XV

2527 Words
“Did you miss me?” tanong niya habang niyayakap na rin ako. Tumango lamang ako habang nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya. Dinadama ko pa ang presensya niya at ninanamnam ang katotohanang naririto na siya ngayon. “Kailan ka pa umuwi?” Malakas ang musika sa buong paligid pero kahit ganoon, nagagawa naming magkarinigang dalawa. He’s dancing me, slowly, kahit na trance music naman ang pinapatugtog at hindi ballad. Para kaming may sariling mundo na dalawa. “Kanina lang. I immediately contacted your bodyguards. They told me you’re here so…” Nagkibit-balikat siya. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya kahit siya’y nanatili ang kamay sa aking likod. “Dumiretso ka rito pagkaalis mo ng airport?” gulantang kong tanong. E ‘di, pagod siya kung ganoon? “Uh-huh.” Ngumiti si Alexei at inilapit sa akin ang kanyang mukha. Ipinatong niya ang kanyang noo sa akin at ipinikit ang kanyang mga mata. “I missed you.” Tumalon-talon ang aking puso dahil sa mga nangyayari. Parang kanina lamang ay nangungulila ako sa kanya dahil ilang araw kaming hindi nagkikita at nagkakausap tapos ngayon…naandito na siya. Bumalik kami sa couch namin. Naabutan ko na naroroon si Neveah at nang makita niya kami ay bigla siyang ngumiwi. “Akala ko wala ang asawa mo rito?” Oh, god! She’s really drunk now! Ang kanyang mga mata’y halos papikit na. “He just came,” sabi ko at naupo na sa couch na katapat ni Neveah. Pinanliliitan niya kami ng mata pero sa huli ay umismid. “Ang daya! Akala ko pareho tayong soloist ngayon! Tapos biglang may partner ka?” Ngumuso siya na para bang may pagtatampo. Nakangisi lamang si Alexei na naupo sa tabi ko. “Umuwi na tayo. You’re drunk!” Uulit-ulitin ko sa kanyang lasing na siya hanggang sa maniwala siya sa aking lasing na siya! “Ayoko nga! Hindi pa ako lasing and the night is still young! Naghahanap ako ng lalaki.” Laglag ang panga ko sa sinabi ni Neveah. She’s acting crazy right now. Hindi siya mahilig mag-boy hunting! Baka ako pa…noon. Pero si Neveah? Siya nga ang taga piit ko, eh. “Heaven…” “Umuwi na kayo kung gusto ninyo. Your husband must be tired, Sera. I’ll be fine here,” sabi niya at tumayo. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Nag-aalala talaga ako sa kilos niya. Naramdaman ko ang kamay ni Alexei sa kamay ko. Pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa, but I am too preoccupied about my cousin kaya’t hindi ko pa iyon mapagtuunan ng pansin. “Sa dancefloor lang ako. I can go home alone, Sera. Ba-bye!” Ngumiti siya sa akin. Tumingin siya kay Alexei at nginitian din ito bago muling pumunta sa dagat ng mga tao. Binalak ko pa siyang habulin pero nawala na ito. “We can stay here, Seraphine. Don’t worry too much. I think she can take care of herself. We’ll be here for her if anything happens.” Bumuntong hininga na lamang ako at tumango. Nagkwentuhan na lamang kami ni Alexei habang nakaupo sa couch. “Did you miss going to bar so much?” tanong niyang ikinanguso ko. “Kaunti lang. Nagpunta lang ako ngayon because of Neveah. But I swear, this is the first time after we married!” Baka isipin niya ay pumupuslit ako kapag wala siya. “I know, I know. I just want to know if you missed doing your usual things before we got married, Seraphine.” Pinisil-pisil niya ang aking kamay kaya’t napatingin ako roon. “I won’t forbid you from going out. As long as you’re happy, it’s fine with me. Just always tell me your whereabouts next time. I’ll be worried sick if I can’t find you.” Lumapad ang ngisi ko sa sinabi niya. He’s always like this! He respects my wants, my opinions, and everything about me! He never doubted me. Pakiramdam ko ay sobra-sobra ang paghanga niya sa akin at ang respetong mayroon siya para sa ‘kin. Gusto kong maging ganoon din sa kanya. I don’t want to doubt him. Alam ko naman na hindi siya maghahanap ng babae. Humikab ako habang nakasandal sa kanya. Napansin iyon ni Alexei. “Do you want to go home? You look tired.” Nahimigan ko ang pag-aalala sa kanyang boses. Umiling ako. “But Heaven’s still here. I don’t want to go without her.” Gumalaw si Alexei kaya’t inalis ko ang pagkakasandal ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya at agad kong nakita ang pagod din sa kanyang mga mata. “I’ll tell the bodyguards to wait for her. They will drive her home, too. Just rest, please. You look exhausted.” Nakakahikayat ang kanyang alok. Kung magbabantay naman sa kanya ang mga bodyguards ko ay sa tingin ko okay lang iyon, hindi ba? She’ll be safe. Nag-iwan na lamang ako ng mensahe kay Neveah at nang makausap na ni Alexei ang mga bodyguards ay umalis na rin kami. Nang makarating kami sa aking condo kung saan namin mas pinili na mag-stay ni Alexei ay sinunggaban niya agad ako ng halik. Ramdam na ramdam ko roon ang pagkasabik niya. Siguro ay dahil ilang araw din kaming hindi nagkita at nagkasama. Binuhat ako ng malalakas na braso ni Alexei. Naramdaman ko na lamang ang lambot ng kama ko nang ihiga niya ako roon. Ni hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ngayon ng kwarto. Nasa ibabaw ko na si Alexei nang tumigil siya sa paghalik sa aking labi. Nakapulupot pa rin ang aking kamay sa kanyang leeg, nagtataka pa ako bakit siya biglaang tumigil sa ginawa. Kitang-kita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata kahit na madilim ang kapaligiran. Punung-puno iyon ng emosyon na hindi ko ma-pinpoint kung ano bang gusto niyang ipahiwatig sa akin. “M-May problema ba?” tanong ko kay Alexei. Isang ngiti ang iginawad niya sa akin. Yumuko siya upang mapagtagpo ang noo naming dalawa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. “I want a baby, Sera,” namamaos niyang saad sa akin. “I want a baby with you.” Natulala ako sa sinabi niya. Na para bang hindi ko narinig nang maayos ang sinabi niya kahit ang totoo naman ay malinaw ang bawat salita niya. The tip of his nose collided on mine. Tulala at gulat pa rin ako sa kanyang sinabi. Ang bilis ng t***k ng puso ko na daig ko pa ang hinabol ng aso. “A-anong sinabi mo?” Nangangatal ako dulot ng panginginig ng sistema ko sa biglaang binitawan niyang salita. Napalagok ako at hindi malaman kung maiiyak ba o matutuwa. “I want to build our family now. I don’t know if this is the right time. I’m not sure if you’re ready, but I will be a good father, I promise. I just…just want to have kids with you.” Hindi mapirmi ang mga mata niya sa akin. Parang nahihiya si Alexei. Hinahanap naman ng akin ang mga mata niya. “We’re married, Alexei. Of course, we can have a baby.” Siguro pareho lamang kami. Nagpapakiramdaman kung handa na bang magkapamilya pareho. Tumitig sa akin si Alexei. Nanantya ang kanyang ekspresyon. “Really?” Tumango ako sa kanya at ngumiti. Para bang iyon ang naging signal niya upang muli akong sunggaban ng isang mainit na halik. We made love, this time, with a plan of having a baby. Simula nang gawin namin iyon ni Alexei ay panay ang pag-iingat ko. Napapraning na ata ako. Iniisip ko kasi…paano kung may nabuo tapos ay madulas ako o madisgrasya? Baka mapahamak ang nasa loob ng tiyan ko. Ang advance kong mag-isip pero…excited lang din talaga ako. Nanatili pa kami sa Pilipinas. Pwede naman daw sabi ni Alexei dahil may mga inaasikaso rin siya rito. Sinabi niya that we can stay for three to five months here in the Philippines. Though, hindi naiiwasan ang minsanan niyang pag-alis papuntaa ng ibang bansa para may mga puntahang tungkol sa negosyo nila. Umuuwi rin naman siya kaagad sa akin. Nang hindi nga ako datnan matapos naming gawin iyon ni Alexei ay kaagad akong nagpabili ng pregnancy test kit. Sabi ko pa ay huwag sabihin kay Alexei dahil gusto ko siyang surpresahin sa kung ano mang maaaring maging resulta. Pumasok kaagad ako sa CR at ginamit ang pregnancy test kit. Hindi ako mapalagay habang naghihintay ng resulta. Should I call my doctor? Kailangan ko sigurong magpa-appointment sa kanya. Gosh, I’m going crazy due to excitement! Kinuha ko ang kit nang tamang oras na. Ang ngiti ko ay kaagad na naglaho nang makita na iisang linya lamang ang naroroon. It’s…negative. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Am I just delayed? Siguro ay masyado lamang umakyat sa utak ko ang ideya na maaaring buntis ako; na nawala na sa aking isipan ang mga iba pang posibilidad bakit ako hindi pa dinadatnan ng dalaw ko ngayong buwan. Na kahit alam ko naman na hindi lamang dahil sa pagbubuntis kaya’t wala pang dalaw ang isang babae ay parang nagblangko ang isipan ko. Dismayado akong bumalik ng kwarto at naupo sa aking kama. I forgot all the things I’d studied due to excitement. Ngayon lang ako binagsakan ng katotohanan. Napahawak ako sa aking tiyan. Kumikirot ang aking puso dahil sa resultang hindi ko nagustuhan. Damn! Wala pang laman ang tiyan ko! Next time, I should clear my mind before jumping to conclusions. “Seraphine…” May nagbukas ng pinto ng kwarto kaya’t napatingin ako roon. Lalo lamang bumigat ang aking nararamdaman nang makita ko si Alexei. Kakabalik niya lang siguro mula sa pinuntahan niya kanina. Pinilit ko ang sarili na ngumiti. We can try again, right? Siguro naman ay sa susunod na pagtatangka namin…magkakaroon na nang magandang resulta. “What happened?” Kaagad na napalitan ang kanyang ekspresyon ng pag-aalala nang mahalata niya siguro ang itsura ko. Mabigat ang aking paghinga pero pinanatili ko ang ngiti sa aking labi. Umiling ako. Ayokong sabihin sa kanya na hindi pa rin ako buntis kahit na iyon ang ine-expect ko. The past months, I’d been feeling it. Some symptoms were present! Kaya ako nag-expect just to be negative. “W-wala…” I tried to hide the disappointment and pain, but Alexei just know me so well, alam niya kapag nagsisinungaling ako. Kaagad siyang lumapit sa akin. “Really, Seraphine? What’s wrong, baby?” tanong niya sa akin, punung-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Hindi ko naitago ang pait at sakit na nararamdaman ko. I explained everything to him, and although he just nodding his head, alam ko, naiintindihan niya ako. “Akala ko lang talaga…” Dismayado rin ako sa sarili ko. Alam na alam ko pa naman dapat ito dahil nagpa-aralan namin noon. But because of my excitement, nawala lahat ng alam ko. “I know, I know. It’s okay…” sabi ni Alexei bago ako yakapin. Ipinatong niya ang ulo ko sa may dibdib niya habang hinihimas ang buhok ko. Naging komportable ako roon kaya’t naipikit ko ang mga mata ko. This is home. This is my home. He is. “Want to see the doctor? Just to check on you and to make sure nothing’s wrong.” Huminga ako nang malalim. Iniisip ko na baka wala namang dahilan para pumunta pa ng doktor. There are times na late lang talaga ang cycle ko pero…wala rin namang mawawala kung magpunta ako sa doktor ko. Tumango ako. Few days from now we’re going back to Russia. Mas maganda na rin siguro na ma-check ako ng doktor ko rito bago ako umalis ng bansa. Nagbihis lang si Alexei at nagpunta na kaagad kami sa doktor ko. Kahit walang appointment, tinanggap naman ako dahil wala naman daw masyadong kliyente ngayong araw. “Hi, Sera! It’s been a while.” Ngumiti sa akin ang si Dra. Roque. Ngumiti rin ako at naupo sa silya sa harapan ng kanyang mesa. Pumasok si Alexei. He met my doctor na rin kaya’t no more introductions needed. “What brings you here?” Sinabi ko sa kanya na we were trying to have a baby. I am a month delayed na rin at kanina nag-PT ako pero negative ang lumabas. Pinakinggan niya naman akong mabuti. The doctor runs some test and examination sa akin. May mga bagay rin siyang itinanong na sinagot ko naman. Magaan pa ang pakiramdam ko habang naghihintay ng resulta sa mga ginawang test sa akin ng doktor. Nang bumalik siya dala ang mga ito ay nakita ko kaagad ang ekspresyon ng mukha niya. “The results are normal, Sera. Wala namang problema sa ‘yo. If you want, we can run some tests for your husband, too.” Sinabi ni Alexei na may mga medical certificates daw siya. And if the doctor needs it, ipapadala niya. Latest ang mga iyon kaya’t pumayag ang doktor ko. Nagbigay ng bilin ang aking doktor at lahat ng iyon ay sinunod namin. Ilang beses pa naming sinubukan ni Alexei, but even with so many attempts to get pregnant ay hindi ako nabuntis. “Unexplained infertility, Sera,” sabi ng doctor. Kaagad akong natulala sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita kahit marami akong gustong sabihin. After how many attempts and test that I’ve been through, here’s the conclusion of my doctor. “We can’t determine the proper cause of your inability to get pregnant. I think you heard about that—” “Yes…” I know about that. Naibahagi ito sa amin noon ng isang professor ko. “Almost 25% are diagnosed as unexplained infertility. Hindi mo matutukoy ang mismong cause kung bakit hindi ka mabuntis.” Nakatitig ako sa aking kamay. Nanginginig ito ngayon dahil sa balita. Pinagsalikop ko ang aking kamay pero hindi pa rin matigil iyon. Tumango ang doktor ko. “Yes, that is correct. We’d been trying alternatives and ways to help you get pregnant but after many attempts, we still failed. The sperm count of your husband is normal. Actually, if nothing’s wrong with you, you were supposed to get pregnant by now but…” she trailed off. Para bang ayaw na niyang ituloy ang sasabihin. “Can’t we treat it? Is there a way?” tanong ni Alexei na nasa gilid ko. Ni hindi ko siya matingnan dahil pinoproseso ko pa ang mga sinabi ng doktor. Don’t tell me, I am part of that 25% infertile at hindi mo masabi kung anong mismong dahilan bakit hindi mabuntis! “Sorry, Mr. Vasiliev. I can’t answer that by now. Since it is unexplained and we can’t pinpoint the main cause, I can’t just recommend treatments. Baka imbis na makatulong ay lalo lamang hindi. We can still continue the things I’ve given you. If nothing happens after that, the only treatment I can recommend is IVF. We still have to run some tests to know if both of you are capable of doing that.” Bumuntong-hininga si Dra. Roque. “There’s still a chance you get pregnant, Sera, but it’s very low.” Low chances of being pregnant. Unexplained infertility. Ang mga salitang iyon ang paulit-ulit sa aking isipan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na maluha at tahimik na umiyak habang nakayuko. Hindi ako makapaniwala na maaaring hindi kami magkaanak ni Alexei!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD