Hindi naging madali ang pagbubuntis ko. Nanatili pa kami ni Alexei rito sa Pilipinas. Mas komportable kasi ako rito dahil nakakasama ko ang pamilya ko at nang mapansin iyon ni Alexei, nagdesisyon siyang mas magandang dito na nga muna kami. Dumami bigla ang tao sa bahay. Nag-hire kasi ng maraming katulong itong asawa ko para raw sa “convenience” ko, kahit ang sabi ko naman ay okay na ako kay Wilma. May private nurse pa para raw kapag may biglang sumakit sa akin. Minsan sinasabihan ko na lamang siyang OA kahit alam ko na inaalala niya lamang naman ako. Isang bagay lang ang hindi ko gusto na naririto kami sa Pilipinas. Iyon ay lagi kong nakikitang kasama ni Alexei iyong kaibigan niyang Rachel ang pangalan. She’s half-Russian and half-Filipina. Nagseselos ako nang matindi kapag nakikita ko s