Matapos ang trip ko ay nagpasiya ako na sa bahay na muna manatili. Magulo ang sitwasyon ng pamilya ko pero hindi na ako nagtatanong. Ang alam ko lang, iniwan si Hati ni Adira.
Nang mapadaan ako sa may sala ay nakita ko roon si Zavian. Kaagad akong lumapit sa kanya at naupo sa tapat na sofa ng kinaroroonan niya. It’s rare to see him. Kung noon ay hirap na siyang makita at makausap, mas lalo na ngayong siya na ang boss ng aming organisasyon dahil sa nangyari kay Silas. It was supposed to be Gio, my brother, pero ayaw niya. Sa tingin ko rin naman ay magandang si Zavian na nga ang mamahala. He can handle it just fine.
“What are you doing here, Zavian?” tanong ko sa kanya.
May ilan siyang papeles na hawak sa kanyang kamay. Nag-angat siya ng tingin sa akin sandali bago rin ibalik sa mga binabasa niya.
“Kinausap ko lang si Tito Santi. Naisipan ko na tapusin na rin ang pagbabasa ng mga dokumentong ito rito bago ako umuwi ng Laguna.”
Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Out of all my cousins, siya talaga ang pinaka-intimidating. Tahimik at seryoso. Ni hindi mo malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Ni hindi mo rin siya mababasa base sa kanyang emosyon dahil hindi niya naman iyon ipinapakita. Silas, on the other hand, is cold, too. Pero may something kay Zavian na sobra ang pagkamisteryoso. Na aakalain mong tatahitahimik lang siya ngunit ang totoo ay may pinaplano na iyan.
“I heard about the Vasiliev’s proposal way back, Sera. Bakit hindi mo tinanggap? Sana nagpakasal ka kay Alexei Vasiliev.”
Muli akong napatingin kay Zavian. Ilang araw na ang lumipas nang matapos nga ang trip ko at ilang araw ko na ring hindi nakikita si Alexei. I’m not even sure if he’s still here in the Philippines or maybe in Russia.
“It will actually help our family. Siguro kung tinanggap mo iyon at natuloy ang merging ng dalawang pamilya, baka walang kumakalaban sa atin patalikod—”
Natigilan si Zavian sa kanyang sinasabi nang mapagtanto niyang tinititigan ko siya. Nawala ang emosyon sa aking mukha. Pakiramdam ko nga ay namanhid ako sa mga sinabi niya.
“Kung magpapakasal ako, gusto ko sa taong mahal ko. Of all people, Zavian, dapat mas naiintindihan mo ang rason ko noon bakit ako tumanggi. Dahil maging ikaw, ilang proposal na ba ang tinanggihan mo so you can be with Triana?” Tinaasan ko siya ng kilay. Bahagyang nagbago ang kanyang ekspresyon pero nauwi lamang ang lahat sa kanyang pag-iling.
“I didn’t mean to offend you. I know that—”
“Pero tama ka, dapat ay tinanggap ko ang kasal.” Naputol ang sinasabi ni Zavian dahil sa mga binitawan kong salita.
Nanatili akong nakatingin sa kanya habang siya’y para bang naguguluhan at nagulat pa sa sinabi ko.
“Sana tinanggap ko na lang iyong ibinigay na proposal nina Alexei,” wala sa sarili kong sambit.
Noon ay umayaw ako sa kasal nang marinig ko ng apelyidong Vasiliev. Iritable kasi ako dahil sa walang katuturang bagay. Pakiramdam ko ay natapakan ang pride ko pero tama rin naman ang sinabi ni Alexei. Ginawa niya iyon para naman protektahan ang pamilya niya. It was his obligation at ako iyong pinairal lamang ang pride sa lahat ng bagay.
“Kaya kung magkakaroon ng pagkakataon na alukin niya ulit ako ng kasal, papayag ako. Hindi rin naman masama dahil makakatulong iyon sa pamilya, hindi ba?”
Kaagad na binawi ni Zavian ang kanyang mga sinabi kanina. Sinabi niya pa sa akin na nagbibiro lamang daw siya at hindi ko naman talaga kailangang gawin ang pagpapakasal na iyon. But my decision is firm. Kung may pagkakataon muli, I will grab it this time. Siguro magandang way na rin iyon para mas makilala pa namin ang isa’t isa, hindi ba? Iyon ay kung may panibago pang pagkakataon.
“Pero sa tingin ko, ayaw na niya.” Ni hindi na nga ako ginugulo ni Alexei simula nang matapos ang trip. Kahit papaano ay umasa ako na magpaparamdam siya rito sa bahay pero hindi iyon nangyari. Sumagi tuloy sa isip ko na baka…sumuko na rin siya.
