XVII

2941 Words
Mag-iisang buwan nang wala si Alexei. Natawag naman siya kapag may oras pero hindi iyon madalas. The words that Arseny left kept bugging me. Hindi iyon maalis sa isipan ko. Parati akong ginugulo ng mga salita niyang maaaring makabuntis si Alexei ng ibang babae. That my husband is a playboy way back, etc. Hindi naman siguro, hindi ba? I still believe that people change at some point of their lives. Living proof ang mga pinsan kong nagpakatino matapos nilang matutunang magmahal. Isama mo pa ang kapatid kong ganoon din. I’m stressed. Hindi ito maganda sa akin pero hindi ko lang din mapigilan. Dumaan pa ang mga araw. Bagot na bagot ako sa bahay. Minsan napunta ako ng mall pero sobrang higpit ng seguridad. Naiintindihan ko naman dahil marami ring kalaban ang mga Vasiliev. Idagdag mo pa ngayon na nabalitaan naming kumikilos din ang ilang kalaban ng pamilya ko. But Zavian’s handling them well. Wala naman siguro akong dapat ipangamba. “Ma’am…” Lumapit sa akin si Wilma. Siya iyong Filipinong kasambahay namin dito na kinuha ni Alexei para sa akin. Nilingon ko siya. Nasa veranda ako at nagbabasa ng libro. Ganito ang madalas kong ginagawa para mawala ang mga isipin sa utak ko. “Hmm?” tanong ko. Ngumiti siya sa akin kaya’t nagtaka ako kung para saan ang mga ngiti niyang iyon. “Tumawag po si Sir Alexei. Boarding na raw po siya ng flight niya galing Italy pauwi rito.” Napatayo ako sa pagkakaupo ko dahil sa sinabi niya. Agad kong isinara ang libro at lumapit kay Wilma. “Talaga?” Nagningning sa tuwa ang aking mga mata. Ang mga mabibigat na pakiramdam na naramdaman ko sa nagdaang buwan ay tila ba nawala na lamang bigla. “Opo. Kanina pa po iyon kaya baka malapit na sina Sir Alexei. Sinabi niya po na pinakamabilis na flight ang kinuha niya para makauwi siya agad. Mukhang tapos na po ang trabaho niya sa ibang bansa.” Halos magtatalon ako sa tuwa nang may mapagtanto akong mali sa sinabi ni Wilma. Naglaho ang ngiti ko. “Italy? Hindi ba…sa Puerto Rico siya galing. Iyon ang pinagpaalam niya sa akin noon.” Hindi ko iyon makakalimutan. Kahit halos buwan na ang nakakalipas simula nang sabihin niya iyon, alam kong sa Puerto Rico siya pumunta. Nawala rin ang ngiti ni Wilma at parang napaisip sa sinabi ko. Pinilig ko ang ulo ko. Tinanggal ko na lamang ang mga kaisipan. “Baka may kinailangan siyang puntahan sa Italy.” Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Hindi nga mali ang hula namin ni Wilma. Ilang oras pa’y narinig ko na ang balita na naririto na si Alexei. Agad akong lumabas ng kwarto. Nag-ayos pa ako upang pagharap ko sa kanya ay presentable ako. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan habang naglalakad sa pasilyo ng pangalawang palapag papunta sa hagdanan. Ang tagal naming hindi nagkita kaya siguro ganito na lamang ang kabang nararamdaman ko. Nang makababa ako ng hagdanan ay nakita ko ang matikas na likod ni Alexei. Nakikipag-usap siya sa mga bodyguards ko. Para akong lumulutang habang papalapit sa kanya. Ni hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Napatingin sa akin ang isang bodyguard at may sinabi kay Alexei. Nilingon ako ni Alexei nang masabi siguro ng bodyguard ko na papalapit na ako. Nang una ay gulat ang ekspresyon niya ngunit ngumiti rin nang makita ako. Walang pagdadalawang-isip akong tumakbo papalapit sa kanya. Niyakap ko siya at walang pakealam na hinalikan ang labi niya. Matagal at passionate ang ginawa kong halik sa kanya. Ang kamay niya ay pumulupot sa aking baywang upang suportahan ako. Naramdaman ko rin ang pagsusukli niya sa halik ko. “I missed you,” sabi ko habang naktitig sa kanyang mga mata. Pumungay ang kanyang mga mata, na para bang isa iyon sa mga bagay na nagpapasaya sa kanya. “I missed you more,” sagot niya naman sa akin bago halikan ang noo ko. Tumikhim ang isang bodyguard. Doon ko lamang naalala na hindi kami mag-isa rito. May mga kasama kami! Pinamulahan ako ng pisngi nang makitang pilit na nag-iiwas ang mga bodyguards, nagpapanggap sila na wala silang nakikita. Ang isa pa’y sumisipol. “All of you…dismissed.” Parang ako lang ang may pakealam na may nakakita sa ginawa ko dahil si Alexei ay nasa akin lamang ang buong atensyon kahit na sinasabi niya iyon sa mga tauhan niya. Muling nagtagpo ang paningin naming dalawa. Hinila ni Alexei ang baywang ko at muli akong sinunggaban ng halik. Impit akong napaungol sa ginawa niya ngunit nadala rin sa init ng sitwasyong mayroon kaming dalawa. Binuhat ako ni Alexei at walang kahirap-hirap na dinala sa kwarto. Hindi na rin ako magtataka kung saulo niya ang pasikot-sikot sa mansyon nila. Kasabikan din siguro naming dalawa ay may nangyari muli sa amin nang mga sandaling iyon. Nakahiga na ako sakanyang dibdib habang siya ay hinihimas ang aking balikat. Tanging kumot lamang ang nakabalot sa aming katawan. Ang mga mata ni Alexei ay nakapikit. Pagod siguro sa nangyari kanina tapos ay pagod pa sa byahe. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. He looks peaceful. Sana parati siyang ganito. “Stop staring, Seraphine.” Ngumiti siya at iminulat ang mga mata. Kaagad nahanap ng labi niya ang akin at mababaw akong hinalikan. “I’m just appreciating you,” saad ko. Hindi rin naman kasinungalingan iyon. Iminulat niya ang kanyang mga mata. Ang kakaibang kulay nito ay siyang tunay na nakakamangha talaga. “Sa lahat, ikaw lang ata ang tumatawag sa akin ng Seraphine imbis na Sera na lang.” Matagal ko na iyong napapansin pero…ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin sa kanya. Ngumisi si Alexei. Ang kanyang mga mata’y tila inaantok pero ayaw niyang patalo sa antok. “That’s the reason. Most of the people in your life call you Sera. On the other hand, I want to be distinct so I call you Seraphine. So once you heard that name, you know who’s calling you.” Nang una ay nagulat pa ako sa sinabi niya. Ngunit nang mabawi ang sarili ay isang malaking ngiti ang iginawad ko sa kanya. Niyakap ko si Alexei. Hindi niya ba alam na lalo akong nahuhulog sa kanya dahil sa mga sinasabi niya? I don’t think my feelings for this man have an ending. Nakatulog ako na yakap-yakap si Alexei. Ang gaan ng pakiramdam ko nang araw na iyon. Na lahat ng iniisip ko at nagpapabigat ng loob ko ay tila dinahilan ko lamang dahil wala siya sa tabi ko. I shouldn’t doubt Alexei just because other people told me he was this kind of man. Dahil ni minsan hindi naman ipinaramdam sa akin ni Alexei na ganoon siya. Maybe he was that kind of man, but the Alexei I know now is different. May mga balitang nakaabot sa akin. Kagaya nang pagkabaril ni Triana dahil ata sa isang engkwentro nila. Gusto ko mang dumalaw ay hindi ko magawang makabalik ng Pilipinas. Pakiramdam kasi ni Alexei ay delikado kaya ang tanging nagawa ko na lamang ay manghingi ng balita. Maayos na naman daw si Triana at mayroon na ring malay. Kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Mabuti naman kung ganoon. Lumabas ako ng bahay. Gusto kong pumunta ng mall dahil balak kong bumili ngayon ng ilang bagong gamit. Nagpasama na lamang ako sa mga bodyguards ko. Isinama ko na rin si Wilma para naman maging siya ay maipag-shopping ko. “Talaga po, Ma’am Sera? Magsa-shopping tayo? Pero wala po akong sapat na pera.” Masaya man ang kanyang tono noong una ay kaagad din iyong naglaho nang mapagtanto siguro ang maaari niyang magastos. “Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala. You’d been great to me. Ang dami mong nagawang maganda sa akin at maayos kang magtrabaho. I think you deserve this. Regalo ko na sa iyo.” Lumawak ang ngiti ni Wilma sa akin. Ngumiti lang din ako sa kanya at naghintay na lamang na makarating kami sa mall. Panay ang pagkuha ni Wilma ng mga gamit na gusto niya. Hinayaan ko lang naman siya at tumingin na rin ng mga kakailanganin kong bagay. Makalipas din naman ang ilang sandali ay natapos na kami at nagbayad na. “Let’s eat before going home,” sabi ko sa kanila at kaagad nang nag-isip kung saan kami maaaring kumain. Hindi naman crowded ang mall. Nahihirapan lang talaga akong mamili kung saan masarap kumain ngayon. Habang naghahanap ng makakainang restaurant ay may nahagip ang aking mga mata. Natigilan ako sa paglalakad at matagal na napatitig sa kanila. Hindi nila ako makikita dahil may kalayuan ang distansya namin. Ganoon pa man, hindi ko na lang din talaga matanggal ang titig ko sa kanila. Mula sa isang sikat na jewelry store ay nakita ko si Alexei and he’s with a woman. Hindi ko mamukhaan ang babae dahil nakatalikod siya sa akin. Alexei is talking to her with a smile on his face. A smile that usually only seen by me. Kaagad akong nakaramdam ng kirot sa aking puso habang pinagmamasdan ko silang dalawa. The woman laughed when Alexei said something…I guess, funny. Hindi ko mapigilang pagmasdang mabuti ang babae kahit na nakatalikod ito sa akin. The woman is curvy. Big boobs and a big butt. Iyong mala Kylie Jenner na katawan at talaga nga namang pantasya ng mga lalaki. Napatingin ako sa sarili ko. I am petite. My boobs ain’t big as hers and my butt, too. Kung ipagtatabi kaming dalawa. Hindi ako iyong tipong papansinin ng mga tao dahil lahat ng atensyon ay mapupunta sa babae. Her hair is straight at sobrang kintab. Pakiramdam ko ay alagang-alaga niya iyon. She’s wearing a tight dress that’s hugging her perfect curvy body. Napasinghap ako, as I can feel the hollowness in my stomach. Iyong gutom ko ay nawala na. Ang kamay ni Alexei ay humawak sa likod ng babae as they made their way out of the mall. Kasama ni Alexei ang iilang bodyguards niya rin. Hanggang sa mawala sila sa loob ng mall ay hindi ako mapakali. Nakatulala ako roon at tila ba nilaglagan ng langit ng kawalang pag-asa. “Ma’am?” tawag sa akin ni Wilma pero hindi ko siya pinansin. “Ma’am Sera!” Napasigaw na si Wilma nang mapansin niya ang pagtakbo ko papalayo. Nagtungo ako kung saan sila lumabas at hinanap kaagad. I wanted to confront them. Is he cheating on me now?! Dahil ba hindi ko siya mabigyan ng anak? Dahil sawa na siya sa akin? Negative thoughts and ideas filled my head. Panay ang paglilibot ng mata ko sa bawat sulok ng exit para lang makita sila pero wala na sila. Nanghina ang aking tuhod habang iniisip kung saan sila pupuntang dalawa. Hotel, siguro? Anong gagawin naman nila kung pupunta sila ng hotel—I almost choke to my own ideas. Syempre, ano pa bang maaari nilang gawin doon? The image of Alexei on top of that woman, kissing her so passionate, flashed in my head. Sobrang linaw nito na aakalain mong totoong nangyayari kahit hindi naman ako sigurado. Tears rolled down my cheeks. Kaagad ko iyong pinunasan. “Ma’am Sera…” Hinahapo ang boses ni Wila. Halata rin na nagkagulo ang mga bodyguards nang bigla akong tumakbo. Nakatalikod ako sa kanila kaya’t hindi nila pansin ang pagluha ko. I gather my remaining strength and wiped my tears bago nakangiting humarap sa kanila. “Tara na? Sa bahay na lang tayo kumain.” Ganoon pa man, pag-uwi sa bahay at tanungin ako ni Wilma kung anong gusto kong kainin ay hindi ko ito sinagot. Dumiretso ako sa kwarto at nagkulong na lamang doon. Panay ang pagtulo ng luha ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Nakatulog ako kakaiyak. Na ang pagmulat ko sa aking mga mata ay kay bigat. Sa pagmulat ko ay nakita ko kaagad si Alexei sa tabi ko. Napabangon ako nang mapagtantong naririto siya. “A-Alexei!” Gusto kong matuwa ngunit agaran kong naalala ang nakita ko kanina. “Hi! Wilma called me. She told me you haven’t eat anything today. What’s wrong?” tanong ni Alexei sa akin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Why can he act like a concerned husband to me when he was holding another woman earlier? Bumigat na naman ang aking pakiramdam. Tinangka akong abutin ni Alexei pero nag-iwas ako. Nagulat siya sa ginawa ko pero ibinaba niya rin ang kamay niya sa gilid niya. “Seraphine…” Lalong tumagpi ang pag-aalala sa mukha ni Alexei. Alam kong by now, he knows that something’s bugging me. “What’s our problem, hmm? Tell me.” Ang bilis kay Alexei na suyuin ako pero sa ngayon kailangan kong labanan ang mga emosyong nararamdaman ko. Paano kung tama ang hinala ko, that Alexei is sleeping with another woman. Naalala ko pa iyong sinabi ng kapatid niya na dati siyang playboy at parang pagpapalit lamang ng damit sa kanya ang pagpapalit ng babae. Kumunot ang kanyang noo nang hindi ko pa rin siya kausapin. Iwas na iwas ang aking mga mata. Tila hindi ko makayang tumingin sa direksyon niya. “Sera, can we please talk?” Inabot muli ako ng kamay niya pero nag-iwas akong muli. Marahas niyang kinagat ang labi niya nang mapagtantong ayoko siyang kausapin. Sinilip ko si Alexei at pakiramdam ko maiiyak na naman ako nang makita ko siyang malungkot habang nakatingin sa akin. Nag-iwas muli ako. “If you don’t want to talk right now, I will understand. Just please, eat your meal. You look sick. Tell me if we need to see a doctor, I’ll call the family doctor.” Punung-puno ng pag-aalala ang kanyang boses. Hindi ko tuloy alam kung paniniwalaan ko pa ba ang mga iniisip ko o susuko na lamang kay Alexei. Suminghap ako. Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang marinig ang pagsinghap ko. “Sir?” May kumatok sa pinto ng kwarto namin. Bumukas ang pinto at siguro ay sumilip ang kanyang bodyguard. Ang mga mata ni Alexei ay hindi ako niliban kahit nang kausapin na siya ng bodyguard niya. “Mr. and Mrs. Mager are here.” Tumango lamang si Alexei, nakatingin pa rin sa akin. “I’ll be there.” Narinig ko ang pagsara ng pinto. Inaakala ko na aalis na agad si Alexei ngunit nanatili pa siya. Nakatitig lang ito sa akin hanggang sa magpakawala nang mabigat na paghinga. “I just need to talk to the visitors. You should rest. I’ll tell the maids to bring your food here. I’ll be back.” Tumayo si Alexei at naglakad na papalabas. Ilang sandali pa ay narinig kong muli ang pagbukas at sara ng pinto. Pinag-iisipan ko ang mga nangyari. Gustong-gusto kong sabihin kay Alexei ang mga nakita ko kanina pero natatakot ako na baka sabihin man niyang wala lang iyon ay kasinungalingan naman ang makikita ko sa kanyang mga mata. Naisipan kong lumabas ng kwarto. Sisilipin ko lang kung sino ang mga bisita ni Alexei. Nakasalubong ko pa ang mga kasamabahay na magdadala sana ng pagkain sa akin. Sinabi ko na lang na iwanan nila iyon sa kwarto. Nakarinig ako ng mga pag-uusap sa may sala. Dumiretso ako roon at sumilip. Laglag ang aking panga nang makita ko ang babaeng nakita ko sa mall kanina. Nasabi ko na ito iyong babae dahil sa hubog ng katawan niya at sa damit na suot niya! Napansin niya ako kaya’t nanlaki ang kanyang mga mata. “Alexei…” Hindi ko na napigilang tawagin ang pangalan ng asawa. Nilingon niya ako at tumayo siya nang mapagtantong nasa likod niya nga ako. Lumapit sa akin si Alexei. Kita ko rin ang pagkabigla sa kanyang mga mata. “Seraphine, I thought you’re going to rest—” “Who are they?” tanong ko, nakatitig nang mabuti sa babae. Ngumiti siya at tumayo. May kasama siyang isang lalaki at isang bata. Lumapit silang tatlo sa amin. “Oh, this is Tiffany Mager and her husband, Gregori Mager. The kid is their son, Georgi.” Umigting ang aking panga sa narinig. What? Alexei is having an affair with a married woman now? Nagtataksil silang dalawa sa kani-kanilang asawa? This is ridiculous! “This is my wife, Seraphine Vasiliev,” pagpapakilala naman sa akin ni Alexei. Inilahad ng babae ang kanyang kamay sa akin at tumingin kay Alexei. Tumango naman si Alexei sa kanya. Napatitig lamang ako sa kamay niya pero hindi ko iyon tinanggap. Gulantang pa ako sa lahat ng nangyayari. Binawi niya ang kanyang kamay nang mapagtantong hindi ko iyon hahawakan. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na tumingin si Alexei sa akin. “Sorry, my wife isn’t feeling well,” pagpapaliwanag ni Alexei kung bakit hindi ko tinanggap ang kamay ng babae. “That’s fine.” Ngumiti ang babae bago tumingin sa akin. “I finally meet you, Sera. When I heard that Alexei is getting married, I was so excited. Like finally, he decided to settle!” Pumalakpak ang babae. Pinanliitan ko siya ng mata. “This is the first time I’d seen my cousin being possessive and obsessed with someone, so I was so eager to meet you.” Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Hindi nakawala ang salitang iyon sa aking pandinig. Tumingin ako kay Alexei na nakatingin pa rin sa akin. “Cousin? She’s your…cousin?” tanong ko, gulat na gulat. Tumango si Alexei bago tumingin kay Tiffany. “Yes, we’re cousins! My mother and his father are siblings. I’ve been away for years now, living abroad. So, now that I am here in Russia again, I wouldn’t waste the chance to meet you, Sera!” Nang mga oras na iyon ay parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyang ako lamang ang nakakaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD