Marami ang naging problema sa pamilya ko for the past years. Na alam ko hindi na ako damay pero naaapektuhan ako, lalo na nang marinig namin that Tito Javier banished Zavian from the family. I don’t even want to think nor talk about it.
Papasok ako sa med school sa susunod na school year. Graduate na ako ng pre-med ko at nakapasa na rin naman ako ng NMAT. I am qualified to continue my studies sa medical school. Kabado ako dahil alam ko naman na mataas ang expectation sa akin pero may tiwala rin naman ako sa sarili ko kahit na minsan ay pinanghihinaan din ako ng loob.
Ilang taon na rin simula nang huli akong isama sa operasyon ng organisasyon na hawak ng pamilya ko. Minsan iniisip ko na kaya ayaw na nila akong isali ay dahil palpak ang naging huling misyon ko. Naiinis pa rin ako sa tuwing iniisip ko iyon.
Nagbabasa ako ng libro sa library ng bahay namin. Sa susunod na linggo ay bibisita ako sa Manila just to check my condo na titirhan ko para sa pag-aaral ko. My parents want to give me a penthouse sa isa sa mga condominium na pagmamay-ari ng aming pamilya pero medyo malayo kasi ito sa napili kong school kaya’t sabi ko ay huwag na lang. I can live in a normal condo naman basta malapit sa school ko. Ang hirap kung need ko pa ng ilang oras na byahe. Mas gusto ko iyong walking distance lang. Kahit pa may sasakyan, mas gusto ko pa rin iyong malapit. Mas convenient iyon sa tingin ko.
“Ate!” Nagulat ako nang biglang kalampagin ng kapatid kong babae na si Hara ang pinto ng library. Tumingin ako roon at nakita ko ang dahan-dahan niyang pagbubukas ng pinto.
“What?” Kaagad kong tanong sa kanya nang sumilip siya sa loob. Nahagip ako ng mga mata niya at sinenyas ang labas.
“Naandito sina Tito. Hinahanap ka. May mahalaga raw silang sasabihin sa ‘yo.”
Isinara ko ang librong binabasa at ibinigay ang buong atensyon ko kay Hara. Bahagyang nagsalubong pa ang aking kilay dahil iniisip ko kung anong kailangan nina Tito at naririto sila.
“Bakit daw?” Kinabahan ako bigla. Paano kung bigyan na naman nila ako ng gagawin tapos kapalpakan na naman ang ibinigay ko? Hell, I don’t want another embarrassment. Kahit ang tagal na noong huli ay hindi ko iyon makalimot-limutan!
Hara shrugged her shoulder. “I don’t know. Ang sabi lang ni Dad ay tawagin kita. Nasa baba na rin sina Kuya Gio. Pati mga pinsan natin naandiyan. May family meeting ba?”
I grunted. “How would I know? Wala naman silang sinabi!”
Kaagad kong inayos ang sarili ko. Kinakabahan na ako ngayon kapag may ganitong pagpupulong. Pakiramdam ko ay hindi maganda ang kalalabasan.
Nang makapag-ayos ay kaagad akong pumunta ng sala at nakita ko kaagad ang buong pamilya ko minus Zavian. Wala siya rito dahil nga…whatever, ayoko nang pag-usapan iyon!
Kaagad kong nakuha ang atensyon nina Dad. Pilit akong ngumiti bago tumabi kay Neveah. Kinakabahan ako because they are all look gloomy or something. Anong mayroon?
“Sera won’t accept that.” Si Hati ang pumutol ng namumuong katahimikan. Tumingin ako sa kanya na may pagtataka sa aking mukha. Umiling lang naman siya pero kita ko ang galit at paulit-ulit na paggalaw ng panga niya.
“I agree. Hindi dapat pilitin si Ate riyan,” angal naman ni Gio. Tumingin din ako sa kanya upang magtanong kung ano bang pinagsasasabi nila pero hindi muli ako nakakuha ng sagot. Great! Lalo lamang tuloy akong kinakabahan.
“It’s for Sera to decide,” seryosong sabi ni Tito Lucio upang patahimikin ang dalawang kanina pa ata umaangal.
Hinawakan ni Neveah ang aking kamay kaya’t napatingin ako sa kanya. Malungkot siyang ngumiti sa akin. Oh, my goodness! Ano bang mayroon? Huling araw ko na ba at ganito sila sa akin? Anong dedesisyunan ko?!
“Sera…” si Dad. Tumingin ako sa kanya. Minsan mo lang makita si Dad na seryoso kaya tila nahulog ang puso ko sa kaba nang makita ang pagkaseryoso niya. Bumuntong-hininga siya. Si Mommy naman ay nasa tabi niya. “I won’t force you to agree with this. It’s all up to you. Alam mo iyon, hindi ba? Na hindi ko kayo kailanman pipilitin ng mga kapatid mo sa bagay na ayaw niyo…kahit pa makakatulong ito sa pamilya natin.”
Kumunot na nang tuluyan ang aking noo. Panay ang sabi nila sa akin ng mga makahulugang bagay pero hindi ko naman maintindihan kung ano ba iyon.
“What’s happening ba? Anong kailangan kong bigyan ng desisyon?” tanong ko, naguguluhan na talaga.
Si Tito Javier ang nagsalita. Siya ang panganay na kapatid ni Dad. “Remember the Vasiliev family?”
Napalagok ako sa aking laway nang marinig ko ang punung-punong maawtoridad na boses ni Tito. Dahan-dahan akong tumango. Of course, I remember them! Pinahiya lang naman ako ng kapatid ni Arseny Vasiliev! Hinding-hindi ko iyon makakalimutan!
Ipinikit ni Tito Javier ang kanyang mga mata bago muling magsalita. “ The Vasiliev heir wants to marry you.”
Natulala ako sa aking narinig. Nang una ay hindi ko talaga maintindihan at tila nabingi ako sa mga salitang sinabi ni Tito. Ngunit dahan-dahan ay nabibigyang linaw na ang lahat.
“What?!” Napatayo ako sa pagkagulat. I didn’t even mean to shout, lalo na sa harap ng mga Tito ko pero nakakaloka naman talaga ang narinig ko. “Sino? Si Arseny Vasiliev? No way!” Ni hindi ko nga nakita ng personal ang lalaking iyon! Kung ayoko sa nakababatang kapatid niya, ayoko rin sa panganay na tagapagmana ng kanilang pamilya!
“No,” si Tito Vince naman ngayon. Akala ko noong una ay ayaw niya sa naging desisyon at reaksyon ko. “Hindi si Arseny Vasiliev. One year ago, napalitan ang tagapagmana ng pamilya. It’s now Alexei Vasiliev. And Alexei personally asked for your hand, Sera.”
Lalo lamang nalaglag ang aking panga. Paano nangyaring nagbago ang successor ng pamilya nila? Normally kasi, kung sinong first-born ay siyang magiging susunod na head ng pamilya. Nagkataon lang sa amin na sina Silas at Zavian ay magkadikit lang ang edad at ang skills ng dalawa. They want both of them to manage our org kaya’t nagpasiya na magkaroon ng kompetisyon kahit na ang ending naman ay si Zavian talaga ang mamumuno since siya ang first-born sa henerasyon namin kaya paano? Unless there’ll be such circumstances na unfit or deceased na iyong tunay na heir, nawala na sa pamilya kagaya ng sitwasyon namin ngayon. But I don’t know, really. Malay ko sa patakaran nila. Still, nakakapagtaka na napalitan ang successor!
“Alexei Vasiliev?” Pinaulit-ulit ko pa iyon sa aking utak. Halos matawa ako nang maproseso ang lahat. “No! Ayoko nga sa panganay, roon pa kaya sa taong dahilan bakit naging palpak ang operasyon natin few years ago? No way!”
Todo angal ako. Mataas din naman ang pride ko, ‘no! At noong mga panahong napaglaruan ako ni Alexei at napaniwala na siya ang kapatid niya at nagsusuot ng singsing ay todo ang pagkapahiya ko sa pamilya ko nang sabihin nilang nalinlang kaming lahat! Kainis. Hanggang ngayon naiirita ako kapag naalala ko ang mga pangyayari.
“It will be a big help to our family—”
“Sorry, Tito Alex. I don’t want to be rude but I don’t want to marry him.” Bukod sa pagpapahiya niya sa akin ay may iba akong dahilan. “If I’m going to marry someone, gusto ko iyong taong gusto ko. Ayoko sa taong ipinilit lang sa akin.” Matapos kong sabihin iyon ay magalang akong nagpaalam sa kanila at umalis doon. Isa pa, ni hindi ko nga masyadong kilala ang lalaking iyon. Baka mamaya abusive siya at punung-puno ng red flag. Ayoko!
Hindi na rin nman ako ginulo ng paamilya ko matapos kong tumanggi. Mukha namang naunawaan nila ang sinabi ko. Parte ng pagkaayaw ko sa ideya na iyon ay ang pride ko dahil iritado ako sa mga Vasiliev dahil sa nangyaring engkwentro namin noon pero totoo na gusto ko, kung magpapakasal ako, sa taong mahal ko. Maraming manlolokong tao sa mundo, at kaunti na lang mauubos na talaga ang paniniwala kong may true love. Still, I’m hoping. There’s still a little hope residing in me.
During my years in the medical school naman, I don’t have time for boys. I don’t have time to date. Masyado akong nagsusunog ng kilay and every time na may mababa akong grades, wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak at mag-emote. But life goes on naman. I still manage to passed.
And during my 4th year in the medical school, I met this guy named Clinton. He’s an intern in one of the hospital na binisita namin. Anak siya ng isang professor namin kaya’t na-meet namin siya! And for the first time after so many years, natulala na naman ako sa isang lalaki.
He’s good-looking, maganda ang family background, magdo-doktor, at mukha namang mabait at gentleman. I had the chance to talk to him and oh my feaking goodness, ang boses niya ay makalaglag panga. Since then, nagka-crush akong muli.
Todo papansin ako sa kanya noon. Panay ang pagbisita ko sa ospital kung nasaan siya para lang makakuha ng pagkakataon na masilayan siya. Hindi rin naman nagtagal, napansin niya na ako.
Naging close kaming dalawa ni Clinton. Kapag may hindi ako maintindihan ay sa kanya ako nagpapaturo and he’s willing to help. Mabilis siya pakisamahan at tama nga ako…mabait ito.
“I like you, Clinton.” Hindi ko makakalimutan na ako iyong unang umamin sa kanya. Gusto kong sakalin ang sarili ko dahil napaamin ako nang wala sa oras. Bumalik lamang ako sa aking sarili nang maproseso na ang sinabi ko.
Tinakpan ko ang aking bibig at maging ako man ay nagulat sa biglaan kong pag-amin. No f*****g way! Why did I tell him that?! Paano kung hindi niya ako gusto? Ito na ba ang huling pagkikita namin? Kasi sure ako, hindi na ako magpapakita sa kanya after this!
Nakita ko ang pagngiti ni Clinton sa akin. “I like you, too, Sera.”
Hindi ko inaasahan ang pag-amin na iyon sa akin ni Clinton pero…sobrang saya ko nang marinig iyon mula sa kanya. We dated after that and I became his girlfriend.
After few months of dating and seeing each other, I decided to introduced him to my parents kahit na hindi niya pa ako maipakilala sa pamilya niya. Ang sabi niya ay abala pa raw kasi ang mga ito kaya’t ‘di niya pa ako maisama sa bahay nila.
Si Gio nga ay napapangiwi lamang habang pinapakilala ko ang boyfriend ko sa kanila. Gusto ko siyang sakalin dahil ang gaspang ng ugali niya.
“I don’t like him, Ate,” sabi ni Gio matapos kong ihatid si Clinton sa labas ng bahay. Pauwi na ito dahil tapos na ang dinner na nangyari sa bahay namin dito sa Manila.
Tiningnan ko si Gio. Ang ngiting nakatapal lamang sa aking labi kanina ay dahan-dahan nang nawala.
“And? Hindi naman ikaw ang girlfriend kaya it doesn’t matter if you like him—”
“Paano kapag niloko ka ulit niyan? Iiyak ka na naman.” Nakasimangot na si Gio ngayon. I groaned in frustration.
“Lahat naman ng lalaking nagiging boyfriend ko, ayaw mo. Go away nga! Sarili mo na lamang love life ang pagtuunan mo ng pansin.” Nilagpasan ko siya matapos iyon. Nakita ko pa ang pagnguso niya kaya’t napangisi ako.
Pero iyon ang isa sa mga pagkakamali ko. Iniisip ko, sana nakinig ako sa mga sinabi ng kapatid ko. Dahil makalipas ang ilang buwan naming pagsasama ni Clinton, nakita ko siyang may kasamang babae. Ang sabi ng iba, girlfriend daw iyon. Sa table kung nasaan sila sa isang restaurant ay kasama niya ang pamilya niya. Kilala ko ang kanyang magulang na doktor kaya alam ko na magulang niya ang mga nakita ko sa kasamang table nila.
Nanikip ang dibdib ko. Mabuti na lamang kasama ko si Neveah nang mga panahong iyon dahil kung hindi, ewan ko na lang.
Iyak ako nang iyak pagkauwi ko sa condo ko. Ni ang mga salitang sinasabi sa akin ng pinsan ko ay hindi tumatatak sa isipan ko.
“Niloko niya ako, Heaven!” sigaw ko habang halos sirain ang throw pillow na hawak ko. “Kaya ba hindi niya ako magawang ipakilala sa pamilya niya dahil ibang girlfriend ang kilala ng mga ito? Kailan pa? Am I the third party of their relationship o ako iyong niloloko nila?!”
Hinagod ni Neveah ang aking likod. Sa ngayon ay iyon lamang ang kailangan ko. Hindi salita, hindi mga kung ano-anong pampalubag loob. Presensya lang ng isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.
“Kausapin mo muna, Sera. Kapag malinaw na ang lahat tsaka ka magdesisyon anong tamang gawin.”
Panay ang paghikbi ko. Minsan na nga lang ulit piliin na magmahal ay ganito pa. When will I become happy? Deserve ko ba ang paulit-ulit na maloko? Wala naman akong maalalang ginawang masama para ako ang makatanggap ng ganitong karma.
Hindi ako nagsayang ng panahon. Kinausap ko si Clinton kinabukasan. Naka-shades pa ako nang makipagkita ako sa restaurant kung saan ko siya nakita kagabi. Ayokong makita niya ang pamumugto ng mga mata ko.
“What do you want?” nakangiting tanong niya sa akin. Umayos ako ng pagkakaupo at tumaas ang isang kilay ko.
“The truth.” Alam ko naman na pagkain ang tinanong niya pero ang gusto ko ay katotohanan.
Nawala ang ngiti niya sa sinabi ko at sumeryoso ang kanyang mukha. Suminghap ako at muling umayos ng pagkakaupo ko.
“Nasaan ka kagabi, Clinton?” tanong ko sa kanya. Malumanay pa ang aking tono dahil gusto kong isipin niya na wala akong alam kung nasaan ba siya kagabi. “Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Were you busy?”
“Nasa hospital ako. Naka-duty ako—”
“Talaga? Wala ka namang duty kahapon, ah?” I know your schedule kaya huwag mo akong lokohin din.
Nakita ko ang paglagok niya sa sinabi ko. “Nagkaroon ng pagbabago sa shift ko. May duty ako kahapon.”
Tumango-tango na lamang ako. Kinuha ko iyong juice na ibinigay sa akin ng waiter at uminom doon.
“Anong ospital ba iyan? Kapangalan ba iyan ng restaurant na kinakainan natin? Anong ginawa mo sa ospital? Kumain kasama ang pamilya mo? Sinong inoperahan mo rito? Iyong conchinillo?!”
Natigilan siyang muli dahil sa mga sinabi ko. Nakita ko na ang pagkunot ng noo niya dahil siguro sa mga lumalabas sa bibig ko.
“I saw you last night, Clinton. At alam ko, wala ka sa ospital. Naandito ka kahapon, hindi ba?” Bumuntong-hininga ako as I am so disappointed with this. “Kaya siguro ayaw mo akong ipakilala sa parents mo dahil dalawa kami, ‘no? At may mas nauna kang ipakilala kaysa sa akin. Too bad, huh? Nahuli kita.”
Hindi ko ipapakita sa kanya na apektado ako. Na nasasaktan ako. Hindi niya makikita na umiiyak ako. He doesn’t deserve any of that. Kung iiyak man ako at madudurog sa nararamdaman ko, ako lang ang makakakita nito.
“What will you do now? Nahuli kita. Ayoko na sa ‘yo.”
Nagtaas siya ng tingin sa akin pero hindi ako nagpadala sa tila nagpapaawa niyang mga mata.
“Alam mo, akala ko okay ka, eh. Mabait ka, gentleman, and you’re almost perfect. Nakalimutan ko, hindi nga pala lahat ng mabait ay kontento rin sa isang babae.” I lean towards the table at ngumisi. “Dahil ba hanggang ngayon ay hindi pa ako nakikipag-s*x sa ‘yo? Sorry, I am traditional kasi and I believe in marriage before s*x. Ngayon kung hindi mo kayang ipirmi ang bayag mo, go on! Magsawa ka sa ibang babae. But I’m ending this relationship now—”
“Sera, hayaan mo muna akong magpaliwanag. Oo, girlfriend ko iyong nakita mo kagabi pero mas mahal kita—”
“That’s bullshit!” Napatayo ako sa sobrang pagkainis. Mabuti na lamang at wala pang masyadong tao rito para panoorin ang nangyayari sa pagitan naming dalawa. “Mahal mo ako? Hindi iyan totoo, Clinton! Dahil kung mahal mo ako, hindi ka maghahanap ng iba o kung mas nauna man siya sa akin, sana hiniwalayan mo muna bago mo sinabi sa akin na gusto mo ako.”
Hinawi ko ang mahaba kong buhok. Muli kong ikinalma ang sarili ko bago ngumiti sa kanya.
“Nakipagkita lang ako para sabihing I’m ending our relationship here. Hindi ko pinangarap maging third party o magkaroon ng kahati sa kahit na kanino. Wala rin sa plano ko ang makinig sa paliwanag mo because I believe in what I saw last night. Cheater!” Kinuha ko ang baso ng juice at ibinuhos sa kanya ang laman nito. Matapos iyon ay umalis na ako sa restaurant.
May nakabangga pa ako paglabas ko. Hindi ko na siya binalingan ngunit narinig ko ang matigas niyang Ingles na humihingi ng paumahin sa isang Russian accent.
Sumakay na ako sa kotse namin at bumalik sa condo ko. Nang nasa condo na ako ay umiyak na naman ako. Kainis! Bakit ba ang sakit magmahal?!