“Are you sure about that?” Naging seryosong muli si Zavian. Binitawan niya ang mga hawak niyang papeles at sumandal sa backrest ng sofa. Ipinahinga niya rin ang kanyang isang braso roon habang nakakrus ang kanyang hita.
Nagkibit-balikat ako. “Siguro. Isa pa, wala naman akong boyfriend ngayon and I doubt I will date someone again. After all the bullshits that happened to me, baka mahirapan na ako. Might as well, just be in a pragmatic wedding, hindi ba? Siguro naman, matututunan kong…uhm…mahalin ang mapapangasawa ko.” Kahit ang totoo ay nagugustuhan ko na naman si Alexei.
There’s something about him na mabilis kang mahuhulog talaga. Halos isang buwan kaming magkasama sa cruise ship at ni minsan hindi niya ipinaramdam na napagod siya sa akin. Madalas mas gusto niyang inaalam ang buhay ko kaysa ang tungkol sa kanya. And whenever I talked, he was attentive. Hindi mo maipagkakaila na malaki talaga ang interes niya sa akin. No one ever made me feel so special other than him.
Pinagmasdan akong mabuti ni Zavian, tila pinag-aaralang mabuti. Kinagat ko na lamang ang aking labi at yumuko. Pakiramdam ko kung hindi ako mag-iiwas ng tingin sa pinsan ay malalaman niya ang iniisip ko. Ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko.
“Nagkausap kami ni Tito Santi kanina. Hindi man iyon ang dahilan nang pagpunta ko rito but he mentioned about the Vasiliev’s proposal. Nagbigay raw ng panibagong proposal ang mga ito kahapon lang.”
Napaangat ang aking ulo dahil sa sinabi ni Zavian. Laglag ang aking panga dahil hindi ko inaasahan iyon.
“Hindi niya lang sinasabi sa ‘yo dahil alam niya na ayaw mo. But now that you’re considering it, I’ll talk to Tito Santi and communicate to the Vasiliev family. Sa pagkakaalam ko kakauwi lang din ni Alexei Vasiliev sa Russia from his trip.” Tumayo si Zavian. Kinuha niya ang mga papeles sa coffee table bago ibalik ang tingin sa kanya. “If you’re decision is final, I’ll tell the Vasiliev about it. Babalitaan agad kita kapag nakausap ko na sila.”
Umalis na rin si Zavian matapos iyon kaya’t naiwan akong mag-isa. Parang doon lamang ako nakahinga matapos mawala ni Zav sa paningin ko. Kahit akong pinsan niya ay minsan hindi makayanan ang bigat ng ereng nakapaligid sa kanya.
Dalawang beses kaming ikinasal ni Alexei. Isang kasal na ginanap sa Russia at isa rito sa Pilipinas. And now, we’re on our way to Maldives para sa honeymoon.
Hindi ko alam paano siya kakausapin. Kinakabahan ako sa tuwing tumitingin ako sa kanya. Siya rin naman ay hindi pa rin ako kinakausap. Alam ko na nagulat pa siya sa biglaan kong pagdedesisyon ng kasal. Siguro ay iniisip niya, matagal-tagal pa bago niya ako mapapayag.
Naandito kami ngayon sa isa sa mga mamahaling private island sa Maldives, if not, pinakamahal na nga ata. Ang Cheval Blanc Randheli.
Ang ganda ng tanawin at talaga namang nakaka-enganyo ang kulay ng dagat. Mabuti na lamang at madami akong dinalang swimsuit.
Alexei rented the whole island for ourselves. Kaya kahit saang villa ng isla ay pwede kaming magpunta.
“Would you like to rest or see the whole island?” tanong ni Alexei sa akin mula sa likod ko.
Hinarap ko siya at naabutan ko pang nakatingin siya sa akin. Napasinghap ako nang magtama ang paaningin naming dalawa.
“I think I’ll rest for a while then see the whole island later.” Naglakad na ako patungo sa kama. Nang mahaplos ko ang lambot nito ay kaagad pumasok sa akin ang kaisipang magsisiping kaming dalawa mamaya.
Kaagad nag-init ang aking pisngi sa kung anu-anong ideyang pumapasok sa isipan ko. Hindi naman siguro masama iyon, hindi ba? We’re married after all. Isa pa, hindi naman siguro si Alexei iyong tipo ng tao na hindi gagawin kung walang pahintulot ko. He wouldn’t take advantage of me.
“Okay, if that’s the case…I’ll go now.” Tumalikod na siya sa akin na siyang ipinagtaka ko.
“Saan ka pupunta?” Magtatrabaho pa kaya siya? Pero honeymoon namin ngayon. Narinig ko pang pinagsabihan siya ng kanyang ama na mag-focus na lamang muna sa honeymoon namin at hayaan na muna ang trabaho.
“I’ll be staying at the other room or if you’re not comfortable knowing that I am here, I’ll stay in the other villa.” Nilingon niya ako saglit. Ang kanyang ekspresyon ay hindi ko mabasa.
Parang bumagsak ang puso ko sa kanyang sinabi. Hindi ko inaasahan na iyon ang maririnig ko ganoong hindi naman siya ganito noong huli kaming magkasama sa cruise ship. He was persuasive but not aggressive. Kaya hindi ko inaasahan na para bang mag-iiwasan kami kung kailan kasal na kami.
“Why do you need to stay in another room? Ayaw mo bang kasama ako?” Hindi ko alam bakit ko nga ba itinanong ang huling salitang iyon. I should’ve keep in to myself. Pero siguro, mas maganda na ring sabihin sa kanya ang saloobin ko kung hindi naman iyon tungkol sa pag-amin ko sa nararamdaman ko. Hindi pa ata ako handang sabihing gusto ko siya.
Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tila ba bigla siyang naalarma at nabigla sa sinabi ko.
“What—No! Of course, I want to. I’m just thinking about you. I thought you’re uncomfortable—”
“It’s fine, Alexei. We’re married now. You can stay here.”
Hindi na nagsalita pa si Alexei. Kita ko kung paano bumagsak ang balikat niya matapos kong sabihin iyon. Tumango na lamang siya bago magpunta sa kanyang mga gamit. May kinuha siya rito bago tumingin sa akin.
“I’m going to shower. You should sleep, Sera. I know you’re tired from the long trip.” Matapos niyang sabihin iyon ay pumasok na kaagad siya sa banyo.
Napanguso ako. I didn’t expect this to be awkward. Hindi ko alam bakit ang awkward naming dalawa ganoong hindi na naman kami ganito ka-awkward noong mga huling araw sa cruise ship. Siguro dahil…sa estado naming dalawa? Kung noon ay wala kaming relasyon, ngayon ay biglang mag-asawa na kami.
Nagpalit lang ako ng damit at nahiga na rin sa kama. Ipinikit ko ang aking mga mata, iniisip na baka dalawin ako ng antok pero hindi ko magawang makatulog! Masyado akong maraming iniisip. Ang bilis ng mga pangyayari, na matapos naming puntahan ang mga Vasiliev sa Russia para pag-usapan ang tungkol sa kasal ay wala nang pagdadalawang-isip ang pamilya ni Alexei na ipakasal ako sa kanya.
Simula rin ng araw na iyon, hindi pa kami nag-uusap nang maayos ni Alexei. Alam ko na marami siyang gustong itanong pero mas pinipili niya ang manahimik.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama sa kabilang bahagi kaya alam ko na naririto na si Alexei. Nalanghap ko ang pamilyar na bango niya. Gusto ko tuloy magmulat ng mga mata at humarap sa kanya pero pinigilan ko ang sarili.
“Seraphine…”
Para akong kinuryente sa pagtawag niya sa pangalan ko. Hindi na nga ako sanay na tinatawag niya akong Sera, mas lalo na ang buong pangalan ko!
“What’s on your mind?” sabi niya sa napapaos na boses. Alam niya siguro na gising ako.
“H-huh?” Iyon lamang ang tanging naisagot ko sa kanya.
“What were you thinking, suddenly agreeing to marry me?” Naimulat ko aang aking mga mata sa biglaan niyang pagtatanong. Ngayon pa lamang namin bubuksan ang topic tungkol sa pagpayag kong magpakasal. “I thought you were against this; you were so against to marry me. What happened now?”
Napabangon ako sa itanong niya. Nilingon ko siya at kaagad akong nagsisi na tumingin ako sa direksyon niya dahil nakatingin din siya sa akin ng diretso na para bang pinag-aaralan niyang mabuti ang bawat pagbabago sa reaksyon ko. And I’m pretty sure, one wrong move, malalaman niya ang totoong nararamdaman ko.
“You said, you don’t want to marry someone you don’t like. Does that mean…you like me, and so you agree to this setup?”
Nanlamig ako sa tanong niya. Malamig at madilim ang ekspresyon ng mukha ni Alexei kaya’t nag-iwas ako. Hindi ko makayanang labanan ang paninitig niya sa akin.
“Tell me, Sera, you like me now?”
Pakiramdam ko nang mga oras na iyon ay natuyuan ako ng lalamunan at nawalan ng abilidad na magsalita.
Bakit ang dali-dali para kay Alexei na pasabugin ang emosyon ko at mangapa ako sa kung anong dapat kong maramdaman.