CHAPTER EIGHT

2660 Words
                                               “Kailangan mong masaktan para matuto ka.” Wika niya kay Conchita. Nadala lang siya noon sa galit niya pero sa huli napag-isip-isip niyang tama ito. Napakaunfair niya para maniwala sa mga nakita niya. Kailangan pa nitong magmakaawa sa kanya para maniwala siya sa sinasabi nito. Mabuti nalang at sinundan niya ito dahil kung hindi tiyak napahamak ito sa bar na pinuntahan nito. Lalo pa at maraming mga lalaki sa loob ng bar na iyon nang pumasok siya. Nakasandal na ang ulo nito sa mesa at nakatulog na. Binuhat niya ito at dinala sa bahay niya. Ang totoo niyan kapitbahay niya lang si Bea. Tamang-tama ang pagpasok nito sa bahay niya kaya minabuti niyang ipakilala itong nobya niya. Hindi na siya nag-isip pa lalo na at alam niyang impulsive ito kung magalit. Lumakas ang kaba ng dibdib niya nang makita niya kung paano nito patakbuhin ang sasakyan, mabuti nalang at hindi ito nadisgrasya kung hindi baka habang-buhay siyang magsisisi. “Naniniwala ako sayo Conchita pero kailangan mong matutunan ang lahat ng ito. Kailangan mong makita kung sino ang hindi traydor.” Narinig niyang umungol ito dahil pinapunasan niya ang buong katawan nito. Ilang beses din itong nagsuka sa sobrang dami ng nainom. Kung may pagkakamali man ito iyon ay naging pabaya ito. Masyado itong nagtiwala kay Lucas. Paano nalang kung totoong may nangyari nga sa mga ito? Labis siyang masasaktan kapag nagkataon. Mula sa labas ng silid nito ay dinig na dinig niya ang mga ungol ni Lucas. Kung isa lang iyong panlilinlang, kailangan niyang malaman ang totoo at kung bakit.   Napabalikwas ng bangon si Conchita nang maramdaman niyang may kamay na nakahapit sa bewang niya. Nakahinga siya ng maluwag nang makita si Danny. Mahimbing itong natutulog sa tabi niya. “Paanong napunta siya dito? Ang huling natatandaan niya ay nasa isang bar siya at nagpakalunod sa alak. Bumalik siya sa pagkakahiga at yumakap dito nang mahigpit. Gusto niya munang kalimutan na may ibang babae na sa buhay nito. Mahal niya ito at ibabalik niya ang pagmamahalan nila kung kinakailangan. Nagising ito nang kantilan niya ng halik sa mga labi. Alam niyang iiwas na naman ito at lalayo sa kanya pero muli niyang sinakop ang mga labi nito. Bahala na kung ano man ang kahinatnan ng lahat. Nang una ay hindi ito gumaganti sa mga halik niya pero sa huli ay kusa nag itong humahalik sa kanya. Mapusok ang naging palitan nila ng halik na tila ba wala nang bukas para sa kanila Hindi siya tumutol nang maglumikot ang mga kamay nito, pumipisil at dumadama sa buong katawan niya. Mayat-maya pa ay naramdaman niya ang pag-alis nito ng damit niya. Hindi siya tumutol bagkus tinulungan niya pa ito para hindi na patagalin ang tagpong iyon. Buong pagmamahal na niyakap niya ito nang maging isa ang katawan nila. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha niya nang matuklasan niyang walang ibang nakagalaw sa kanya at tanging si Danny lang. Maging ito ay nagulat sa natuklasan. Nginitian niya ito bago niya sinakop ang labi nito. Halos papugto ang naging halikan nila sa saya na nadarama. Naramdaman niya ang panumbalik nang pagmamahal nito sa kanya sa mga haplos at halik nito na ipinagkakaloob sa kanya. Tama siyang hindi siya nagalaw ni Lucas at ngayon sapat na ang nangyari para naniwala ito sa lahat ng sinabi niya. “I’m sorry.” Bigkas nito nang matapos ang pag-iisa ng mga katawan nila. “Naniwala naman ako sa sinabi mo na wala kang alam at walang nangyari sa inyo ni Lucas. Hindi ko lang napigilan ang galit ko nang makita kong nakayakap sa’yo ang lalaking yun.” “Naiintindihan ko naman ang galit mo at tulad ng sinabi ko handa akong patunayan ang lahat, maibalik lang ang pagmamahalan natin.” Sagot niya. “Paano napunta sa silid mo si Lucas?” tanong nito sa kanya. “Yan nga rin ang iniisip ko, simula palang. Hindi ko alam kung ano ang plano niya.” Sagot niya. “Mag-iingat ka sa kanya.” “Tumango siya. “Mahal mo pa ba ako?” tanong niyang tinitigan itong mabuti. “Sa tingin mo ba madaling mawala ang pagmamahal ko sa’yo?” tanong nito kaya napangiti siya. “Bakit may iba na agad?” tanong niya pa nang maalala si Bea. “Kapitbahay ko lang yun at wala kaming relasyon. Ginamit ko lang siya para masaktan ka. Hindi na ako nag-isip pa na maaring mapahamak ka sa ginawa ko kaya sinundan kita. Abot langit nga ang takot ko nang makita kong ang bilis mong magpatakbo, mabuti nalang at huminto ka sa isang bar. ” Sagot pa nito. Buhat sa sinabi nito ay niyakap niya ito nang mahigpit at siniil ng halik. “Mahal na mahal kita Danny at sa’na magtiwala ka sa nararamdaman ko para sayo.” Turan niya pa. Hinaplos nito ang mukha niya. “Alam mo bang nadurog ang puso ko sa tagpong iyon? Kung hindi nga lang umawat ang nanay niya tiyak na napatay ko na si Lucas sa tindi nang galit ko.” Sagot pa nito. “Simula ngayon wag na tayong mag-aaway ha, sobrang sakit sa puso.” Daing niyang natatawa. “Maiiwasan ba natin yun?” “Oo naman basta mahal natin ang isat-isa walang dahilan para maghiwalay tayo.” Nakangiti niyang tugon dito.   HINDI makapaniwala si Conchita sa nalaman nang kausapin siya ni Tita Loida. Sinasabi nitong si Danny na ang may-ari nang kumpanya at mansiyon na ikinagimbal niya. “Ito ba ang paraan niyo para siraan muli si Danny? Tita naman, minsan nang nagtagumpay si Lucas na saktan ako, kaya itigil niyo na ito.” Mataas ang boses na turan niya. “Maniwala ka sa akin Conchita. Usap-usapan na sa labas na nabili na ito ni Danny mula sa sayo.” Sagot pa nito. Natawa siya ng pagak. “Hindi yan mangyayari Tita, dahil hindi ko naman binibinta ang kumpanya.” Sagot niya. Tamang-tama naman ang pagbukas ng pinto at iniluwa si Danny. “Ayan Tita si Danny, tanungin natin siya kung totoo ba ang lahat nang sinasabi mo na siya na ang may-ari ng mansiyon at kumpanya.” Turan niya pa. Kinabahan siya sa pagiging seryoso ni Danny nang humarap ito sa kanila. “Danny!” untag niya dahil hindi ito kumibo. “Oo, Conchita. Ako na ang bagong may-ari ng bahay mo at kumpanya ng iyong ama.” Tugon nito na ikinagulat niya. “Paanong nangyari yun?” gilalas niyang tanong. “Ibininta mo sa akin ang buong shares mo.” Sagot nito na ikinagulat niya. Ibang Danny na ang kaharap niya ngayon. Inabot nito sa kanya ang papel. Kinuha niya iyon at agad na binasa, maging si Tita Loida ay nakibasa na rin. Nakasaad doon ang pagbibinta niya ng bahay at kumpanya kabilang ang ilang ari-arian niya. Tanging ang pera niya nalang sa bangko ang naiwan sa kanya at hawak pa iyon ni Danny. Nakalagay din doon ang pirma niya na totoong bininta niya lahat ng nakasaad. Maraming pinapipirma sa kanya noon si Danny at lahat ng yun ay pinirmahan niya sa panahon na hindi pa siya nakakaintidi, lubos kasi ang tiwala niyang iba ito sa lahat ng tao. Nilapitan ni Tita Loida si Danny at pinagsasampal. “Dahil sa pera lumabas din ang totoong kulay mo! Sigaw nito sa lalaki. “Ikaw na nga ang nagsbi, pera ang dahilan ng lahat.” Sagot pa nito sa tiyahin niya kaya lalong bumangon ang galit sa puso niya. “Hindi ito pwede Danny! Paano mo ito nagawa? Ito ba ang dahilan ng lahat kung bakit mo ako hinanap? Para mailipat sayo nang walang kahirap-hirap ang kumpanya at lahat nang iniwan ni Papa?” tanong niya ditong punong-puno ng hinanakit. Tumawa ito nang nakakaloko. Hindi na ito ang Danny na minahal niya dahil isang gahaman na tao na itong nasa harapan nila. “Tama ka Conchita, lahat ay plinano ko at ngayong nasa akin na ang lahat pwede na kayong umalis sa kumpanya at sa bahay ko.” Sagot nito na ikinagulat niya. “Ginamit mo lang ako?” naniningkit ang mga matang tanong niya. “Bakit naniniwala ka pa rin ba sa forever? Sa tingin mo ba mamahalin ko ang isang gaya mo?” tanong nito kaya inundayan niya nito ng paulit-ulit na sampal. Hinawakan nito ang kamay niya at pilit siyang pinahihinto. Nag-uunahan na rin ang mga luha niya sa pagbagsak. “Hindi ako papayag na kunin mo ang lahat sa akin, lalabanan kita!” madiing ang salitang binitiwan niya. “At ano ang kaya mong gawin?” tanong nito sa kanya. “Kung ako sa inyo umuwi na kayo baka sa pagbalik ko ng mansiyon maski isa sa mga gamit niyo ay hindi ko na palalabasin pa ng bahay.” Sagot nito sa kanya. “Pinapangako kong pagbabayaran mo ang lahat ng ito Danny!” bulyaw kay Danny ni Tita Loida bago ito lumabas ng opisina niya. Umupo si Danny sa swivel chair niya at nagpaikot-ikot. Mapanuring tingin ang binigay niya dito. “Hindi ko alam na sa kabaitan na pinakita mo sa akin ay walang kahit isang totoo!” matigas ang boses na turan niya. “Ginamit mo ako dahil sa sarili mong interes!” dagdag niya pa. “Sa panahon ngayon kailangan mong makipaglaro. Kailangan mong maranasan ang lahat ng bagay sa mundo.” Tugon pa nitong kampanteng nakaupo sa upuan niya. “Hindi ko kailangan maging gamahan para kunin ang hindi akin!” pauyam niyang sumbat. Tumayo ito sa swivel chair at lumapit sa kanya. Hinapit siya nito sa bewang. Pilit niya itong tinutulak. “Mahal mo ako diba?” tanong pa nito. “Noon!” sagot niya sa galit na boses. “Pinaglaruan mo lang ang nararamdaman ko!” “Stay with me at makukuha mo ang lahat ng gusto mo.” Bulong nito sa kanya. Tinulak niya ito nang malakas kaya nakalayo siya dito. “Akin ang kinukuha ko!” sagot niya. “Noon sayo, pero ngayon lahat ng sayo ay akin na.” turan pa nito. “Madali lang naman akong kausap Conchita.” Sagot nito sa boses na parang inaakit siya. “Nagtiwala ako sayo Danny, nagtiwala akong iba ka. Nagawa ko pang ipaglaban ka kay Tita Loida at Lucas dahil sa tingin ko, karapat-dapat kang mahalin. Isa akong hangal dahil hinayaan kong mahalin ang tulad mo!” galit na galit niyang sigaw dito. “Dahil sa tiwalang yan kaya ka napapahamak. Lahat ng tao ay gusto mong pagkatiwalaan kahit na alam mong hindi sila tapat. Bulag ka sa katotohanan Conchita. Pasalamat ka nga sa akin dahil hindi ko hahayaan na lumubog ang kumpanya dahil sa kapabayaan mo.” “Hindi ako nagpabaya. Lahat ay ginawa ko para sa ikaaahon ng kumpanya at hindi pa rin yan sagot para kunin mo sa akin ang lahat.” “Hindi nagpabaya? Bakit mo hinayaan si Tita Loida na magtrabaho pa rito kung hindi ka nagpapabaya? Sa ginawa mo lalo mong pinalubog ang kumpanya.” Sagot pa nito kaya natigilan siya. “Humingi siya ng tawad sa akin.” “Sapat na yun para magtiwala ka muli? Conchita, millions of money ang kinuha niya mula sa kumpanya at dahil lang sa sorry okay na agad?” bulalas nito sa kanya. “Ano ba ang pinagkaiba mo sa kanya? Ikaw hindi ba pinagkatiwaan kita pero ano ang ginawa mo? Kinuha mo sa akin ang lahat at wala kang itinira! Pati damdamin ko ay pinaglaruan mo!” sigaw niya sa mukha nito. Muli siya nitong hinapit sa bewang. “Kailangan mong matutong maglaro para makuha mo ang gusto mo.” Bulong nito sa kanya. Maliit na distansiya lang ang pagitan nilang dalawa pero wala siyang pakialam. Mas higit na nananaig ang sakit na nararamdaman niya. “Congrats, dahil nagtagumpay kang wasakin ang buhay ko at buong pagkatao ko! Sana makatulog ka pa ng mahimbing!” sagot niyang inilayo ang sarili dito. “Hindi mo kailangan umalis ng mansiyon. Pwede kang manatili dun as long as you want.” Turan pa nito. “Is that a favor?” pauyam niyang tanong. “Yes, tiyak kasing wala ka namang tutuluyan. Don’t worry Conchita baka magbago ang isip ko at ibigay ko sayo ang bahay but---stay with me.” Turan pa nito sa kanya kaya agad niya itong iniwan. Labis na nagdurugo ang puso niya nang umuwi siya ng mansiyon. Hindi niya matanggap ang ginawang panloloko sa kanya nito. Physical and emotional ang sakit na nararamdaman niya. Bakit hindi niya man lang naramdaman na niloloko lang siya ni Danny? Tama pala si Lucas, isa siyang mangmang at labis na nagpadala kay Danny. Sa matatanis nitong salita at pangako. Kung sana nakinig lang siya sa mga ito sana hindi ganun katindin ang pagmamahal na nadarama niya para sa lalaki. Sana hindi siya gaanong nasasaktan ngayon. Sana nasa kanya pa rin mga iniwan ng ama niya. Maraming sana.  Sinayang niya lang ang paghihirap nito. Isa siyang tanga! Malaking tanga! “STAY WITH ME.” Iyon ang paulit-ulit na kataga ang bumabalik sa kanyang isipan. Pagbalik niya ng mansiyon ay wala na si Tita Loida. Dala nito ang mamahalin na kagamitan at bukas rin ang mga silid niya, kinuha nito ang mga alahas niya at kahit isa ay walang tinira. Paano na siya ngayon? Paano siya mabubuhay sa Manila? Lahat ay hindi niya kayang pagkatiwalaan. Nag-umpisa siyang mag-ayos ng mga gamit niya niya. Lahat ay sinilid niya sa maleta. Babalik nalang siya sa tribu nila, doon malayo sa gulo. Malayo sa mapanakit na si Danny. Bitbit niya ang naglalakihang maleta at hinintay ang lalaki sa sala. Hindi naman siya nainip dahil agad din itong dumating. “Happy?” tanong niya dahil natigilan ito nang makitang dala niya ang lahat ng gamit.. “Wala na ba si Tita Loida?” tanong pa nitong nagpalinga-linga. “Umalis na at pati mga alahas ko ay tangay nila.” Sagot niya sa galit na tinig. “Ayokong isuko sayo ang lahat na kinuha mo. Gusto kong lumaban pero paano? Wala akong pera dahil lahat ng pera ko ay hawak mo.” Turan niya. “Mapapatawad naman siguro ako ni Papa kapag umalis nalang ako at ibigay na sayo lahat ng ninakaw mo, ibalik mo lang ako sa tribu namin. Malayo sa lahat ng ito at lalong malayo sa’yo.” Wika niya. “Ibabalik ko sayo ang mansiyon na ito.” Sagot nito kaya nabuhayan siya ng loob. “Pati ang pera mo sa bangko ay ibibigay ko sayo.” Turan pa nito. “Anong kapalit?” tanong niya. “Natuto ka’na rin.” Pagkunwa’y sagot nito.  “Well tulad ng sinabi ko stay with me!” dagdag pa nito.. “Hindi naman mahirap gawin yun dahil mahal mo naman ako. Hindi ba?” Dagdag pa nito. Kulang nalang ibato niya dito ang maleta niya sa galit at ang kapal pa ng mukha itong tanungin siya. What the hell? “Sa tingin mo ba mauuto mo pa ako? Oo, mahal kita pero dahil sa ginawa mo ngayon lahat ay nagbago. Ang sakit ay humihilom Danny and don’t assume na hindi ko kayang magmove-on. Naging tanga lang ako dahil a pagmamahal ko sa’yo.” Nanggigigil niyang sagot.             “Sabagay hindi naman ikaw ang naghirap para ipundar ang lahat ng ito kaya madali lang sayo ang lahat na ibigay sa akin..” Pauyam pa nitong pahayag. Sinundot tuloy ng konsensiya ang puso niya.   “I’ll stay. Lalaban ako. Unti-unti kong babawiin sayo ang lahat!” sagot niya. “Ipapakita ko sayong nagkamali ka ng kinalaban!” sigaw niya bago siya bumalik sa sarili niyang silid. Oo, hindi siya dapat na magpakita ng pagkatalo. May laban pa siya. Magtutuos tayo Danny! WALA siyang nagawa kundi ang manatili nalang sa mansiyon. Kailangan niyang ipaglaban ang mga nawala sa kanya. Hindi niya dapat pabayaan na basta nalang mawala sa kanya ang pinaghirapan ng ama niya. Pawis, iyon ang puhunan ng ama niya at namatay nalang ito sa pagtratrabaho. “Lalaban ako Danny! Babawiin ko lahat ng kinuha mo kasama ang puso ko.”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD