CHAPTER THREE

2405 Words
Bago sila naghiwalay ni Conchita ay kinantilan siya nito ng halik sa labi na ikinagulat niya. Hindi dapat na magkagusto sa kanya ang dalagang katutubo. Tiyak na pipigilan siya nitong umalis kapag nagkataon. Nawala sa isip niya ang planong kausapin si Datu Amid tungkol kay Maria Sepeda dahil si Conchita ang laman ng buong isipan niya. Kahit anong pilit niyang wag itong isipin ay paulit-ulit itong bumabalik sa isipan niya, lalo na ang pinagsaluhan nilang halik kanina sa ilalim ng puno ng mangga at pagnakaw nito ng halik sa kanya kanina. HINDI niya mapigilang kabahan nang ipatawag siya ni Datu Amin sa isang katutubo. Buong maghapon niyang hindi nakita si Conchita at magdidilim na. Maghapon na nawalan ng saysay ang umaga niya dahil hindi niya ito nakita, pero okay na siguro yun para hindi siya maguluhan at hindi maipit sa sitwasyon. Iba na mundo niya kay Conchita. Hindi niya ito pwedeng ilayo sa tribu nito. Malakas ang t***k ng puso niya nang makarating siya sa kubo ni Datu Amid. Higit na malaki ang kubo nito kesa sa ibang katutubo. Nakaupo ito sa papag at nagkakape. Muling bumangon ang kaba niya. Bigla niyang naisip na baka nagsumbong si Cochita sa ginawa niyang panhahalik dito. Inalok siya nitong umupo. “Ayon sa mga kasama ko ay hinahanap mo raw si Maria Sepeda? Kaanu-ano mo ba siya?” tanong nito kaya nakahinga na siya ng maluwag. Hindi tungkol kay Conchita ang pag-uusapan nila. Nilibot niya muna ang mga mata sa paligid para hanapin si Conchita pero bigo siya. “Siya po ang asawa ni Tito Benny, ang nag-ampon sa akin.” Sagot niya. “Hinahanap ko po siya para ipaalam sa kanya at sa anak nila na patay na si Tito Benny at kaya po ako nandito para hanapin ang nag-iisa nilang anak.” Dagdag niya pa. Napansin niyang natigilan ito sa sinabi niya. “Kilala niyo po ba siya?” untag niya dito. Tumango ito kaya napangiti siya. Sasagot na sana ito nang bigla silang makarinig ng ungol mula sa kabilang silid na tanging manipis na kurtina lang ang nakatakip. Sabay silang napalingon ni Datu Amid. Tumayo ito kaya tumayo rin siya at sinundan ito. Tumambad sa kanya si Conchita. Namumula ang mukha nito. Unang kita niya palang dito ay alam niyang may sakit ito. Namamaluktot ito sa kumot. Agad na dinama nito ang leeg ng anak. “Mataas ang lagnat niya.” Turan nito sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala para sa anak. “Kailan pa ang lagnat niya?” usisa niyang nag-aalala rin para sa babaing tinatangi. Kasama niya pa lang ito kapahon. Iyon pala ang dahilan kaya hindi niya ito nakita buong araw. “Kagabi pa.” tugon nito. “Dito kana muna at tatawagin ko si Kamael para tawasan si Conchita.” Turan nito sa kanya kaya tumango siya. Nang mawala ito sa paningin niya ay agad siyang umupo at idinampi ang kamay sa leeg nito. Inaapoy nga ito ng lagnat. Panay lang ang ungol nito na parang kinukumbulsiyon. “Are you okay?” tanong niya nang dumilat ito. Napansin niya ang pangiti nito sa kanya. Naramdaman niya ang kamay nito na nakahawak sa kanyang braso. Mainit din iyon at pakiramdam niya ay mapapaso siya sa init ng mga palad nito. Hinaplos niya ang mukha nito, kung nasa Manila lang siya agad niya itong isusugod sa ospital pero hindi eh, nandito siya sa bukid malayo sa ospital. Dala ng labis na pag-alala ay hinagkan niya ito sa labi. Gusto niyang maibsan ang nararamdaman nito. “Darating na ang gagamot sayo.” Usal niya dito. Inip na inip na siya sa paghihintay sa ama nito para tumawag ng manggagamot kaya kumuha siya ng maliit na tela at binasa iyon. Pinunasan niya ang mukha nito at buong katawan bago niya ibinalot ang katawan nito sa kumot. Nang haplusin niya ng kamay ang noo nito ay naibsan na ang pagtaas ng lagnat nito. Dinampian niya ng halik sa labi nang makatulog na ito. Pakiramdam niya nag-opera siya ng may sakit at bigla siyang nakahinga ng maluwag nang makitang okay na ito. Nagulat pa si Datu Amid ng makitang payapa ng nakatulog si Conchita. Maging ang kasama nitong albularyo ay nagulat. May mga dala itong dahon sa basket nito. Dinama ni Datu Amid ang leeg ng anak. “Hind na mataas ang lagnat niya?” baling nito sa kanya na nagtataka. “Pinunasan ko po ng malamig na tubig kaya bumaba ang lagnat niya.” Sagot niya dito. Nagpasalamat ito sa kanya. “Mabuti nalang at nandito ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa anak ko.” Pahayag nitong may namumuong luha sa mga mata. Lumabas siya sa silid ni Conchita at sumunod dito. Hiniling nito sa kanya na sa labas ng silid na muna siya matulog dahil pagod at puyat ito sa pangangaso at pagtatanim. Hindi siya tumanggi nang pakiusapan siya nito tungkol  sa magbabantay kay Conchita. Tiyak na hindi siya matatahimik kung hindi niya ito makikitang maayos ang lagay. Tulog na si Datu Amid pero siya ay gising na gising pa rin. Pinupunasan niya pa rin ang dalaga para maging okay na ito. Masyadong maaga pa para sabihin niyang iniibig niya si Conchita, pero aminado siyang may puwang ito sa puso niya. Hindi siya magkakaganito kung walang halaga sa kanya ang katutubong dalaga. Naidlip siya habang nakaupo ng biglang may humawak sa kamay niya. Walang iba kundi si Conchita.  “How are you?” tanong niya. “Ang ibig kong sabihin ay kumusta ka?” nataranta niyang tanong. “May pagkain ba?” tanong nito kaya napangiti siya. Agad siyang tumayo at nagsandok ng lugaw na hinanda ni Datu Amid para sa anak, Nagsalin siya sa palayok at dinala iyon sa dalaga. Nagpumilit itong kumain mag-isa pero tumutol siya. “Ako na baka mabinat ka!” turan niya dahil makulit ito at pinipilit pa rin ang gusto. Sinubuan niya ito kaya wala itong nagawa kundi ang ibuka ang bibig. Naubos nito ang isang mangkok ng lugaw. “Inumin mo ito.” Utos niya dito. Mabuti nalang pala at may baon siyang ilang gamot sa bag. Inabot niya dito ang bioflu. “Ano yan?” tanong nitong nakatitig sa gamot na hawak niya. “Gamot yan sa amin. Gamot sa lagnat.” Sagot niya. Inabot niya dito ang gamot at inimom nito. “Salamat sa pagbabatay mo sa akin.” Turan nito. Ginagap niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit. “Ngayon palang nalulungkot na ako kapag umalis ka na dito.”turan pa nito. Mapait siyang ngumiti sa dalaga. Iyon ng ang ikinatatakot niya, ang mapalapit dito. Tiyak na masasaktan siya kapag umalis na siya sa tribung ito. “Wag kang mag-alala, babalik ako dito para bisitahin ka.” Sagot niya nalang para hindi ito malungkot. Ayaw niya naman na paasahin ito pero kung yun ang kailangan para mapanatag ito gagawin niya. Ngumiti si Conchita sa sinabi niya. Wala ng mas sasaya sa kanya sa tuwing nasisilayan niya ang mga ngiti nito. Ang mga ngiti nito ang nagpabago sa kanya. Dahil dito napapangiti siyang hindi napipilitan. Napapasaya siya nito sa maliit na bagay. Muling bumalik sa tulog si Conchita, siguro dala ng gamot na nainom nito. Mayat-maya pa ay natulog na rin siya sa labas ng silid nito, ayaw niya naman na