CHAPTER 1 - BEGIN
OLIVIA PIPER ROBLES (8 YEARS OLD)
"Oli, yakapin mo si Mama. Ang lungkot-lungkot ko, anak. Come here, baby."
Nagbuntong-hininga ako at lumapit kay Mama. Dahil sa musmos palang ay nahirapan ako na umakyat ng kama ni Mama. Hinawakan ni Papa ang aking bewang at binuhat ako upang ihiga sa tabi ng aking ina.
Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak ito.
"Wala ka ng kapatid, Oli. Wala na siya."
Hindi ako umimik. Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan kung bakit umiiyak si Mama. Hindi ko alam kung bakit malungkot siya dahil lang sa nawala ang kapatid ko.
"Alicia, maaari naman tayong mag-ampon. Ayaw ko na nakikita ka na ganito, mahal. Nalulungkot din si Olivia na makita ka na nagkakaganito."
Nalulungkot? To be honest, I don't feel anything.
"I'm sorry..." tanging banggit ni Mama.
Hinalikan ni Papa ang noo niya. "Don't be sorry. We'll be fine."
They have tried but the always lose. But why are they always trying? Hindi naman ako humihiling ng kapatid.
"And look at our girl? Hindi ka ba nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masyadong nagsasalita? Something is wrong with her."
"The doctor said she is fine, my love."
"She's eight, paano siya naging okay?! No... this is my fault too."
"Alicia, none of this is your fault."
Fine, I'll speak. I sighed and wiped her tears. "I'll... be... fine, mama."
Mama's eyes filled with tears and hugged me so tight that night.
Ginawa nga ng aking mga magulang ang balak na pag-aampon. Akay-akay ako ni Papa habang papasok sa orphanage center kung saan nais nilang makilala ang bata na gusto nila makita.
"Olivia," tiningala ko si Papa nang tawagin niya ang pangalan ko. "May kakausapin lang kami sa office, ah? Dito ka lang muna, okay?"
Hindi ako nagsalita at tumango lang. Bumitaw sa akin si Papa at pinanuod ko ito hanggang sa mawala sa aking paningin. Lumingon ako sa labas kung saan naglalaro ang karamihan sa mga bata. May mga ngiti sa labi nila kahit na bilad sa araw at pawis na pawis.
Tiningnan ko ang kulay pink ko na damit at pagkatapos ay binalik sa kanila. I don't want my pretty dress to get dirty.
I'm missing my books and my air-conditioned library. Napansin ko na hindi ako katulad ng ibang bata na mas gustong ubusin ang oras sa paglalaro. Mas gusto ko pa na magbasa at mag-eksperimento ng mga bagay-bagay.
Para hindi lumayo ang loob sa akin ng mga magulang ko ay umaakto ako sa edad ko kahit na ang gustong-gusto ka na magpa-accelerate.
Nagbuntong-hininga ako at naglakad patungo sa swing. Bago ako umupo roon ay inabot ko ang piraso ng tuyong-sanga. Nang makaayos ng upo at nagsimula akong magsulat ng math equations na inaaral ko kagabi.
Ngunit napahinto ako ng may tumapak doon. Tumingala ako at pinanliitan ito ng mata. Isang batang lalaki na tingin ko ay mas matanda sa akin ng tatlong taon.
"Sino ka?" tanong nito.
"Bakit gusto mong malaman?"
"Masama ba?" para itong siga kung magsalita.
"Hindi ako magtatagal dito, makakalimutan mo rin ang pangalan ko. Pwede ba, lumayo ka sa akin. Ang baho mo."
"Ang yabang mo naman komo't malinis ang damit mo."
Tumayo ako at naiinis na hinarap ito. "Ang sabi ko, lumayo ka sa akin. Bingi ka ba?"
Hindi siya sumagot at bumaba ang tingin nito sa naisulat ko sa lupa.
"Kulang ka ng plus-minus sa quadratic equation mo."
Napataas ang isang kilay ko nang marinig mula sa labi nito ang inaaral ko. Bumaba ang aking tingin at tama nga ito, hindi ko naisulat ang plus-minus pero nasa utak ko na naisulat ko iyon kaya walang problema.
"Maganda ka sana, kaso mahina ang kokote mo."
Napanganga ako nang marinig ang pang-iinsulto nito. Bago pa ako makasagot ay iniwanan na niya ako upang makipaglaro sa ibang bata. Nakita ko sila Mama na naglalakad sa gilid ng field kaya't tumakbo ako patungo sa kanila.
"Mama, uuwi na po tayo?"
Lumuhod si Mama at Papa sa harapan ko upang maglebel ang aming mga mata.
"Olivia, nakita na namin ang magiging kapatid mo."
"Ah, sino po?" Huwag naman sana siya.
Lumingon sila Mama at ngumiti ng matamis. Sinundan ko ang tinitingnan nila at lahat ng dugo ko ay napunta sa ulo ko nang ang tinutukoy nila na aampunin ay ang lalaki na nambwisit sa akin.
"Siya ang magiging Kuya mo, anak. Inaayos na namin ang mga papel. Matatagalan kaya pagpasensyahan mo na."
Ngumiti ako ngunit hindi iyon umabot sa aking mata.
"Walang pong problema."
Iniwanan na akong muli nila Mama at Papa. Malalaki ang hakbang ko papalapit sa batang lalaki. Nakatayo ito sa ilalim ng malaking puno at nakahawak ang kamay niya sa kahoy habang ang mga mata nito ay nakamasid sa mga kalaro na nagtatakbuhan sa paligid.
"Hoy."
"Mamaya ka na, hindi pa kami tapos maglaro."
Ang atensyon ng lahat ay nasa lata na nakatayo sa gitna ng palaruan. Nabasa ko ang tungkol sa tradisyonal na laro na iyon. Tumbang preso.
Hinubad ko ang suot na mamahaling sapatos. Kinalkula ng isip ko ang tamang anggulo at distansya para mapatumba iyon. Nang makaayos sa tamang pwesto ay binato ko ang sapatos. Umangat ang isang gilid ng aking labi nang tumumba iyon at matigil ang mga bata.
Matalim ang naging tingin sa akin ng lalaki nang lingunin ko siya. Imbis na matakot at pinagtaasan ko lang ito ng kilay.
"Pakipulot ang sapatos ko at pagkatapos ay sumama ka sa akin."
Nagbuntong-hininga ito at sinunod ang utos ko. Nakahalukipkip ako hang hinihintay siya na makalapit sa akin habang dala ang sapatos. Nang makatayo sa harap ko ay patabog niyang binagsak sa lupa ang sapatos ko.
Sinuot ko iyon at tinalikuran siya.
"Sumunod ka sa akin."
"Saan tayo pupunta?"
I look at him over my shoulder. "Basta."
Tinalikuran ko siyang muli at nagsimulang maglakad patungo sa kakahuyan.
"Ilang taon ka na rito sa bahay-ampunan?"
"Dalawang buwan," walang ganang saad nito.
"Bakit ka napadpad dito?"
Nililibang ko ito ng mga tanong habang ako ay kinakabisado ang lugar na nilalakaran para maayos na makabalik mamaya.
"Binenta ako ng mga magulang ko sa sindikato rito sa Maynila. Nahuli na ang mga tao sa likod ng sindikato at dinala kami rito ng mga pulis."
"Marami kayo?"
"Oo, pero si Wyn-wyn lang ang kaibigan ko."
"Sino si Wyn-wyn? Isa ba siya sa mga bata na kalaro mo kanina?"
"Wala siya roon. Nagpapagaling siya sa clinic dahil may lagnat siya kagabi."
Batid ko na papalayo na kami sa orphanage at halos papalubog na ang araw. Kung ano man ang mangyari sa bata na ito ay wala na akong pakielam. Maniniwala naman sila Mama at Papa sa akin kapag sinabi ko na nakipaglaro ako sa kanya ng taguan at nakabalik ako.
"Kasing-edad mo si Wyn-wyn?"
"Mas bata siya sa akin."
"Ah." Huminto ako at hinarap ang bata. "Gusto ko ng sampalok na iyon."
"Akyatin mo."
"Hindi ako marunong umakyat. Kaya ikaw nalang, pwede?"
"Badtrip naman!"
Kinamot nito ang ulo at nagsimulang akyatin ang puno. Sinamantala ko ang konsentrasyon niya sa pag-akyat para makaalis. Maingat ang bawat hakbang ko na hindi makagawa ng kahit na anong ingay.
Mag-isa akong nakabalik sa kinaroroonan ng orphanage at umupo muli sa swing. Kinuha ko ang kahoy at tinuloy ang inaaral na equations.