CHAPTER NINE

2052 Words
ANG akala niyang malilimutan niyang pag-ibig ay hindi nangyari  dahil sa tuwing nakikita niya ito ay muling bumabalik ang pagmamahal niya para dito. Namumuhi na siya sa sarili dahil kahit niloko na siya, ito pa rin siya umaasang magmamahalan ulit sila. Ang saklap lang dahil sa lahat ng ginawa nito gusto niya pa rin itong patawarin at gustong mahalin. NAPATAAS ang kilay niya nang abutan siya ng bulaklak ni Danny. Wala iyong palya. Halos araw-araw ay binibigyan siya nito ng bulaklak. Kung balak nitong paibigan siya muli nagawa na naman nito. Hindi naman kasi nawala sa puso niya ang pagmamahal sa lalaki, kumbaga sa buhangin natabunan lang iyon pero kapag inalis nandun pa rin ang pagsinta niya para sa lalaki. Pagsintang kinaiinisan niya. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya mahal din siya nito o niloloko lang niya ng sarili niya at pinapaniwalang mahal siya nito. Danny is a good player, iyon ang dapat na tandaan niya. Isang magaling na mapaglinlang ito kaya dapat lang na masanay siyang makipaglaro. Lumakas ang kabog ng dibdib niya ng halikan siya nito sa batok.  Napitlag siya sa paglapat ng labi nito. Hindi niya ito pinansin bagkus hinayaan niya lang ito. Ayaw niyang magpakita ng kahit anong emosyon para hindi nito isipin na affected pa rin siya. Kahit silang dalawa lang sa isang mansiyon ay magkaiba pa rin sila ng mga silid. Hindi siya papayag na pati p********e niya ay paglaruan nito. Tama ang minsan na ipagkaloob niya ang sarili. “Kumusta ang araw mo?” tanong nito sa kanya. “As usual walang bago.” Tugon niya sa walang emosyon na boses. “Gusto mo bang magtrabaho sa kumpanya?” tanong nito sa kanya. Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi nito kaya napaharap siya dito. “Ano naman ang alam ko dun.” Sagot niya kunwari. “Ayaw mo bang maging vice president?” tanong pa nito. “Okay lang ba sayo?” Ngumiti ito sa kanya bilang tugon at iwan niya ba at tila kinilig siya nang masilayan niya ang mga ngiti nito. Pakiramdam niya nabuhay lahat ng ugat niya. Sa pagkabigla niya ay bigla niya itong niyakap. Huli na para bawiin niya ang ginawang kapangahasan. Huli na para sawayin ang sarili. “Sorry.” Sagot niyang lumayo dito. “Conchita!” tawag nito sa kanya.  Napatingin siya dito kaya nagtama na naman ang mga mata nila. “Masaya ka pa ba kasama ako?” tanong nito na ikinagulat niya. “Masaya pa nga ba siya?” “Ginagawa ko ito dahil sa kondisyong sinabi mo at inaasahan kong tutuparin mo yun.” Tugon niyang may bikig ang lalamunan. Kung gusto mong tanungin kung mahal pa rin kita, walang nagbago Danny. Hindi ito sumagot sa sinabi niya kaya umakyat na siya sa silid niya. Gabi-gabi niya iniiyakan ito gabi-gabi rin ang dasal niyang makalimutan na sana ito ng puso niya. Hindi niya kasi matanggap ang nangyari sa kanila. Hindi tama na mahalin niya pa ito. Inagaw nito ang lahat sa kanya kaya dapat lang na tikisin niya ang anumang nararamdaman niya para dito. Isang oras na yata siyang umiiyak nang bumukas ang pinto ng silid niya. Nakalimutan niya palang ilock yun. Nagkunwari siyang natutulog. Naramdaman niya ang pag-upo nito sa kama niya dahil bahagyang gumalaw iyon. Naramdaman niya ang pahaplos nito sa mukha niya, paulit-ulit iyon at tila ba kinakabisado ang hugis ng mukha niya. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa labi niya bago nito hinawi ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya. Gusto niyang umiyak sa ginagawa nito pero pinigilan niya ang sarili. “I want you to be happy, Conchita. Ginagawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa’yo kahit pa ang kapalit non ay ang masaktan ka.” Turan nito. Mahal pa rin siya nito? Hindi niya makuha kong anuman ang gusto nitong sabihin. Masaya naman siya kasama ito noong una pero dahil sa ginawa nito kaya siya nagalit. Gusto niya nang dumilat at tanungin ito pero minabuti niya nalang na magkunwaring natutulog. Naramdaman niya ang mainit nitong labi na dumampi sa kanyang labi. Mayat-maya at humiga ito sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit. “Goodnight mahal ko.” Turan pa nito bago ito natulog sa tabi niya. Nang matiyak na tulog na ito sa tabi niya ay umayos siya nang higa. Hindi niya ito maintindihan. Ang lahat ng galit sa puso niya biglang naglaho dahil sa sinabi nito kanina. Pakiramdam niya may itinatago ito sa kanya na ayaw nitong malaman niya. Muling nanumbalik ang pagmamahal niya para kay Danny. Kinantilan niya ito ng halik sa labi at sumiksik siya sa matipuno nitong katawan. Maging ang tiwala niya ay muling ibinalik niya dahil sa sinabi nito.. TULAD nang sinabi sa kanya ni Danny pinagtrabaho nga siya nito sa kumpanya bilang vice president. Kung anuman ang plano nito para sa kanya ipapaubaya niya nalang iyon sa lalaki. Ngayon pang narinig niya mismo dito na lahat nang ginagawa nito ay para sa kanya. Wala siyang pinahalata dito na may alam siya sa ginagawa nito. Kung ano ang pinapakita niya noon ay hindi nagbago aside sa paglalambing nito sa kanya na talaga naman sinusuklian niya ng labis na pagmamahal. Marami na siyang natutunan sa kumpanya sa tulong mismo nito, ang pasikot-sikot ay alam niya nang gawin. Ayon pa nga dito madali raw siyang natuto. Nagpaorder siya ng pagkain sa secretary niya, balak niyang sorpresahin si Danny sa opisina nito. Nakakamiss na rin kasi ang dating ginagawa nila, ang sabay na maglunch. Pinihit niya ang doorknob ng opisina nito at para siyang natuka ng ahas sa nakita, nabitiwan niya ang dalang pagkain sa pagkabigla. May babaing nakaupo sa kandungan nito at naghahalikan ang mga ito. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. Agad niyang nilisan ang opisina nito at agad na umuwi ng bahay. Nagkulong siya sa maghapon sa labis na sakit. Nang lumabas siya ng silid ay nadatnan niyang nagluluto si Danny sa kusina, hindi niya ito kinompronta at hindi siya nagpakita ng galit. Wala nga pala siyang karapatan. Iyon ang dapat niyang isaksak sa isipan niya. Kahit anong oras ang pwede itong mambabae! “May pagkain na ba?” tanong niyang pilit na pinapatatag ang boses. “Hindi ko sinasadyang makita mo kami sa ganoong ayos.” Sagot nito sa kanya. Umupo siya sa hapag-kainan dahil sa sinabi nito. “Wala kang dapat na ipaliwanag. Wala naman tayo diba?” turan niya pa. Tiningnan siya nito at hindi siya bumaba ng tingin. Nakipagtitigan pa siya sa lalaki. “Hindi ko nakakalimutan kung bakit ako nandito sa bahay mo. Nandito ako dahil gusto kong mabawi ang bahay ng ama ko na kinuha mo. Yun lang Danny. Kung anuman ang ugnayan niyo ng babaing yun labas na ako dun.” Dagdag niya pa. Pakiramdam niya parang hinihiwa ang puso niya dahil sa sinabi nito. “Mabuti kung ganun.”sagot nito bago siya tinalikuran. Gustong-gusto niya nang umiyak pero pinipigilan niyang umiyak. “By the way may lakad ako ngayon. Kung matagal pa yang niluluto mo hindi ko na hihintayin.” Turan niya pa at agad na tumayo. “Sa labas nalang ako kakain.” “Saan ka pupunta?” maatowridad nitong tanong. “It’s none of your business.” Pauyam niyang sagot na nakangiti. “Kailangan kung malaman dahil nasa iisang bahay lang tayo.” Turan pa nito pero hindi siya sumagot. Tuloy-tuloy siyang umakyat nang hagdan at nagbihis. Sinuot niya talaga ang pinakasexy niyang damit bago siya bumaba. Napansin niya naningkit ang mga mata nito nang makita ang ayos niya. “Wala ka na bang matinong damit bukod diyan?” inis nitong tanong sa kanya. “Matino naman ito ah?” sagot niya.  Nakalitaw kasi ang maputi niya pusod, nakalitaw rin ang cleavage niya at may slit ang paldang maiksi niya. “Sige na at nasa labas na si Lucas.” Sagot niya pa. Akmang tatalikod na siya nang hilahin siya nito pabalik. “Si Lucas ang kasama mo?” galit nitong tanong. “Ano ngayon?” tanong niya pero ang totoo wala naman talaga siyang kasama. Gusto niya lang lumabas para mawala ang tensiyon na naramdaman niya at ginamit niya lang si Lucas para galitin ito. “Baka nakakalimutan mo na ang ginawa niya, dahil sa kanya kaya muntikan ka nang pamahamak. Baka nakakalimutan mo na ang ginawa niya sa sayo?” Turan nito sa kanyang nagtatagis ang bagang. “Tama ka, nakalimutan ko na ang lahat. Isa pa hindi ito ang huli naming pagkikita, noon pa man ay nagkikita na kami. Wala akong karapatan magalit sa kanya, dapat nga naniwala ako sa kanya. Sana hindi ako naloko ng tulad mo!” Sagot niya pa para magalit ito. “Hindi ka aalis!” sigaw nito na ikinagulat niya. Agad nitong isinara ang pintuan ng bahay para hindi siya makalabas ng bahay. “At sino ka para pigilan ako?” sagot niya sa galit ding tinig. “Wala kang karapatan diktahan ang buhay ko dahil hindi mo ako pag-aari!” bulyaw niya kay Danny. “Kahit ano pa ang sabihin mo hindi ka pwedeng lumabas ng bahay na siya ang kasama!” madiin nitong turan. “Ano ba ang pakialam mo sa akin? Diba wala na tayo? May iba ka na nga diba? Isa pa nakuha mo na ang gusto mo, ano pa ba ang kulang?” hindi niya mapigilang itanong. “Ano pa ba ang plano mo kung bakit mo pa ako pinatira dito?” “Wala kaming relasyon ng babaing yun!” deny pa nito. Kung pwede lang na batukan niya ito ginawa niya na at siya pa itong lolokohin nito samantalang kitang-kita niyo kung paano ang naging halikan ng mga ito. “Ayokong umalis sa bahay na ito dahil gusto kitang makasama.” Dagdag pa nito. “Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Bakit ano pa ba ang totoo sayo? Baka nakakalimutan mo Danny, ibang Conchita na ang kaharap mo ngayon. Hindi na isang katutubo na mangmang at madaling paikutin.” “Stop it, Conchita! Hindi ganun ang tingin ko sayo!” turan nito sa sinabi niya. Namumula na nag mukha nito sa galit at maging siya ay ganun din ang nararamdaman. “Ganun yun dahil minsan mo nang pinamukha sa akin yan!” sagot niya. Naalala niya kasi ang nakaraan nang matuklasan niya na ginamit lang siya nito. “Ginamit mo ang pagiging mangmang ko para makuha mo ang lahat ng gusto mo!” dagdag niya pa. “Ginagawa ko ito para sa’yo.” Amin nito sa kanya. Iyon din ang narinig niyang sinabi nito noong nakatulog ito sa silid niya. Sunod-sunod siyang umiling. “Para sa akin? Paano nangyari yun samantalang kinuha mo sa ‘akin ang lahat?” “Wala akong kinukuha sa’yo Conchita.” Napapailing nitong sagot. “Mahal kita, mahal na mahal at nasasaktan ako kapag nakikita kang nasasaktan pero ang lahat ng yun ay kailangan kong gawin.” Turan pa nito. Napatitig siya dito. “Anong ibig mong sabihin?” “Lahat ng ito ay para sa pagmamahal ko sayo. Ayoko ng ganito kakumplikadong buhay. Alam mo ang mga pangarap ko. Tahimik na buhay at simple basta ikaw ang kasama ko.” Napangiti siya nang mapakla. “Hindi mo na kailangan sabihin yan, wala na akong maibibigay pa sayo. Lahat ay nasa iyo na kaya tigilan mo na ako! Wag mo ng kunin pati pagkatao ko!” Turan niya pa. “Mahal kita Conchita, walang nagbago sa pagmamahal ko sayo.” Turan pa nito at lumapit sa kanya. Akmang yayakapin siya nito pero hindi siya pumayag. Malinaw pa sa isipan niya ang nakita kahapon. Hinarang niya ang mga kamay para hindi ito makalapit sa kanya. “Ayoko na Danny, pagod na akong maniwala sayo at lalong pagod na rin akong magmahal.” Umiiling niyang sagot. Hindi niya na napigilang umiyak sa sama ng loob dito. “Please Conchita.” Pakiusap pa nito pero tuloy-tuloy pa rin siya sa paglayo mula dito. “Hindi na kita mahal Danny, ilang beses mo na akong niloko at sariwa pa sa isipan ko ang nakita ko kahapon. Tama na. Hanggang kayak o pang mawala ka sa akin gagawin ko!” umiiling-iling niyang pakiusap. Hilam pa rin ang mga luhang bumalik siya sa sarili niyang silid. Manhid na ang pakiramdam niya dahil kahapon pa siya umiiyak. Masakit ang maloko lalo pa at ang mahal mo ang nangloloko sayo.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD