CHAPTER SEVEN

2416 Words
                     LAHAT nang problema sa kumpanya ay sumalabong sa pag-upo niya bilang president. Bumaba kasi ang sales nila sa pamumuno ni Tita Loida. Gustuhin niya mang komprontahin ito pero pinagwalang bahala niya nalang. Tiyak na sasama na naman ang loob nito kapag tinanong niya. Umaasa siyang magbabago ang lahat sa pag-upo niya bilang president. Gagawin niya ang lahat para sa ikauunlad ng kumpanya. Napangiti siya nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Iniluwa non si Danny. Ang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya. May dala itong dalawang plastic na puno ng pagkain.Kahit gaano man ito kabusy ay nagkakaroon ito ng oras para dalhan siya ng pananghalian. Tumayo siya at sinalubong ang kasintahan. Lumambitin siya dito at hinalikan ito sa labi. “Sabay na tayong mag-lunch.” Turan nitong nakangiti. Inilapag nito ang dalang pagkain sa office table niya at hinapit siya sa bewang. “Kumusta ang trabaho?” tanong nito sa kanya. Nakatitig ito sa mga mata niya. Napabuntong –hininga siya sa pagod at stress sa trabaho. “As usual ang daming kailangan asikasuhin, sumasakit na nga ang ulo ko. Isipin mo isang buwan pa lang akong namumuno sa kumpanyang ito at mukhang ubos na ang pasensiya ko.” Inis niyang sagot. “Susuko ka na’lang ba agad?” “Nope.” Sagot niyang umiling. “I take it as a challenge. Hindi ko pababayaan ang kumpanya ng ama ko na ibang tao ang mamahala. Ngayon pang tuluyan ang pagbagsak ng sale natin sa ibang bansa.” Sagot niya dito. “At dahil yan kay Tita Loida, right?” tanong nito sa kanya na ikinagulat niya. “Ako ang lawyer ng kumpanyang ito, kaya alam ko kung ano ang mga katiwalian na nangyayari. Maraming pera ang nawala simula nang umupo si Tita Loida.” Dagdag pa nito. “Yan din ang mga natuklasan ko. May mga gawang produkto rin na nawawala sa pabrika at hindi ko alam kung saan napupunta. Nagagalit na nga ang ibang costumer natin dahil palaging kulang ang mga deliveries.” Tugon niya rin. “Anong plano mo?” Humiwalay siya sa katipan at pabagsak na umupo sa swivel chair niya. “Hindi ko alam kung tama ba na kausapin ko si Tita, sa tuwing kasi na nagtatanong ako sa mga problema dito sa kumpanya ay nagagalit siya.” Sagot niyang napapabuntong-hininga. Lumapit ito sa kanya at hinilot ang sintido niya. Nakaramdam siya ng ginhawa nang magsimulang hagurin nito ang ulo niya na kanina pa kumikirot. Naramdaman niya ang pagdampi ng halik nito sa noo niya. “Ayokong nakikita kang na-eestressed dahil alam ko na hindi ito ang pangarap mong buhay at lalong hindi ito ang buhay na pinangarap ko para sa’yo. Gusto ko ng tahimik na buhay na kasama ka. Iyong tipong walang iniintindi.” Wika pa nito. Kay sarap pakinggan ng mga sinasabi nito. Iyon din kasi ang gusto niya payapa at masayang buhay kapiling ito. “Tulad nga ng sinabi mo, importante ito para sa atin dahil ito ang naging buhay ni Papa. Dugo at pawis niya ito kaya hindi ko ito pwedeng talikuran.” “Oo, hindi tayo dapat sumuko. Lahat gagawin natin sa ikauunlad ng kumpanya. Kahit may masagasaan tayong tao. Kailangan nating gumawa ng aksiyo para dito dahil kung hindi baka tuluyang malugi ang kumpanya.” Tumango siya sa sinabi nito. “Paano haharapin ni Tita ang lahat ng ito?” “Ginawa niya ang lahat ng ito kaya kailangan niyang harapin. Hindi porket kamag-anak mo siya ay babaliwalain mo nalang ang lahat ng katiwalian. Walang kama-kamag-anak sa negosyo. Lahat ay kalaban.” Turan pa nito sa kanya. “Ganyan ba si