XIX

1570 Words
Hindi na namin binalikan iyong gabing halos itulak ko siya sa ibang babae. Tinanggal ko na rin ang mga kaisipang ito. Kung bibiyayaan kami ng anak, magiging masaya kaming dalawa. Kung hindi naman ay makukunteto kaming mag-asawa. Iyan ang ang napagkasunduan namin ni Alexei kaya ngayon, hindi na ako masyadong nape-pressure. Umuwi kami ng Pilipinas para bumisita. Hindi ko pa madalaw ang aking mga pinsan dahil mukhang abala sila sa kani-kanilang mga buhay nila kaya sa bahay na lamang namin ni Alexei ako pumunta. Hindi pa tapos iyon at ginagawa pa lamang pero gusto ko lamang makita ang nagiging progreso. Nagdesisyon kami na magpagawa rin ng bahay rito sa Pilipinas. Balak niyang dito kami mag-settle dahil alam niyang gusto kong makasama ang pamilya ko. He said it was okay. Kaya niya pa rin naman daw patakbuhin ang kanilang mga negosyo at organisasyon kahit wala siya sa Russia. Matapos kong mabisita ang bahay ay dumiretso na ako sa condo ko para makapagpahinga. Ang bilis kong mapagod. Nitong mga nakaraan ay para akong laging pagod kahit wala akong ginagawa. Naglinis lamang ako ng katawan bago magpalit ng damit at nakatulog din. Si Alexei kasi ay nasa headquarters nila rito sa Pilipinas at mamaya pa iyon makakauwi. Nang magising ako ay kaagad kong tinawag si Wilma dahil ang sama ng pakiramdam ko. “May sakit po ba kayo, Ma’am?” tanong niya at inalalayan akong tumayo. “Hindi ko alam. Kanina naman okay ako at pagod lamang ang pakiramdam kaya natulog ako para umayos ang aking pakiramdam pero…mas lalo atang lumala ang nararadaman ko.” Pumunta agad ako sa CR. Para akong nahihilo na nasusuka. “Gusto ninyo po bang tawagin ko si Sir Alexei?” Bakas kay Wilma ang pag-aalala. Umiling ako dahil ayokong makaabala. “Baka jetlag lang ito. Huwag na nating istorbohin si Alexei.” Naupo ulit ako sa gilid ng kama at ipinikit ang mga mata. Nahihilo talaga ako. “Kukuha po ako ng gamot.” Hinayaan ko si Wilma. Baka naman normal na sakit lamang ito ng ulo. Hinintay ko si Wilma na may dalang baso ng tubig at gamot ko. Hindi ko pa man naiinom ang gamot ay muli siya nagsalita. “Kung hindi ko lang alam ang sitwasyon ninyo ay iisipin ko na buntis ka, Ma’am Sera. Kasi napapansin ko nitong nakaraang araw, pabago-bago mood mo tapos madalas hindi maganda ang pakiramdam mo. May mga oras pa na nadadatnan kitang nagsusuka. Hindi nga kaya…pero ayoko rin pong magpaasa. Baka kapag mali ako at malungkot kayo ay ako ang barilin ni Sir Alexei.” Nag-peace sign siya bago magpaalam na kukuha ng makakain dahil baka nagugutom daw ako. Hindi ko tinuloy ang pag-inom ng gamot dahil napaisip ako sa lahat ng sinabi niya. Maaaring buntis ako? Ayoko nang paasahin ang sarili kagaya noon. Kaya kahit ilang buwan na akong hindi dinadatnan ay hindi iyon big deal sa akin dahil baka delayed lang ako. But come to think of it, wala rin namang masama kung titingnan kung buntis nga ako, hindi ba? Ibanaba ko ang baso at ang gamot sa side table. Naglakad ako sa cabinet kung saan naroroon ang mga pregnancy test kit. Kumuha ako ng tatlo para kung sakaling doubtful ako sa una at pangalawang resulta ay may pangatlo. Nagmamadali akong nagpunta sa banyo. “Ma’am, okay lang po kayo?” tanong ni Wilma sa akin na nasa labas ng pinto. “Oo, sandali lang! May ginagawa lang ako.” Kinuha ko ang unang test kit at ginawa ang tamang proseso. Naghintay ako ng ilang sandali hanggang sa makita ko ang resulta. Nanginginig ang aking kamay nang makita ko ang resulta nito. Hindi ako naniwala kaya’t kumuha pa ako ng pangalawang test kit. Nang hindi ko pa rin pinaniwalaan ang dalawang nauna ay kinuha ko ang pangatlo. Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ang tatlong test kit na iisa lamang naman ang resulta. Tulala ako at wala sa sariling lumabas ng banyo. Naabutan ko pa si Wilma na naghihintay sa akin. “Ma’am, okay lang po kayo?” Iwinagayway niya ang kanyang kamay sa harapan ko para makuha ang atensyon ko. Napakurap-kurap ako at tumingin kay Wilma. Mukhang mas lalo siyang nag-alala nang makita ang namumutla kong itsura at ang nangingilid kong mga luha. “Ma’am—” “I-Iyong mga pregnancy test kit…” Ipinakita ko sa kanya ang tatlong test kit na hawak ko. Sinilip iyon ni Wilma at kagaya ko ay hindi rin siya makapaniwala. “Ma’am!” Nanlalaki ang kanyang mga matang tumingin sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumuhos ang aking luha. Maging si Wilma ay naluha na rin sabay yakap sa akin. “Ma’am, congrats! Buntis ka!” tuwang-tuwang komento niya habang yakap-yakap ako. Nanlalamig ang aking mga kamay habang tahimik na umiiyak doon. Hindi pa rin ako makapaniwala na totoong nangyayari ito sa akin ngayon. Matapos ang ilang beses na pagsubok at ilang beses ding nabigo, ito na iyong paulit-ulit kong hinihiling. Nagpabili ako kay Wilma ng gift box. Inutusan niya naman ang mga tauhan namin para gawin iyon. “I will surprise him. Don’t tell anyone about this yet, Wilma!” Sobrang excited ko na hanggang ngayon ay nanginginig pa ang kamay ko. Dumating iyong gift box. Kaagad kong in-arrange ang tatlong pregnancy test kit sa loob. Naglagay pa ako ng mga kung anu-ano roon para mas maganda ang presentation. Iniisip ko pa lamang kung anong magiging reaksyon ni Alexei ay nanginginig na ako sa tuwa. “Paniguradong matutuwa si Sir Alexei! I-record ko ba, Ma’am, ang reaksyon?” tanong ni Wilma habang humahagikgik. Napatingin ako sa kanya dahil magandang ideya ‘yon. Nagplano kaming dalawa ni Wilma. Sinulatan ko ang card ng gift box ng pangalan ni Alexei para malaman niyang para sa kanya iyon. Iniwan ko lamang ito sa kama at nang makatanggap ng mensahe mula sa kanya na pauwi na siya ay nagtago ako. Hawak ko ang video camera upang makuhanan ng video ang lahat ng kaganapan. Gusto kong balik-balikan ang magiging reaksyon ni Alexei sa hinaharap. Sana lang bigyan niya ako ng epic na reaksyon. Nakarinig kami ng ingay sa labas. Nasa may walk in closet ako habang si Wilma ay sasalubungin si Alexei kagaya ng nakaugalian. “Where is my wife? Is she fine? She isn’t replying to my text.” Nasa kwarto na si Alexei. Sa layo ng boses ay alam kong naririto na ito. May sinabi si Wilma pero dahil natatawa ako ay hindi ko na iyon napagtuunan ng pansin. Narinig ko ang mabibigat na yabag ni Alexei. Panay rin ang pagtawag niya sa pangalan ko. “And what is this gift? For me?” Iyon ang naging senyales ko upang tahimik na lumabas ng walk in closet. Hindi pa ako napapansin ni Alexei dahil masyado siyang abala sa pagbubukas ng regalo. Maganda ang kinaroroonan ko dahil klaro kong makukuhanan ng video si Alexei. Kasabay ng pagtatanggal niya ng takip ng kahon ay siya ring pagkabog ng puso ko sa sobrang excitement. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Alexei bago kuhanin ang nasa loob ng box. “Whose pregnancy test kits are these—” Napatigil siya nang pag-angat niya ng tingin ay ako ang nakita niya. “Sa tingin mo, kanino kaya iyang PT na hawak mo, hmm?” I said, teasing him. Natulala si Alexei at muling tinitigan ang PT ko. Ngumiti ako habang patuloy sa pagkuha ng video. “Is this for real? You’re not pranking me, are you?” Hindi makapaniwala si Alexei. Ni ang kanyang reaksyon nga ay hindi ko mabasa. Kinagat ko ang labi ko at umiling. “I took the test earlier, the results were all positive—” Nahulog ko ang camera na hawak ko nang walang pasintabi akong niyakap ni Alexei at binuhat sa ere. Napasigaw pa ako sa gulat at hinampas ko siya. Sa huli ay natawa rin naman ako. “You’re pregnant?” tanong niyang muli. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tumango. “I am.” Maluha-luha na naman ako. Dapat ay reaksyon ni Alexei ang highlight dito pero ako na naman iyong naluluha. Napatingala si Alexei matapos ang ilang segundong pagpoproseso ng aking balita. Muli niya akong tiningnan at niyakap nang mahigit. “Thank you, Sera.” Tulala pa ako hindi dahil sa pagpapasalamat niya. Dahil kanina, bago niya ako yakapin, parang nakita kong may pumuslit na luha sa gilid ng kanyang mata. Hindi lang ako sigurado dahil sa bilis ng mga pangyayari. Niyakap ko rin si Alexei. “No, thank you for waiting, Alexei. Thank you for not leaving me despite everything.” Lalo kong narandaman ang paghigpit ng yakap niya. “I love you. I love you so much.” Ipinikit ko ang aking mga mata. Ang saya ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa ng mga sandaling iyon. Para akong nasa isang magandang panaginip na ayoko nang matapos. “I love you, too, Alexei.” Sobrang swerte ko kay Alexei. Dati pinapangarap ko lamang na may magmahal sa akin ng totoo at hindi ko akalaing dadating nga sa buhay ko si Alexei upang iparamdam iyon sa akin. Humiwalay siya at lumuhod. Hinimas niya ang aking tiyan kaya’t lalo akong naluha. “I can’t wait to finally see you, baby.” Hinalikan niya ang tiyan ko bago tumingin sa akin. Ngumiti si Alexei at kitang-kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD