CHAPTER 5

1852 Words
Jas Patawarin sana ako ng Diyos at ni Kim. Hindi ko lubos akalain hahantong sa ganitong sakitan. Inaamin ko naging selfish ako. Inisip ko lang talaga ang sarili kong kaligayahan. God knows how much I love my wife. Hindi ko siya matignan tignan ng maayos. Nakokonsensya ako bilang alam ko ang sobrang sakit na dinulot ko sakanya. Maniwala man siya sa akin o hindi alam kong tapat ako sa sinasabi ko sakanya. I love her, pero masilan ang pagbubuntis ni Sabrina. My baby needs my attention and care. Tska after naman manganak ni Sab mawawala na siya sa buhay ko. Kasi anak lang naman ang habol ko which is okay ren naman sakanya. Kasi kailangan din niya ng pera para makapunta sa Canada. Pagkatapos niya ipanganak ang anak ko aalis din siya and that's for good. Kaya nga hanggat maari nilihim ko ang lahat lahat ng mga nangyayari sa asawa ko. Alam kong nasasaktan ko siya pero I had no choice. Alam ko naman walang lihim na di nabuninyag pero sa totoo lang tadhana na ang gumawa ng paraan. Naiwan ko ang ultrasound result sa ilalim ng unan ko. Sa sobra ko kasing kasabikan na makita at makasama siya hindi na nawawalay sa akin ang ultrsound na iyon. Hanggat maari ay hawak hawak ko iyon. Dahil sa kabila ng lungkot at sakit na nararamdaman ko twing tinitignan ko ang unti unting nabubuong sanggol sa maliit na papel na iyon ay nakakapagpaluwag damdamin sa akin. May kakaibang saya ang dulot ng litratong iyon. Mas lalo akong nananabik sa paglabas niya. Sana maintindihan ako ng asawa ko. Sa huli sa amin din naman mapupunta ang baby. Magkakaroon na kami ng aming sariling pamilya. KIM Paano ko nga ba mapa-process ang mga bagay bagay kagaya nalang ng buntis ang kabit niya. Tanggap ko pa ang pambabae niya at hindi niya pag-uwi uwi sa akin pero masakit pala sa pakiramdam ang malaman na makabuntis ang asawa mo. Katanggap tanggap ba ito? Alam ko masaya itong balita para sa kanya pero papaano nalang ako? Lagi na lang ba ang iiyak? Tanggap lang ba ako ng tanggap? Hindi ko yata kaya. 1 week na ang nagdaan. Pero hindi ko parin maunawaan at hindi ko parin maprocess sa utak ko ang mga nalaman ko. Nasa bahay lang kami for 1 week. Hindi umalis ng bahay si Jas. Nasa tabi ko lang at inaalagaan ako. Sa totoo lang lumabas ako sa ospital kasi hindi ako doon makahinga. Ang sikip sikip ng pakiramdam ko parang nauubusan ako ng hangin. At least dito sa bahay nakakahinga hinga at anytime pwedeng umiyak at sumigaw. Sa loon ng isang linggo pinipilit kong tanggapin at pinipilit kong iprocess pero mahirap pala. Gusto kong tanggapin. Kasi hindi ko ren naman mabigyan ng anak. Pero mahirap. Sobra sobrang sakit yung nararamdaman ko ngayon na kahit ang iwan siya ay ino-consider ko na. Pero nagdadalawang isip ako kasi sabi ko nga hindi ko siya iiwan at his worst. Hanggat maari gusto ko siyang unawain. Love... tawag sa akin ni Jas. May dala dala na namang mga prutas. Gusto kong isipin na naguguilty lang siya kaya siya nandito at inaalagaan ako pero alam ko at ramdam ko that he really cares and he do love me. Tinitigan ko lang siya at tumango. Tinuro ko na ilagay niya muna sa table at tinap ko ang tabi ko para tumabi siya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit. Hinahalik halikan niya ako sa ulo ko sa lips at sa nuo. Ano ka ba! Tama na nga! Sita ko pa sa kanya. Heto na naman ako tatanga tanga na naman. Oo, tama kayo gusto kong bigyan siya ng chance. I will stay. Last na ito kapag ako sinaktan ulit ako ng lalaking