking sentido. My jaw clenched. Ayaw ko na madagdagan ang aking problema.
“We are doing everything for you! Have some appreciation, young lady! You shouldn’t hurt anyone who’s bending backwards just to give you the best in life!”
I turned to him. All I can see now is red.
“You gave me the best in life? We have all of this because of me! I made our name, we are the billionaire Robles because of me! We’ve reached this far because of everything I did! I gave your name meaning, you gave me nothing! If it weren’t for me, you would still be wiping your ass with dirt rugs.”
Namanhid ang aking mukha nang lumapat ang palad ni papa sa pisngi ko. Nalasahan ko ang dugo sa aking bibig dahil nakagat ko ang dila. Malakas ang naging pagsinghap ni Mama.
“Alvario, tama na.”
“Ikaw rin ang dahilan kung bakit dudumi ang pangalan natin! We treat you like our treasure! We thought you’re a gem, but you’re nothing but a rotting piece of crap! You’re insane! A narcissist!”
Hindi ako nagpaapekto sa mga pang-iinsulto ni Papa sa akin. Walang luha na tumulo sa aking mga mata. I look at him coldly. Madali lang sa kanyang sabihin iyon. Humakbang ako papalapit sa kanila. Mahigpit na yumakap si Mama sa braso ng aking ama na hanggang ngayon ay matalim ang tingin sa akin.
“Call me names all you want. But, tell me if you ever get blood on your hands, ‘Pa.” I smirked. “And you're going to find out that s**t doesn't wash off in the f-cking sink.”
Pagkatapos kong sabihin iyon ay lumabas ako ng aking silid at kinuha ang susi ng sasakyan. I have a couple of clothes in the car kaya maaari akong mag-shopping nalang bukas. Pinili ko na mag-stay sa condominium na binili noong nakaraang buwan. Simula ngayon ay doon na ako mag-i-stay.
Malalim na ang gabi at wala ng masyadong sasakyan sa daan at wala na ring masyadong tao. Nag-park ako sa basement at pagkatapos ay pinatay ang sasakyan. Bumaba ako.
Ngunit nakakaapat na metro palang ang layo ko sa aking sasakyan nang may huminto na itim na sasakyan sa aking gilid. It was a black Lexus LX570. Mabilis akong tumakbo upang makalayo sa panganib.
“Running away now, huh?”
Napahinto ako nang marinig ang pamilyar na boses. Unti-unti akong lumingon.
It’s him.
It’s Ryker.
Nais kong lumapit at burahin ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi.
“You.”
“You already know my name, right?”
Nanliit ang aking mga mata. “You sent it on purpose.”
He bit his lips and smiled. “Did I?”
“Ano ang kailangan mo sa akin?”
“If you want to know more, you can come with us.”
“Para patayin o pahirapan? Mukha mo.”
Nagkibit-balikat ito. “You ignited fire and ran from it when it’s burning, like a scaredy cat. You lost, Olivia.”
Naglakad ako palapit sa kanya. Our bodies are so close to each other. I can feel the tension between us.
“I never lost,” sambit ko bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Tumabi ito sa akin at hinayaan ko siya na ipiring ang aking mga mata. Bahala na kung saan ako dalhin ng tadhana. As long as there are people, I can manipulate them to get my way.
I did not flinch when I felt his warm thumb on the corner of my lips.
“Who did this to you?”
I turned my head to him even though my eyes were covered. “Stop acting like you care.”
I heard him sigh.
“How did that little girl turn into this horrid creature?”
“Every family has a secret.”