IX

1601 Words
Nanginginig ang labi ko. Gusto kong sagutin ang katanungan niya pero hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa aking sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman. Kailan pa ako naduwag ng ganito? Kahit nasa bingit na naman ako ng kamatayan ay hindi ako natatakot at nangangamba. Ngayon pang aamin lang naman na gusto ko siya? Anong mayroon kay Alexei at ganito na lamang ako kakaba at katakot na buksan ang nararamdaman ko sa kanya? He smirked, but I can see the hint of disappointment in his eye. “You don’t have to answer. Your cousin and the current boss, Zavian Benavidez, told me about the merging of our family. You agreed to marry so you can help your family to strengthen their power and influence, correct?” Nanlaki ang aking mga mata. Umawang din ang aking labi. Gusto kong tutulan ang sinabi niya dahil hindi naman iyon ang mismong rason bakit ko gustong magpakasal sa kanya. “Don’t worry, I’ll do everything in my power to help and secure your family, Sera.” Tipid siyang ngumiti. “You should rest.” Napakuyom ang aking kamay. Bakit hindi ako makapagsalita?! Kung iisipin naman ay ang bilis lamang sabihin na gusto ko siya, na hindi iyon ang rason bakit ako nagpakasal sa kanya. Pero kahit anong pilit ko sa sarili ko ay nilalamon ng kung anong takot sa aking puso ang lahat ng mga salitang gusto kong sabihin. Tuwang-tuwa ako habang naglilibot kami sa isla. Bukod sa iilang staff na kasama namin dito upang pagsilbihan kami at mga bodyguards na bitbit ni Alexei ay wala nang ibang tao rito. Nagtatampisaw ako sa bukana ng dagat. Malamig ang tubig pero tolerable naman. Tirik din ang araw pero hindi naman masakit sa balat kaya’t masarap mag-swimming. Napatingin ako sa gawi ni Alexei. Nakasuot lang siya ng board shorts at polo shirt. Ang isang kamay niya ay nasa bulsa ng shorts niya at ang kanyang mga mata’y nakapirming nakatingin sa akin. May kumakausap sa kanyang isang tauhan niya pero hindi niya iniwas ang kanyang mga mata kahit na noong napansin niya ang pagtingin ko rin sa kanya. Napalagok ako at mas nauna pang mag-iwas ng tingin sa kanya. May napansin akong shell sa buhanginan kaya’t nilapitan ko iyon. Kinuha ko ito at napangiti. Muli akong napatingin sa direksyon nina Alexei. Hindi na siya nakatingin sa akin pero napansin ko ang pagsenyas niya sa mga tauhan niyang kasama namin. Maya-maya pa’y napansin ko ang pag-alis nila upang iwanan kaming dalawa. Kumalabog na naman ang dibdib ko at ang abnormal kong puso ay kay bilis na naman kung tumibog. There’s some fluttering feelings inside my stomach. Mga paru-parong alaga ko na naman na nagwawala dahil kay Alexei. “Are you enjoying, Sera?” tanong niya. Nakitaan ko siya ng pagngiti kaya’t napangiti rin ako. Matapos ang naging awkward na pag-uusap namin kanina tungkol sa pagpapakasal ko sa kanya, hindi na ulit namin iyon pinag-usapan pang muli. “Yes!” I know I have a beaming expression due to excitement. I bite down a smile bago iyuko ang ulo. Masyado naman ata akong excited sumagot sa kanya. “That’s good to hear.” Humangin nang malakas kaya kaagad sumabog sa mukha ko ang aking buhok. Napapikit pa ako dahil tumama ang iilang hibla sa gilid ng aking mata. Naramdaman ko kaagad ang kamay ni Alexei sa aking mukha at marahan niyang hinawi ang aking buhok sa aking mukha bago iyon ilagay sa likod ng aking tainga. Nagmulat ako ng aking mga mata at kaagad na sinalubong ng namumungay niyang mga mata ang akin. “Your happiness is my priority. That’s the most important thing to me.” My heart started to beat so fast. Pakiramdam ko ay hindi na talaga normal ito. According to some studies, the normal adult heart rate should be ranging around 60-100 bpm, but still may vary to some people. Still, iyong akin, pakiramdam ko mas mataas sa normal na heart rate ng tao dahil kay Alexei! Tinulungan lamang ako ni Alexei na ayusin ang buhok ko pagkatapos nito ay lumayo rin siya sa akin. I feel the hollowness inside my stomach, and my chest started to tightened. Gusto ko siyang habulin. Gusto ko naandito lang siya malapit sa akin. “Alexei…” Nang hindi ko napigilan ang sarili ko ay natawag ko ang kanyang pangalan. I am freaking fidgeting right now! Kabadong-kabado ako. Gusto kong buksan ang topic tungkol sa kasal naming dalawa. Ayokong isipin niya na nagpakasal lang ako dahil sa makukuha namin sa pamilya nila. Hindi ganoon, hindi iyon! “Tungkol sa kasal natin…” Paputol-putol ako sa pagsasalita dahil hindi ko pa makapa ang mga tamang words para sabihin sa kanya. Sobrang kaba ko na pakiramdam ko gusto ko na lang lumipad papalayo. “Sana hindi mo isipin na nagpakasal ako sa ‘yo para lang sa pansariling interes, para lang sa pamilya ko. I—uhm…” Kung kanina ay buo na ang loob ko na linawin ang lahat, ngayong dapat ay sasabihin ko na sa kanya ang dahilan, hindi ko naman magawa. Napansin ko ang pagharap niyang muli sa akin. Mabilis ko siyang tiningnan at nang makita ko na nakatingin siya sa akin at inaabangan ang mga susunod kong salita ay nilamon na ako nang tuluyan ng hiya at kaba. Mariin kong kinagat ang aking labi at ipinikit ang mga mata. Nasaan ang katapangan sa oras na kailangan mo ito? Parang gusto ko na lamang magpalibing sa buhangin nang buhay. “You don’t have to explain, Sera.” Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Nakitaan ko siyang muli ng pagngiti. Kumalma ang pakiramdam ko ngunit ang puso ko, hindi damay sa kakalmahan na iyon. Dahil sa tuwing nakikita ko ang ngiti ni Alexei, parati iyong nagwawala. “What matters the most is…you’re now my wife. No matter what your reason is; you can use me by all means, but I still get what I want.” Naglakad siya papalapit sa akin. Matangkad si Alexei at hanggang balikat niya lamang ako. Kaya nang nasa harapan ko na siya at nakayuko pa ako’y dibdib niya lamang ang nakikita ko. Hinawakan niya ang aking baba at marahang itiningala ang aking ulo. Hinahanap ng kanyang mga mata ang akin na hindi mapakali at hindi mapirmi ang titig sa kanya. “I still married the woman I want to marry. Iyon ang importante sa ‘kin.” Tuluyan nang nalaglag ang puso ko nang marinig ko ang straight Tagalog niya. His voice is hoarse and it’s sexy. Hindi mo maipagkakailang kung hindi ko lamang tinatakbuhan ang katotohanang gusto ko siya ay baka naglulupasay na ako sa harapan niya. “Alexei…” Iyon na lamang ang tanging lumabas sa aking bibig. Bumaba ang tingin ko mula sa kanyang mata pababa sa kanyang natural na mapupulang labi. Kung anu-anong ideya ang biglaang pumasok sa isipan ko nang makita ko ang bahagyang nakaawang niyang mga labi. I can say, it’s soft. Na kahit hindi ko pa iyon nararamdaman sa akin at tinitingnan lamang, alam ko na malambot iyon sa pakiramdam. I want to kiss him. Tumiyad ako. Wala sa sarili kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Nakapikit pa nga ang aking mga mata nang maabot at maramdaman ko ang malambot niyang labi sa akin at nang maramdaman ko iyon, imbis na gapangan nang kaba at kahihiyan ay mas lalo lamang akong nawala a sarili ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Alexei sa aking braso. Nang una akala ko ay mas lalong magiging malalim ang paghalik ko sa kanya ngunit napamulat ako nang marahan niya akong ilayo sa kanya. “You don’t do this to me, Sera.” Kinagat niya ang kaanyang labi, lalo iyong namula. Nanlalaki na naman ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang aking ginawa. Holy s**t! Did I just kiss him? Paano? Bakit? Saan ko nakuha ang lakas ng loob kong gawin iyon ganoon wala akong lakas ng loob umamin?! “H-huh?” Naguguluhan ako sa nangyayari. Hinalikan ko si Alexei! Walang ibang bagay na nagrerehistro sa aking utak kung hindi ang paghalik ko sa kanya. Tinitigan ko si Alexei at mas lalo akong nagulat nang makita ko na for once, nag-iwas siya ng tingin sa akin! Na para bang hindi siya makatingin sa akin ng diretso dahil sa kung ano mang rason. “Don’t give me ideas, Sera.” He licked his lower lip. Napatulala na naman ako sa labi niya dahil doon. God, that’s so sexy! “Don’t tease me like that; and when I’m about to do something because of your kisses, you’ll not going to take responsibility or stand by what you did.” Kinagat niya ang kanyang labi. Bigla kong naisip na kanina lang, naramdaman ko ang labing iyon sa akin. God, pakiramdam ko, I’m a severe illness without any cure. “S-sorry, I didn’t mean to offend you. You probably don’t like my kisses—” Mahigpit niyang hinawakan ang aking magkabilang braso. Kita ko ang magkahalong pagpipigil at galit sa kanyang mga mata. “Jesus! Of course not! I love it, I want more! What I’m afraid to happen is what comes next after that, Sera! Perhaps you don’t even have the slightest idea what I wanted to do with you!” Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Ilang pulgada lamang ang layo nito kaya’t abot-abot ang kalabog ng aking dibdib. “You don’t even know what your touches can do to me, more so, your kisses, Malyshka. So the next time you kiss me, make sure you can handle what will happen to you…to us.” I wonder about that. Now, I’m intrigued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD