Kim's POV
Haay! ? Kaya ko pa ba?
Kim kaya mo pa. Trust him. Trust God. Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko. Ayaw ko kasi bumitaw. Hindi ko kaya. Masyado ko siyang mahal di kaya ng puso't isipan kong mawalay sakanya.
Bakit kami umabot sa ganito?
Papaano kami umabot sa ganito?
Anong nangyari sa matamis naming samahan?
Mga tanong na sa isipan ko ngayon'y naglalaro. Sa buong pagsasama namin di man lang sumagi sa isipan ko na hahantong kami sa punto ng mga buhay namin na magkakasakitan kami o masasaktan ako ng ganito. Ang nararamdaman kong sakit ay hindi ko maipaliwanag. Halo halong emosyon at mga hinanakit. Di ko ma-esplika kong ano ba ang nararamdaman ko. Namamanhid na ako sa sobrang sakit. Di ko na naiisip ang kahihiyan bilang asawa. Yung binababoy na ako sa sarili kong lungga ay nagpapaka martyer paren ako.
Masama ba ang mag mahal ng sobra sobra? ???
Iyak ako ng iyak. Nang bigla ay tumawag ang asawa ko. Agad kong pinunas ang mga luha ko at huminga ng malalim. Short convo lang. Kinumusta niya ako. Tinanong kung kumain na ako. Medyo sumaya ang puso ko kahit paano. Dahil ako ko may pag-asa pa kami. Naiisip pa niya ako, kahit pa nagloloko na siya.
Mas umiyak pa ako after ng usapang namin iyon. Dahil alam ko pagkababa ng tawag niya ay babalik na siya sa kanlungan ng kanyan babae. At some point naiisip ko, baka hindi na nga talaga ako kaakit akit sa paningin niya kaya naghahanap siya ng iba. Minsan tinatanong ko na ang sarili ko, pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Matanda na siguro ako o baka out dated na ako? Kaya sumusubok siya ng ibang putahe. O baka nga naghahanap ng babae na makapagbibigay sakanya ng anak. Kasi almost perfect na ang buhay niya, anak nalang talaga ang kulang. Stable naman ang pamumuhay niya, may pera, may mga ari-arian at maraming mga business kahit siguro matulog nalang siya ay patuloy paren ang pagkita ng mga business niya. Pero siya kasi yung tepo ng tao na super hands on sa lahat ng bagay. Sinasapuso niya at sinasagawa ang lahat ng mga pinapasok niyang negosyo.
Lalo ko tuloy naisip ang mga ginagawa nila sa gabing iyon. Syempre bata pa ang secretary niya. Healthy and well fit. Naiinis ako sa sarili ko na hindi ko siya mabigyan ng gusto niyang performance kasi madalang na niya akong angkinin. Hindi na niya ako binibigyan ng chance to prove na kaya ko pa at kakayanin ko pa. Baka isang araw dinggin na ng Diyos ang matagal ko ng panalangin na biyayaan na kami ng anak, upang hindi na maghanap ng iba ang asawa ko. Pero minsan naiisip ko na baka nga nagsawa na siya sa akin, kaya naghahanap siya. Una dahil tumatanda na ako, napansin ko kasi mga bata ang lagi niyang binabahay. Pangalawa baka gusto niya sa matangkad na babae kasi katamtaman lang ang taas ko, so I guess ayaw niya sa height ko. Pangatlo, baka naghahanap siya ang tigre o ng challenging na babae kasi ako lahat oo nalang sa kanya. Hindi ko siya sinusuway sa lahat ng bagay. Pang apat dahil nga hindi ko siya mabigyan ng anak. Pang lima hindi na ako sapat para sa kanya. Pang anim hindi na niya ako mahal.
Hindi ko lubos akalain na tatamaan ako ng ganitong sakit. Insecurities o jelousy. Minsan iniisip ko insecure na siguro ako sa mga babae niya or minsan I just tell to myself im just being paranoid. Kahit pa huling huli ko siya sa pambabae niya gusto ko pareng paniwalain ang sarili ko na wala lang iyon. Hindi ko talaga matanggap na pinagpapalit na niya ako sa kahit na sino. Sobrang sakit. Hindi ko matanggap tanggap. Litong lito ako. Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko. Ang hirap lang tanggapin hindi ko lubos akalain na mangyayari ito sa buhay ko. Handa ako sa mga minor problem pero hindi ako handa sa ganitong major major problem. Ang hirap hirap.
Text message
Jas ko: I Love You ❤️ I Miss You ?
Hindi ko alam sa kabila ng pag-iyak iyak ko makatanggap lang ako ng i love you at i miss you mula sa kanya ay gumagaan ang pakiramdam ko. Nawawala lahat ng sakit at hinanakit ko sa kanya. Pero hindi ko lang siya madama ay sobra naman ako kung masaktan. Kahit sa sarili ko nalilito ako. Hindi ko alam kung paano ba mag-react sa mga bagay bagay o sa nararamdan ko kasi kahit sa sarili ko gulong g**o ren ako.
Hindi na ako nagreply pero sa puso ko alam ko na may pag-asa pa kami. Matatauhan din siya. Mahal pa niya ako. May hinahanap hanap lang yan, babalik at babalik din siya sa akin. Ako at ako paren ang uuwian niya.
I inhale and exhale.
Hanggat kaya ko magtitiis at magtitiis ako para sa sayo. Para sa sinumpaan nating mga pangako sa harap ng diyos at ng mga mahal natin sa buhay. This is your worst and I choose to stay and wait for your worst to become the better version of yourself. I will wait until you overcome your fears. I choose to stay because I swear to god and to you that I will forever hold you and keep us together no matter what. In sickness and health i will stay by your side even you don't want my presence I will just stay by your side. I promise to god and I will fullfill it.
Sabi ko sa sarili ko. Manhid na kung manhid. Mahal ko siya. Iba pala talaga pag mahal mo kasi magawan ka man ng masama ay kakayanin mong unawain at tanggapin kahit pa masakit. Higit sa lahat mas pipiliin mong mag-stay kaysa mag-give up. Iba talaga pag sobra ang pagmamahal dahil nakakalimutan mong mahalin ang sarili mo. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung paano na nga ba mahalin ang sarili ko. Wala akong maisagot sa sarili ko.
After 4 months ...
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa nakita ko sa cellphone niya. Isang litrato na alam kung sa puso ko labis na masakit. Isang bagay na alam kong hindi ko naman maibigay sa kanya. Oo, buntis ang babae niya. 3 months na. Yun ang naka-lagay sa ultrasound na nakita ko. Masaya na malungkot. Masaya para sa asawa ko. Malungkot dahil ako dapat ang magbubintis para sana sa baby niya. Ako ang asawa pero bakit? Bakit sa kanyang babae pa?
Iyak ako ng iyak kasi napatunayan ko na ang mga teorya kung bakit sa mga sunod-sunod na mga buwan ay wala ng oras sa akin ang asawa ko. Panay ang kanyang out of country at panay ang kanya mga trabaho na overnights. Siguro doon na siya nag-stay kasi inaalagaan niya. Syempre magkaka-anak na sila.
Dumating na ang kinatatakutan ko. Baka isang araw siya na ang mag kusang iwan ako para sa ibang babae. Baka nga tuluyan na akong iwan ng asawa ko. Kaya pala isang beses sa isang buwan lang kung umuwi kasi may inaalagaan na buntis. ???????
Gusto kong magpakamatay na lang. Gusto kong tapusin na lang ang buhay ko. Ayaw ko na. Dear lord, sobrang sakit na po. Tama na po. Mamatay na po ako sa sobrang sakit. Kunin mo nalang ako kaysa maramdaman ang ganitong sakit. Ano po ba ang kasalanan ko para mangyari ito sa buhay ko? Ano po ba ang dahilan kong bakit ako napaparusahan ng ganito? Tao lang ako nasasaktan din, napapagod din. Ayaw ko na po ang ganitong buhay. Taimtim akong nanalangin sa diyos. At hindi na rin ako nahiya na tanungin siya kung bakit ba nangyayari sa akin ang ganitong bagay.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sa akin pagkatapos kong umiyak ng malakas habang nananalangin sa diyos. Namulat ako nasa hospital na pala ako. Naisugod pala ako ni Jas.
Paggising ko bumungad sa akin ang alalang alalang mukha ng asawa ko. Gustuhin ko man ngumiti dahil nakita ko siya pero hindi ko kaya. Sobrang sakit na kasi. Naaalala ko na naman ang nakita ko. Iyak lang ako ng iyak. Alam kong alam na niya, kaya maging siya ay di alam ang sasabihin sa akin. Umiiyak na rin siya habang hinihimas ang buhok ko.
I'm sorry. I'm so sorry. Umiiyak niyang paghingi ng sorry. Hindi ko siya masagot kasi walang gustong kumawalang salita sa bibig ko. Tanging mga nagsisibagsakang luha lang ang kumakawala.
Sasabihin ko naman sayo, pe-pero hindi ko alam kung pa-paano kasi hindi ko kayang saktan ka. Hindi ko kayang makita kang ganyan. Maniwala ka ayaw kong saktan ka. I'm soryy. Pagpapaliwanag pa ni Jas. Halos lumuhod na kaka-explain. Still wala parin akong reply sakanya. Tinignan ko lang siya at iyak lang talaga ang kaya ko. Gusto kong ibuka ang bibig ko pero walang salitang lumalabas.
Kim, please understand me. I'm so sorry. I love you but my baby also need me. Masilan ang pagbubuntis niya kaya lagi akong wala kasi inaalagan ko ang baby ko. Mahal kita alam mo yan. Please ngayon ko kailangan ang supporta mo. Ngayon kita kailangan, patawarin mo ako sa ganitong paraan mo pa nalaman. Dahil hanggat maaari ayaw kong masaktan ka. Guilty'ng guilty ako god knows sising-sisi ako dahil sinasaktan kita. Ikaw na pinaka mamahal ko. Patawarin mo ako please wag mo akong bitiwan. Ayaw kong mawala ka sa buhay ko. Gusto ko sanang maniwala pero pakiramdam ko katawan ko na ang sumuko. Gusto kong matuwa para sa kanya kasi at last magkaka anak na siya pero bakit hindi ko kayang tanggapin. Tanggap ko naman noong nambababae siya pero iba na pala pag nabuntis na niya kasi kung noon 50/50 kung ipagpapalit niya ako ngayon 90/10 nalang ang chance na iwan ako para sa nabuo na niyang pamilya.