PROLOGUE
“Sera…” pagtawag sa akin ng pinsan kong si Neveah habang nakatitig ako sa loob ng isang simbahan. Hindi ko alam bakit ako naririto kahit alam kong masasaktan ako. “Umuwi na tayo.”
Bumuhos ang luha ko habang tulala pa rin. Suminghap ako at pilit na nakangiting tumingin sa kanya.
“Bakit ganoon, Heaven? Bakit lagi na lang ako iniiwan at ipinagpapalit? Bakit—” Pumiyok ang boses ko dahil kinain iyon ng paghikbi.
Lumapit si Neveah sa akin at kaagad akong niyakap. Maging siya’y nahahawa na rin sa aking pag-iyak.
“Bakit kailangan kong makitang magpakasal sa ibang babae ang dati lama’y asawa ko? Bakit ang sakit-sakit kahit na itinatak ko sa isip ko na tatanggapin ko kasi…iyon ang akala nila.” Hinaplos ni Heaven ang aking likod. Umiiyak pa rin ako dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Nagmahal lang naman ako, bakit kailangan kong masaktan nang todo?
“Sera, ang alam niya’y patay ka na.”
Lalo akong napahagulhol sa sinabi ng pinsan ko. Oo nga pala. Akala ni Alexei ay patay na ako. Akala niya ay wala na ako sa mundong ito. Pero bakit ganito? Bakit hindi ko matanggap kahit ang sinabi ko ay hahayaan ko siya?
One year ago, I was abducted by one of their enemies and I was shot. One year ago, we lost our baby. Akala ko rin mamamatay na ako pero nabuhay ako. Tinangka kong magpakita kay Alexei kahit na inaakala ng lahat na patay na ako pero…nang magpapakita na ako sa kanya ay may kapiling na siyang ibang babae. Ngayon, iilan lamang ang nakakaalam na buhay ako. Tanging mga pinsan ko.
Ganoon niya ako kabilis nagawang ipagpalit. Ganoon kay bilis nawala ang tinatawag na pagmamahal.
Kumalas ako sa yakap at tumingin muli sa nagpapakasal. Ang sakit ay dahan-dahang napapalitan lalo na nang marinig kong sumagot ng I do si Alexei sa babaeng pakakasalan niya. Nagningas ang galit sa aking puso. Bumalik pa sa akin ang mga pangako niyang ako lamang ang mamahalin niya sa buhay niyang ito.
“Sinungaling,” bulong ko sa sarili ko habang dumadaloy na naman ang luha sa aking pisngi. Pinunasahan ko iyon at tumalikod na sa kanila Kaagad akong naglakad papunta ng sasakyan. Sumunod naman sa akin ang pinsan ko.
“Sera—”
“Masyado na ata akong matagal na nagtago, Heaven.” Iyon ang unang lumabas sa aking bibig matapos naming sumakay sa sasakyan. “Siguro oras na para magpakita ulit sa kanila.”
Nanlaki ang mata ni Neveah sa sinabi ko. Alam ko na balak niya akong pigilan.
“Sera, manganganib ang buhay mo kapag nalaman ng mga tumangkang patayin ka na buhay ka pa—”
“E ‘di magpatayan kaming lahat!” Wala na namang mawawala sa akin. Wala na ang asawa ko sa akin at wala na ang baby ko. “Pagbabayarin ko kung sino mang dumukot sa akin noon at pumatay sa baby ko. Si Alexei?” Tumulo muli ang luha ko. “Pagsisihan niya na nagpakasal siya sa ibang babae. I will make sure of that!”
Sa buhay ko noon, masyado akong naging mabuting tao, though I have a fair share of evilness in me. Alam ko naman na hindi na rin ako pupunta ng langit kung mamatay man ako kaya ngayon, anong saysay nang maging mabait pa?
Hahanapin ko ang nagwalanghiya ng buhay ko noon at pagbabayaran nilang lahat. Pagbabayaran din ni Alexei na mabilis niya akong ipinagpalit!
Tinanggap na naman nilang lahat na patay na ako, bakit hindi ko pa patayin ang dating ako? If I am to choose between good and evil now, I’ll be choosing evil.
Alexei, your love for me was so sweet, yet you choose to easily forget me. Now, I decided to still love you. I will love you, cruelly.