CHAPTER FIVE

2337 Words
                                   DUMATING na ang DNA test result ni Conchita at tulad ng inaasahan niya ay nagtugma na mag-ama ang mga ito. Agad niya iyong binigay kay Tita Loida ang resulta, napansin niyang nanlumo ito sa nabasa at parang binuhusan ng malamig na tubig. Bigla rin itong bumait kay Conchita at yumakap pa dito na parang maamong tupa. Maging si Lucas ay yumakap din kay Conchita na labis na ikinainis niya lalo pa at tumitig pa ito sa habang yakap ang babae. Sa loob ng isang buwan masasabi niyang natutunan na lahat ni Conchita, although nangangapa pa rin ito kung paano magpatakbo ng isang malaking kumpanya. Aminado siyang baguhan lang ito sa mundo ng business pero alam niyang kaya nito, kapag kasi tumagal pang maging presidente si Tita Loida ay baka tuluyan ng malugi ang kumpanya. Nabalitaan niyang binenta nito ang 5% shares of stock nito sa kalaban ng kumpanya kaya nag-alala siya lalo pa at lulong ito sa casino. Nag-aalala siyang bumagsak ang kumpanya. Hindi niya naman magawang pilitin si Conchita. Nagkaroon nga ng kasiyahan sa bahay, sila-sila lang ang tanging nagsasayahan kasama ang mga nagtuturo kay Conchita pero hindi niya lubos madama ang saya sa puso niya para sa babae. Lalo pa at hindi ito nilulubayan ni Lucas. Sa buong kasayahan ay nakabuntot ito sa babae na labis niyang ikinainis at tila naman hindi nahahalata ni Conchita na nagpapansin dito si Lucas dito. Hindi pa tapos ang kasiyahan ay agad siyang nagpaalam na magpapahinga na. Hindi niya kinakayang makita na masaya si Conchita kasama si Lucas. Malakas na sinira niya pinto ng silid at agad na pabagsak na humiga sa kama niya. “Mahal kita Conchita, walang nagbago sa pagmamahal ko sayo. Pilitin man kitang kalimutan pero nandito ka pa rin sa puso ko at tanging ikaw lang ang itinitibok. Nasasaktan ako kapag nakikita kong may ibang lalaki na nagpapasaya sayo.” BUO na ang desisyon niya, magtatapat na siya kay Conchita. Hindi niya na pipigilan ang nararamdaman niya para dito at lalong hindi niya na iisipin kung anuman ang sasabihin ng iba. Ang importante ngayon ay si Conchita. Ang pagmamahal nila na naudlot simula ng malaman niyang anak ito ng amain. TODO ang ngiti niya ng sunduin niya si Conchita. Alam na nitong lalabas sila at tumawag na ito sa kanya para sunduin niya. Napatanga siya ng makita niyang bumababa ng hagdan si Conchita kasama si Yaya Azon. Napakaganda nito sa suot na casual black dress na hanggang tuhod. The thing she was wearing was a diamond choker. Mataas din ang takong na suot nito sa mapuputi nitong paa, hindi mo iisipin na isa itong katutubo noon at tumira sa bulubundukin ng Cotabato.. She has stunning beauty, na pwede mong isama sa mga nag gagandahang model. Pakiramdam niya siya ang pinakamaswerteng lalaki ng gabing iyon. “Danny!” pukaw nito sa kanya. Hindi niya namalayan na nasa harapan niya na pala ito. Masyado siyang nadala sa kakatitig dito. Iyon lang ang hindi nabago dito at pagiging makulit nito na labis niyang kinagigilawan. Pinamulahan siya ng mukha. “Muntik na kitang hindi na kilala.” Sagot niya. Napansin niya rin mag-apply ito ng make up. Kahapon kasi simple lang ang suot nito at walang kahit anong make-up sa mukha kahit pa kasiyahan ang nangyari kahapon but today is different. She has an intimidating looks na kahit sino ay mamangha sa transformation nito. Unat na unat di ang buhok nito at masasabi niyang pinaghandaan nito ang gabi nilang iyon. Simula kasi nang umalis sila ng Tab-on ay hindi na sila muling nakakalabas. Busy ito sa pag-aaral samantalang siya ay busy sa ORC bilang abogado. “Dahil ito sayo at gusto ko rin na ako ang pinakamagandang babae sa mga mata.” Pahayag nito na lihim niyang ikinakilig. Lumakas ang pagtibok ng puso niya dahil sa mga titig nito. Napansin niya rin na may suot itong contact lens. “Namiss ko bigla ang dating Conchita.” Sagot niya. “Hindi mo ba nagustuhan?” tanong nito na bahagyang lumukot ang mukha. “No!” sagot niya dahil nadismaya ito. “I really like you today, ang ibig ko lang sabihin ay namiss ko si Conchita na simple. Kung ano ka noon at ngayon hindi nagbago ang pagtingin ko.” Pahayag niya pa. Muli niyang nasilayan ang mga ngiti nito. “So, gusto mo pa rin ako?” tanong nito. Kahit kailan talaga napakaprangka nito at napapatulala nalang siya. Tumango siya bilang sagot. Ginagap nito ang kamay niya bago sila lumabas ng bahay. Hindi pa man sila nakakalabas ng bahay ng makasalubong nila si Lucas. Tulad niya natulala ito ng makita si Conchita at bahagya pang tinitigan ang mukha. “Para kang nakakita ng multo!” puna ni Conchita dahil titig na titig ito. “Saan ang punta niyo?” tanong nito sa babae. Siya sana ang sasagot pero naging maagap si Conchita.  “May date kami.” Magiliw nitong sagot kaya natigilan siya. Napatda si Lucas sa naging sagot nito at tinitigan siya ng masama kaya inakay niya na si Conchita sa sarili niyang sasakyan. Hindi niya mapigilang hindi mapakangiti sa sinabi nito kay Lucas.  Dinala niya si Conchita sa bahay na binili niya. Bungalow type lang iyon pero sapat na sa kanya at sa magiging pamilya niya kung sakali man na lumagay siya sa tahimik. Tatlo ang silid non at may maliit na garahe. “Kanino bahay ito?” tanong sa kanya ni Conchita ng bumaba sila ng sasakyan. “Sa akin.” Tugon niyang nakangiti. Inakay niya itong pumasok. “Aalis ka’na ba sa bahay?” tanong pa nito. “Kung paaalisin mo.” “Hindi yan mangyayari dahil kung nasaan ako dapat nandun ka rin. Kaya kung dito ka titira dapat dito din ako.” Sagot pa nito kaya napangiti lang siya. “Sa mansiyon ng Papa mo, doon ka nararapat.” Turan niya dito. “Basta, kung nasaan ka, nandun ako.” Matigas ang boses na sagot nito. TUMAMBAD sa kanila ang inayos niyang dinner date nila. Pagbukas niya palang ng pinto ay nagkalat na ang kulay puting petals ng roses sa sahig, mula sa dadaanan nila hanggang sa umabot sa sala kung saan niya inihanda ang mesa kung saan sila kakain. Napansin niyang tuwang-tuwa si Conchita sa inihanda niya kaya sulit ang pagod niya sa pag-aayos kahit pa halos wala siyang tulog sa pag-aasikaso at pagluluto ng ihahanda niya. Dinner date with candle light iyon ang inihanda niya. May isang bungkos ng bulaklak din sa mesa at agad niya iyong kinuha at inabot dito. May mga balloon rin sa paligid. “Alam mo ba kung bakit tayo nandito?” tanong niya dito. Namumula ang mukha nito sa kilig. Ginagap niya ang kamay nito at dinala sa tapat ng puso niya. “Di ba sabi mo magdidinner tayo?” tanong nito kanya kaya tumango siya. “Nandito tayo dahil gusto kitang masolo. Simula nang malaman ko na anak ka ng taong tumupad sa mga pangarap ko ay pinigilan ko ang sarili ko na wag kang mahalin. Mali ang mahalin kita dahil mayaman ka samantalang ako ay hamak lang na- “Ampon ni Papa?” putol nito sa sasabihin. “Mahirap lang ako Conchita, hindi ko kayang pantayan ang yaman na meron ka ngayon.” Pahayag niya sa nararamdaman niya. “Kilala mo ako Danny, masaya ako na wala ang lahat ng ito, lahat ng karangyaan basta kasama ko lang ang mga taong mahal ko. Ikaw mahal mo ba ako?” tanong nito sa kanya kaya natigilan siya napatitig siya sa mukha nito. “Mahal mo ba ako?” ulit pa nito. Napalunok siya. Sa tanang buhay niya ngayon lang siya magtatapat sa isang babae at parang gusto niyang umurong. Naumid ang dila niya sa tanong nito. Iyon ang linya na inaral niya kagabi pero mukhang hindi niya magagamit dahil ito pa mismo ang nagtanong sa kanya. “Sabihin mo na!” pangungulit pa nito sa kanya. “Oo mahal kita!” napalakas ang boses na sagot niya. “Noon pa man, mahal na kita. Mahal na mahal.” Dagdag niya pa sa kinakabahang tinig. Nagningning ang mga mata nito sa sinabi niya. “Nagbago ba ang pagmamahal na yun nang malaman mo na anak ako ng umampon sayo?” tanong pa nito. “Akala ko magbabago ang nararamdaman ko pero hindi pala. Kahit saang anggulo mo kasi tingnan mali ang mahalin ko ang anak ng taong umahon sa akin sa hirap.” Pahayag niya pa. “Ikaw lang naman ang nagsasabi niyan at kung itinuloy mo na wag akong mahalin kamumuhian kita habang-buhay dahil mahal na mahal kita Danny. Ikaw lang ang lalaking mamahalin ko at hindi ako papaya na basta mo nalang ako talikuran.” Pahayag nito na ikinagulat niya. “Mahal mo ako?” nanlalaki ang matang tanong niya. “Hindi pa ba halata? Ang manhid mo naman! Sa tingin mo ba hahalikan kita kung hindi kita mahal?” tanong pa nito kaya napakamot siya sa ulo. “Akala ko kasi normal lang sayo yun lalo pa at wala kayong malisya.” Sagot niya. “Hindi kita hahalikan kung hindi kita gusto. Mahal kita Danny, mahal na mahal.” Pahayag pa nito. Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya ito ng mahigpit at agad na kinantilan ng halik.. “You are the most interesting girl I’ve met. I promise to be with you always.” Pahayag niya pa sa nararamdaman. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at ikinulong sa kanyang mga palad. “Mahal kita Danny at masasaktan ako kapag hindi mo ako minahal gaya ng pagmamahal ko sayo.” Hilam ang luhang pahayag nito. “You do not know what you have done to me and now, I cannot think of anything beyond you. My body is filled with you, Conchita. I really love you and I miss you, Conchita.” Sagot niyang naluluha. “Hindi kita pababayaan, lahat ng laban mo ay laban ko na rin. Thank you for embracing me with your love.” Dagdag niya pa. “Paano pala kung hindi ko pa naiintindihan ang mga English mo eh di nakanganga pa rin ako para maintindihan ka?” natatawa nitong tanong sa kanya kaya napangiti siya. “Ako ang mag-aadjust para maintindihan mo.” Sagot niya. “Ganun mo ako kamahal?” “Oo, mahal na mahal kita Conchita and thanks to Tito Benny dahil pinahanap ka niya sa akin.” Pahayag niya pa habang nakapulupot sa bewang nito. “Hindi ko lang natupad ang pangarap niya kundi tinupad niya rin ang pangarap ko na makakilala ng babaing magmamahal sa akin.” Dagdag niya pa. “At wag mo na ring iisipin attorney na hindi tayo bagay, dahil napapaisip tuloy ako na baka ako ang hindi bagay sayo.” Turan pa nito. “Okay, from now on hindi na ako mag-iisip ng negatibo kundi puro positibo nalang in one condition?” nakataas ang kilay na turan niya. “Layuan mo si Lucas dahil sa tuwing nakikita ko siyang kasama mo, nagwawala ang puso ko sa selos.” Amin niya dito. Bigla itong humagalpak ng tawa dahil sa sinabi niya. “Sabi ko na nga ba,” sagot nitong pumalatak. “What?” kunot noong tanong niya. “Na nagseselos ka, kaya minsang biglaan ka nalang nawawala tulad nalang kahapon. Ikaw naman kasi ang may kasalanan, hindi ako manhid para hindi ko maramdaman na iniiwasan mo ako. Sinadya ko talagang lumapit kay Lucas para magselos ka.” Pahayag pa nito. “At nagtagumpay ka, ganun ba?” nakangiti niyang tanong. Tumango ito kaya pinugpog niya ito ng halik sa mukha at sa leeg. “Gusto ko lang naman iparamdam sayo kung ano ang nakakalimutan mo. Kung ano ang parte ko diyan sa puso mo.” Pahayag pa nito. Napansin niya ang namumuong luha sa mga mata nito. Naramdaman niya ang labis nitong pagmamahal sa kanya. Pagmamahal na sana ay tatalikuran niya at tiyak na pagsisisihan niya habang buhay. Hinaplos niya ang mukha nito. Ibang-iba na ito sa Conchita’ng nakilala niya pero kahit malaki ang ipinagbago nito, ito pa rin ang babaing minahal niya, ang pumukaw sa puso niya. Tinitigan niya itong mabuti habang habang hinahaplos niya pa rin ang mukha nito. Nabibingi na siya sa lakas ng t***k ng puso niya at kahit anong pilit niyang kontrolin ang pagtibok non ay hindi niya magawa. He was drowning sa labis na pagmamahal na nararamdaman niya para kay Conchita. Hindi naman talaga siya naniniwala sa sparks at pagbilis ng t***k ng puso kapag nakaharap mo na ang taong mahal pero ngayon masasabi niyang tama ang lahat ng napapanood at nababasa niya. Nag-uunahan sa pagtibok ang puso niya at pakiramdam niya napapaso ang kamay niya sa tuwing naglalapat ng mga balat nila. “You know what? Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pagmamahal at tanging sayo ko lang ito naramdaman.” Wika niya. “Ikaw lang din ang minahal ko at ayoko nang magmahal ng iba kung hindi lang naman ikaw.” Sagot nitong yumakap ng mahigpit sa kanya. Hinila niya itong umupo sa sofa niya bago niya siya tumabi dito. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Para siyang nakalutang dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. “So, girlfriend na kita?” tanong niya pa dito. “Oo at simula ngayon boyfriend na kita.” Tugon pa nito sa kanya. “Baka iwan mo lang ako dahil hindi ako tulad mo. Ikaw masayahin, ako bihira lang kung ngumiti. Madalang sa patak ng ulan. Mabilis din akong magalit at seryoso sa buhay. Baka hindi ka tumagal.” Pagdidiscourage niya sa sarili. Sinampal siya nito ng mahina sa pisngi. Umiling ito sa sinabi niya. “Handa akong pasayahin ka kapag may tupak ka at magiging clown mo ako kapag gusto mong tumuwa. Wala akong pakialam kung mabilis kang magalit dahil lahat ng ikaw ay mahal. Mahal ko ang buong ikaw Danny. I always think that you are perfectly amazing.” Pahayag pa nito sa kanya. Buhat sa sinabi nito ay agad niya itong siniil ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD