I was miserable because of the break up. Si Clinton na kasi iyong inisip ko na baka makasama ko sa buhay na ito. Na siya na iyong lalaking para sa akin. Nagkamali ako. I ended up failing my fourth year in med school. Hindi ako naka-graduate.
Sobrang sama ng loob ko but I know I can’t blame anyone. I can only blame myself. Siguro babawi na lang ako sa susunod. But for now, I want to learn how to love myself.
“Aalis ako,” sabi ko sa gitna ng pagkain namin ng hapunan. Kasama ko ang parents ko sa bahay namin. “I’m planning to go on a cruise trip.”
“Sinong kasama mo, anak? Si Heaven ba?” tanong sa akin ni Mom. Alam ko na nag-iingat din siya sa mga sasabihin sa akin dahil ayaw niyang masaktan ako. Alam niya na nasa kalagitnaan pa rin ako ng heartbreak ko. Damn, this is so annoying! Ayoko nang magmahal.
“Alone. Gusto ko lang mapag-isa,” sagot ko sa kanila.
Hindi ako nakarinig ng kahit anong pag-angal mula kina Mommy at Daddy. Alam ko na ang katahimikan nila ay ang paggalang sa deisyon ko. Gusto ko ulit umiyak dahil sobrang swerte ko sa magulang ko at pamilya ko. Hindi man siguro ako maswerte sa love life, at least I have them in this life.
Natuloy nga ako sa cruise trip na gusto ko. Payapa naman ang lahat. Gusto ko lang talagang makapag-relax at makalimutan ang ilang problema ko. Bukod sa mga personal na problema ay mayroon din ako sa pamilya. Ang gulo-gulo ng mga sitwasyon nila.
Ang problema ko lang dito sa trip na ito, lagi akong nakakakita ng mga couples at hindi ko mapigilang maging ampalaya. Ganyan din sana ako kung hindi manloloko ang naging boyfriend ko. Kainis!
Pinagmasdan ko na lamang ang magandang karagatan. Nainom ako ng champagne mag-isa at dinadama ko ang ihip ng hangin at amoy ng dagat.
Panay ang buntong-hininga ko. Siguro hindi na ako magkaka-boyfriend. Siguro papatusin ko na lamang ang mga arranged marriage na ino-offer sa akin. Mas maganda iyong ganoon. Nasa kasulatan lamang ang kasal, walang halong feelings.
Habang kung ano-anong iniisip ko ay hindi ko napigilang maluha. Gusto kong isumpa ang lahat ng mga lalaki. Itong kay Clinton na ata ang biggest heartbreak ko. Minahal ko naman talaga iyon. Sobrang ideal niya kasi. Too good to be true. Kaya ayon, maling tao naman pala at hindi para sa akin.
May napansin akong nag-abot ng tissue sa gilid ko. Tiningnan ko iyon bago magtaas ng tingin at tumingin din sa lalaking nag-abot sa akin. Hindi siya nakangiti, he doesn’t even look friendly. But I appreciate his gesture. Kinuha ko iyon at dahan-dahang pinunasan ang aking luha.
“Thank you,” pasasalamat ko at muling tumingin sa kanya bago ngumiti. Kaagad naglaho ang ngiti ko dahil napansin ko na parang pamilyar siya. I’m not sure.
Tipid lamang siyang ngumiti bago humilig sa gilid ko. May hawak din siyang baso na sa tingin ko ay naglalaman ng alak.
“I was observing you for quite some time now. You look sad. Are you alone? I didn’t see anyone with you since I saw you earlier.” Tumingin siya sa akin bago sumimsim sa kanyang baso.
I pursed my lips into a thin line. For safety purposes, I won’t tell him that I am alone.
“I’m with someone,” tipid kong tugon sa kanya.
“Oh, your boyfriend?” tanong niya. Nagtaas siya ng noo na para bang gusto niyang malaman ang kasagutan doon.
“No.” Umiling ako at uminom na rin sa baso ko. “I don’t have a boyfriend. In fact, I’m here to move on. Just broke up with him.”
Nakita ko ang makahulugang tingin niya sa akin matapos kong sabihin iyon. He didn’t say anything after that. Akala ko pa noong una’y aalis na siya ngunit nanatili siya sa tabi ko.
“Lucky bastard,” bulong niya ngunit narinig ko nang bahagya. Nilingon ko siyang muli.
“What did you say?” tanong ko naman sa kanya. Gusto kong ulitin niya iyong sinabi niya.
He’s fluent in English but he has this accent na pamilyar sa akin. Ayoko na lamang balikan kung sino ang naparinggan ko ng ganitong accent noon.
“Your ex is lucky. A beautiful lady, such as you, is crying over him.” Makahulugan siyang ngumiti sa akin. His dark eyes gave me a familiar feeling. “Because if it was me, I will beg for your tears, Miss.”
Nagulat ako sa sinabi niya. I feel something unfamiliar inside my stomach. It feels like something’s twitching. I can’t describe it. Hindi rin naman nagtagal ang itsura kong mukhang constipated dahil sa sinabi niya. Umiling ako sa kanya at natawa pa.
“Bolero,” bulong ko sa sarili ko. Confident enough that he wouldn’t understand.
“No, really. I’m serious, Miss. You’re too important to just bawling your eyes out for someone like him. I don’t think he deserves you.”
Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Oh, my goodness! Naintindihan niya ang sinabi ko! Hindi ko inaasahan na maiintindihan niya ang pagta-tagalog ko.
But despite my surprise expression, I manage to smile. Kahit papaano naman ay napapagaan niya ang nararamdaman ko sa mga mabulaklak niyang mga salita.
“Why…thank you,” sabi ko sa kanya. “You understand Tagalog?”
He looks foreign to me. Para siyang may lahing Italian pero may isa pa. Maybe a mixed. I’m not sure.
“I’m fluent. I studied the language for a few years now. And I am currently residing in the Philippines.”
Namangha ako sa kanyang sinabi. Ngumiti ako sa kanya at tumango-tango.
“Really? So, if I talked to you in my mother tongue, you’ll understand me?” natatawa kong sambit ngunit bakas sa aking tono ang panghahamon.
Malay ko bang niloloko niya lang ako. Baka mamaya ay gusto niya lamang makuha ang loob ko and he was just bluffing about learning our language.
“Oo,” sagot niya sa isang matigas na Russian accent.
Nalaglag ang aking panga sa narinig. Holy s**t! Seryoso pala siya na marunong siya. Hindi ko mapigilang mamangha. Pero wait! Oo pa lamang naman ang sinabi niya. Mabilis matutunan iyon.
“Talaga? Kung kausapin kita ng straight Tagalog, kaya mo akong intindihin?” Ngumisi ako. Ang kanyang ngiti naman ay hindi pa rin nawawala. He really looks familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko ba siya nakita.
Lumawak ang kanyang ngiti, tila ba natatawa rin sa akin.
“I can understand you. Naiintindihan ko ang mga sinasabi mo.”
Lalong lumaglag ang panga ko dahil doon. Hindi ako makapaniwala na kaya niya nga. Akala ko kanina, joke lang iyon. Kahit na may accent kapag nagta-Tagalog siya, hindi mo maitatangging magaling siya at maiintindihan mo pa rin. I can’t also deny that his voice is hot.
“Russian ka? Or maybe…half?” tanong ko. Gusto kong isagot niya na hindi siya Russian dahil may isang tao akong naalala roon. Kahit matagal na panahon na iyon at hindi na masyadong klaro sa akin ang itsura niya ay ayokong maalala siya.
“Half. My father is Russian while my mother is Italian.”
Nagmistulang letter O ang aking bibig dahil sa pagkamangha. That’s why, napuna ko nga kanina sa kanya ang tila Italiyano niyang features.
“Hmm, so why are you in the Philippines and why do you want to learn the language?” Sa hindi malamang dahilan ay gumaan ang aking pakiramdam habang kausap siya. Tama rin naman, bakit ko iiyakan ang isang lalaking manloloko.
Ngumisi siya. “Because I like a certain woman, and she’s living in the Philippines. I thought if I will learn her language we can communicate well. I know we can understand by talking in English, but I want to express myself more.”
Napanguso ako, tinatago ang ngiti. May ganitong lalaki pa pala ‘no? Iyong sobrang mag-e-effort para sa babaeng gusto nila.
“And where is she? Kasama mo?” Nataranta pa ako nang magsalita na naman ako ng Tagalog. Buti na lang mabilis ko ring naalala na marunong siya.
“I am not with her but she’s on the same cruise ship. I know she doesn’t want to see me but I am still trying my luck.” Nagkibit-balikat siya. I can’t help but admire him. Ang swerte naman ng babaeng iyon.
Natahimik ako sandali while leaning on the railing of the cruise ship nang mapagtanto ko na hindi pa pala kami nagpapakilala sa isa’t isa.
“Oh! I’m sorry for being rude and for the late introduction,” sabi ko at humarap sa kanya. Nauna pa ang pagkukwentuhan namin bago ang pagpapakilala. “My name is Seraphine Benavidez but you can call me Sera.”
Inilahad ko ang aking kamay sa kanya at ngumiti. Tiningnan niya ang kamay ko bago iyon marahang tanggapin. Napatalon ang aking puso sa hindi malamang dahilan. He carefully shake our hands, na para bang punung-puno ng pag-iingat ang bawat galaw niya. He’s such a gentleman.
“I know,” bulong niya na nagpataas ng tingin ko sa kanya. “My name is Alexei Vasiliev. It’s been a while, Sera.”
Kung maaari lamang na tumama ang panga ko at ang sahig ay nangyari na iyon sa sobrang pagkalaglag ng panga ko dulot ng gulat.
Napatitig pa ako sa kanya at napakurap-kurap. Pinagmasdan ko siya nang mabuti at doon ko lamang naalala ang lalaking iyon!
He is different now, physically, that is. Pero hindi mo maipagkakailang kapag tinitigan mo siya nang mabuti ay makikita mo nga iyong lalaking nagpahiya sa aking few years ago!
Agad akong bumitaw sa pagkakahak ko sa kamay niya. Umatras ako dahil sa hindi ko maintindihang dahilan.
Nabigla si Alexei sa ikinilos ko at ang kamay niya ay naiwan sa ere dahil sa biglaan kong pagkalas dito.