Wala akong imik nang makauwi kami. Hindi na ako umiiyak pero naandito pa rin iyong pakiramdam na may nakadagan sa aking dibdib. Sobrang bigat na hindi ako makahinga nang maayos.
Tahimik lang din si Alexei. Alam ko na nabigla rin siya sa ibinalita ng doktor sa amin kanina. Panay ang pagtingin niya sa akin pero hindi ko siya magawang tingnan. Alam ko na naawa siya sa kalagayan ko at ayokong makita iyon sa kanya.
“Do you want to eat?” tanong niya sa gitna ng katahimikan naming dalawa. Umiling lang ako at halos walang buhay na nagtungo sa may hagdanan.
“Sa kwarto lang ako. Gusto kong…magpahinga.” Iyon na lamang ang sinagot ko sa kanya bago magpunta sa pangalawang palapag at dumiretso sa kwarto.
Nang makapasok ako sa kwarto ay napasandal ako sa kakasara pa lamang na pinto nito. Doon muling bumuhos ang luha ko habang paulit-ulit sa akin ang mga salita ng doktor. Maliit lang ang chance na mabuntis ako at hindi matukoy kung bakit ganito ang kondisyon ko.
Hindi iyon matanggap ng sistema ko. My brain is ejecting the idea that I am infertile and there’s a possibility that I cannot give Alexei the child that he wanted. Pakiramdam ko ay nawalan ako bigla ng halaga.
Napaupo ako sa sahig habang nakasandal pa rin sa pinto. Panay lamang ang pag-iyak ko roon. Iniisip kung may magagawa ba ako pero walang pumapasok sa isipan ko.
Bakit sa dami ng maaaring mangyari sa akin ay ganito pa? Bakit hindi ako magkaanak?!
Kaya pala kahit anong gawin namin ni Alexei ay walang umuubra. Kaya pala kahit ilang beses naming subukan ay wala pa rin. Ako pala iyong may problema.
Nang tumigil sa pagpatak ang aking luha ay tumayo ako. Ramdam ko ang bigat ng aking mga mata dahil sa pag-iyak. Kanina ko pa gustong ilabas ang saloobin ko pero hindi ko magawa dahil naandiyan si Alexei. I don’t want him to see me crying.
Naupo ako sa gilid ng kama. Tulala at wala pa rin sa sarili. Akala ko wala nang lalala sa mga nangyari sa akin noon; na paulit-ulit na niloko at sinaktan ng mga lalaking minahal ko lang naman. Hindi ko akalaing may pasabog pa pala sa buhay ko. Nakasal nga ako sa lalaking gusto ko, mahal niya nga ako, pero hindi ko naman siya kayang bigyan ng anak.
No—Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa, hindi ba? Hindi naman zero ang chance na maaari akong magkaanak. May posibilidad pa pero…hanggang kailan ako hahawak sa maliit na pag-asa na iyon?
May kumatok sa pinto. Hindi ako nagsalita. Narinig ko na lamang ang ingay nito nang buksan ng kung sino man. Agad kong pinahid ang luha ko dahil malakas ang pakiramdam ko na si Alexei iyon.
Hindi nga ako nagkamali. Nang lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Naisipan ko na lamang na mag-iwas ng tingin sa kanya nang sa ganoon ay hindi niya makita ang pamumugto ng mata ko.
Hinawakan ni Alexei ang kamay ko. Parang lalo akong maiiyak nang maramdaman ko ang init ng mga ito.
“The doctor said it’s not zero percent chance. We can still try…” malumanay na sambit niya sa akin. Halatang gusto niyang mapagaan ang kalooban ko.
Hindi ako nagsalita. Suminghap lang ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
“Seraphine…”
“I can’t give you a baby!” Muling bumuhos ang luha ko. Akala ko ay tapos na akong umiyak ngunit nang marinig ko ang boses ni Alexei ay parang gusto ko na namang maiyak. “Hindi nga zero chance pero maliit. Sobrang liit na mapapaisip ka kailan kaya pwede, kailan may mabubuo? At paano kung walang mabuo kahit ilang beses na subukan?!”
Hinihilamos ko ang isang kamay ko sa mukha ko. Akala ko ay kaya kong manahimik na lang, ‘di rin pala.
“Gusto mong magkaanak, Alexei, and the fact that I may not give it to you hurts so freaking bad!” Humikbi ako. Halos masamid ako sa paghikbi kong iyon.
Nagpakawala lamang nang malalim na paghinga si Alexei. Hindi niya pinatulan ang mga sinabi ko. Hinayaan niya lamang muna akong umiyak habang hawak-hawak ang isang kamay ko.
“Come here…” sabi niya sa gitna ng katahimikan naming dalawa.
Marahan niya akong hinila papalapit sa kanya at naramdaman ko kaagad ang init ng pagyakap niya. Lalong namuo ang luha sa gilid ng mata ko.
“It’s fine, Seraphine. Yes, I wanted to have children. Who wouldn’t want that, right? But still, if we can’t have it, that’s totally fine with me.” Naramdaman kong hinalikan ni Alexei ang gilid ng aking ulo. Natigilan ako sa paghikbi dahil doon. “That wasn’t the sole reason I married you. With kids or without kids, I’m fine as long as I have you.”
Humiwalay siya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. Ngumiti sa akin si Alexei. Ang ngiti niyang iyon ay para bang humaplos sa aking puso. Miraculously, the heavy feeling on my chest lifted.
“If you can give me a child, I’ll be happy; but if you cannot, I’ll be contented. Whatever you can give, Malyshka, I will take it no matter what it is.” Hinalikan niya ang aking noo at niyakap akong muli.
That was the most heartfelt message I received from a man. The assurance that takes the sadness away from my heart.
Mabilis lumipas ang mga araw. Umuwi rin kami ng Russia matapos ang ilang linggong pananatili sa Pilipinas. Nangako naman si Alexei na babalik kami roon.
Isang araw ay napansin ko na abala sina Alexei. Kakauwi niya lamang mula sa Italy. Hindi naman siya masyadong nagtagal doon. Halos isang araw lang ata pero mukhang paalis na naman siya.
“Saan ka papunta?” I asked. My hunch was right. May mga bagaheng nakahanda para kay Alexei. Aalis siya!
Nilingon ako ni Alexei. Kita ko sa kanya na para bang nahihirapan siyang sagutin ang katanungan ko.
“Puerto Rico,” tipid na sagot niya.
“Anong gagawin mo roon?” Siguro naman kung business lang ay mabilis lang siya, hindi ba? Maximum na iyong isang linggo. Kapag sobrang tagal niya kasing mawawala ay sinasama niya ako.
“Business.” Bumuntong-hininga siya, parang gusto niya nang tapusin ang pag-uusap tungkol doon.
“Ilang araw?” muli kong tanong.
Natagalan si Alexei bago masagot iyon. “A month or so. It’s indefinite, Seraphine. I’m not sure yet.”
Umawang ang aking labi. Gusto kong magprotesta. Gusto kong sumama kung matatagalan siya. But again, kung maaari niya akong isama ay siya na mismo ang magsasabi sa akin at magyayaya.
Napayuko na lamang ako. Hindi pa man siya umaalis ay parang bumagsak na ang puso ko sa sahig. I can feel the hollowness inside my stomach. It’s not a good feeling.
Hinaplos ni Alexei ang aking pisngi. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at kita ko ang matipid niyang ngiti. Kagaya ko ay mukhang nahihirapan din siyang umalis pero…kailangan. Ayoko rin naman siyang pigilan dahil alam ko na importante rin ito sa kanya.
“I’ll try to come back as soon as I can.” It’s not the words that I wanted to hear, but I feel happy that he assured me.
Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Ngumiti rin ako para makita niyang maayos ako. Hinalikan niya ang labi ko. Matagal iyon at punung-puno ng emosyon. Napapikit na lamang din ako ng aking mga mata sa halik niya. Not minding the people around us who are probably watching.
Hanggang pinto lang ng bahay ko hinatid si Alexei. Ayokong makita niya pa akong malungkot sa airport kung sasama ako. Kumaway ako at pinanood ang pag-alis ng kotse ni Alexei.
Mabagal ang naging paglipas ng araw. Minsan ay umuuwi ako ng Pilipinas pero hindi rin nagtatagal. Nakikibalita lamang ako madalas sa kanila sa kung anong nangyayari roon.
“Hi!”
Nagulat ako nang isang araw ay bigla ko na lamang nakita si Arseny sa aming bahay. Siya iyong nakatatandang kapatid ni Alexei. Dapat siya ang magiging boss at head ng kanilang pamilya pero sa hindi ko pa rin alam na dahilan ay napalitan siya ni Alexei.
“Uhm...hi.” Hindi ako komportable sa kanya. Hindi ko naman kasi siya madalas na nakakasama. Ilang taon na rin kaming kasal ni Alexei pero…bilang mo lamang sa daliri kung ilang beses ko nakasalamuha ang pamilya niya.
“Alexei isn’t here?” tanong sa akin ni Arseny. Kumpara kay Alexei, mas maririnig mo ang Russian accent ni Arseny. Ang pagsasalita kasi ni Alexei sa ibang lengwahe ay malinis talaga.
“Yup. He’s not here. Why? Do you need anything?” Sinubukan kong ngumiti. Sabi ko ay less intimidating siya. Totoo naman. Mas mukha siyang friendly kaysa kay Alexei. Ngunit may kung ano kay Arseny na hindi talaga ako komportable.
“Just here to talk about the organization. Too bad he isn’t here.” Nagkibit balikat na lamang ito. Nanatili ang ngiti sa kanyang labi. “When will he come back?”
“I’m not sure. He said he’ll be gone for a month but can be moved. Depends.” Naupo ako sa sofa katapat niya.
Namilog ang kanyang labi dahil sa narinig. Tila namamagha. “And he left you here? Why didn’t you come with him?”
“I don’t think it was necessary for me to tag along so—”
“Hmm, but you were supposed to be with him wherever he was. Where is he right now? We don’t know about this trip.”
Napalagok ako sa aking laway. Bakit bigla akong kinabahan? Bakit biglang bumigat ang aking pakiramdam lalo na sa sinabi ni Arseny na wala silang alam sa trip na ito. Kung tungkol sa business ang pag-alis ni Alexei, hindi ba dapat ay alam ng pamilya niya?
“Puerto Rico,” sagot ko. Iyon ang sinabi ni Alexei sa akin kung hindi ako nagkakamali.
Kumunot ang noo ni Arseny. “What is he doing there? I don’t remember any meetings or business to attend in that country.” Nagkibit balikat si Arseny. “Oh well, maybe his personal trip.”
Gusto kong sabihin na business trip iyon pero sinarili ko na lamang ang kaisipan. Ayokong may masabi pa si Arseny sa kapatid. Hahayaan ko na lamang siyang isipin kung anong dahilan ng pag-alis ni Alexei.
Malungkot na ngumiti sa akin si Arseny. Muli ay may pinapahiwatig iyon.
“By the way, I heard about the news…that you can’t give my brother a child.” Natigilan ako roon. Wala pa kaming pinagsasabihan ni Alexei kaya nakakagulat na may alam si Arseny tungkol doon. “Our father wants an heir so much. Now that you cannot give it to our family, the pressure will be put on me. He will force me to marry just so I can give him an heir.”
Humalakhak si Arseny at umiling-iling. Hindi ko masabayan ang pagtawa niya dahil hindi iyon nakakatuwa.
“Unless…of course, if you’re willing to do some alternatives just so you can have a child. There are still lots of options, right?”
“You mean…IVF?” I’m considering it pero sabi ni Alexei ay i-try pa rin daw namin sa natural na paraan. Handa naman daw siyang maghintay kung kailan kami mabibigyan ng anak.
“No, not that. Let’s say…get a surrogate mother to bear your child.”
Laglag ang aking panga sa sinabi niya. Hindi ko iyon inaasahan na lalabas sa kanyang bibig. Ngumiti sa akin si Arseny.
“But, of course, it’s risky, right? Especially with the status of my brother, that is risky. Another option is…” Nagkibit-balikat si Arseny. “If he accidentally impregnates someone else.”
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Nanginig ako dahil sa lumalabas sa kanyang bibig. I can’t believe he’s saying this!
“My husband wouldn’t do that. He’s not a cheater.” Hindi sisiping sa ibang babae ang asawa ko!
Malungkot muling ngumiti si Arseny. “You know what, Sera? My brother is lucky that he has a wife like you. I like you as my sister-in-law. And for that, let me give you a warning about my brother.”
Ang kanina ko pa ipinipilit na ngiti ay dahan-dahan nang naglalaho. Hindi ko na ata mapapanatili ang ngiting iyon sa labi ko.
“He is a known playboy. You can ask his friends to support that. He jumped from one woman to another before. I wouldn’t be surprised if he’ll sleep with someone else other than his wife, especially with the condition you’re in.” Umiling si Arseny. “I was actually surprised that my brother, who was so against taking over our family’s organization, suddenly wanted to become the boss. Of course, my father will gladly give the position to him since…he’s more capable than I am.”
Nakita ko ang pagngiti ni Arseny. Halos pumikit ang kanyang mata habang nakangiti. Habang ako naman ay hindi ko na maiangat ang gilid ng labi ko.
“Alexei is manipulative, Sera. Don’t trust him too much. Even though you’re his wife, you haven’t seen the worst and ugly part of my brother. On the other hand, I saw it all. I’d known him better. He may be a prodigy in other people's eyes, but he’s a monster for me. Just…take care of yourself.” Tumayo si Arseny at may inilabas na card. It’s a business card.
Ipinatong niya iyon sa mesa, sa harapan ko. Tinitigan ko lamang iyon.
“Call me if my brother did something horrible to you. Believe me, he’s capable of hurting you. He will cage you in his hand and when he’s winning, he will smash you until you’re into pieces.” Malambing na ngumiti sa akin si Arseny bago magpaalam na aalis na.
Kinilabutan ako sa lahat ng sinabi niya. Sinisiraan niya ba si Alexei sa akin? Para saan? Anong dahilan? Ngunit biglang sumagi sa isipan ko iyong engkwentro namin ilang taon na ang nakakaraan. His eyes were emotionless. He looked like someone who can kill when just feel like killing. Where is that man now? Nasaan na ang Alexei na nakilala ko noon. Kasi sa totoo lang, ibang-iba ang ugaling nakikita ko sa Alexei na napangasawa ko.