mag-isip ng hindi maganda si Datu Amid sa kanya. Maaga palang ng gisingin siya ni Datu Amid para muling ibilin sa kanya si Conchita. Ayon dito sasaglit lang ito sa taniman at pipiliting makabalik ng maaga para ito naman ang magbantay kay Conchita. Hindi niya mapigilang hindi mangamba dahil sila lang ni Conchita ang magkasama sa iisang bubong. Nang makaalis si Datu Amid ay muli niyang sinipat si Conchita, bumaba na ang lagnat nito kaya muli siyang lumabas ng silid at muling natulog. Napilitang imulat ni Danny ang mga mata ng maramdaman niyang may humahaplos sa mukha niya. Walang iba kundi si Conchita. Nakatabi na ito sa kanya at nakaunan sa unan niya. Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang matitigan ito ng malapitan. Tirik na ang araw sa labas ng bahay ng mga ito pero ito siya, kakagising lang at katabi pa si Conchita. Muling lumakas ang t***k ng puso niya ng makitang nakayakap sa mga hita niya ang bente ni Conchita. “Wala ka na bang lagnat?” tanong niyang kinakabahan. Umiling ito bilang sagot. “Baka makita tayo ng tatang mo sa ganitong ayos.” Nag-aala niyang turan. Aayusin niya niya sana ang sarili pero pinigilan siya nito. “Kapag wala kana hindi na kita mayayakap ng ganito.” Turan nito sabay yakap sa kanya ng maghigpit. “Kapag umalis na ako hindi na rin kita mayayakap.” Sa loob-loob niya pero hindi niya magawang isatinig. Same feeling. Hindi siya tumutol ng yakapin siya ni Conchita. Walang humpay ang pagyakap nito sa kanya na tila ba ayaw na siyang pakawalan pa. Kahit anong pigil niya sa nararamdaman niya hindi niya magawang tikisin lalo pa pinagkakanulo naman siya ng damdamin niya. “Gusto kita Conchita.” Amin niya sa nararamdaman. Bumilis ang t***k ng puso niya habang nakatitig sa maamo nitong mukha. “Gusto rin kita Danny. Gustong-gusto kita.” Sagot nito. Sapat na ang narinig niya para hagkan niya ang mga labi nito. Nagpalitan sila nang halik. Kung hindi pa sila kinapos ng hininga ay hindi sila maghihiwalay. Niyakap niya ito ng mahigpit at ikinulong sa mga bisig niya. Nahiling niya na sana ganito nalang sila palagi. Magkasama at magkayakap. Masaya siya kay Conchita, iyon ang alam niya. Iyon ang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung alam ba ni Conchita ang sinasabi nito at kung ano ang damdamin na meron ito sa kanya. Sa ngayon sapat na ang gusto siya nito at ganoon din siya rito. Sapat ng may unawaan sila. Lihim na unawaan. Napangiti siya nang muling halikan siya ni Conchita. Tinugon niya iyon ng buong puso.   NABIGLA si Danny sa nalaman mula kay Datu Amid. Bigla nga palang naputol ang pag-uusap nila noon dahil kay Conchita at ngayon muli siya nitong pinatawag at nalaman niya nga na kapatid nito si Maria Sepeda at kilala sa tawag na Ida sa tribu Tab-on. Tinanong niya ito kung nasaan ang anak ni Maria Sepeda at nagulat pa siya nang sabihin na si Conchita ang anak ni Maria Sepeda. Si Conchita ang anak ng amain niya. Pakiramdam niya gumuho ang mundo niya sa nalaman. Ang babaing mahal niya na ay ang anak nang kinikilala niyang ama. Paano niya ngayon bibigyang laya ang pagmamahal niya kay Conchita? Tiyak na aakusahan lang siyang peperahan lang ito kapag nalaman ng iba na may espesyal na pagtingin si Conchita  sa kanya. Hindi niya magawang matulog dahil sa nalaman. Kailangan niyang pigilan ang nararamdaman para sa babae, respeto nalang para sa lalaking nag-ampon sa kanya. “Hindi dapat kita mahalin Conchita, ayokong isipin mo na pera lang ang habol ko sayo kaya kita minahal. Ngayon palang ay kailangan na kitang kalimutan para sa ikakatahimik ng buhay natin pareho.” Hindi makapaniwala si Conchita ng aminin ni Datu Amid ang katotohanan. Pumayag na rin ito na sumama sa kanya si Conchita. Sa buhay nito kung saan ito nararapat. “Ingatan mo Danny ang anak ko.” Bilin pa sa kanya ni Datu Amid, panay ang yakap nito kay Conchita habang umiiyak, maging ang ilang katutubo ay napaiyak rin sa paglisan ni Conchita sa tribu na kinalikhan. Maging siya ay hindi niya napigilan ang sakit na nararamdaman dahil siya ang dahilan kung bakit mawawalay kay Datu Amid si Conchita. “Wag ho kayong mag-alala. Bibisita kami palagi.” Sagot niyang pilit ang ngiti. Naunang sumakay si Conchita sa motor na sumundo sa kanya bago siya sumunod dito. Kumaway pa si Conchita nang magsimulang umandar ang motor. Muli itong napahagulhol kaya hinagod niya ang likod nito upang pakalmahin. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Conchita. Kapwa sila pagod ni Conchita nang makarating sila sa bayan ng Cotabato. Umupa muna sila ng silid para makapagpahinga. Isang silid lang ang kinuha niya dahil sa takot na baka tumakas o mawala ito.. Ngayon lang ito nakalabas ng Tab-on kaya tiyak niyang naninibago ito. Malungkot pa rin ito nang makarating sila sa silid na inupahan nila pansamantala. “Diyan kana sa kama, sa sahig nalang ako.” Turan niya. “Ako na lang sa sahig.” Sagot nitong malungkot ang tinig. “Ako na, para makapagpahinga ka ng maayos.” Pilit niya. Nabigla pa siya ng bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. “Wag mo akong iiwan Danny.” Umiiyak nitong turan kanya. “Hindi kita pababayaan, ako ang bahala sayo.” Sagot niyang pilit na ngumiti. Pilit niyang inilayo ang sarili dito para umiwas. “Magpahinga ka na.” dagdag niya pa bago siya naglatag ng comforter sa sahig at agad humiga. Nabigla siya ng tumabi ito sa kanya at muling yumakap. “Dito lang ako sa tabi mo.” Pilit pa itong yumakap ng mahigpit sa likod niya. “Hindi tayo nagbayad para sa sahig matulog.” Sagot niyang nilalabanan ang nararamdaman. Tumayo siya at lumipat sa kama para umiwas. “Sige diyan ka, dito ako.” Turan niya pero hindi ito pumayag, muli itong tumabi sa kanya at muli siyang niyakap. “Natatakot ako baka pag-gising ko wala ka na rin. Nalulungkot ako.” Sagot nitong muling umiyak kaya naawa naman siya dito. Nilayo niya ito sa pamilya nito kaya dapat lang na alagaan niya ito. Humarap siya dito at pinunasan ang mga luha nito. “Ssssh! Tama na hindi ako aalis sa tabi mo.” Turan niya. “Pangako?” tanong pa nito na parang bata. “Pangako.” Sagot niya pang pilit na ngumiti. Niyakap niya ito ng mahigpit para mapayapa na. Kinantilan pa siya nito ng halik sa labi bago muling ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Nasasaktan siya kapag nakikita niyang nasasaktan din ito. Responsibilidad niya ngayon si Conchita, kailangan niya itong turuan para ito na ang humawak sa kumpaya ng ama nito at sa nakikita niya mukhang aabutin siya ng ilang taon para matuto ito sa lahat-lahat. Pinagmasdan niya ang mukha ni Conchita, kahit tulog na ito bakas niya pa rin sa mukha nito ang lungkot at pangungulila sa mga katribu lalo na sa ama. Siguro kung hindi niya ito kasama ngayon baka napakalungkot niya rin ngayon. Kailangan niyang kalimutan ang pagmamahal niya dito at isipin ang dapat na matutunan nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD