VII

2200 Words
Simula nang sabihin sa akin ni Alexei ang lahat ng iyon ay hindi niya na pinatahimik ang buhay ko habang nasa cruise ship kami. I can see the sincerity and efforts in his actions. Hindi ko rin naman maitatanggi na naapektuhan ako ng mga kilos niya. Like hello, syempre! Pinapangarap ko lang noon na ako naman iyong habulin, na maiparamdam naman sa akin na importante ako. Kaya ngayon na ibinibigay sa akin, apektado talaga ako. But…it’s too early to say that I like him. Maybe the attention he’s giving, yes. Pero si Alexei mismo? Hindi ko pa sigurado. “Stop bothering me! Wala ka bang ibang gagawin sa buhay mo kung hindi ang sundan ako kahit saan ako magpunta?” Kulang na lang pati sa loob ng room ko at banyo ay sundan ako ng lalaking ito. Hinarap ko siya at sinalubong ko ito ng kunot noong ekspresyon habang siya ay nakangisi lamang. “Do you want me, though?” Ngumisi siya habang diretsong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay napapaso ako sa mga titig niyang iyon. “I don’t think you want me to stop, Sera. Because if you do, you’d stop me before I even started.” Bumilis ang aking paghinga habang kunot-noo pa ring nakatingin sa kanya. Nagdesisyon ako na ismidan na lamang siya at umalis doon. Magsi-swimming na lang ako! Pumunta ako sa indoor pool ng ship. May mga taong naririto, mostly foreigners, pero hindi naman karamihan. Nagtungo ako sa isang bakanteng sun lounger at naupo roon. Inilagay ko ang iilang gamit na dala ko at tumawag ng waiter ng bar na malapit sa pool. Kaagad niya naman akong dinaluhan. I ordered juice for refreshment. Hinanap ko sa maliit na bag na dala ko ang wallet ko para makabayad sa order ko ngunit hindi ko ata dala iyon. “s**t!” mahina kong sambit sa sarili. Halos tanggalin ko ang lahat ng laman ng aking maliit na bag para lamang makita ang wallet ngunit wala talaga iyon doon. “Here.” Dinig kong sambit ng isang lalaki. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Alexei na inaabot na ang black card niya sa waiter. Itinuro ng waiter ang bar para makapagbayad si Alexei. Tipid na tumango lang naman si Alexei bago bumaling sa akin. “I forgot my wallet. I’ll pay you later.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko: mahihiya ba o maiinis. “You don’t have to. Don’t worry about it—” “I don’t want to owe you anything. I’ll pay.” Nagkibit balikat na lamang si Alexei bago sumunod sa waiter para sa card niya. Napanguso ako. Should I thank him? It’s a small gesture but…he helped me. Kung hindi siya dumating ay mas nakakahiya na hindi ako makapagbayad, hindi ba? But whatever, I’ll take a dip to clear my mind. Tinanggal ko ang cover-up dress na suot ko. Revealing my swimsuit underneath. I took off my ponytail at hinayaang maging malaya ang aking buhok. I jumped into the pool and started to swim. Nakailang beses pa akong pabalik-balik nang mapansin ko na sa kabilang dulo ay naroroon na si Alexei. He’s just standing there while watching me. His one hand is inside his pocket. Two buttons of his shirt are unbuttoned. Damn! Fine, he’s hot. That’s the thing I can’t deny about Alexei. He’s damn hot! Lumangoy ako papalapit sa kanya. I grab the pool rail and made my way up. Hinagod ko ang aking buhok nang mawala ang excess na tubig mula rito. Nang papunta na ako sa sun lounger kung nasaan ang gamit ko ay napansin ko si Alexei na papalapit na sa akin at may hawak na tuwalya. “Aren’t you cold?” tanong niya. Umiling lamang ako bago tanggapin ang dala niyang tuwalya. Pinupunasan ko ang aking katawan habang naglalakad papunta sa sun lounger. Naupo ako at pinatuyo ang aking buhok. Sumunod naman kaagad si Alexei sa akin at naupo sa tabing lounger ng akin. I eyed him, curiously. Parang ang dami niyang free time at tanging pagsunod lamang sa akin ang ginagawa niya. “Hindi ka ba busy? Why are you here anyway?” tanong ko sa kanya. Mas kalmado na ako ngayon. Bukod sa nakatulong ang pagsi-swimming ko, naisip ko rin na wala naman talagang dahilan para tarayan ko siya. “No. I’m here because you’re here.” Natigilan ako sa ginagawa ko at tumingin muli sa kanya. Tanging pagngiti niya lamang ang sumalubong sa akin. I didn’t know he likes to smile. When I first met him, I thought he was cold. Parang nakikita ko ang mga pinsan kong si Zavian at Silas sa kanya noon. Hindi ko alam masayahing tao naman pala. Don’t judge a person on first glance nga naman. Inirapan ko na lang siya pero ang totoo ay natuwa ako sa narinig ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag nag-e-effort ang isang lalaki para sa ‘yo, ‘no? Iyong ipinaparamdam na importante ka. That you deserve his time and you’re important than anything else. Ngayon ko lang naramdaman kasi siya pa lang naman ang nagparamdam sa akin. Kahit na noong una, hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya. Day by day, I’m getting used to his presence. Na madalas, ako pa ang naghahanap sa kanya kapag hindi ko kaagad siya nakikita. Syempre, hindi ko iyon sinasabi sa kanya. Hell! Mapapaso muna ang dila ko bago ko sabihin sa kanyang ina-anticipate ko ang makita siya. Isa pa, masyado pang maaga para sabihing gusto ko rin siya. Napakitaan lang ako ng mga ganito ay magugustuhan ko na kaagad? Parang hindi tama iyon. Isa pa, hindi ako marupok! Ayokong magpakarupok! Hindi ako makatulog isang gabi. Ilang araw na lang matatapos na ang trip namin. Ilang araw na lang babalik na ako sa buhay ko. I wonder if he’s still going to pursue me after this. Of course, lahat ng tao may hangganan and Alexei, even though he said he’s going to chase me until I reciprocate his feelings, but he’s not an exception. Mapapagod siya, susuko siya. At baka late na bago ko pa mapagtanto na gusto ko siya. Dati naman mabilis para sa akin ang umamin. Mabilis sa aking sabihing gusto ko ang isang tao pero dahil na rin siguro sa lahat ng naranasan ko, natatakot na ako. Baka mamaya, kapag umamin ako, sa huli ay ako na naman iyong mapag-iwanan. Nakakasawa na rin at nakakapagod. But what if…he’s different? Naroroon pa rin iyong gusto kong pagbigyan ang ibang tao at hayaan silang makapasok sa buhay ko ngunit kaagad itong kakalabanin ng takot. Hindi ako makatulog dahil ginugulo na naman ako ng mga isipin ko. Lumabas ako ng room ko at naisipan na pumunta na lamang sa upper floor ng cruise ship upang magpahangin. Inisip ko pa kung kukuha ba ako ng maiinom pero naisip ko rin na huwag na lang siguro. Humampas sa aking balat ang malakas na na hangin kaya’t tumigil ako sa paglalakad ko. Sumabog din ang aking buhok sa aking mukha kaya’t inayos ko pa iyon bago magpatuloy sa paglalakad. Nang magawa ko nang makita muli nang maayos ang aking kapaligiran, doon ko lang din napagtanto na hindi lang pala akong mag-isa ang naririto. Sa may railings ng lugar na ito ay nakita ko si Alexei na nakapatong ang magkabilang braso roon habang pinagmamasdan ang madilim na karagatan. Sa isang kamay niya ay may hawak siyang isang champagne glass at sa maliit na mesa sa kanyang gilid ay isang bote ng Dom Pérignon. Bigla akong nagdalawang-isip kung itutuloy ko pa ba ang plano kong pagmumuni-muni rito o huwag na lang at bumalik na lamang sa kwarto. “You’re still awake?” Nagulat ako sa biglaan niyang pagsasalita. Huli na para umalis dahil napansin niya na rin naman ako. Napalagok ako at nagpasiyang maglakad na lamang papalapit sa kinaroroonan niya. His eyes darted on me, languidly. Halatang kanina pa siya umiinom at mag-isa rito. Pakiramdam ko nga ay nangangalahati na siya sa pag-inom ng champagne o hindi kaya’y paubos na. “I can’t sleep,” matipid kong sagot sa kanya. Humawak ako sa railings at tumingin din sa maalon na karagatan. Malakas ang simoy ng hangin at malamig din. Mabuti na lamang at hindi manipis ang suot kong damit. Napatingin ako sa direksyon ni Alexei nang abutan niya ako ng isang basong champagne. Nang una ay tinitigan ko lamang iyon pero nagpasiya ring tanggapin. “Thank you.” I couldn’t hear my voice. My heart is beating so much that it’s the only sound I can hear right now. Hindi ko alam bakit ganito ang t***k nito simula nang makita ko si Alexei na naririto kanina. We drink our champagne, silently. Hindi ako nagsasalita dahil wala naman akong sasabihin. Hindi rin naman niya ako kinakausap. Binalutan ng katahimikan ang paligid naming dalawa. “Why can’t you sleep, Sera?” Nahinto ako sa pag-inom ng champagne dahil sa itinanong niya. Tumingin ako kaagad kay Alexei na may pagtataka sa aking mukha. Nang una ay hindi siya nakatingin sa akin at lumalagok ng laman ng baso niya, ngunit nang mapagtanto niya ata ang pagtingin ko sa kanya ay bumaling siya sa akin. Tumaas ang isang kilay niya, like he’s anticipating my response to his question. Nang makita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata, tila nawala na ako sa aking sarili. His pupils are large and his eyes are steadily looking at me; like his whole attention was only meant for me. I felt something weird in my stomach. Na para bang may mga paru-parong nakawala mula rito dahil lamang sa kanyang mga matang nakatitig sa akin. I diverted my eyes and look at the dark vast ocean. My heart is beating so fast, that even I failed to comprehend it. “Just thinking about something,” sagot ko bago sumimsim sa aking baso. Alam ko na naktitig siya sa akin kaya’t hindi ko magawang ibalik sa direksyon niya ang paninitig ko. Pakiramdam ko, kakawala ang puso ko kapag ginawa ko iyon. “I hope you were thinking about me.” He licked his lips with cautious hope. Napahugot ako sa hininga ko dahil sa sinabi niyang iyon. It’s about you. Siya naman talaga ang dahilan bakit hindi ako makatulog pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya. Mas mabuti pang…wala siyang alam na naaapektuhan ako sa mga pinaggagagawa niya sa akin nitong nakaraang araw. Natatakot ako na baka kapag nalaman niya, isipin niya na hawak niya na ako sa kamay niya at kaya niya nang paikot-ikutin. I smiled at myself. Ganito siguro talaga ang nagagawa kapa paulit-ulit ka nang nasasaktan. Iyong tiwala mo sa ibang tao, hindi na mabuo-buo. Parati kang palilibutan ng pagduda. Na iisipin mo kaya ka gustong makasama o makuha ng isang tao ay dahil may kailangan sila sa ‘yo at kapag wala na…they will drop you like a toy that’s useless to them. “I, as well. I cannot sleep.” He looked at me without any hesitation. He’s indomitable; no one will ever waver whatever he already decided to do. “I can’t sleep because of you.” Hindi ko nagawang magsalita sa sinabi niya. Ganoon pa man, para bang nabasa niya ang iniisip ko at sinagot niya ang mga katanungaang nabubuo rito. “I keep thinking about you, Sera. What should I do about that? Is there a remedy for this? I don’t think so. Because if there is, I already have been cured the moment I realized I fell in love with you. But look at me, I’m still head over heels for you. This is something irremediable.” Lumapit sa akin si Alexei. Kinabahn agad ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Gustuhin ko mang lumayo o umalis sa kinaroroonan ko ay hindi ko nagawa. His expression looked wounded while my breath quickened. Umawang ang kanyang labi at dahan-dahan niyang inangat ang isang kamay niya papalapit sa may pisngi ko. I am hypersensitive that even the slightest touch from him can give this electrifying feelings I can’t even understand. He softly brush the back of his hands on my cheek and tucked my hair at the back of my ears. Marahan kong naipikit ang aking mata. The burning sensation that I am feeling right now is too extreme; my knees are shaking. “Malyshka,” he whispered in a soft tone, na tila ba musika iyon sa aking tainga. Ang mga paru-parong nasa tiyan ko ay muling nagwala. Hindi ako sigurado kung tama ba itong nararamdaman ko. Simula nang magsimula kaming mag-usap noon ay wala na siyang ibang sinabi sa akin kung hindi mga salitang makakapagpagaan sa loob ko. He has his ways with words, na talagang…madadala ka at unti-unting mahuhulog sa kanya. I feel so happy to hear him whispering through my ears but at the same time, why do I feel like it’s a crime? And that’s the end of my vacation with him. Nagtagumpay siyang makuha ang loob ko, na ngayon, masasabi ko na kahit kaunti ay nahuhulog na nga ako sa kanya. Sounds crazy but I am crazy. Kaya lang, iyon ang hindi ko nasabi sa kanya. By the end of our trip, naghiwalay kami ng landas na hindi niya nalalamang dahan-dahan akong nahulog sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD