Epilogue
"Please lets make this up, don't give up on us. Ayusin natin ito. Please." Paki-usap ni Jasper.
"Ano pa ba ang aayusin naten Jas? Sinira mo na ang lahat lahat! Hindi ko na kayang magtiwala pa. Pagod na pagod na ako. Pagod na akong unawain at intindihin ka. Pagod na akong maniwala na magbabago ka pa! So please let me gooo." pagpupumiglas naman ni Kimberly. Halata sa boses niya ang sobrang sakit na nararamdaman. At ang mga luha ay nagsisipaglaglagan sa kanyang pisngi.
"Please, wag mong gawin to." Umiiyak reng sabi ni Jasper. Bakas sa boses niya ang pagsisisi.
"I need a break. Ubos na ubos na ako, can't you see? Nasasaktan mo na ako ng sobra. So please, let me go. I need to find myself." sabi naman ni Kimmy habang hinahaplos ang mukha ng kanyang pinakamamahal na asawa.
"I'm so sorry, love. Give me another chance. I can't live without you, for god seek. Please." pagsusumamo pa ni Jas. Sising-sisi siya sa mga nagawa niyang pagkakamali. At ang tanging gusto niya ay mabigyan ng isa pang pagkakataon ang kanilang relasyon. Nanghihinayang siya sa pinagsamahan nilang sampong taon bilang mag-asawa.
"Sorry ren. Hindi ko na kaya mag stay pa. Sobra sobra na akong nasaktan." sagot ni kim habang umiiyak.
Wala ng nagawa si Jasper ng umalis ang kanyang asawa. Wala siyang nagawa kundi pag masdan ang kanyang asawa habang unti unting nakakalayo.
Habang tinitignan ang kanyang asawa papalayo ay isa isang nagsisibalikan ang masasaya nilang alaala. Noong una silang magkakilala, yung naging magkaibigan hanggang sa nauwi sa ibigan. Ang mga kulitan nila at ang proposal niya sakanya. Ang kanilang kasal at lahat lahat ng masasang alaala nila bilang mag-asawa.
He used to love her so much until one day, nanibago siya sa sarili niya. He felt something is missing and until one day he tried to look about that missing in his life. Hindi niya napansin nasasaktan na niya ang asawa niya. Hindi niya namalayan unti unting nagkakalamat ang samahan nila.
Sinubukan naman unawain ni Kimberly pero hindi niya maiwasan na masaktan siya. Sinubukan niyang intindihin ang pinanggagalingan ng asawa niya pero hindi niya matago tago na nasasaktan siya.
Alam niya sa sarili niya na hindi niya kayang ibigay sa asawa niya ang kailangan neto. Kaya siya'y sobra ren nasasaktan. She feels like a failure wife to her husband. Alam niya kung gaano naghahangad ng anak ang kanyang asawa pero hindi sila makabuo buo sa kadahilanan kahit ang mga doctor ay hindi ren mapaliwanag.
Alam niya ang kakulangan niya at inaamin yun ni Kimberly. Pero sapat bang dahilan yun para lokuhin siya ng asawa? Sa una, pangalawa, pangatlo at pang-apat ay sinubukan niyang initindin ang pinanggagalingan ng asawa kung bakit ito nambababae. Pero tao ren siya, babae siya at ang mga babae madaling masaktan. Kahit gaano niyang ipakita na okay lang sa kanya kasi may pagkukulang naman siya ay hindi niya matago tago na labis labis siyang nasasaktan.
Dahil ang pinaka masakit sa isang babae ay ang hindi mabigyan bigyan ng anak ang kanyang asawa. Kung alam lang ng iba kung gaano kasakit. Sobra sobrang sakit talaga.
-RDM