Papa?” “Oo, ganyan si Tito Benny. Kapatid niya ay itinakwil niya dahil sa ginagawang katiwalaan nito at ang lahat ng iyon ay dahil kay Tita Loida. Si Tita Loida rin ang dahilan kung bakit tinulak ni Tito ang ina mo, pinaniwala nila si Tito na may lalaki ang ina mo kaya niya ito iniwan.” Kwento pa nito sa kanya na ikinagulat niya. “Nagawa yun ni Tita?” bulalas niyang tanong bago siya umikot paharap dito. “Ganyan siya dahil sa pera at mag-iingat ka dahil kasama mo siya sa iisang bubong.” Babala pa nito sa kanya. Hindi niya mapigilang hindi magalit kay Tita Loida, ito pala ang dahilan kung bakit nawalay sila ng ina niya sa ama. Lahat ay kagagawan nito. FOURTH monthsary nila ni Conchita kaya nagpasya siyang bumili ng bulaklak bago siya umuwi. Sa tantiya niya alas nuwebe na ng gabi iyon dahil marami pa siyang inasikaso. Tahimik na ang kabahayan nang dumating siya. Hindi niya maiwasang manlumo, tiyak na nagtampo na sa kanya si Conchita dahil hindi siya nakarating sa dinner na inihanda nito.Tumuloy muna siya sa silid niya at nagbihis. Dala-dala ang bungkos ng bulaklak nang may narinig siyang halinghing sa loob ng silid ni Conchita. Bumangon ang kaba sa puso niya. Kinakabahang pinihit niya ang doorknob ng silid nito. Hindi iyon nakalock kaya tumambad sa kanya ang hubad na katawan ni Lucas. Nakayakap ito sa hubad na katawan ni Conchita, kapwa lupaypay ang mga ito sa pagod. Dumilim sa galit ang mukha niya. Agad niyang kinuha si Lucas sa kama at kahit na tulog ay agad niya itong inundayan ng suntok. Nagkagulo ng gabing iyon. Lumabas ang ina nito at ibang tao sa loob ng mansiyon. Nagising din si Conchita na tila walang alam sa nangyari, kung hindi siya pinigilan ng ina nito baka namatay niya si Lucas. Sinara niya ng malakas ang silid ni Conchita nang makalabas si Lucas. Nagbabaga ang mga mata na tiningnan niya ang babae. Nakabalot sa kumot na puti ang katawan nito. Bahagya ring magulo ang buhok. “Ganyan ba ang ginagawa niyo kapag wala ako?” bulyaw niya dito. Umuusok na yata ang buong ulo niya sa labis na galit. Hindi niya lubos maisip na kaya siya nitong pagtaksilan. Paulit-ulit itong umiling sa kanya. Luhaan na rin ito. “Hindi ko alam ang mga nangyari.” Sagot nitong humihikbi. “Gusto mong maniwala ako sayo? My God Conchita, of all people hindi ko inasahan na magagawa mo ito sa akin! Hindi ikaw ang tipo ng babae na kaya akong iputan pero nagkamali ako ng pagtingin sayo!” nanggigigil niyang turan dala ng labis na galit. “Hindi yan totoo, Danny. Walang nangyari sa amin ni Lucas. Hindi ito totoo.” Umiiyak nitong turan. Binalot nito ang katawan sa kumot at nilapitan siya pero tinabig niya ito. “Wag mo akong hawakan. Nandidiri ako say’o!” bulyaw niya dito bago niya ito tinabig. Padabog na sinara niya ang silid ng pinto nito. Napasabunot siya sa sarili niyang buhok ng nakapasok siya sa sarili niyang silid. Gusto niyang umiyak sa sakit na ginawa ni Conchita. Hindi niya magawang tanggapin ang panloloko nito sa kanya. Agad niyang inayos ang mga damit at lahat ay nilagay niya sa maleta nang biglang bumukas ang pinto niya. Iniluwa non si Conchita. Nakabihis na ito at pasugod siya nitong niyakap mula sa likuran. “Maniwala ka sa akin, hindi ko yun kayang gawin.” Umiiyak nitong pagmamakaawa sa kanya pero sarado na ang isipan niya. Ayaw niya nang maniwala pa sa mga paliwanag nito. Kinuha niya ang mga kamay nito na nakapulupot sa bewang niya. “Aalis na ako!” wika niyang hindi ito tiningnan. Muli siyang nagtanggal ng mga gamit sa cabinet. “Hindi ka aalis Danny, hindi mo ako pwedeng iwan!” Pauyam na tiningnan niya ito. Punong-puno ng hinanakit ang mga mata niya. Hinawakan siya nito sa braso at tila ba nagpapaawa na naman. “Kaya kitang iwan! At aalis ako kung gusto ko!” sigaw niya dito. “Mahal kita Danny.” Wika pa nito. Napailing siya sa sinabi nito. “Sa ginawa mo kanina naisip mo ba yan?” sarkastiko niyang tanong. “Kung anuman ang nakita mo, hindi yun totoo.” HINDI niya na pinakinggan pa ang mga sasabihin nito at agad siyang umalis ng mansiyon bitbit ang mga maleta niya. Pilit siya nitong pinipigilan pero buo na ang desisyon. Hindi niya na nakita pa si Lucas sa baba maging ang nanay nito. Binalot siya sobrang selos sa nakita. Kahit sino naman yata yun din ang mararamdaman. Hindi niya matanggap na niloko siya ni Conchita at nagawa siyang ipagkait kay Lucas. NAPALUHOD nalang siya nang mawala na sa paningin niya si Danny. Hindi niya alam kung paano napunta sa silid niya si Lucas. Ang pagkaalala niya ay umiinon siya ng wine sa terrace habang hinihintay si Danny at wala na siyang naalala pa pagkatapos non.  Luhaan siyang pumasok sa loob ng mansiyon nang makasalubong niya si Tita Loida. “Si Lucas?” galit niyang tanong sa tiyahin. “Nasa silid niya.” Tugon nito na pinagmamasdan siya. “Sabihin niyo kausapin ko siya!” sagot niyang luhaan. Hinintay niya si Lucas sa labas ng silid nito. Hindi pa man ito nakakalabas ng silid ay agad niya itong sinugod ng sampal at pinagsusuntok niya ito sa dibdib. “Hayop ka, paano mo ito nagawa sa akin?” bulyaw niya sa lalaki. “Umalis ka sa bahay ko!” bulyaw niya dito. Nanginginig ang katawan niya sa galit. Pinagtutulukan niya ito palabas ng bahay samantalang pinipigilan naman ni Tita Loida si Lucas. “Kapag nakita ko pa ang mukha mo sa bahay na ito ipapadampot kita sa mga pulis!”duro niya dito bago siya tumalikod.     Napahagulhol siya nang makapasok siya sa silid niya. Nanghihina ang mga tuhod niya sa galit at panibugho. Dahil sa Lucas na iyon iniwan siya ni Danny. Hindi katanggap-tanggap ang naging paghihiwalay nila. Kailangan nitong maniwala na walang nangyari sa kanila ni Lucas. Kahit pa siguro lasing na lasing siya hindi niya magagawang ipagkaloob ang sarili kay Lucas at lalong hindi niya magagawang lokohin si Danny. Hindi niya kayang gawin ang ibinibintang nito. Sa galit ni Danny kanina hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin. Kahit pa siguro magmakaawa siya hindi siya nito titigilan. Pabagsak siyang humiga sa kama. Hungkag ang pakiramdam niya. Wala man lang siyang masabihan na kaibigan dahil tanging kay Danny lang umikot ang buong buhay niya at ngayong iniwan siya nito hindi niya alam kung ano pa ang susunod na mangyayari. Hindi niya kayang mabuhay na wala ito. TULAD ng gusto niya wala na si Lucas sa mansiyon. Maaga palang ay pumunta na siya sa office, mababaliw lang siya kapag hindi niya abalahin ang sarili. Pagbaba niya ng sasakyan ay agad niyang nakita si Danny na pababa ng sasakyan nito. Kapwa sila nasa parking lot. Patakbo siyang lumapit dito. “Danny!” tawag niya dito para tumigil. Hirap siyang tumakbo dahil sa taas ng heels niya. Nilingon siya nito, walang emosyon ang nakita niya sa mukha nito kundi puro galit. Nagawa niyang maabutan ito. Hinawakan niya ito sa braso. “Kausapin mo naman ako.” Pakiusap na niya. “Wala na tayong dapat na pag-usapan.” Sagot nitong tiim ang mga bagang. “Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin? Ang patulan si Lucas at magpagamit?” tanong niya ditong puno nang hinanakit. Huminto ito sa paglalakad at tiningnan siya. Hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito. “Nakita ko ang dapat na makita ko. Sapat na yun!” tugon nito. “Hindi yun sapat! Nasaan ang tiwala mo para sa akin? Kung sayo nga hindi ko binibigay ang sarili ko sa kanya pa kaya?” turan niya pa. “Hindi ko kayang gawin ang lahat ng ibinibintang mo. Pinalayas ko na si Lucas sa bahay at inaalam ko rin kung paano siya nakarating sa silid ko. Wala akong matandaan sa mga nangyari, Danny. Paniwalaan mo naman ako.” Umiiyak niyang pakiusap. Namamaos na siya sa pag-iyak. Maging ang tuhod niya ay nanghihina sa pagmamakaawa dito. “Bigyan mo muna ako ng sapat na oras Conchita. Gusto kong pag-isipan ang lahat.” Wika nito kaya napahagulhol nalang siya. “Hanggang kailan? Sayo ako nagtiwala Danny pero ikaw pala ang walang tiwala sa akin.. Bakit hindi mo alamin ang mga nangyari bago mo ako husgahan?”pakiusap niya pa dito. “Ayoko nang masaktan pa, Conchita.” Sagot nito bago siya tinalikuran. Nanlulumong iniwan siya nito. HINDI siya tumitigil hanggat hindi siya pakinggan ni Danny. Lahat ginagawa niya para magkita sila at mag-usap pero umiiwas na ito sa kanya. Naaapektuhan na rin ang trabaho niya dahil sa nangyayari. Pakiramdam niya sa kanilang dalawa siya lang ang nasasaktan dahil wala itong pakialam kahit na ilang ulit siyang magmakaawa. Napakatigas ng puso nito. NABIGLA ito nang makita siyang nasa loob ng bahay nito. Mabuti nalang at may susi siya sa bahay nito kaya malaya siyang nakapasok. Nakangiti niya itong tiningnan pero hindi siya nito pinansin. Lumapit siya dito at niyakap niya ito ng mahigpit. Hindi ito nakakilos sa kinatatayuan. “I miss you.” Mahinang usal niya. Nabigla pa siya nang bumukas ang pinto. May kasama pala ito. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at tiningnan niyang mabuti ang kasama nitong mabuti. Aminado siyang higit na maganda ito sa kanya, higit na maputi at sosyal. “Sino siya?” tanong niya kay Danny. Lumapit ito sa babae at umakbay. “Si Bea, may girlfriend.” Sagot nito sa kanya. Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso niya dahil sa sinabi nito. “Girlfriend?” ang bilis naman yata siya nitong ipagpalit. “Siya ba ang dahilan kung bakit lahat nang pagmamakaawa ko kay tinatanggihan mo?” galit niyang tanong. “Ginamit mo lang na rason ang nakita mo para malaya mo akong iwan! Ang unfair mo Danny. Lahat  ginagawa ko para sa’yo pero ito lang pala ang igaganti mo? Sinayang mo lang ang pagmamahal ko!” sagot niyang pinipigilang bumuhos ang mga luha. Patakbo niyang tinungo ang pinto at agad na umalis. Ang sakit sa pakiramdam na balewala lang pala ang lahat ng sakripisyo at pagmamahal niya. Apat na araw? May kapalit na siya agad sa puso nito. Patakbo niyang tinungo ang sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon habang panay ang agos ng mga luha niya. Tinatali siya “Sana hindi nalang kita nakilala, sana hindi ako nasasaktan ngayon!” bulong ng isip niya. Hininto niya ang sasakyan sa isang bar na nadaanan. Nagpakalunod siya sa alak, bago sa kanya ang mga alak na iniinom dahil wine lang naman ang tinitikman niyang alak. Alalang-alala na sa kanya ang mga waiter dahil walang tigil ang paghingi niya ng tequila. Parang tubig lang iyon kung inumin niya. Ilang sandali pa ay napasubsob na siya sa mesa. Hilong-hilo na siya at hindi na namalayang ang sumunod na nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD