XVIII

1894 Words
Nag-usap pa kami roon. Wala ako sa sarili at minsan ay tanging pagngiti na lamang ang aking naibibigay sa kanila. Anong kahihiyan itong pinasok mo, Seraphine? Iiyak-iyak at seselos-selos ka pa tapos magpinsan naman pala silang dalawa ng babaeng nakita mong kasama niya sa mall! Napatingin ako kay Alexei lalo na nang tawagin niya iyong anak na lalaki ng kanyang pinsan. Kitang-kita ko kung paano siya makipagharutan doon. Tuwang-tuwa siya sa bata. Napangiti rin ako habang pinagmamasdan siya hanggang sa laglagan ako ng katotohanang maaari ko siyang hindi mabigyan ng anak at kailanman ay hindi ko siya makikitang nakikipaglaro sa anak namin. It pains me…again. Iyon sakit na naramdaman ko nang malamang mababa ang chance kong mabuntis ay bumalik sa akin; like it all happened yesterday. Sa bawat tingin ni Alexei kay Georgi ay napapansin ko ang kagustuhan niyang magkaanak. Hindi na namin kasi napag-usapan ang tungkol doon, though, we still tries. Kaya lang, hanggang ngayon, wala pa rin. Hindi na lang din siguro niya binabanggit sa akin dahil alam niyang sensitibo ang bagay na iyon sa akin. Nang makaalis ang pamilya nina Tiffany ay nagtangka na akong bumalik sa kwarto. Hindi pa ako kumakain pero hindi ako ginugutom. Dala na rin siguro ng samo’t saring kaisipan. Naupo lang ako sa kama. Bumabalik sa akin ang imahe ng nakangiting si Alexei habang nilalaro iyong batang lalaki kanina. Hindi ko mapigilang isipin kung gaano kaya kasaya si Alexei kung mabibigyan ko naman siya ng sariling anak? I feel happy and sad by the thought. Kasi maaaring hindi iyon mangyari. Tumunog ang iPad ko. Napatingin ako roon at kinuha. Nakita ko na tumatawag si Neveah sa akin. Sinagot ko naman ang video call. “Hello!” maligayang bati niya sa akin. I tried so hard to smile, pero binigo ako ng sarili ko. Ni hindi man lang umangat ang gilid ng labi ko. Napansin kaagad iyon ni Neveah kaya’t hindi siya nagdalawang-isip na magtanong sa akin. “Anong nangyari sa ‘yo? Tumawag lang ako ay nalungkot ka na.” Marahan siyang humalakhak pero agad din iyong nawala nang mapansin na hindi ko kayang makisabay sa kanyang pakikipagbiruan. Suminghap ako at sa wakas ay nagkaroon na ng lakas ngumiti kahit tipid. “Kumusta r’yan?” Pakiramdam ko ay tapos na ang problema ng pamilya namin. Zavian and the rest of the Benavidez men solved everything. Ako na lang ata ang may problema. “Okay naman. Ikaw, kumusta?” tanong niya, may bahid ng pag-aalala. Alam ko na hindi ako pipilitin ni Neveah na sabihin ang problema ko kung ayoko talagang pag-usapan. Subalit ngayon…parang mas maganda kung may pagsasabihan ako. Binanggit ko kay Neveah ang kondisyon ko at ang sitwasyon naming dalawa ni Alexei. Kwinento ko ang mga bagay na kay tagal ko nang tinatago sa pamilya ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Neveah. “Goodness, Seraphine! Bakit ngayon mo lang sinabi? Ni wala kaming kaalam-alam na ganyan na pala ang sitwasyon ninyong mag-asawa! Anong sabi ni Alexei?” tanong ni Neveah. Mas kita mo na ngayon ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Sabi ni Alexei, okay lang naman daw sa kanya. Kaya lang kahit anong assurance ang ibigay niya…pakiramdam ko kulang. Ako iyong hindi makaramdam ng contentment kasi pakiramdam ko may isang gap na hindi ko mapupunan sa buhay naming mag-asawa. Kasi ako iyong may mali.” Suminghap ako. “Lumala iyong insecurities ko. Lalo na kapag nakikita ko si Alexei na may kasamang ibang babae. Na kahit sino pa iyon, pakiramdam ko mabilis niya akong maipagpapalit. I’m scared, Heaven. I am not a weakling, alam mo iyan. Mang-aaway talaga ako kapag napatunayan kong may ibang babae ang asawa ko pero sa kondisyon kong ito…pakiramdam ko, wala akong karapatang awayin ang kahit na sino kasi may kulang sa akin at karapatan lang ni Alexei maghanap ng magpupuno ng pagkukulang ko.” Alam ko na mali itong iniisip ko kaya lang…may mga oras na hindi ko mapigilan ang sarili ko, kagaya na lamang ngayon. Sobrang emosyonal ko na maging ako ay hindi magawang kontrolin ito. “Ang lala ko.” Pinilit ko ang matawa sa katangahan ko ngayon pero kasabay nito ay ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko na napigilan ang maiyak. “Sera…” Kita ko rin ang malungkot na ekspresyon ni Neveah. “Gusto kong sabihin na huwag mong isipin iyan pero…I don’t want to give false positivity kasi wala akong alam sa tunay mong nararamdaman. Alam ko na mahirap iyan. Bilang isang babae, isa siguro ang malamang maaari kang hindi magkaanak ang masakit.” Ginugol ko ang oras ko sa pakikipag-usap kay Neveah. Somehow, talking to someone close to you lessen the heavy feelings in your heart. Alexei always assure me. Iyon ang isa sa katangian niyang consistent kahit matagal-tagal na rin kaming kasal. He give me the outmost respect, na kailanman hindi ko naramdaman sa ibang lalaking dumaan sa buhay ko. He’d been a good husband at gusto kong suklian ang lahat ng iyon. My happiness is always his priority. He will set aside the things he wanted just to please me. Ano ako? Pakiramdam ko never ko pang naiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Kaya siguro…ito ang tamang desisyon. Hindi man tama sa mata ng ibang tao pero tama sa pananaw ko. I will sacrifice my happiness for his happiness. Kahit masakit, tatanggapin ko. Siguro ito iyong isang bagay na ang hirap gawin pero wala kang ibang choice kung hindi ang ibigay na lang sa kanya. Kasi baka…roon siya magiging masaya. Magkasama na kaming dalawa sa kwarto. Tahimik lang ako at si Alexei ay nakahiga sa tabi ko. Nakatalikod ako sa kanya kaya’t hindi ko alam kung tulog na ba siya. “Alexei…” Pagtawag ko sa gitna ng katahimikan. “Hmm?” Gising pa siya! Huminga ako nang malalim. Kanina ay buo na ang desisyon ko ngunit ngayon ay nagdadalawang isip na naman ako sa binabalak kong gawin. Humarap ako sa kanya. Nakita ko ang dahan-dahang pagmulat ng mga mata ni Alexei. Nanginig bigla ang labi ko pero pinili kong lakasan ang loob ko. “I know you want to have a child—” “Seraphine,” he cut me off. Ang kanyang pagtawag sa pangalan ko ay may pagbabanta. Ngumiti ako sa kanya, assuring him that it’s fine. “Alam ko ang kagustuhan mong magkaroon ng anak. Nakikita ko iyon and I’ve been thinking about this. We can use IVF treatment pero ang sabi ay mababa pa rin ang chance kong makabuo ng bata using that so…I came to a decision.” Kita ko ang pagdilim ng mga mata ni Alexei habang nakatingin sa akin. Pinanatili ko ang ngiti ko kahit na nanginginig na ang labi ko. Mabuti na lamang madilim ang paligid, hindi niya masyadong makikita ang ekspresyon ko. “I’m thinking about…hiring someone to carry our child. Surrogacy? Pero medyo risky iyon, hindi ba? Kasi baka bigla na lang din itakbo ang anak natin pagdating ng panahon. Baka pwede kang pumili sa isang kakilala mo…maybe from your past relationship or hook-ups and get her pregnant—” “Seraphine, what the hell are you saying?!” Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw. Hinawakan niya ang braso ko na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Hindi ko na napigilan ang sariling luha. Muli itong tumulo mula sa aking mga mata. Simula ata nang malaman ko ang balita tungkol sa akin ay lagi na akong umiiyak. “I-iyon lang kasi ang naiisip kong way para mabigyan ka ng anak. Kakayanin ko. Kung isang araw marinig ko na nakabuntis ka ng ibang babae, tatanggapin ko. Kasi alam naman nating maaaring hindi ko mabigay sa ‘yo iyon, eh.” I am stupid. Alam ko iyon. Kung ang iba ay ayaw ipahawak sa ibang babae ang kanyang asawa, ito ako at ako pa ang nagtutulak sa kanya bumuntis ng iba. Ngunit what other choice do I have? Mayroon pa ba? Gustong-gusto kong mabuntis pero ayaw ng kapalaran ko! Napabangon siya sa sinabi ko. Bumangon din ako upang magsalita pa. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya. “I can’t give you the child you wanted, Alexei. Wala akong kwentang asawa! Kaya naiintindihan ko kung maghanap ka ng ibang maaaring makapagbigay sa ‘yo nito—” Muling naputol ang aking pagsasalita nang tingnan niya ako gamit ang matatalim niyang mga mata. Umurong ang dila ko. Galit siya. Ito ata ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nagalit sa akin. “Did you hear me complain, Sera? Ever since we received the news from your doctor, even once, did you hear me complaining about it?!” Mataas pa rin ang boses niya pero ramdam ko ang pagpipilit sa sariling kumalma. Napayuko ako at umiling. “Hindi. Pero alam ko na—” “You don’t know anything!” sigaw niya sa akin. Hinawakan niya ang aking magkabilang braso. May kahigpitan iyon kaya’t napatingin ako roon. “I don’t care if you can’t give me a baby, Seraphine. I don’t freaking care! I married you because I love you, and hearing you belittle yourself in front of me, that’s the last thing I can tolerate. I won’t do your suggestion, even surrogacy. I won’t! I'm fine with it if you can’t give me a child. The hell I care about anything else. All I wanted is you!” Natigilan ako sa sinabi niya. Tanging paghikbi lang ang kumawala sa akin. I feel so stupid. Pakiramdam ko ay ang tanga-tanga ko sa lahat ng mga sinabi ko kanina habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. “I told you, whatever you can give, I will accept it; without any complaints and without hesitation. So, please, stop pushing me away. Is this the reason why you were quiet the whole time? You were thinking about this?” tanong niya sa akin. Nakakahiya man ay tumango ako. Dining na dinig ko ang pagmumura ni Alexei, but I know, the curses weren’t for me. Hinigit niya ako para sa isang yakap. Nang maramdaman ko ang init niya ay muling bumuhos ang luha ko. Nakakainis! Kailan ba ako mapapagod sa kakaiyak! Maging ako ay naiimbyerna na. Hindi naman ako iyakin dati, ah? “I’m sorry. I didn’t know you were feeling this. If only I’d assured you more, you wouldn’t get such ideas. I’m sorry.” Mas lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin. Napakapit ako sa kanyang damit at doon nagpatuloy sa pag-iyak. Hindi na nagsalita si Alexei. Hinayaan niya na lamang akong ilabas ang sama ng loob ko at ang bigat ng damdamin ko. Lagi siyang ganito. He knows how to assure me and how to make me feel happy. Pero ako, ni hindi ko alam paano siya pasasayahin. Iyong isang bagay na makakapagpasaya sa kanyang alam ko ay hindi ko pa kayang ibigay sa kanya. Alexei is contented. Ako iyong hindi. Kailanman, hindi ko matatanggap ang sitwasyong mayroon ako. Buong buhay ko, iisipin ko ang pagkukulang kong ito. Sa magiging pagsasama namin, parating tatatak sa isipan ko that I am that woman who can’t give his husband a child. I am nothing but an incomplete wife. Ako iyong hindi makatanggap ng katotohanang hanggang dito lang ang kaya kong ibigay na kasiyahan sa kanya. Ganoon pa man, I cleared my mind. Kung kontento si Alexei sa mga bagay na kaya ko lamang ibigay, siguro ay dapat makontento na lang din ako roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD