Iniwan akong mag-isa ni Alexei. Napanguso ako habang nakatitig pa rin sa huling lugar kung saan ko siya nakita. Parang halik lang naman.
A smile crept on my lips. Napahawak ako sa aking labi at marahang kinagat ang ibabang bahagi nito. But then again, he’s always a gentleman when he’s around me. I hate to admit it but…I truly falling for that guy.
Gosh! How can you fall for someone you hated at first? Posible pala talaga iyon? Enemies turn to lovers, eh? Akala ko sa mga librong nababasa ko lamang iyon makikita pero…kung sabagay, ang kapatid ko nga at si Brie ay nagtatalo noong una pero sa huli, sila pa rin and now, I am in the same path. Ganito rin kaya sina Mom at Dad noon? I bet.
Nagpasiya na lamang akong mag-swimming. Medyo high tide pero sa tingin ko naman ay hindi delikado. Siguro hindi na lang ako masyadong lalayo rito sa dalampasigan. Maalon din ang karagatan but I know how to swim. Gusto ko lang talagang maligo para na rin mawala ang mga iniisip ko.
Hinubad ko ang cover-up dress na suot ko, kaya tanging swimsuit ko na lamang ang saplot na mayroon ako. Wala namang dapat ikahiya dahil wala rin naman makakakita. Pinaalis ni Alexei iyong mga tauhan niya kanina.
Sinalubong ako nang maliliit na alon. Natuwa pa ako kapag nadadala ako nito. Para akong bata.
Lumangoy ako. Ilang minuto ko pa siguro iyong ginagawa nang mapagtanto ko na para bang hindi na ako nagiging komportable sa suot kong swimsuit. Iyong pang-itaas ko kasi ay tila lumuluwag ang pagkakatali sa bandang batok ko.
Tumigil muna ako sa paglangoy at tinangkang ayusin iyon. Nakalas ko ang string ng swimsuit ko upang ayusin sana ang pagkakatali nang bigla na lamang humampas ang malakas na alon sa akin.
Akala ko noong una ay malulunod ako. Mabuti na lamang ay kaagad akong nakaahon.
Hinagod ko ang aking buhok when I reach the surface of the sea. Tinanggal ko rin ang excess na tubig mula roon dahil panay ang pagtulo ng tubig-dagat sa aking mukha.
Bumuntong-hininga ako. Hindi ko rin naman maipagkakaila na kinabahan ako sa nangyari. Kung hindi lang sana masyadong nakatuon ang aking atensyon sa pag-aayos ng swimsuit ko ay sana hindi iyon mangyayari sa akin.
Speaking of swimsuit—nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong nawawala na ang swimsuit bra ko! Hubad na ang itaas na bahagi ng aking katawan at kung hindi lamang dahil sa tubig ay nakatambad na sa publikong lugar na ito ang aking dibdib. Kaagad kong niyakap ang itaas na bahagi ng aking katawan upang takpan ang aking dibdib at hinanap ang bra kong hindi ko alam kung saan na napadpad.
“s**t!” bulong ko sa sarili nang hindi makita ang bra ko. “Paano na ako nito?” tanong ko pa sa sarili na akala mo ay may sasagot sa akin.
Hindi naman ako pwedeng magpunta sa villa nang ganito. Malamang ay may makikita ako o makakasalubong na tauhan ni Alexei! Nakakahiya kung makikita nila akong ganito. Ang cover up dress ko pa naman ay may pagka-see through rin. Kahit suutin ko iyon ay babakat lamang ang dibdib ko. It’s useless!
Stress na stress na ako sa pag-iisip kung saan na kayang lupalop ng Maldives napunta ang bra ko nang marinig ko ang isang boses mula sa may kalayuan.
“Seraphine!” Boses iyon ni Alexei. Iginalaw ko ang ulo ko pero hindi ang katawan kong nakatalikod pa rin sa direksyon niya. “Let’s eat lunch.”
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. At least kung kay Alexei ako magpapatulong, nakakahiya man, asawa ko naman siya, hindi ba?
Humugot ako nang malalim at humanap ng lakas ng loob. Nang kahit papaano ay ramdam kong may kakapalan na ako ng mukha para magsalita ay ginawa ko.
“A-Alexei!” sigaw ko sa pangalan niya. Yakap-yakap ko pa rin ang sarili. “I can’t go out of the water. I’m naked.”
Naramdaman ko kaagad ang pag-akyat ng dugo sa aking pisngi. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi ko.
Narinig ko ang ingay mula sa may dalampasigan. Nilingon ko iyon sandali at napasinghap ako nang makita ko si Alexei na lumulusong sa tubig at naglalakad na papalapit sa akin.
“What did you say?” Kinilabutan ako nang marinig ko na ang malapit niyang boses. Malapit na siya sa akin!
“N-no! Don’t come near me, Alexei! Wala akong damit pang-itaas!” Nataranta na ako kaya’t bigla akong lumubog sa tubig. Ilang sandali pa ay napagtanto ko na hindi ko pala kayang masyadong magtagal sa ilalim ng tubig dahil hindi ako makakahinga!
The nervousness is blocking my logic, reasoning, and thinking; like the frontal lobe of my cerebrum isn’t working, kaya hindi ako makapag-isip nang maayos!
Umahon din kaagad ako sa tubig nang mapagtanto nga na nawawalan na ako ng hininga. Sa sobrang kasabawan ko ay tanging pag-ahon at paghinga lamang ang pumasok sa utak ko. Nakalimutan kong takpan ang aking sarili nang maiahon ko ang sarili.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay kaagad iyong nanlaki sa gulat nang makita ko sa harapan ko si Alexei. Kagaya ko ay nanlalaki rin dahil sa gulat ang kanyang mga mata habang naakatingin sa may dibdib ko.
Pinamulahan na naman ako ng pisngi at kaagad na niyakap ang sarili. I screeched bago mag-iwas sa kanya. Napansin ko rin naman ang pag-iiwas niya ng tingin as he fake cough. Nakakahiya!
Well, wala namang nakakahiya sa katawan ko! Inaalagaan ko ‘to ‘no! And I have nice boobs pero…nakakahiya pa ring maipakita iyon sa kanya lalo na’t sa hindi inaasahang pagkakataon.
“W-where’s your bra?” tanong niya sa akin. Ang hina ng boses niya, na gusto kong isiping nahihiya rin siya sa nangyari kanina.
“I don’t know. Inanod siguro. I can’t find it—”
Hindi ko na naipagpatuloy ang aking sasabihin nang may sumigaw sa pangalan naming dalawa. Base sa boses, papalapit din ito nang papalapit sa kinaroroonan naming dalawa.
Naramdaman ko ang paghawak ni Alexei sa braso ko at hinatak niya ako papalapit sa kanya. Sumubsob ako sa kanyang dibdib na siyang ikinagulat ko.
“Is everything alright, sir?” Doon ko lamang napansin na may isang tauhan na nila ang nasa likod namin. Siguro ay inakalang kung ano na ang nangyari sa amin ni Alexei rito.
“Yes, everything’s fine. We’ll go back inside the villa after a few minutes. Just…leave us alone for now.”
Ibinaon ko pa ang sarili ko sa katawan ni Alexei. Itinatago niya pala ako mula sa mga tauhan niya kaya niya ako hinila. Kung hindi niya ito ginawa ay malamang alam na rin ng mga ito na nawawala ang bra ko.
Hinintay lang namin na makaalis ang tauhan ni Alexei. Akala ko nang maiwan kaming dalawa ay pakakawalan na niya ako pero nanatili ang isang kamay niya sa may likod ko.
Gumalaw si Alexei kaya’t bahagya akong nagtaas ng ulo upang masilip kung anong ginagawa niya. Roon ko lang napagtanto na hinuhubad niya pala ang polo na suot niya.
“Wear this until we got back to the villa.” Ipinatong niya sa may balikat ko ang kanyang polo. Ramdam ko na ngayon ang init ng katawan ni Alexei sa mismong balat ko. We’re skin to skin. Both of our upper bodies are naked. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nag-init din ang aking pakiramdam. Just imagining his naked body in front of me, parang may puputok na bumbilya sa utak ko kung mayroon man.
Tumango na lang ako. I don’t have enough strength to talk. Marahan kong isinuot ang kanyang polo sa akin habang siya ay nakatingin sa ibang direksyon.
May kalakihan sa akin ang polo niya kaya’t komportable naman iyong isuot. Still, my n*****s are slightly poking under his polo. Kaya kung pagmamasdan mong mabuti ang parteng iyon ng katawan ko, mapapansin mo ang umbok dito.
“Done?” tanong niya sa akin. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at tumango.
“Oo,” matipid na sagot ko. Doon pa lamang siya tumingin muli sa direksyon ko. Para bang nakahinga siya nang maluwag nang makita na may suot na ako at hindi na hubad kagaya kanina.
“Let's go inside the villa. You should change and let’s eat lunch.”
Hindi ako kaagad nakapagsalita at hindi agad naproseso ng aking utak ang mga sinabi niya dahil natigil ang aking mga mata sa half-naked niya na ngayong katawan. His skin is slowly turning red. Dala na rin siguro ng araw at init ng panahon. The muscles are in the right places. Six pack abs, and his v-line is very visible. His biceps are flexing their muscles every time he move. Mapapalagok ka na lang din talaga.
“Seraphine,” pagtawag niya sa akin. Natauhan lang ako nang may mapansing nakalahad na kamay sa harapan ko. Nagtaas ako ng tingin sa mukha niya at sinalubong ako ng ekspresyon niyang naguguluhan siguro dahil sa pagkakatulala ko. “Let’s go.”
Isang beses pa akong napalagok, lalo na nang hagudin ng isang kamay niya ang kanyang buhok. Nahihiya man ay hinawakan ko ang nakalahad niyang kamay sa harapan ko. Marahan niya iyong hinawakan at sabay kaming umalis ng tubig. Naramdaman ko pa ang pagpisil niya sa aking kamay kaya’t napatingin ako roon. Ang aking puso ay tila naging kagaya ng karagatan ng Maldives ngayon: marahas, mabilis, at tila hindi maaamo.
Nag-shower ako pagbalik namin sa villa namin. Si Alexei naman ay may kinausap sa telepono habang hinihintay ako. Nagbihis na rin siya dahil nabasa siya ng tubig kanina.
Habang naliligo ako ay nagdadasal din ako. Na sana ay tumigil na sa mabilis niyang pagtibok ang aking puso. Paano ba ito mapapakalma? Hindi na tama itong nararamdaman ko. Masyado nang nakakatakot.
Naabutan ko rin si Alexei na naghihintay sa akin sa may dining area. Ngumiti siya nang magtama ang paningin naming dalawa. Napayuko naman ako pero hindi ko rin mapigilan ang mapangiti.
Iginaya niya ako sa isang silya. Nagpasalamat ako sa kanya at pinanood siyang maupo sa kabisera. Nagsimula na kaming kumaing dalawa.
The lunch was quiet. Pakiramdam ko kung may lamok man dito ay maririnig ko ang ingay ng lamok dahil sa katahimikan naming dalawa.
“Alexei,” pagtawag ko nang hindi makatiis. “How many years did you study in the Philippines?” Hindi ko maalala kung sinabi niya ba sa akin kung ilang taon noon pero wala namang masama kung itatanong ko ulit.
“Almost 7 years,” sagot niya sa akin.
Namilog ang aking labi dahil sa sinabi niya. 7 years, huh? Ang tagal pala talaga.
“So, you’re really fluent in speaking Tagalog, huh?” Alam ko iyon. Gusto ko lang may mapag-usapan.
“Uh-huh,” sagot niya naman at nakangiti.
“If that so, why is it so rare for you to talk to me in Tagalog?” Tumingin ako nang diretso sa kanyang mga mata. “Not that I’m complaining. Just wondering.” Nagkibit-balikat ako.
Tumikhim si Alexei. He wiped the side of his lips with the table napkin. “I thought it’ll be awkward. Especially with my accent so…” Ngumuso siya at hindi na itinuloy ang sinasabi.
Marahan akong tumawa dahil sa sinabi at pagnguso niya. Now he’s acting cute!
“It’s not!” Umiling-iling pa ako just to convince him. His accent is actually sexy, kung alam niya lang.
Nabigla si Alexei sa biglaan kong pagtataas ng boses. Kinagat ko ang labi ko at napayuko. Hindi siya nagsalita pero nakita ko ag pagsilay ng kakaibang ngiti sa kanyang labi.
“If that so, I’ll talk to you in Tagalog, if that’s what you want.”
Simple lang ang mga sinabi ni Alexei sa akin pero kakaibang kilig ang dulot nito sa sistema ko. When will I stop falling for him? I don’t think it will ever come.