TRIGGER WARNING: VIOLENCE AND DEATH Iminulat ko ang aking mga mata. Nahihilo pa rin ang pakiramdam ko. Ang kisame ay nagdodoble pa sa aking paningin. Hinayaan ko ang sarili na mag-adjust hanggang sa bumalik sa normal ang aking paningin. Hindi ako makakilos nang maayos. Nang tangkain kong hawakan ang ulo ay napagtanto ko that I am tied up—both of my hands. Sinubukan kong makawala pero hindi ko iyon nagawa. The room is a little dark, and the only source of light is the window and the moon. Gabi na, ilang oras na ba akong walang malay. I tried to remember what happened, at napagtanto ko na nadakip pala ako. Our men were on the floor and so was Arseny. Lahat sila walang malay, it was a sudden attack na hindi ata inaasahan ng lahat. Iginalaw ko ang aking paa, kagaya ng aking kamay ay may t