Natapos ang honeymoon namin nang walang nangyayari sa aming dalawa ni Alexei. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.
Ramdam ko ang ilap ni Alexei sa akin simula nang halikan ko siya at iyong nangyari sa may dagat na pagkawala ng bra ko. Ewan ko kung bakit para kapag nasa paligid ako ay masyado siyang alerto. Ganunman, hindi naman nagbabago ang pagpapahayag niya sa akin ng nararamdaman niya. He didn’t say he loves me, though, but he keeps on showing it through his actions at nararamdaman ko naman.
Sa Russia kami uuwi ngayon. Ang kanilang bahay rito ay tila palasyo mong maituturing. Pakiramdam ko nga’y maliligaw ako rito kung wala akong kasamang nakakaalam ng pasikot-sikot sa loob ng bahay na ito.
Nagpahinga lamang ako sa kwarto namin. Nang una ay ayaw pa ni Alexei na magkasama kami pero dahil sinabi ko na okay lang naman talaga at walang masama kung magkasama kami sa iisang kwarto ay napapayag ko siya.
Nang magising ako sa pagkakatulog ko ay kaagad akong lumabas ng kwarto. Sinalubong kaagad ako ng isang kasambahay.
“Good evening, madame,” bati niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at doon ko lang napagtanto na gabi na nga pala.
“Where’s Alexei?” tanong ko sa kanya.
“In the living room, madame. He’s talking with his friend po.”
Natigilan ako sa pagtatangkang paglakad nang marinig ko ang magalang niyang pakikipag-usap sa akin. Ang ‘po’ ay hindi nakaligtas sa pandinig ko.
Nilingon ko ang kasambahay. Ngumiti siya sa akin nang mapansin ang paninitig ko.
“Are you…by any chance a Filipino?” tanong ko sa kanya. Tumaas ang aking noo habang naghihintay ng isasagot niya.
“Yes, madame. Sir Alexei personally hired me to be at your service po. Iniisip niya na baka hindi kayo maging komportable kung hindi ninyo kababayan ang magiging personal na tagasilbi niyo.”
Namilog sa pagkamangha ang aking labi dahil sa sinabi niya. Parang may humaplos sa puso ko nang marinig ko iyon. Parati akong iniisip ni Alexei at lahat ng tingin niya’y magugustuhan ko.
“Your dinner is ready na po, Ma’am Sera. Kakain na po ba kayo?” Sinundan niya ako habang naglalakad ako.
Umiling ako. “Hindi na muna. Hihintayin ko na si Alexei. Is he busy ba? Sinong kausap niya?”
Nasa may engrandeng hagdanan na kami. Ang hagdanan nila ay may style na split stairs or bifurcated staircase. Ito iyong tipo ng hagdanan na makikita mo sa mga pelikulang ang settings ay palasyo. Iyong dalawang way na hagdanan tapos sa gitnang bahagi ay magtatagpo kayo at may malaking litrato. Basta iyon!
Bumaba ako at sa gitnang bahagi nga ay napansin ko ang malaking litrato ng pamilya ni Alexei. Nakita ko na ito kanina pero hindi ko masyadong natitigan dahil sa pagod.
Apat sila sa litrato. Ang kanyang ama, ang babae ay mukhang kanyang ina, at silang dalawang magkapatid. Hindi ko na na-meet pa ang mama ni Alexei dahil ang sabi niya, matagal na raw itong patay.
Nakaramdam ako ng lungkot. Sa litrato pa naman ay mukhang close si Alexei sa kanyang ina. In the family of criminal syndicates or mafia, the most vulnerable person is the wife of the mafia boss. Parating ito ang target dahil ito ang iniisip na kahinaan ng boss. Ganyan sa pamilya namin, eh. I’m not sure if that’s the case to other organizations and families.
Nakarating na ako sa sala at nakita ko nga si Alexei. Nakatalikod siya sa akin kaya’t hindi niya ako kaagad napansin.
Nakangiti ako habang papalapit sa kanya. Nawala lamang iyon nang makita ko kung sinong kausap niya.
Isang babae.
“Super miss ka na namin! When will you come back ba in the Philippines? Nagulat na lang kami na nagpakasal ka na pala.” Ngumuso ang babae na para bang may pagtatampo. “I thought I’ll be the one to marry you.”
Napatigil ako sa paglalakad at doon na nga tuluyang naglaho ang ngiting mayroon ako. At sino itong babaeng ito na nagkakalat sa pamamahay ng mga Vasiliev?
“I’m not sure. Let me clear my schedule first. Pakibati na lamang ako sa mga kaibigan natin when you meet them.”
Umawang ang aking labi at ikinuyom ko ang aking kamay sa narinig. And now he’s talking in Tagalog! Kapag ako ang kausap ay hindi siya madalas nagta-Tagalog, ah? Kailangan mo pang pilitin madalas!
Hindi ko namalayan na tumitikhim na pala ako sa kinatatayuan ko. Nakuha ko ang kanilang atensyon at nang lumingon sa akin si Alexei ay kaagad akong nagtapal ng pekeng ngiti sa aking labi.
Tumayo si Alexei nang makita ako. Gulat man ay kaagad siyang ngumiti. Nilapitan niya ako at inilagay sa may baywang ko ang kanyang kamay. Marahan niya akong dinala sa may sala.
Nakita ko kung paano ako obserbahan ng babaeng kausap ni Alexei. Wala akong pakealam if I don’t know her well to judge, but I don’t like her. Pakiramdam ko ay may hidden agenda siya kay Alexei. In short, may gusto siya sa asawa ko! Wala lang, ramdam ko lang.
“When did you wake up?” bulong niya sa akin. His nose slightly brushed my hair.
“Ngayon-ngayon lang.” Hindi ko tinanggal ang paninitig ko sa babae. Nang mapansin niya siguro na nakatitig din ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin.
Hindi na nagsalita si Alexei tungkol sa paggising ko. Ipinakilala niya ako sa babaeng kausap niya. Tumayo rin naman ang babae.
“By the way, this Rachel Bardin. She was my classmate when I studied in the Philippines and her father is a close friend of my father.” Inilapit niya sa may tainga ko ang kanyang labi. “She’s half Russian.”
Nagmistulang letrang O ang aking labi nang malaman na may lahing Russian pala siya. Kaya siguro naging malapit silang dalawa ni Alexei sa isa’t isa.
“Rachel, this is my wife. Seraphine Benavidez-Vasiliev,” pagpapakilala naman sa akin ni Alexei.
Lumapit si Rachel sa akin at nagulat ako nang yakapin niya ako. “It’s nice to meet you, Sera!”
Humiwalay siya matapos niya akong yakapin nang mahigpit. Hindi ko naman alam kung mapapangiwi ba ako sa ginawa niya kanina o ano.
“Likewise,” tipid na sagot ko sa kanya.
Nanatili ang kanyang ngiti sa akin kaya wala rin akong magawa kung hindi ang magtapal ng ngiti sa aking labi.
Maybe I’m wrong to all the accusations I’m throwing at her. Baka naman…mabait talaga siya? But her statement earlier keeps repeating inside my head. Na supposedly, siya raw dapat ang magpapakasal kay Alexei.
Naupo ako sa tabi ni Alexei habang silang dalawa ay patuloy sa pag-uusap. They seem very close. Gusto ko na nga lang umalis para hindi na ako ma-out of place pero mas pinili kong manahimik. Gusto kong pag-aralan ang kinikilos ng babae sa harap ng asawa ko. Oo na, selosa ako. What’s mine will always remain mine. Ayoko nang may kahati.
“You should eat dinner here, Rachel,” sabi ni Alexei nang magpaalam si Rachel na aalis na siya.
Tumingin sa akin si Rachel at kaagad na nawala ang ngiti niya nang mapansin siguro ang medyo busangot kong mukha. Kaagad kong inayos iyon nang tumagal pa ang titig niya sa akin.
“Nako! Hindi na. I have family dinner to attend din. My father is probably waiting for me. Next time na lang! Uwi ka ng Pilipinas, ha?” Malambing na ngumiti si Rachel kay Alexei. Para akong constipated sa itsura ko ngayon. Hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko ngunit alam ko rin na kailangan kong magtimpi dahil wala pa naman siyang ginagawang deserving ng sampal.
“Nice meeting you again, Sera.” Mabilis niya lamang akong tiningnan bago lumapit kay Alexei. “Bye, Alexei.”
Lumapit pa si Rachel kay Alexei at laking gulat ko nang halikan niya ito sa gilid ng kanyang labi—almost on his lips! Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko nagawang higitin ang buhok niya o makaangal man lang.
Kitang-kita ko ang pagngisi ni Rachel nang muli siyang tumingin sa akin. Hindi na siya nagsalita pa at naglakad na papaalis ng bahay.
Doon ko lamang nabawi ang sarili ko. Naramdaman ko na nakatingin sa akin si Alexei.
“Let’s eat dinner. I was waiting for you—”
Tinalikuran ko siya kaya’t hindi na niya natapos pa ang pagsasalita niya. Nagmartsa ako papaalis doon.
“I don’t have the appetite!” Jealousy rushed through my veins. Na pakiramdam ko ay ito ang nagpapagana ng sistema ko ngayon.
Mabilis akong naglakad pabalik ng kwarto. Isasara ko na sana ang pinto nang mapigilan iyon ni Alexei. Ni hindi ko man lang napansin na naririto na pala siya at nakasunod sa akin.
Alam ko na hindi ako mananalo kaya’t hindi ko na ipinilit. Naglakad ako papunta sa kama at naupo na lamang doon. Pumasok naman si Alexei sa loob at nilapitan ako.
“What’s wrong?” he asked, innocently. Nang marinig ko ang kanyang tono ay nairita ako. Bakit hindi niya maisip na mali para sa akin na mahalikan siya ng ibang babae? At sa harapan ko pa?
Hindi ako nagsalita at nag-iwas na lamang ng tingin. Now what? Sana pala hindi ako rito nagpunta sa kwarto para may takas ako sa kanya.
“Seraphine, tell me what’s wrong? Do you feel sick? What?” sunod-sunod niyang tanong.
Huminga ako nang malalim. “She kissed you.” And you let her kissed you. s**t! This is so wrong! Dapat palawakin ko ang pag-unawa ko. Na magkaibigan sila kaya normal lamang iyong ganoong gesture pero…nagseselos ako, anong magagawa ko?
“Pardon?” Hindi niya ata naintindihan ang sinabi ko.
Huminga ako nang malalim. “Wala!”
Ayoko nang ulitin ang sinabi ko. Nahihiya ako, okay? Hindi naman ako mahiyaing tao pero kapag si Alexei kasi, lagi na lamang akong pinangungunahan ng kaba at ginagapangan ng hiya. Pakiramdam ko, isang maling galaw ko, maaaring ayawan niya ako o pagsisihan na pinakasalan pa.
Bumuntong-hininga si Alexei. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. “Seriously, Seraphine, what’s our problem? I wouldn’t know if you keep quiet. Tell me.”
Nakikipaglaban pa ako sa sarili ko kung magsasalita ba ako o huwag na lang. Sa huli nagdesisyon akong sabihin na lamang sa kanya ang sama ng loob ko.
“She kissed you!” Tumayo ako kaya’t nabitawan niya ang kamay ko. “Why did you let her kissed you when you can’t even kiss me?!”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Well, he’s asking for it. Mas makakasama lamang sa akin kung kikimkimin ko ito because I know it won’t go away!
Napatulala siya sa akin sandali. Magkasalubong ang aking kilay habang nakatitig din sa akin. Yumuko siya bago magpasiyang tumayo. Ngayon ako naman ang tumingala para lamang makita ang mga mata niya.
A small smile formed on his lips. Hindi ko alam bakit siya ngumingiti ngayon.
“It’s just a gesture, Seraphine. No big deal,” mahinahon niyang saad sa akin. Hindi ako nagsalita at inirapan lang siya. Syempre, iyon naman lagi ang excuse. Gesture lang o hindi kaya ay greetings ng magkaibigan. “But fine. I’m sorry. No more next time. Are we good? Don’t be jealous. Nothing to be jealous.”
“I’m not jealous!” Hindi ako nagseselos! Selos na selos lang pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya.
“Aren’t you, huh?”
Napalagok ako dahil nararamdaman ko na sa tono ng pananalita niya ang panunuya.
“Hindi ka nagseselos?” f**k! Ngayon dinadaan niya ako sa pagpapaamo niya at ako naman ay nadadala masyado sa kanya.
Sinilip ko siya. Mapupungay ang kanyang mga mata nang magtama ang paningin naming dalawa.
“Really, Seraphine?” Patuloy ang panunukso niya sa akin. Na pakiramdam ko, hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napapaamin na nagseselos ako.
“Oo na! I’m jealous! Nagseselos ako! Happy? Masaya ka na ba?”
Lalo kong nakita ang pagporma ng ngiti sa kanyang labi. He looks satisfied kahit na halos magwala na ako dahil pakiramdam ko ay gusto niya lamang akong asarin.
“If you’re jealous…does that mean you like me now?” Mas lalong lumapit si Alexei sa akin. Ramdam na ramdam ko na ang katawan niya sa akin. Isang maling kilos ko ay magdidikit na talaga kami. Napalagok ako. The unfamiliar heat and burning sensation rushed through my veins again. Ito na naman iyong nag-iinit na pakiramdam sa loob ko.
Kinagat ko ang aking labi. Why is it so hard to tell him I like him? Sa lahat ata ng mga salita ay iyon ang pinakanahihirapan ako!
Kinilabutan ako at para akong nakuryente nang maramadaman ko ang mainit niyang palad sa may leeg ko. Hinaplos niya iyon dahilan bakit ako napapikit sa aking mga mata.
“Tell me, I want to hear you say it. Come on…” His voice is husky. Pakiramdam ko ay nanginig ang tuhod ko nang marinig ko ang mababang boses niya.
Lalong dumiin ang pagkagat ko sa labi ko. Pakiramdam ko ay magsusugat na iyon sa ginagawa ko.
Ang isang kamay ni Alexei ay inihawak niya sa aking baba at marahan iyong itinaas upang makita niya ang mukha ko. Umawang ang labi ko dahil sa ginawa niya.
“Your lips are so red, I want to kiss it.” Inilapit niya ang labi niya sa akin. Nang akala ko ay hahalikan niya ako ay biglang tumigil ito. “But I won’t do that not until you say the things I want to hear—”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ako na mismo ang humila sa kanya at hinalikan ang labi niya. He was unresponsive at first. Siguro ay nagulat sa pagiging agresibo ko. Ngunit hindi rin naman nagtagal ay naramdaman ko na rin ang pagsagot niya sa bawat halik ko. I can feel his tongue on my lips. It feels like seeking for permission to enter. Subalit dahil bahagya na akong kinakapos sa hininga ay naghiwalay muna kaming dalawa.
Diretso pa ring nakatitig sa akin si Alexei. His eyes are soulful. “You like me.” Hindi na ito tanong. He arrived at his own conclusion.
“Shut up and kiss me more.” Muli ko siyang hinila para halikan. Ang kanyang kamay ay bumaba na sa may baywang ko at nang mapirmi iyon doon ay hinigit niya pa ang katawan ko upang mas lalong magdikit ang aming katawan. Ramdam ko ang init sa paghinga niya lalo na nang ipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. A moan escaped from my mouth.
Muli akong humiwalay sa kanya. Hinaplos ko ang labi niyang namumula dahil sa paghalik ko. Umawang din iyon nang hawakan ko. “This is mine. No one is allowed to kiss or taste this but me, Alexei.”
Ngumisi siya sa sinabi ko. Ito iyong ngisi na kailanman hindi ko pa nakikita sa kanya.
“Of course. All yours, Malyshka, and you’re all mine. I hate sharing.”
Marahan kong kinagat ang labi niya na siyang napagpangisi sa kanya. The next thing I know, tinilapon na niya ako sa kama.
Oh dear, I don’t mind what will happen next. Whatever it is, I will take it no matter how hard it is…and indeed, it’s hard as rock.