ito, iiwan ko na siya. Magpapaka layo layo na ako. Yung kahit kailan hindi niya ako mahahanap kung hahanapin niya ako. I love you, I'm sorry. Untag pa niya habang dinidikit dikit pa niya sa akin ang nuo niya at kinikiss ako sa lips (smock kiss) Okay, but this will be the last time na patatawarin kita. Understood? Maiksi kong sabi ngunit alam kong mabigat ang dating at ang tono koy seryoso. I love you, thank god I found a wife like you. Sisiguraduhin kung hindi na kita sasaktan. Whooooa (He sigh) Ngayong pinatawad mo ako. Sasabihin ko sayo ang lahat. Sabi pa niya. Tumango lang ako at handa naman akong makinig sa mga sasabihin niya. I don't know if maniniwala ka o hindi pero this is me telling the truth. Sabi pa niya ako naman nakatingin lang sa kanya at handang handa upang makinig sa kanya. Okay, speak. Sabi ko pa at binigyan siya ng chance to explain everything na gusto niyang i explain. Alam mo naman na sabik ako sa mga bata diba? That's why tuwing nakukunan ka, labis labis akong nasasaktan. Because I know kahit ikaw ay nananabik din na magka-anak tayo. Alam mo ito, at alam ko ramdam mo sa tuwing nabubuntis ka diba halos lumdag lundag ako sa tuwa? Kasi sa wakas magkaka anak na tayo. Suddenly after ilang weeks or months ay nakukunan karen which is napakasakit tanggapin. The last time na nakunan ka nag warning na ang doctor na hindi ka na pwdeng mabuntis. Natakot ako. Halos lahat ng aspeto natakot ako. Natakot akong galawin ka, kasi baka mabuntis ka ulit kasi sabi ng doctor pwede mong ikamatay. Kung mabubintis ka either ikaw o ng bata ang pwedeng mawala at maari ring sabay kayong nawala if ever na mabubintis ka pang muli. Masakit para sa akin. Ayaw kitang mawala. Umiiyak niyang sabi. Hinayaan ko lang siyang magsalita at ikwento naman ang side niya. Masyado kitang mahal kaya ingat na ingat ako tuwing hindi ko na kayang magpigil sa tuwing nakikita kita. Akala mo ba napakadali para sa akin na hindi ka mahalin at hagkan. Makita pa lang kita nanggigigil na ako, ano pa kaya kung makatabi na kita. Gustong gusto kita angkin minu-minuto oras oras pero nagpipigil ako. Kasi ayaw kong ipagpalit ang sandaling kaligayahan sa panghabang buhay na kalungkotan. Natatakot akong mawala ka sa buhay ko. Tumutulo ang kanyang mga luha. Dama ko ang takot niya sa bawat salitang binibigkas niya. I'm so touch kasi mahal niya ako. Hindi nga nag bago ang Jasper na mahal ko. Siya paren ito, ayaw lang niya iparamdam noon ang kanyang mga saloobin. I know that I'm selfish. I hurt your feelings. I dissappointed you many many times. You know, I became fckboy. Alam ko lahat ng mga babae ko kilala mo pero nanatili kang tahimik. Hindi mo ako inaway o kinon-front. And I salute you. Mas lalo kitang minamahal. Kung alam mo lang kung gaano ako nagpapasalamat sa Diyos that he gave you to me. I'm so lucky to have you as my wife. Please, stay for me forever. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng ganito. He hold me and he say's he love me so much. Sabrina is the mother of my baby. Siya yung latest na binahay ko pero after she givebirth and recover she's flying in Canada to look for his only family left which is her father. Binabahay ko everytime na ngangabit ako ayaw ko ng scandals. Gusto ko kahit nangangabit ako in a proper way. Hindi kong saan saan ko siya dinadala. Tska, oo nangangabit ako pero mataas paren ang standards ko. Ayaw ko sa pera lang ang habol sa akin, lalong ayaw ko s*x lang ang habol sa akin. Gusto ko yung open-minded at willing magka anak kami at open sa setup na oo ikaw ang ina ng anak ko either palalakihin mo siya sa tabi mo or ibibigay sa akin. Basta hindi mo siya ilalayo sa akin, sagot ko na ang lahat lahat. Magpapaka-ama ako sakanya lahat ng nararapat sakanya. Lahat ng nagiging babae ko maniwala ka man o hindi inaamin kung may asawa na ako at halos lahat sila okay lang sakanila at challinging pa nga daw para sa kanila pero eventually iniiwan ko din. Ayaw ko sa babaeng okay lang na masaktan ang kapwa niya babae. Unlike itong si Sabrina. Natutuwa naman akong marinig na hindi niya ako kayang ipagpakit kahit na nambababae siya ay naaalala niya paren ako. So, si Sabrina mabait? Okay siya sa lahat ng gusto mo? Paano pag naghabol siya? Paano kong ilayo sayo ang anak mo? Paano konh magbago ang isip niya na ibigay sayo? Anong gagawin mo? Tanong ko pa sakanya. Nakita ko na itong si Sab. Oo bata-bata pa siya. Maganda at mukhang mabait naman. Hindi na kasi siya nagtatrabaho sa office ni Jas kaya hindi ko na siya nakikita pa. Sabi kasi mga tao sa office ay nag-resign na daw si sabrina kasi may kumuha sakanya na ibang kompanya. Mabait, maalaga at maalalahanin, pero di katulad mo. Wala akong maihahalintulad sayo. Dahil ikaw ay natatangi. Katangi tangi ka sa lahat. Hindi ko maintindihan kong bakit pinagkait sa atin ang magkaroon ng sarili nating anak. Pero itong baby na darating, ituring mong iyo. Mahalin mo ng parang sarili na nating anak. Alam ko na magiging mabuti kang ina. Si Sabrina, iiwan sa atin ang baby. Ramdam niya ang kasabikan natin sa baby kaya handa niyang dalhin ang baby natin. He say's with assurance. Sana na ibigay sa kanya. At sana hindi masilaw ang Sabrina na yan. Baka isang araw paggising ko inagaw na pala sa akin ang asawa ko. Ngayon pa nga lang kung ipakilala niya walang kapintasan. Sure ka ba na hindi magbabago ang isip niya? Sure ka ba na hindi ka lolokohin? Tanong ko pa sakanya. Oo, Love ko. Alam mo ba si Sabrina lagi niya akong pinagtutulakang umuwi na sayo kasi ayaw niyang nakakapanakit siya ng babae. Ayos lang daw na sa sunod kong pagbalik ay nanganak na siya. Iuuwi ko lang sayo yung baby. Laki daw siya sa broken family. Sa murang edad nauila siya. Ang papa niya ay Canadian iniwan silang mag-ina at sumama sa ibang babaeng kalahi niya at iniwan silang mag-ina dito sa Pilipinas. Mukhang malalim na ang samahan nila. Kilalang kilala na niya itong si Sabrina. Mukhang kilalang kilala mo na siya ah? Di ko napigilan ang sarili ko na itanong. Not really. You know what you should meet her. Mukhang hindi ko pa yata kayang harapin siya. Are you serious? Tinignan ko siya ng masama. What? Ano ka ba love, mabait siya pero kung hindi mo pa kaya. Hindi ko naman ipipilit sayo. One more thing, hindi po kami nagtatabi ng room. Magkahiwalay kami ng tulugan, ang mahalaga lang is yung baby. Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako sa pinagsasabi ni Jas. Gusto ko sana siyang patawarin pero baka magdalawang isip ako. Kung purihin niya si Sabrina ay mabait daw maalaga, tschee nangabit paren siya. Nasaktan paren ako. Hindi ko na siya kinausap pa at bumalik nalang ako sa pagkakahiga ko. Kinukulit niya ako pero hindi ko na siya hinarap pa. Ayaw kong makipag-usap pa. Ang hirap iprocess sa utak ko ang mga naririnig ko mula sa kanya. Nakaka-inis lang. Parang casual lang mag-explain okay sana sa simula eh ayaw ko lang yung huli niyang mga linya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD