CHAPTER TWO

3188 Words
NAGHANDA ng isang piging para sa pagdating niya. Lahat niya nagsasaya. Ganito pala kapag bago ka sa lugar, pinaghahandaan na tila pa welcome party para sa kanya. Maraming nagsayawan sa paligid at nang pumailanlang ang isang sayaw gamit ang tambol ay nagsipaghinto ang mga ito na ipinagtataka niya. Mula sa likod ay may babaing lumabas at bigla nalang sumayaw sa harapan nila. Natuon ang pansin niya sa babaing bigla nalang sumayaw sa gitna. Napakaganda nito, mahaba ang buhok na nakaipit sa tenga, pantay-pantay ang mapuputing ngipin, mamula-mula ang kutis nito, matangos ang ilong at higit sa lahat kaakit-akit itong pagmasdan. Patuloy lang ito sa pagsasayaw. Para itong ibon na lumilipad-lipad sa harapan nila. Ibang-iba ito sa mga katutubong nasa paligid niya. Hindi niya mapigilang hindi humanga sa babaing sumasayaw. Nabigla pa siya ng bigla itong lumapit sa kanya at inabot ang kamay niya. Napatingin siya sa matandang katutubo sa tabi niya at tila humihinga ng pahintulot. “Paunlakan mo ang anak ko.” Turan nito. Anak pala nito ang babaing pumukaw sa atensiyon niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng akayin siya nito sa gitna. Panay lang ang sayaw nito at tila walang pakialam. Nakatanga lang siya sa babae habang ito ay nagsasayaw. Umikot-ikot ito sa kanya na para bang nakakulong siya. Napakaganda nito sa malapitan, lalo na kapag nakangiti. Lumakas ang t***k ng puso niya kapag nagtatama ang mga mata nila na ngayon lang yata nangyari sa tanang buhay. Alam niyang werdo dahil marami namang babae sa Manila pero iba ang karisma nito. Agaw pansin, siguro dahil iba ito sa nakakarami sa kanila. Hindi niya mapigilang hindi mapatitig sa tiyan nito, makinis iyon at kitang-kita niya rin ang pusod nito. Bigla siyang napalunok nang mapansin na wala rin itong suot na bra. Makapal naman ang damit nito pero hindi pa rin iyon sapat para matakpan ang dibdib nito. Kung dito walang malisya lang ang hindi nito pagsuot ng bra, hindi sa kanya. May malisya siya. Agad niyang inalis ang mga mata sa dibdib nito baka mamaya masamain pa ng mga manunuod. Ayaw niya pang mamatay. Pilit siyang umiindayog sa saliw ng musika kahit pa hindi niya naman iyon hilig. Napapasayaw nalang siya basta sa tuwing nakikita niyang masayang sumasayaw ang kapareha. Naging napakasaya ng unang gabi niya sa tribu ng Tab-on. Hanggang sa natapos ang kasayahan, sa babaing nakasayaw niya lang nakatuon ang buong pansin niya. Anak ni Datu Amid si Conchita, ang babaing agad na pumukaw sa kanyang atensiyon.  Naiwan si Conchita sa kubo kung saan isinagawa ang pagtitipon, samantalang may dalawang katutubo naman na nagliligpit. Napangiti siya nang umupo ito sa tabi niya. Daig niya pa ang binatilyo na parang hindi mapakali ng makalapit ito. “Anong pangalan mo?” tanong nito sa kanya. Magiliw ang boses nito at tila walang alalahanin sa mundo. “D-anny San Miguel.” Sagot niyang nauutal. Napatingin siya sa maamo nitong mukha. “Ang haba naman.” Sagot nito. “Ang hirap tandaan.” Dagdag pa nito sabay ngiti. Hindi niya mapigilang hindi tugunin ang mga ngiti nito. Nakakahawa kasi ang mga ngiti nito. “Just call me Danny if you want.”sabi niya pa. Napanganga ito sa sinabi niya. “Tawagin mo nalang akong Danny.” Ulit niya. Nakalimutan niyang hindi pala nakakaintindi ang mga katutubo ng wikang ingles. “Ano ba ang ginagawa mo dito?” tanong pa nito. “May hinahanap ako. Anak ng nagpalaki sa akin.” Sagot niya sa babae. Hindi ito sumagot sa sinabi niya bagkus napatitig lang ito sa kanyang mukha. Hindi niya mapigilang hindi pamulahan sa kakaiba ng titig nito. “Bakit?” tanong niya dahil titig na titig ito sa kanya. “Ibang-iba kasi ang mukha mo sa mga lalaki dito sa amin. Nakakahanga ang mukha mo.” Sagot nito sa malalim na pagtatalog. Agad niyang napansin ang sinaunang ugali at tradisyon ng mga katutubong Tab-on sa unang pagdating niya pa lang. Ilap ito sa mga tao at parang takot. Salat ang mga ito sa maraming bagay tulog nalang ng mga appliances o kung ano pa man na nauuso ngayon sa Manila o siyudad. Hindi rin kaila sa kanya na walang pinag-aralan ang mga katutubo dahil hindi siya naiintindihan ng mga ito. Nanghihinayang lang siya sa buhay na wala si Conchita. “Hindi ka ba nakakalabas ng Tab-on?” tanong niya dito. “Hindi. Ipinagbabawal kasi ni Tatang na lumabas ng tribu ang mga babae kaya hindi ko alam kung ano ang meron sa labas ng tribung ito.” Sagot nito sa kanya. Hindi niya maiwasang hindi maawa sa dalaga. Marami itong hindi alam kung ano ang meron sa labas ng tribu ng mga ito. Sana lang magkaroon siya ng pagkakataon na mailabas man lang ito pero mukhang malabong mangyari yun kung batas sa mga ito ang lumabas ang mga babae. “Magulo sa labas. Maraming masasamang tao pero meron namang mababait. Marami kang mapupuntahang lugar at maraming masasarap na pagkain.” Kwento niya dito. Napansin niya ang pagningning ng mga mata nito. Sa tingin niya lalo yatang gumanda si Conchita. “Nakakatuwa naman at nandito ka para magkwento sa akin kung ano ang meron sa labas ng tribung ito. Para na rin akong nakarating doon.” Sagot pa nito. “Masaya ka ba dito?” tanong niya pa. Gusto niyang makilala ng lubusan si Conchita. “Oo, nandito kasi ang buong pamilya ko. Buhay na namin ang tribung ito, at sama-sama kaming mamatay sa lugar na ito.” Pahayag pa nito kaya muli na naman siyang humanga. “Kung bibigyan ka ng pagkakataon, gugustuhin mo bang lumabas dito?” Umiling ito bilang sagot kaya nanlumo siya. “Tiyak na magagalit si Tatang.” Sagot nito. MARAMI silang napagkwentuhan ni Conchita, napag-alaman niya rin na twenty five years old na ito. Hindi niya mapigilang matuwa ng sabihin nito na wala pa itong nobyo. Napakainosente ni Conchita. Ngayon lang yata siya matutulog ng may ngiti sa labi. Sa likod ng bahay siya pinatulog ni Datu Amid, doon daw kasi ang silid ng mga panauhin ayon pa dito. Palibhasa sanay siya sa hirap kaya hindi niya alintana ang matigas na pagpag na tinutulugan niya. Napangiwi siya ng makita niya ang oras sa iphone niyang cellphone, alas otso palang ng labi pero lahat ay tulog na. Napakadilim na ng paligid at tanging huni nalang ng mga palaka ang naririnig niya. Agad niya ring pinatay ang cellphone nang makitang wala naman iyong signal. Useless sa lugar na ito ang ganda ng cellphone. NAALIMPUNGATAN siya ng may narinig siyang pag-uusap sa labas ng kubong tinutuluyan niya. Gising na ang mga lalaking katutubo at maging si Datu Amid. Tila naghahanda na ang mga ito. Napatingin siya sa pambisig na orasan. Alas kuwatro palang ng umaga. “Ang aga naman nilang magising!” sa loob-loob niya. Dahil hindi niya naman nakita sa labas ng kubo si Conchita agad din siyang bumalik sa paghiga. Tila nagkaroon siya ng inspirasyon sa pamamalagi niya sa tribu Tab-on. Hindi siya maiinip. Mahihinang tapik ang gumising sa kanya. Nabigla pa siya ng masilayan niya ang mukha ni Conchita. Agad siyang bumangon at agad na inayos ang sarili, baka mamaya kasi may laway pa siya o di kaya muta. Nakakahiya naman kay Conchita. “Magandang umaga.” Bati nito sa kanya. “Maganda ka pa sa umaga.”sagot niyang ngumiti ng matamis. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang mga katagang yun. Nagiging werdo na nga yata siya. “Sabi ni Tatang asikasuhin daw kita, kaya ginising na kita para sabay na tayong mag-almusal.” Turan pa nito kaya napangiti siya. Biglang gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi nito. Dali-dali siyang tumayo at nag-ayos ng sarili. “Ano ito?” tanong ni Conchita. Napatingin siya sa tinuturo nito. Cellphone niya iyon, nilagay niya iyon sa tabi ng unan niya bago siya natulog. “Cellphone yan.” Sagot niyang nakangiti. Hindi na yata maaalis ang ngiti niya sa labi kapag ito ang kasama niya. “Saan ginagamit yan?” inosente pa nitong tanong nang bigla siyang may naalala. Muli siyang umupo sa papag at dinampot ang cellphone. Agad niyang binuksan ang camera. “Ngumiti ka.” Utos niya dito. Lumapit siya dito at idinikit ang mukha. “Tumingin ka sa cellphone ko.” Utos niya pa kaya sumunod naman ito. Namangha pa ito ng makita ang sariling repleksyon sa cellphone. Napangiti siya ng pumalakpak ito. “One, two three!” turan niya pa bago niya pinindot ang cellphone. Inabot niya kay Conchita ang kuha nila.. “Ang galing, Danny!” tuwang-tuwa nitong turan. “Ang ganda-ganda ko dito.” Puri nito sa sarili. Hindi pa rin nito tinitigilang tingnan ang litrato nito sa cellphone niya. “Maganda na naman talaga.” Tugon niya. Napansin niyang pinamulahan ito ng mukha. Dahil nakaupo siya at ganun din ito hindi niya maiwasang hindi titigan ang mukha nito. Maging ito ay nakatitig lang sa kanya. Muli na naman bumilis ang t***k ng puso niya. Gusto niya itong halikan pero pinigilan niya ang sarili kaya agad siyang tumayo at niyaya itong lumabas para makapag-almusal. Inosente si Conchita, marami itong hindi alam kaya dapat lang na wag niyang pagsamantalahan ang kawalan nito ng malisya. Silang dalawa lang ang kumain ng almusal dahil wala ang ama nito. Kung siya ay naiilang ito ay parang wala lang. Kung makadikit ito sa kanya parang hindi iniisip na lalaki siya at natutukso rin. Isang malaking tukso sa kanya si Conchita. Hindi yata siya nakakain dahil nakatitig lang siya sa buong mukha nito. Nakakaaliw itong pagmasdan. Hindi babae ang ipinunta niya sa tribu Tab-on. Hindi siya nagbiyahe ng pagkalayo-layo para maghanap ng babae. Nandito siya nga sa lugar na ito dahil kay Tito Benny. Kailangan niyang matupad ang pangarap nito. Alam niyang mapupunta lahat kina Tita Loida ang yaman ni Tito Benny kapag hindi niya natagpuan ang anak nito. Hindi niya hahayaang mangyari yun. Tiyak na masasayang lang ang pinaghirapan ng amain kung sa kamay ni Tita Loida mapupunta ang lahat. Pilit niyang iniwasan si Conchita para maituon niya ang pansin dito. Wala siyang nakikitang kalalakihan. Ayon kay Conchita nangangaso daw sa bundok ang mga lalaki samantalang nagtatanim naman ang iba. Iyon kasi ang pinagkukuhanan nila ng pagkain sa araw-araw. Nakakalungkot lang isipin na may mga taong hindi napagtutuunan ng pamahalaan. Nakapagtanong-tanong na siya tungkol kay Maria Sepeda pero walang sinuman ang nakakaalam tungkol dito. Isa lang ang sagot ng mga ito, kausapin niya raw si Datu Amid. Napagpasyahan niya munang maglibot-libot sa paligid nang matanaw niya bigla si Cochita. Palapit ito sa kanya kaya nataranta siya. Kailangan niya itong iwasan lalo pa at nakakalimutan niya ang dapat unahin kapag ito ang kaharap niya. Naramdaman niya nag pagbilis nang t***k ng puso niya. “Danny!” tawag nito sa kanya. Likas na napakaganda talaga ni Conchita. Para itong diwata sa lugar ng mga ito. Napatitig siya sa mga mata nitong tila nang-aakit. “B-akit?” nauutal niyang tanong. Hindi niya talaga maintidihan ang sarili kapag ito ang kaharap niya. Maging ang mga tuhod niya ay nanghihina samantalang ang lakas-lakas naman niya. “Samahan mo naman ako.” Yaya nito sa kanya. “Ha? Hinihintay ko kasi ang Tatang mo,” sagot niya para hindi na siya nito kulitin. “Madali lang naman. Wala kasi akong makausap.” Turan pa nito. Naawa siya sa pag-iba ng ekspresyon ng mukha nito sa pagtanggi niya. Hindi iyon bagay dito. “Okay, sasamahan kita.” Sagot niya nalang na walang magawa. Nabigla pa siya nang bigla siya nitong niyakap. Napaigtad siya ng magdikit ang mga balat nito. Daig niya pa ang nakuryete sa pagyakap nito. Weird.. Naramdaman niya rin ang mga dibdib nito na dumikit sa kanyang dibdib. Bigla siyang napapikit.   “Danny!” pukaw nito sa kanya. Hindi niya namalayan na kumalas na pala ito sa kanya at para siyang tanga na nakayakap pa rin dito. “May masakit ba sayo?” tanong nitong bakas ang pag-alala sa boses. “H-a? Ah oo! Natisod kasi ako kanina sa batong nakausli pero wag kang mag-alala okay na ako.” Pagdadahilan niya. Nagmukha tuloy siyang lampas a paningin dito. Tulad nga ng sabi nito kanina sinamahan niya itong mamasyal. Lahat ng magagandang pasyalan sa lugar ng mga ito ay dinala siya nito. Pakiramdam niya nasa isang paraiso sila. Paraisong tanging sila lang dalawa ni Conchita. Nagulat pa siya ng bigla siyang nabuwal. Hindi niya kasi namalayan na may malaking bato sa dadaanan niya palibhasa kasi natatakpan iyon ng talahib.  Mukhang nagkatotoo ang pagsisinungaling niya kanina. Napaluhod siya sa pagkabigla. Ka-lalaki niyang tao napakalampa niya. Napahalakhak si Conchita sa nangyari sa kanya. Kung bakit ba kasi sa mukha ni Conchita siya nakatingin at hindi sa daraanan. Maging ang halakhak nito ay nakakatawa kaya napatawa na rin siya hanggang nauwi iyon sa matagal na halakhakan. “Hindi mo ba nakita ang bato?” tanong pa nito bago inabot ang kamay niya para alalayang siyang tumayo. “Natatakpan kasi ng talahib.” Napapakamot sa ulong sagot niya. Tinanggap niya ang kamay nito para makatayo siya. Nabigla pa siya ng mabuwal ito sa kanya at kapwa sila bumagsak. Hindi siguro nito napaghandaan ang mabigat niyang katawan. Napayakap ito sa kanya at muling humalakhak. “Ang bigat mo!” reklamo nito sa kanya. Tila hindi man ito nailang sa pagkakayakap nito sa kanya. Akala niya tatayo na ito dahil sa nakakailang na posisyon nila pero umayos lang ito at humiga sa tabi niya at ginawa pang unan ang braso niya. Napatitig siya sa mukha nito. Nakatitig lang ito sa langit at tila may iniisip. Mukhang nahuhulog na ang loob niya sa babae. Hinayaan niya itong gawing unan ang braso niya. Kung pwede nga lang yakapin niya ito ginawa niya na. Napamagitan ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya magawang tumayo dahil nakaunan pa rin ito sa braso niya. Ilang na ilang na siya sa sitwasyon niya ngayon. Napapalakas din ang buntong hininga niya dahil sa pagkakalapit nila. “Anong iniisip mo?” tanong niya ditong hindi katiis. “Iniisip ko si Nanang, bata pa lang ako ay hindi ko na siya nakita. Ayon kay Tatang namatay siya noong pinanganak ako.” Malungkot nitong sagot. Mabuti nga ito at may tatay pa samantalang siya ulilang lubos at walang matatawag na pamilya kaya nga ganun nalang ang pasasamalat niya kay Tito Benny dahil tinuring siya nitong anak. Sana lang ay ituring din siyang kapatid ng anak nito kapag nakita na niya. “Hindi bagay sayo ang malungkot. Nandiyan pa naman siya Datu Amid.” Sagot niya para pagaanin ang loob nito at hindi nga siya nagkamali. Muli niya itong napangiti. Tumayo ito mula sa pagkakahiga kaya tumayo na rin siya. Napangiti siya ng pagpagin nito ang nadumihan niyang t-shirt at damit. Nabigla pa siya ng hawakan siya nito sa kamay at nagholding hands sila. Lumakas ang kabog ng puso niya. Pakiramdam niya nakuryente siya nang maglapat ang mga kamay nila. Napatingin siya dito pero tulad ng dati, wala itong reaksiyon sa ginagawa nito. Walang malisya lang ang ginagawa nito, samantalang siya ay kung saan-saan na nakarating ang iniisip niya. Muli silang naglakad habang nagkwekwentuhan habang hawak pa rin nito ang kamay niya. Hindi niya napigilan ang sariling higpitan ang pagkakahawak niya sa kamay nito lalo pa. “Pwede bang buhatin mo ako? Bigla kasing sumakit ang paa ko.” Reklamo nito kaya natigilan siya. Akala niya nagbibiro lang ito pero hindi, seryoso ito sa sinasabi nito. Paano ba naman hindi sasakit ang paa nito eh napakanipis ng suot nitong tsinelas. Walang alinlangan at pinasakay niya ito sa likod niya. Mula sa likuran niya naramdaman niya ang mga dibdib nito. Nailang na naman siya sa sitwasyon nila. Hindi naman siya nahirapang buhatin ito, payat lang ito samantalang malaki naman ang katawan niya dahil sanay siyang magbuhat ng mga dumbell. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Napalabitin ito sa leeg niya samantalang nakahawak naman siya sa likod ng mga tuhod nito. “Gusto mo bang umuwi na tayo?” tanong niya dito. “Mamaya na, may pupuntahan pa tayo.” Sagot nito. Gusto niya nang umuwi dahil hindi niya na matagalan ang matagal na pagkakadikit ng dibdib nito sa likod niya. Hindi siya santo para hindi matukso. Ang totoo nga niyang pinagpapawisan na siya, hindi dahil sa pagod kundi sa sitwasyon nito. Torture itong nangyayari sa kanya. Nabigla pa siya ng sumigaw ito. Ang lalim pa naman ng nilalakbay ng isip niya. “Bakit?” tanong niyang nilingon ito. “Ibaba mo ako!” utos nito sa malakas na boses. Pakiramdam niya nabasag ang eardrum niya sa lakas ng boses nito. Tulad ng hiling nito binaba niya ito. Napailing nalang siya nang bigla itong tumakbo kaya wala siyang nagawa kundi ang sundan nalang ito. Hindi niya mapigilang hindi mamangha. Isang puno ng orange at mangga, kapwa hitik sa mga bunga, halos mapuno ang dalawang puno sa bunga. Hindi niya mapigilang hindi mapanganga. Ngayon lang siya nakakita ng ganito, punong-puno ng bunga at para iyon kumikinang-kinang. Nabigla pa siya ng biglang umakyat sa puno ng mangga si Conchita, may kataasan iyon kaya nag-alala siya. “Baka mahulog ka!” sigaw niya sa pagkataranta pero huli na para pigilan niya ito. Ang bilis nitong umakyat at agad na nakakuha ng bunga at hinagis sa kanya. Siya itong lalaki pero siya itong tagasalo lang ng bunga. Sumisigaw pa ito sa tuwing hinahagis sa kanya ang hinog na mga mangga. Agad nilang pinagsaluhan ang mga hinog na mangga at dahil matinik ang puno ng orange sinungkit nalang nila iyon kahit pa naabot niya naman ang iba. Napakasayang pamamasyal ang nangyari sa kanilang dalawa. Naramdaman niya ang pagdampi ng daliri ni Conchita sa bibig niya. Pinupunasan pala nito ang katas ng mangga sa gilid ng bibig niya. Muli siyang napatitig sa mukha nito. Hindi niya napigilan ang sarili at bigla niya hinaplos ang pisngi nito. Bahagya pang nanginginig ang kamay niya habang hinahawakan ang mukha nito. Napatitig sa kanya si Conchita na tila ba nagtatanong. Bahagya siyang umusog para lumapit dito at hindi niya na napigilan ang sarili at hinalikan niya ito sa labi. Natigilan ito sa ginawa niya pero hindi ito tumutol. Napayakap ito sa kanya kaya     lumalim pa ang naging halik niya rito. Alam niyang bago dito ang nangyayari pero pilit nitong sinasagot ang mga halik niya. Pilit nitong tinutugon. Biglang bumalik sa kanya ang katinuan kaya napakalas siya dito at baghayang lumayo. “I’m sorry Conchita, hindi ko sinasadya.” Hingi niya ng patawad. Nakatitig lang ito sa kanya na tila ba walang naiintidihan sa sinabi niya kaya inulit niya ang sinabi sa salitang tagalong. Akala niya magagalit ito sa kanya dahil sa kapangahasang ginawa niya pero hindi dahil ngumiti pa ito sa kanya. Bigla siyang kinabahan na baka magsumbong ito sa ama at magalit sa kanya. Ayaw niya pang mamatay. Tahimik siya nang muling niya itong buhatin sa likod niya, kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya dahil sa ginawang panghahalik niya dito. Ito na yata ang pinakamasayang araw niya sa buong buhay niya at iyon ay dahil sa halik nito kahit pa maraming agam-agam sa puso niya. Tiyak na mahihirapan siyang umalis sa tribung ito kapag umibig siya kay Conchita. Hindi ito ang buhay niya.                                                               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD