Nagulat ako nang malaman ko na si Alexei iyong kaharap ko. Dala siguro ng kakainom ko ng champagne kanina kaya’t hindi ko kaagad napagtanto iyon bukod sa malaking pagbabago naman talaga sa kanya.
Parang nagkaroon ng sariling isipan ang aking mga paa at awtomatiko itong naglakad papaalis doon nang mabawi ko ang sarili matapos magpakilala ng lalaki. Gulantang pa rin ako kahit na nasa loob na ako ng room ko rito sa cruise ship.
“Kapag sinuswerte ka nga naman,” bulong ko sa sarili ko bago maupo sa gilid ng kama. Huminga ako nang malalim bago pa maisipan na ibagsak ang sarili sa kama ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Akala ko stress-free ang magiging trip ko rito pero mukhang hindi. Sabagay, hindi naman talaga akong galit kay Alexei, naiirita lang ako sa kanya.
Nakatulog ako kakaisip ng kung anu-anong bagay. Paggising ko ay oras na para sa dinner.
Pumunta ako sa restaurant ng cruise ship na sinasakyan ko. I ordered food at naghintay na lamang akong ma-serve iyon.
There are a lot of people eating their dinner. Almost all the tables were occupied. Mabuti na lamang at kahit papaano may nakita ako vacant table kanina dahil kung hindi baka mamaya na lang ako kumain.
“Can I seat here?” tanong ng isang lalaking may baritnong tono ng pananalita. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at halos mapaismid ako nang makita ko si Alexei. Is he stalking me? Kahit saan ata ako magpunta ay naroroon din siya! “There are no vacant seats, so if you’re alone, I hope you don’t mind if I join you.”
Nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi naman siguro kailangang pansinin siya kahit na naririto siya sa table kasama ko, hindi ba? I just don’t have the guts to talk to him after knowing his name! Ewan ko, something irks me whenever I think about him and I don’t like the feeling.
He interpreted my gesture as an invitation, kaya naupo na siya sa katapat na silya ng kinauupuan ko. He smiled at me when our gazes met. Kaagad akong nag-iwas ng tingin.
Narinig ko ang boses niya nang umorder siya ng pagkain sa waiter. Humalukipkip lamang naman ako at nakatingin sa ibang direksyon. Iniiwasan ko ang bumaling sa kanya.
“I’m sorry about earlier. Did I surprise you?” tanong niya nang matapos makipag-usap sa waiter.
Sinilip ko ang direksyon ni Alexei pero kaagad ding nag-iwas. Napalagok ako nang kahit papaano’y maaninag ko siya kanina.
“For what?” Tumaas ang isang kilay ko kahit na iwas na iwas naman ang tingin ko sa kanya.
“You ran away after I introduced myself. Did I offend you or something?”
Nakuha niya ang aking atensyon sa sinabi niya. Tiningnan ko siya at ang aking nakataas na kilay ay dahan-dahang bumaba lalo na nang makita ko ang ekspresyon niyang tila nalilito dahil sa pagtrato ko sa kanya.
“I feel like I’d done something terrible and I owe you an apology. Well, that was the impression you gave me after you left me earlier. I was confused that I wanted to follow you in your room—I just controlled myself; thinking you didn’t want to see me.” Huminga siya nang malalim. “That’s why I want to say sorry—”
“You did nothing wrong,” pagpuputol ko sa sinasabi niya kanina. Nag-iwas ako ng tingin at napanguso. “Naiinis lang ako sa ‘yo dahil sa tuwing nakikita kita naalala ko ang nangyari noon.”
Ibinulong ko na lamang sa sarili ko ang huling mga salita. Iniisip na hindi na naman niya kailangan pang malaman iyon.
“What do you mean?”
Nanlaki ang aking mga mata at tumingin sa direksyon muli ni Alexei. I was confident that he wouldn’t hear me whispering things! Ang lakas naman ng pandinig ng isang ito.
Wala sana akong balak na sabihin sa kanya ang ikinaiinis ko sa kanya but I also think it was petty, kaya sinabi ko na lamang din. Habang kumakain kami ay ikinukwento ko sa kanya ang nangyaring engkwentro sa pamilya namin noon para lamang sa isang treasure ng pamilya ko na ngayon ay nasa kanilang pamilya na.
“Oh, that? I remember,” sabi niya na may ngisi sa kanyang labi. Nairita agad ako dahil pakiramdam ko ay pinagtatawanan niya ako. Naalala ko tuloy ang pagkapahiya ko sa pamilya ko. Sobrang confident ko pa naman noon. “I didn’t mean to embarrassed you. I’m sorry if you felt that way.”
