CHAPTER SIX

2735 Words
                                                            PAKANTA-kanta pa siya nang makauwi sila ni Danny sa mansiyon. Sa wakas opisyal na kasintahan niya na si ni Danny. Matatawag niyang sila na talaga. Oo nga at malaki ang ipinagbago niya pero hindi ang pagmamahal niya kay Danny. Nang una niya itong makita sa tribu nila agad nitong napukaw ang puso niya lalo na nang magtama ang paningin nila. Nanuot iyon hanggang sa buong pagkatao niya. Gumawa siya ng paraan para makalapit siya dito at makasama ito at nagtagumpay naman siya, naging malapit sila sa isat-isa at nagkaroon ng pagkakaunawaan. Isa lang naman ang kinatatakot niya noon ang umalis na ito sa tribu nila pero nabuhayan siya ng loob nang sabihin nito sa ama niya na siya ang hinahanap nito at anak ng amain nito. “Kumusta ang lakad niyo kagabi?” tanong sa kanya ni Lucas, nagtitimpla siya ng kape nang makasalubong niya ito sa kusina. Kumislap ang mga mata niya sa tanong nito. “Masaya, dahil sa wakas kami na ni Danny.” Masaya niyang pahayag. Hanggang ngayon may hang-over pa siya sa nangyari sa bahay ng kasintahan niya. Lumukot ang mukha nito at naningkit ang mga mata. “Sinagot mo ang lalaking yun?” galit nitong tanong sa kanya na ipinagtataka niya. “Masama ba?” nagtataka niyang tanong sa inasal nito. “Look, Conchita. Hindi na ikaw ang dating Conchita, mayaman ka’na ngayon at sa tingin ko o kailangan mong gamitin ang isip mo sa pagpili ng lalaki.” Sagot nito sa kanya. “Masama ba ang mahalin ko si Danny?” nakaarko ang kilay na sagot niya. “Ang tanong diyan mahal ka ba niya ng totoo o baka naman pera mo lang ang habol niya? Conchita, hindi mo kilala si Danny. Lahat gagawin niya para magkaroon ng pera at hindi na ako magtataka kung pati ikaw ay napasakay niya.” Pauyam nitong pahayag na ikinainis. “Hindi niya ako napasakay dahil noon pa lang sa Cotabato ay may unawaan na kami!” sagot niyang naiinis sa lalaki. “Unawaan? Conchita anong malay mo sa pinapakita niya sayo noon? Iba ang tao sa siyudad kesa sa bukid. Pera mo lang ang habol niya!” nanlalaki ang matang turan nito kaya agad niya itong sinampal. Pakiramdam niya iniinsulto siya nito “Edukasyon lang ang salat kami pero hindi ibig sabihin non bobo kami o tanga. Salat man kami sa maraming bagay pero masaya kami at nasaksihan lahat yun ni Danny! Wala kang karapatang para sabihin yan, ako pa rin ang may-ari ng bahay na ito at lalong wala kang alam sa nararamdaman namin!” duro niya kay Lucas. Ngayon niya nakikita kung bakit hindi ito kasundo ni Danny. Sapo nito ang mukhang nasaktan. “Ikaw ang walang alam sa ginagawa mo. Isip ang gamitin mo Conchita!” Sagot pa nito bago siya tinalikuran. Habol niya ang hininga ng mawala ito sa paningin niya. Kahit ano pa ang sabihin nito ay hindi siya maniniwala. Mahal siya ni Danny at nararamdaman niya iyon. Walang sinuman ang pwedeng sumira sa kanilang dalawa. Hindi pera ang magiging dahilan ng pag-aawayan nila. Mainit ang ulo niya buong maghapon. Naiinis pa rin siya kay Lucas. Anong tingin nito kahit na katutubo siya hindi siya marunong makiramdam kung mahal din siya ng isang tao? Edukasyon lang ang wala sa kanya pero alam niya kung paano ang magmahal at mahalin. Nakaramdam tuloy siya ng panliliit sa sarili. Pinilig niya ang ulo para mawala ang inis na nararamdaman niya. Minabuti niya munang pagbasa sa mga ituro sa kanya ni Teacher Margot, tungkol iyon sa kumpanya ng kanyang ama. Oo at natatakot siya sa malaking responsibilidad pero alam niyang hindi siya pababayaan ni Danny. Nasa likod niya lang ito parati gaya ng sabi nito sa kanya. Nasa garden siya at nagbabasa nang marinig niya ang busina ng sasakyan ni Danny. Agad siyang tumayo at patakbo na tinungo ang gate na malaki. Hindi niya na hinintay na pagbuksan ito ng maid kundi siya mismo ang nagbukas ng gate. Nang maisara niya ang gate ay patakbo niyang sinalubong ang lalaki, pinagbuksan siya nito ng pinto kaya naman agad siyang pumasok. “Bakit ikaw ang nagbukas?” tanong nito sa kanyang nakangiti. Lumapit siya dito para mahalikan ito. “Namimiss na kasi kita.” Malambing niyang sagot. Niyakap siya nito ng mahigpit pagkatapos nitong tanggalin ang sealtbelt. Magkahawak kamay silang bumaba ng kotse nito. Agad niya itong pinaupo sa inuupuan niya kanina at inalok ng meryenda. Ininom nito ang juice niya bago siya nito hinapit sa bewang. Napaupo siya sa kandungan nito. Naramdaman niya ang paglapat ng labi nito sa likod niya. Humarap siya dito at hinalikan ito sa labi. “Nagkasagutan pala kami ni Lucas kanina.” Kwento niya dito ng maghiwalay ang mga labi niya. Napatitig ito sa kanya. Kapansin-pansin pa rin ang inis niya kay Lucas. “May ginawa ba siya sayo?” tanong nitong biglang naging seryoso ang boses. Pakiramdam niya gusto nitong sugurin si Lucas. “Hindi. Nagalit lang siya nang malaman niya na tayo na. Sabi niya pa, pera lang ang habol mo sa akin.” Dagdag niya pa. Napatiim baga ito sa sinabi niya. “Naniwala ka’ba sa kanya?” “Kilala kita Danny, at alam kong hindi ka tulad ng ibang tao. Kung may dapat man akong pagkatiwalaan ikaw iyon.” Sagot niya pa. “Salamat.” “Mahal kita Danny. Mahal na mahal at kahit ano pa ang gawin nila at kahit siraan ka pa nila ng siraan, mapapagod lang sila. Hindi mag-iiba ang tingin ko sayo.” Pahayag niya pa sa nararamdaman. “Teka nga pala, bakit na-late ka yata ng uwi?” tanong niya dito, mag-aalas sais na kasi ng hapon ng dumating ito. “Hinahanda na kasi ang kumpanya para sa pag-upo mo bilang presidente.” Sagot nito. Nakaramdam siya ng kaba sa sinabi nito. “Sa tingin mo kaya ko ng magtakbo ng ganoong kalaking kumpanya?” tanong niya ditong nangangamba na baka hindi niya kayanin. “Naniniwala ako sa kakayahan mo Conchita at tulad na una kong sinabi hindi kita pababayaan.” Sagot pa nito kaya nakahinga siya ng maluwag. “Siguro kung wala ka, tiyak na nangangapa ako. Tiyak din na maraming manloloko na lalapit sa akin pero dahil sayo hindi iyon nangyari.” “Yan ang dapat mong matutunan ang piliin ang mga taong dapat mong pagkatiwalaan.” Sagot pa nito sa kanya.   MATATALIM na tingin ang pinakawalan sa kanya ni Tita Loida. Tiyak na nakarating na dito ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Conchita. Wala naman siyang balak na itago ang relasyon nila dahil kung siya lang ang masusunod ipagsisigawan niya sa buong mundo kung gaano niya kamahal ang babae. Kung bakit ba kasi puno nang manghuhusgang tao sa mundo. “Akala ko ba wala kang pakialam sa pera? Bakit ngayon bumingwet ka’na ng malaking isda?” Pang-iinsulto nito sa kanya. Sinalubong niya ang mga titig nito at hindi siya nagpakita ng takot. “Mahal ko si Conchita.” Sagot niyang madiin ang mga salitang binitiwan. “Asshole!” bulyaw nito sa kanya. “Wag na tayong maglokohan Danny, dahil alam mo sa sarili mo na hindi yan totoo. Hindi ka na nahiya, inampon ka nga ng kapatid ko ngayon naman anak niya ang pinapatos mo!” pauyam pa nitong pahayag sa kanya. “Bahala kayo kung anuman ang gusto mong labasin. Basta ako ginagawa ko kung ano ang gusto ko.” Inis niyang sagot. “Eh di lumabas din ang totoo, na ginagamit mo lang si Conchita dahil sa pansirili mong interes!” turan pa nito. Nanggigigil na ito sa labis na galit. “Baka pansariling interes niyo?” sagot niyang ngumisi ng nakakaloko. “Akala niyo ba hindi ko alam na humihingi kayo ng pera kay Conchita?” pauyam niyang sagot. Pinamulahan ito ng mukha dahil sa sinabi niya. “A-ko ang guardian niya kaya normal lang yun!” katwiran nito. “Kung ganun sa ating dalawa ikaw ang gumagamit sa kanya para sa sarili mong interes!” sagot niya kaya hindi ito nakakibo. Napag-alaman niya sa yaya ni Conchita na humihingi ito ng pera sa nobya. Kahit hawak niya pa rin ang pera ng nobya binibigyan niya pa rin ito ng pera kung sakali man na gustuhin nitong lumabas. “Kung may kahihiyan ka pa Danny, umalis ka sa bahay na ito. Hindi magandang tingnan na magkasama kayo sa iisang bubong ng pamangkin ko. Nakakahiya!” Turan pa nito sa kanya. “Wag kang mag-alala pinag-iisipan ko na yan. Nagsasawa na rin akong makisama sa mga taong plastic.” Sagot niya bago niya ito tinalikuran. Si Conchita na’lang ang tanging rason kung kaya siya nananatili sa mansiyon. Hindi niya ito magawang iwan dahil sa mga kamag-anak nitong mandurugas. Napabuga siya ng hangin nang mawala sa paningin niya si Tita Loida, lalabas palang siya ng garahe ng biglang may sumuntok sa kanya. Nagpagiwang-giwang siya dahin sa hindi inaasahang suntok na tumama sa kanya. Nagbabagang mga mata ang sumalubong sa kanya. “Di ba binalaan na kita!” sigaw sa kanya ni Lucas. Umuusok ang mukha nito sa galit sa kanya at parang handa itong pumatay anumang oras pero naging handa siya sa pagsugod nito. “Ano ba ang problema mo?” sigaw niya rin. “Ang kapal ng mukha mo, hindi pa ba sapat ang binigay sayo ni Tito at pati si Conchita ay ginapang mo na rin? Ano ba talaga ang meron ka?” pauyam nitong sigaw. “Mahal ako ni Conchita!” sagot niya. Susugurin sana siya nito pero nakaiwas siya. Naamoy niyang amoy alak ito. “Hindi! Ginagamit mo lang siya para kunin ang pera niya!” sigaw pa nito. “Bakit? Ano ba ang pakialam mo at ano ang ipinuputok ng butse mo? Hindi mo matanggap na walang gusto sayo si Conchita?” “Mahal ko si Conchita! Akin lang siya naiintindihan mo?” sigaw nito na ikinagulat niya. Ngayon niya lang narinig ang salitang mahal sa bibig nito. Nagmamahal din pala ang lalaking ito. “Ego lang yan!” galit niyang sagot. “Hindi mo lang matanggap na ako ang mahal ni Conchita.” Dagdag niya pa. “Gaano ka nakakasiguro?” nakangisi nitong tanong. “Hundred percent.”sagot niyang sigurado sa sinasabi bago niya ito iniwan. Nagsisigaw-pa ito pero hindi niya na ito hinarap. Wala siyang panahon para patulan ito. NAPATINGIN si Conchita sa pinto ng silid nang bumukas iyon. Iniluwa non si Tita Loida. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at sinalubong ito. Mukhang nalugi ang mukha nito. Akala niya noon ay masungit ito pero hindi naman pala, mabait naman pala ito at kung minsan pa ay sinasamahan siyang lumabas. “Totoo bang kayo na ni Danny?” tanong nito sa kanya kaya natigilan siya. Tumango siya bilang tugon. Tinitigan siya nito ng mabuti. “Siguro kaba diyan sa pagmamahal mo? Ganun ka’ba kasigurado kay Danny para pagkatiwalaan siya sa lahat?” tanong pa nito. “Opo, Tita. Mahal namin ni Danny ang isat-isa.” Sagot niyang nakangiti. “Sana nga iha, mahal ka rin niya. Ayokong masaktan ka niya. Masyado pang maaga para sayo ang magmahal, baka kapag nawala siya sayo ay hindi mo kayanin.” Nag-aalala nitong turan sa kanya. Ginagap niya ang kamay nito. “Tita, malaki na po ako. Kaya ko na ang sarili ko at alam ko na ang ginagawa mo.” Wika niya para kumalma ito. “Binalaan na kita tungkol kay Danny, Conchita at nasa sa’yo kung maniniwala ka sa akin. Basta kapag niloko ka niya wag mong sabihin sa akin na hindi kita binalaan.” Turan pa nito. Paranoid naman yata ang mga tao dito, magmula rito at kay Lucas ganun nalang ang mga reaksiyon sa pag-iibigan nila ni Danny. May dapat nga ba siyang ikatakot? Tahimik silang nagsasalo-salo sa hapag kainan para sa hapunan pero hindi pa rin bumababa ng silid si Danny. Kanina niya pa ito pinatawag pero hanggang ngayon wala pa rin. Tahimik siyang kumakain nang makita niyang may bumababa ng hagdan. Si Danny. May dala itong mga maleta na ipinagtataka niya. Napansin niya ring may pasa ang mukha gilid ng bibig nito. “Ano yan?” tanong niya dito nang lumapit ito sa kanya. Hindi niya maiwasang mapatayo dahil sa nakitang nag-aalsa balutan ito. “Tama, si Tita Loida. Nakakailing kung magkasama tayo sa iisang bubong Conchita.” Sagot nito sa kanya. Napatingin siya sa tiyahin. “Yeah right, good decision Danny.” Sagot nito sa kasintahan niya. “No! Hindi ka aalis!” galit niyang turan. “Walang nakakailang Tita dahil wala naman kaming ginagawang masama at isa pa napakalaki ng bahay na ito para hindi tayo magkasya!” may kataasan ang boses na sagot niya. “Per- “Tita, akin ang bahay na ito at akin ang huling desisyon! Ako ang dapat masunod! Mananatili dito si Danny sa ayaw at gusto mo!” putol niya sa sasabihin nito. Naumid ang dila nito sa sinabi niya. “Okay lang ako Conchita.” Sabat ni Danny. Hinawakan niya ito sa kamay. “Hindi ka aalis Danny. Tulad ng sinabi ko, kung nasaan ka nandun dapat ako.” Mahina ang boses na pahayag niya. “Ano ba ang pinakain sayo ng lalaking yan at para ka ng nababaliw?” sigaw na tanong sa kanya ni Lucas. Akmang lalapitan ito ni Danny pero pinigilan niya ito. “Hindi mo alam sa sinasabi mo!” sagot niya kay Lucas. “Ikaw ang walang alam! Hanggang ngayon kasi mangmang ka pa rin!” sagot nito sa kanya kaya pinamulahan siya ng mukha. Sinugod ito ni Danny at agad na inundayan ng suntok. “Subukan mo pang insultuhin si Conchita at mapapatay kita!” galit na duro ni Danny kay Lucas. Nakasalampak na ito sa sahig, habang pinipigilan ng kapatid nito at ni Tita Loida samantalang nakayakap naman siya kay Danny. Nanginginig pa rin ito sa galit. “Sige pa Danny, ipakita mo kay Conchita at pagkukunwari mong pagmamahal! Kahit ano pang sabihin mo alam kong pera lang ni Conchita ang gusto mo dahil noon pa man ganyan ka’na. Mukhang pera!” sagot pa ni Lucas kaya tinadyakan ito ni Danny. Para matigil ang gulo hinila niya si Danny pabalik sa silid nito. “Sumusobra na yang Lucas na yan!” nanggigigil pa rin nitong turan sa kanya kahit na nasa silid na sila nito. “Hayaan mo siya.” Sagot niyang pilit na pinapakalma ito. “Hindi ka aalis sa bahay na ito Danny. Tulad ng sinabi ko kung nasaan ako gusto kong nandun ka rin.” Sagot niya pa. Napabuntong-hininga ito para mawala ang galit na nararamdaman. “Ayoko lang naman kasi na mag-isip pa sila ng masama tungkol sa atin.” “Hindi natin kailangan ang sasabihin nila. Ang importante ay tayo. Hindi ba yun naman ang importante?” tanong niya sa nobyo. Hinawakan siya nito sa kamay at tinitigan siya sa mukha. This time kalmado na ito at nawala na ang init ng ulo. “I’m sorry Conchita, hindi na mauulit. Tama ka mas mahalaga ang tayo at wala tayong dapat na ikabahala.” “Mahal kita Danny at alam kong lahat ng sinabi nila ay hindi totoo.” Sagot niya pa. Kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. Dinig na dinig niya ang malalakas na t***k ng puso nito nang     maidikit niya an tenga sa tapat ng dibdib nito. “Mangako kang hindi ka aalis dito.” Turan niya pa. Baka mamaya kasi tuloy pa rin ang kagustuhan nitong umalis ng bahay niya. WALANG nagawa si Tita Loida sa desisyon niyang wag umalis ng bahay si Danny. Siya pa rin ang masusunod sa ayaw at gusto nito. Sa huli sinabi nito sa kanyang naiintidihan nito ang pagtaas ng boses niya at rerespituhin ang anumang desisyon niya. Wala naman siyang dapat na ikahiya. Bago pa man siya dumating sa bahay na ito nauna nang tumira si Danny kaysa sa kanya at ayaw niyang maramdaman nito na hindi niya ito ipinaglaban. Lahat gagawin niya para sa lalaki. Para sa magmamahalan nila. Sa pamamagitan man lang nito sana makabawi siya sa lahat ng sakripisyo nito sa kanya. Pilit na humihingi nang tawad sa kanya si Lucas pero hindi niya ito kinakausap. Nasaktan pa rin siya sa mga sinabi nito tungkol sa kanya at kay Danny. Hindi niya iyon matanggap. Inamin din nito sa kanya ang pagkakagusto nito sa kanya pero hindi niya iyon sinabi kay Danny, hindi na kailangan total wala naman siyang damdamin para dito.                                                                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD