CHAPTER ONE
Hindi mapigilang hindi mapangiwi ni Danny sa nakikitang pag-iiyak ng pamilya ng kanyang amain. Nasunog ang isa sa pabrika ng kanyang amain at kabilang ito sa mga nasunog. Hindi na nakilala ang sunog nitong katawan nang matagpuan. Nakilala nalang ito sa suot nitong singsing at damit. Napatingin siya kay Tita Loida, sister in law ito ni Tito Benny, matagal ng namayapa ang asawa nito. Noon pa man ay hindi na magkasundo ang mga ito dahil sa mga luho nito at ng na si Lucas, iyon ang dahilan kaya nga bihira nalang kung umuwi ng mansiyon si Tito Benny, palagi itong nagpapagabi sa pabrika kung saan ginagawa ang mga produktong tila na eneexport pa sa ibang bansa, mga damit at mga canned goods ang iba pa nitong negosyo. Tanyag na negosyante ang amai niya. Kung makangawa si Tita Loida daig pa nito ang sobrang lapit sa kapatid. Saksi siya kung paano mag-away ang mga ito noong nabubuhay pa ang amain niya. Magsagutan at bangayan.
Naalala niya noon, isa lang siyang tauhan sa pabrika nito, sa pagawaan ng damit. Labing anim lang siya noon at kakatapos niya lang ng highschool. Suntok sa buwan kung makakaapak pa siya ng kolehiyo pero dahil kay Tito Benny nakapag-aral siya, at napagtapos sa kursong abogasya. Utang niya dito ang lahat ng meron siya ngayon. Napakaswerte niya dahil isa siya sa mga inampon nito. Hindi lang siya nito basta pinag-aaral kundi inuwi rin siya nito sa mansiyon nito at doon na pinatira. Anak, kung ituring siya nito. Hindi niya man bitbit ang apelyido nito pero sa puso nito alam niyang mahal siya nito at ganoon din siya dito. Nakakalungkot lang dahil hindi man lang nito nakapiling ang anak na matagal na nitong hinahanap. Nagkaroon kasi ito ng nobya noon pero nagkaroon daw ng ibang lalaki. Umalis ang nobya nito pero buntis ito sa amain ng umalis at simula non hindi na ito muling nagmahal. Nakatutok nalang ito sa negosyo nitong patuloy sa pag-unlad at paghahanap sa dating nobya.
Hindi pa man siya nakakapasok ng mansiyon nang agad siyang tinawag ni Manang Azon, pinapunta siya nito sa library ng yumaong amain. Nakakalibing lang ng amain niya ng araw na iyon. Bitbit ang attaché case niya na tumungo siya sa library room sa malaking mansiyon. Alam niya kung ano ang hinihintay ng mga ito. Ang last will and testament ni Tito Benny.
Nadatnan niya sa loob ng library room si Tita Loida at ang dalawang anak nito. Si Lucas na anak nito sa pagkadalaga at si Martina. Kasing edad niya si Lucas, bente otso na siya samantalang bente naman si Martina.
“Sana naman hindi mo dinoktor ang last will ni Tito!” pauyam na turan sa kanya ni Lucas nang makaupo siya sa mahabang mesa. Kahit kailan talaga mabigat ang dugo nito sa kanya tulad ng ina nito. Si Martina lang yata ang mabait sa kanya.
“Hindi ko ugaling pakialaman ang hindi akin.” Sagot niyang nakatitig dito. Higit na matangkad siya kay Lucas. 6’4 siya samantalang 6’2 lang ito. Sa pagkakaalam niya babaero ito, sunod sa luho kung kaya hindi ito makasundo ni Tito Benny. Wala pa rin itong trabaho hanggang ngayon dahil ayaw nitong magtrabaho sa pabrika. Gusto nito sa kompanya mismo ng amain magtrabaho na labis na tinutulan ni Tito Benny.
Tumahimik si Lucas sa sinabi niya pero ngumisi ito ng kakaloko at tila ba ayaw maniwala sa sinasabi niya. Wala siyang pakialam dito kahit pa magalit ito sa kanya.
“My last will and testament.” Simula niya sa pagbabasa. “Ang lahat ng pera at ari-arian ko ay mapupunta sa nag-iisa kung anak kay Maria Sepeda kabilang ang lahat ng pera ko sa bangko, 80% shares of stock ko sa sarili kong kompanya,my resorts sa Batangas, house and lot sa Tagaytay at ang mansiyon kung saan ako nakatira.” turan niya sa importanteng parte ng last will and testament. “Ang lahat ng ito ay maiiwan sa pangangalaga ni Attorney Danny San Miguel habang hindi niya pa nahahanap ang nag-iisa kong anak.” Dagdag niya pa.
“Nasisiraan ka na ba?” bulyaw sa kanya ni Tita Loida. Napatingin siya dito. “Wala na ang anak ni Maria, matagal na!” sigaw nito sa kanya.
“Patapusin niyo muna ako.” Sagot niyang seryoso ang boses bago niya ibinalik sa papel na hawak ang mga mata. “Para kay Loida, ibibigay ko sa kanya ang 10% ng shares of stock ko sa kompanya kabilang ang kotseng gamit niya at ni Lucas. Siya na muna ang itinatalaga kung maging president ng Ocampo Royale Corporation o ORC habang hindi pa nahahanap ang anak ko ni Danny. Para kay Martina, ibinibigay ko sa kanya ang house and lot ko sa Cavite at sampung milyon na nandiyan kay Danny. Para naman kay Lucas ibinibigay sa kanya ang tinitirhan niya ngayon, ang condominium niya. Para naman kay Danny ibibigay ko ang 10% shares of stock ko sa kumpanya at twenty million na ibibigay ng anak ko kapag nahanap niya ito.” Pagbasa niya sa kabuuan ng last will and testament. Nagbabaga ang mga matang tiningnan siya ni Tita Loida.
Hindi na siya nabigla nang biglang sinipa ni Lucas ang ilang upuan sa paligid.
“Niloloko mo ba kami?” sigaw nito sa kanya. Napatayo siya at hinarap ito. Maging ang ina nito ay galit nag alit sa kanya na akala siya lang ang may gawa ng last will na binasa.
“Kung gusto mong maghabol, maghabol ka. Yan ang ibinigay sa akin ni Tito Benny. Wala akong binago o kahit ano pa man.” Sagot niya dito. Hindi niya akalain na pamamanahan siya ng matandang umampon sa kanya. Sapat na sa kanya ang pagtupad nito sa pangarap niya at hindi na siya naghangad pa ng mana.
“Naging abogado ka lang akala mo na kung sino ka! Kaanu-ano ka ba ni Tito at naambunan ka ng yaman namin?” bulyaw nito sa kanya. Naikuyom niya ang kamao sa galit mabuti nalang at hawak ang isa niyang kamay ni Martina para pigilan siya.
“Kung magsalita ka parang kamag-anak ka ni Tito. Pauyam niyang sagot.
“Tumigil ka na Danny!” sigaw sa kanya ng ina nito.
“Ako ang may hawak ng mana ng anak ni Tito Benny kabilang na ang bahay na ito, kaya sa akin rin nakasalalay kung patitirahin ko pa kayo dito.” Sagot niya dala ng matinding galit.
“Kuya, tama na po.” Awat sa kanila ni Martina.
“Hindi kami aalis sa bahay na ito hanggang hindi mo nakikita ang anak ni Maria! Hindi kami papayag na masosolo mo ang lahat ng ito!” sigaw sa kanya ni Tita Loida. “Darating ang araw na ikaw ang mag-aalsa balutan!” sigaw pa nito sa kanya.
“Kayo ang bahala pero oras na makita ko ang anak ni Tito Benny alam niyo na ang una niyong gagawin.” Sagot niya. Akmang susugurin siya ni Lucas pero naging handa siya, agad niya itong itinulak.
“Akala mo kung sino ka! Binihisan ka lang kung magsalita ka daig mo pa ang kamag-anak!” sigaw pa nito. Namumula na ang mukha nito sa galit. Hindi inasahan ng mga ito na higit pang malaki ang nakuha niya.
“Alam kong hindi ako kamag-anak Lucas, at lalong wala akong interes sa pera ni Tito Benny.” Pauyam niyang sagot. Alam niya kasi noon pa man na pera lang ni Tito Benny ang habol ng mga ito. Hindi pa man naililibing ang amain pinag-uusapan na ng mga ito kung magkano ang paghahatian. Walang sabi-sabi at agad siyang umalis sa library, agad siyang pumasok sa sariling silid niya kahit nagngangawa pa rin sa galit si Lucas at ina nito. Napasalampak siyang umupo sa sarili niyang kama. Binaba niya sa paanan niya ang attaché case. Nagluluksa pa siya sa nag-iisang taong tumuring sa kanyang kamag-anak. Pagtutuunan niya nalang ng pansin ang paghahanap sa anak nito sa lalong madaling panahon. Noon pa man umupa na siya ng private investigator. Ang huling impormasyon nito sa kanya ay sa South Cotabato raw tumira si Maria Sepeda, natigil lang ang pag-iimbestiga nito ng mamatay si Tito Benny, balak niyang siya nalang ang maghanap sa nawawalang anak nito. Tulad ng pakiramdam ng amain, malakas din ang pakiramdam niyang buhay pa ang anak nito at hindi sila nagsasayang ng panahon at oras. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakikita ang nawawala nitong anak. Saglit lang siyang nagpahinga at inayos niya na ang mga gamit niyang dadalhin sa pag-alis papuntang South Cotabato. Mahigit limang taon na siyang nagtratrabaho bilang abogado kaya nakaipon na rin siya ng sarili niyang pera mula sa mga kliyente niya. Kaya niya nang bilhin anuman ang nanaisin niya.
Bitbit ang backpack ng lumabas siya sa silid niya. Napansing niyang nakatingin sa malayo si Martina. Nasa terrace ito kung saan malapit ang silid niya. Lumapit siya dito.
Tumikhim siya nang makalapit siya dito. “I’m sorry sa nakita mo kanina.” Turan niya. Napatingin ito sa kanya. Lalo itong nalungkot nang makitang may dala siyang bag. Si Martina ang itinuturing niyang kapatid. Bata pa lang kasi siya ay nasa ampunan na siya. Walang sariling pamilya at kapatid. Naging malapit siya kay Martina noong tumira siya sa mansiyon ng amain niya.
“Bakit ka aalis Kuya?” tanong nito.
“Hahanapin ko ang nawawalang anak ni Tito Benny, hindi ko pwedeng talikuran ang pangako ko sa kanya ngayong patay na siya.” Tugon niya.
“Kaya mo ba siya hahanapin dahil sa twenty milyon na ibibigay sayo?” tanong nito na ikinagulat niya. Napatingin siya dito.
“This is not about the money. Mahal ko si Tito Benny kaya hahanapin ko ang anak niya.” Paliwanag niya dito.
“Sana kuya makita mo siya.” Sagot nito.
Tumango siya dito bilang tugon. Yumakap pa ito sa kanya bago siya lumabas nang mansiyon.
AGAD siyang nakasakay papuntang South Cotabato. Hindi na siya nag-abalang magpahiga total maaga naman siya nakarating sa lungsod ng Cotabato. Maganda ang naturang siyudad, maraming mga turista ang dumarayo. Agad siyang nagtanong-tanong kung saan niya matatagpuan ang Tribu ng Tab-on. Iyon kasi ang impormasyon na binigay sa kanya ng inupahang investigator. Napakamot siya sa sagot ng natanungan.
“Naku malayo yon, sa ilalim yun ng bundok. Kung maglalakad ka ngayon papunta dun baka abutin ka ng isang araw. Ganun kalayo ang tribu na yan. Wala ngang nakakapunta sa lugar yan dahil kagubatan na yan, maraming mababangis na hayop.” Sagot sa kanya ng lalaking nagsasakay ng pasahero.
“Pwede niyo ba akong ihatid papunta dun?” tanong niya dito. Lumukot ang mukha nito sa sinabi niya.
“Naku, kuya malayo yun at delikado.” Sagot nito.
“Magbabayad ako kahit magkano basta dalhin mo lang ako dun.” Sagot niya pa. “Sampung libo?” presyo niya dito. Napatingin ito sa kanya at tila inaarok kung nagsasabi ba siya nang totoo, pero seryoso siyang maglabas ng pera mahanap lang si Maria Sepeda.
“Sige payag na ako, basta magsasama ako ng kasama para hindi naman ako mag-isa kapag bumalik na ako.” Turan pa nito kaya napangiti siya. Ang mahalaga sa kanya ay ang makarating sa Tab-on. Pinalipat nalang nito ang ilang sasakay sa motor nito sa kasamahan.
Kasya naman silang tatlo sa motor nito, siya ang nasa hulian ng upuan. Sobrang nakakangawit nga lang dahil ang tagal ng magiging biyahe nila, dagdagan pa ng baku-bakong daanan. Mabuti kung semento pero hindi eh dahil lupa ang dinadaanan nila. Ilang beses din silang huminto dahil nalulubog sila sa putik.
Inabot sila ng umaga sa daan dahil ilang beses din silang naglakad dahil sa makipot na daan, mahirap na baka mahulog sila sa bangin.
“Yan ang tribu ng Tab-on!” turo sa kanya ng lalaking nagmamaneho ng motor.
“Sigurado ka ba?” tanong niya. Kahit antok na antok siya sa matagal na biyahe hindi niya mapigilang hindi humanga sa paligid. Maraming puno ang hitik sa bunga, mga halamang ligaw na puno ng bulaklak, at malilinis na batis na kay sarap languyin sa mga dinaraanan nila.
“Sigurado ako dahil minsan na akong may ihatid na katutubo dito.” Sagot pa nito. Binayaran niya ito at pagkatapos non ay umalis na ang mga ito. Agad niyang napansin ang kakaibang tingin sa kanya ng mga tao nang makalapit na siya sa naturang tribu. Unang beses palang siya nakakita ng mga katutubo kaya medyo kinakabahan din siya. Hindi niya alam kung paano niya makikibagayan ang mga ito o kung paano niya ito kakausapin. Nagkumpulan ang mga lalaking nakabahag at nagbulungan. Malakas ang t***k ng puso niya ng makalapit siya sa mga ito. Ang mga babaing katutubo ay agad na pumasok sa maliit na kubo samantalang ang mga lalaki ang naghanda sa paglapit niya. Nakahanda ang mga pana ng mga ito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya.
“Hindi ako masamang tao!” sigaw niya baka mamaya bigla nalang siyang panain. “Pumunta ako dito dahil may hinahanap ako.” Dagdag niya pa. May lumapit na matandang katutubo sa kanya. Mukhang mabait ito dahil tanging ito lang ang walang dalang pana.
“Bakit dito mo siya hinahanap?” tanong sa kanya.
“Kasi po dito ako itinuro. Mabait po ako, hindi ako masamang tao.” Sagot niya pang itinaas ang dalawang kamay.
“Nararamdaman ko.” Tugon nito kaya nakahinga siya maluwag. Inakay siya nitong tumuloy sa tribu ng mga ito. Pinaupo siya sa putol na kahoy kaharap dito samantalang nakatingin lang sa kanya ang ibang mga ninuno.
“Sana po pahintulutan niyo akong manatili sa lugar niyo, hanggat hindi ko pa nakikita ang hinahanap ko.” Panimula niya.
“Paano kami makakasiguro na ligtas kami sa pananatili mo rito?” malalim ang salitang tanong nito sa kanya.
Agad niyang kinuha sa bag niya ang licensed niya bilang abogado. Inabot niya iyon sa katutubong matanda. Sa tingin niya ito ang pinuno ng tribu.
“Ano ito?” takang tanong sa kanya nito pagkatapos pasadahan ng tingin ang lisensiya niya.
“Licensed po, patunay po yan na isa akong abogado. Kapag may ginawa akong hindi niyo magustuhan pwede niyo akong ipakulong.” Sagot niya.
“Hindi ko alam ang sinasabi mo, amang.” Turan nitong hindi naiitindihan kung ano ang iniabot niya. “Kamatayan ang parusa namin sa taong gagawa ng masama sa tribu namin.” Dagdag pa nito kaya natigilan siya. Napalunok siyas a sinabi nito. Nasa panahon yata siya ni Marcos.
Saglit siyang nag-isip sa sinabi nito. “Handa po ako.” Sagot niyang buo ang loob. “ Handa akong tanggapin ang parusa niyo kung sakali man na makagawa ako ng hindi niyo gusto.” Matapang niyang sagot.
Napangiti ito sa sinabi niya. Tinapik siya nito sa balikat at pinakilala bilang panauhin sa tribu ng mga ito. Pilit ang naging ngiti niya sa mga katutubo. Hindi dahil sa napipilitan lang siya kundi dahil hindi siya sanay ngumiti. Napansin niyang naglabasan ang mga babae sa kani-kanilang kubo. Maiitim ang mga ito. Hanggang tiyan lang ang suot na pang-itaas ng mga ito, kaya kita niya ang mga pusod ng mga ito. Mahaba ang saya ng mga ito at maraming palamuti sa katawan samantalang bahag naman sa lalaki at patadyong. Pinamulahan siya ng mukha ng makitang walang suot na bra ang mga katutubo. Wala namang kaso sa kanya yun dahil hindi naman siya manyak.
NAGHANDA ang tribu ng Tab-on sa pagdating niya. Maraming prutas ang nakahain sa mesa, karne at kung anu-ano pa. Pumailanlang rin ang saliw ng musika gamit ang flute at tambol. Sinabayan iyon ng sayawan na wala sa uso sa Manila. Napuno ng paghanga ang mga mata niya dahil sa panibagong paligid na nakikita niya. Kitang-kita niya ang saya ng mga katutubo kahit pa malayo ang mga ito sa lungsod.