Napanguso lamang ako dahil sa kakahingi niya ng tawad. At first, I thought he was mocking me. Ngunit nang makita ko ang sinseridad sa kanyang mukha ay kahit papaano kumalma ako.
“Wala na iyon. Kalimutan mo na,” saad ko bago kunin iyong red wine sa gilid ko at uminom. Nag-iwas na naman ako ng tingin. Hindi ko ata magawang makipag-eye to eye sa kanya.
“Is that the reason why you declined my proposal? You were mad at me because of that?” Nahimigan ko nang pagkadismaya ang boses niya ngunit sandali pa’y tumawa na rin siya.
Nalaglag ang panga ko dahil nakuha niya pang tumawa ganoong wala namang nakakatawa sa pinag-uusapan namin. Bukod pa roon, why his laugh sounds sexy? It should be illegal!
“Jesus Christ! If only I knew this from the start, I would personally apologize to you on bended knees.” Umiiling-iling siya; that I imagine he finds this fascinating. “I suspected there was a deeper reason why you didn’t want to marry me! That I even study in the Philippines so I can pursue you and learn your language! That I—tss, never mind.” Ngumiti siyang muli na para bang tinatawanan ang sarili.
“This is not funny!” sigaw ko sa kanya. “You embarrassed me! My family was expecting me to give them the treasure but you tricked me!”
“It wasn’t intentional. I need to do something to protect my own family. If only I knew that I will fell in love with you the moment I saw you, I would let you get that stupid ring.”
“You don’t understand—wait, what?!” Tila ngayon lamang nagrehistro sa isipan ko ang sinabi niya. Did he just say…he fell in love with who? Me?
Inaasahan ko na magpapaliwanag pa si Alexei pero hindi na siya nagsalita pa. Tiningnan niya lamang ako na para bang hinahanayaan niya akong mapagtanto ang sinabi niya.
“You like me?” Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Ibig sabihin…ako iyong babaeng tinutukoy niya na dahilan bakit siya nasa Pilipinas?! Holy s**t! Hindi ko iyon iniisip kanina kasi akala ko may tinutukoy siyang ibang babae!
“I wouldn’t waste my time tailing and stalking you if I don’t, Sera.”
Para akong nakaramdam ng kuryente sa buong katawan ko nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko. Natameme ako habang nakatitig sa kanyang mga matang tila nangungumbinsi.
“Akala ko…your family wanted me to marry you for convenience. Because the Vasiliev and the Benavidez will benefit from it.” Kinagat ko ang labi ko at ibinagsak sa pinggan sa harapan ko. Suddenly, I don’t have the courage to look at him.
“They want me to marry someone else, I choose to marry you. I asked my father that I wanted to marry a certain woman, Sera, and it’s you. He agreed with it as long as I will agree with his terms. Unfortunately, you…decline right away; without giving any second thought about it.” Bumuntong-hininga siya. “If I remember correctly, your words were: if you’re going to marry, you’ll marry the man you love. That’s why I am here, Sera. I want to prove that I am worthy for you and that no other man can have you other than me.”
Natulala man sa mga pinagsasabi niya ay nagawa ko pa rin namang mabawi ang sarili. Huminga ako nang malalim at muling humalukipkip. Tinaasan ko siya ng isang kilay para ipakita na hindi ako naaapektuhan ng mga sinasabi niya kahit na ang totoo, I am already swayed by his words.
“Aren’t you a little arrogant, Mr. Vasiliev? Even if you say that, do you think it’s enough to get me? You can’t force me to love you dahil lang sinabi mo sa akin na gusto mo ako—”
Umiling siya kaya’t natigilan ako at hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko. A small smile crept onto his lips. Napalagok ako. Damn him and his sexy smile!
“I am not going to force you, Sera. My point is, you’ll learn to love me.” He smiled, confidently.
“And how will you do that?” tanong ko, kinakabahan na.
“I will teach you how. You’ll see. We have a lot of time to spend together during this trip. I will make sure that before we go back to the Philippines, I have already persuaded you to marry me; that you already fall for me.”
Madalas gusto ko na hinahamon ako. I am competitive at hindi ako nagpapatalo kahit sa ano pang pagkakataon o sitwasyon. Ngunit matapos kong marinig iyon mula kay Alexei ay nakaramdam ako ng kaba imbis na excitement. Dahil pakiramdam ko, hindi pa man nagsisimula ang laban…talo na ako.