Nakalimutan kong itanong kay Alexei kung ilang araw siya sa Malaysia. Nang magtanong naman ako sa mga tauhan niyang iniwan niya para bantayan ako ay hindi rin sila sigurado. Siguro raw mga isang linggo o baka mas maaga. Tatlong araw na simula nang umalis siya.
Panay lamang ang buntong-hininga ko habang umiinom ng juice. Tahimik na ang bahay dahil wala na sina Gio rito. Ang mga magulang ko naman ay umalis din. Nagkakagulo kasi sina Dad dahil may problema ata silang inaayos. Ganoon din si Gio.
Iniisip ko na magpunta ng mall pero wala rin naman ako gagawin doon kung hindi maglakad dahil wala naman akong naiisip bilhin. Gusto ko lang talaga ngayon ay makita si Alexei.
Tumayo ako sa pagkakaupo at patungo na sana sa hagdanan para pumunta na lamang sa kwarto nang may lumapit sa aking kasambahay.
“Ma’am Sera,” pagtawag nito sa akin. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay upang malaman kung anong dahilan. “May naghahanap po kay Sir Santi. May importante raw pong ibibigay.”
Kumunot ang noo ko. “Nasabi niyo na ba na wala si Dad?”
Tumango ang kasambahay. “Opo, kaya lang kailangan daw pong maibigay kay Sir ngayon. Hindi naman po namin makuha sa kanya dahil ayaw niyang ipahawak sa iba. Baka po kapag kayo ang humarap sa kanya ay ibigay niya.”
“Sino ba raw iyon?” I make my way to the front door habang hinihintay ang isasagot ng kasambahay sa akin.
“Mr. Primo Mazariego raw po.”
Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang aming kasamabahay. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa ni Primo rito?
“Call Dad.” Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya. Tumango siya at agad na sinunod ang sinabi ko. Ako ay humarap na papunta front door at muling naglakad para mapuntahan si Primo.
Pagbukas ng malaking front door namin ay nasa labas na si Primo. Mukhang pinapasok na siya ng guard dahil kilala naman siya nito.
Nanlaki sa gulat ang kanyang mga mata nang mamataan ako. Siguro’y hindi niya inaasahan ang pagkikita naming dalawa dahil alam niyang nasa ibang bansa ako.
“Sera!” bati niya sa akin. Ngumiti ako kay Primo at niyakap siya. Pinapasok ko siya sa loob ng bahay upang maghintay kay Dad at makapag-usap naman kaming dalawa kahit papaano.
Naupo kaming dalawa sa sofa. Nagpa-serve na rin ako ng pagkain at maiinom para sa aming dalawa.
“It’s nice to see you. I thought you were in Russia. Hindi ko akalain na nasa Pilipinas ka ngayon. You married a Russian boss?” tanong ni Primo sa akin, nakangiti pa rin.
Tumango ako sa kanya. “Well, yeah. Naandito ako for vacation. Ikaw? Kumusta? Ang tagal na since the last time I saw you. Masyado ka ring busy, ‘no? I invited you and your family to our wedding pero…hindi kayo pumunta. Even the wedding here in the Philippines, hindi pa rin kayo sumipot.” Medyo nalungkot ako nang maalala iyon.
Primo is a good friend of mine. Matagal na rin kasi kaming magkakilala bukod sa family friend namin ang mga Mazariego. He’s a known playboy and I’m proud na hindi ako naging biktima niya.
He tried to court me when we were in high school but I turned him down. Ang ending naging magkaibigan kaming dalawa. Alam ko naman kasi bakit niya ako niligawan. Para mapalapit siya sa isang babae.
“Right. We received the invitation but we chose not to attend. You know the situation between you and our family because of Atlas. Inisip namin na baka magalit lamang ang mga pinsan mo kung magpapakita kami roon. But we sent you gifts and congratulatory letter.”
Tumango ako sa kanya at ngumiti. Natanggap ko iyon.
Bumagsak kaagad ang ekspresyon ko sa sinabi niya. Hindi ko alam ang buong detalye, basta ang alam ko ay nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawang pamilya dahil kay Atlas Mazariego na pinsan ni Primo.
“How’s Atlas? I heard he’s missing daw. Totoo ba iyon?” Hindi ko na mapigilang magtanong. Alam ko na may alam si Gio rito at ang mga pinsan kong lalaki pero hindi sila iyong tipong sasabihin pa sa amin ang nangyayari. They will give us little details to the situation but not the who story.
“Yes, still missing. Malapit nang sumuko sina Papa. Pakiramdam nila ay wala nang chance na makita pa si Atlas. It’s either he’s good at hiding or maybe…dead. Ang gusto lang nila ay mapagbayaran ni Atlas ang ginawa niya sa pamilya niyo at pamilya namin. Pati kami muntikan nang madamay sa pinaggagawa ni Atlas. Our family was almost sold to the Tarragona family without our permission. Gago talaga iyang si Atlas.” Umiling-iling si Primo na para bang sobrang dismayado niya sa pinsan.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi ko na rin naman kasi alam kung ano pang dapat sabihin kaya nag-isip ako ng ibang mapag-uusapan.
“Anyway, you have news about her?” tanong ko. Napangiti ako nang makita ko ang reaksyon niyang gulat. Siguro ay hindi niya akalain na itatanong ko ito sa kanya.
Marahang tumawa si Primo bago umiling. “Yeah…” tipid niyang sagot kahit na pakiramdam ko ay may mga gusto pa siyang sabihin.
“Alam mo kung nasaan siya ngayon?” muli kong tanong. Sinilip ko ang ekspresyon ng mukha niya at base roon, alam kong alam niya.
“Oo,” sagot niya. Nakita ko ang pagguhit ng magkakahalong emosyon sa kanyang mata kaya’t ang ngiti ko ay lumungkot.
“Bakit hindi mo siya puntahan?” Nawala na nang tuluyan ang aking pagngiti dahil sa pinag-uusapan. Akala ko ay magiging magaan ang pag-uusap namin tungkol doon pero mukhang hindi pa rin.
“Baka ayaw niya akong makita.”
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Lalo kong nakita at napuna ang malungkot niyang ekspresyon.
Sabi ko nga, kilala ko si Primo matagal na at magkaibigan kaming dalawa. Kilala ko rin kung sino ang babaeng gusto niya at ang nag-iisang babaeng magpapatino sa kanya but for him…she’s unreachable now. She’s in love with my cousin at dahil sa mga nangyari sa pagitan ng pamilya namin, mukhang ayaw humarap ni Primo sa kanya dahil baka sakit lamang ang idulot ng presensya niya rito.
“As long as I know that she’s fine, Sera. Masaya na rin ako kahit hindi ko siya nakikita.”
Doon naputol ang pag-uusap namin ni Primo. Marami pa akong gustong sabihin sana sa kanya kaya lang ay dumating na si Dad at silang dalawa na ang nag-usap.
Noong gabi ay akala ko magiging boring ang gabi ko pero hindi dahil tumawag sa akin ang pinsan kong si Neveah.
“Seraphine!” sigaw niya kaya’t agad kong nailayo ang aking cellphone sa tainga ko.
“Bakit? Lasing ka ba?” Sa pagtawag niya pa lamang sa pangalan ko kanina ay parang nakainom na siya.
“Not quite!” sabi niya at tumawa. She’s drunk. “Tara at mag-bar tayo! Ilang araw ka nang naandito sa Pilipinas ay hindi pa tayo nagba-bar ulit!”
Napabuntong-hininga ako. “Hindi pwede. I’m married—”
“Bakit?! Wala naman ang asawa mo rito?!” Alam ko na nagbibiro siya para maasar niya lang ako and besides…she’s drunk. “What I mean is, hindi ka naman magchi-cheat sa kanya. Iinom lang tayo at chill, ganoon. Samahan mo naman ako.”
Hindi ko matanggihan si Neveah. Ayokong kapag umayaw ako ay maghanap siya ng ibang kasama at mapahamak lamang siya.
“Fine. I’ll pick you up. Nasaan ka ba ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Naandito ako sa ano… basta somewhere in The Fort. Alam mo na iyon. Our usual place. I’m with some of our common friends pero gusto kong magpunta sa ibang bar. Sama ka na, ha? Walang bawian.”
Hindi ko alam kung bakit naglalasing ang babaeng ito pero nagkakaganito lang siya kapag may problema siya.
Kaagad akong nagbihis at naglagay ng kaunting make up. Matapos ang pag-aayos ko ay umalis ako ng bahay. Dala ang isang kotse namin ay nag-drive ako. Napansin ko kaagad ang pagsakay rin ng mga bodyguards ko sa sasakyan nila at sinundan ako.
Nagpunta ako sa isang sikat na bar sa The Fort. Nakita ko kaagad si Neveah sa dagat ng mga tao. Her face lightens up when she sees me.
“Heaven!” Hinawakan ko ang braso niya dahil halos madali siya ng ibang taong dumadaan sa gilid niya. Hinila ko siya papalayo sa maraming tao na iyon para makapag-usap kaming dalawa. “Nasaan ang mga kasama mo?”
Papunta na kami sa sasakyan. Sa hindi kalayuan nga ay natatanaw ko na iyong mga bodyguards ko.
“Iniwan ko na sila sa loob. Hinihintay kita. Tara sa Revel o hindi kaya’y sa isang mas sikat na bar—”
“Mas maganda siguro kung umuwi ka na. Ihahatid na kita. You’re kind of drunk.” Hindi masyadong naglalasing si Heaven. She stands with her name. Sa mga pinsan ko ay isa siya sa mabait at masunuring anak. Next to Aranza, of course. Si Ara ata pinakamabait sa amin.
“No!”
Alam ko na may problema siya pero gusto ko ay siya mismo ang mag-open up sa akin. May mga bagay kasi na alam kong masyadong personal at hindi na namin pinapasok pa. Ganoon kaming dalawa ni Heaven. Natuto kaming kahit gaano kami ka-close sa isa’t isa, hindi lahat ng bagay maaari naming ibahagi sa isa’t isa. We respect each other’s space.
“Hindi ako lasing, Sera. Isa pa, pumayag kang sasama sa akin mag-bar hindi ba? Let’s find a better bar!” Hinila niya na ako sa sasakyan ko. Hindi na ako nakaangal dahil pakiramdam ko ay ang pagbigyan lamang siya ang magpapagaan ng kung ano mang nararamdaman niya.
Nagtungo kami sa Valkyrie. Punung-puno na ng tao roon. Sa labas pa lamang ay may mga kakilala na kami na agad naman naming binati.
Pumasok kami sa loob ng bar and the electronic music filled my ears. Nagpunta kami sa isang couch kung saan bakante at itong si Neveah ay agad na umorder ng alak.
Napailing ako sa paglalasing ng pinsan. Pinapanood ko lamang siya at napapangiwi kapag nabubulunan na siya sa ginagawa.
“Heaven!” sigaw ko nang magtungo siya sa dancefloor. My goodness, this is a disaster!
“I’ll be fine! Magsasayaw lang ako!” Unti-unting nilamon ng ingay ng mga taong nasa dancefloor ang boses ng aking pinsan. Napabuntong-hininga na lamang ako. Nag-away siguro silang dalawa ng boyfriend niya—iyon ay kung may ganoon silang label. Pagdating ata talaga sa lalaki ay pare-pareho kaming tanga ng mga pinsan kong babae. Well, I’m not sure for Audrey; my sister, Hara; and Ara. Sana nga ay hindi sila matulad sa amin.
Kumuha ako ng baso at nagsalin ng alak. Hindi naman siguro ikasasama ng aking sistema kung magpapakasaya rin ako ngayon. Hindi naman ako magchi-cheat. I’m just here to relax. Masyado kong iniisip si Alexei kapag mag-isa lamang ako. This is, actually, a good distraction for me.
Nang medyo tamaan ng alak ay tumayo rin ako sa couch. Naisipan ko na magsayaw sa dancefloor. Damn! How I missed this kind of life. Pero hindi rin naman ako nagrereklamo sa buhay na mayroon ako ngayon.
Panay ang pagsayaw ko. Nadadala sa bawat ritimo ng musika. Nakapikit ang aking mga mata at minsan pa’y sumasabay sa pagsigaw ng mga tao.
Sa kalagitnaan ng pagsayaw ko ay may yumakap sa aking baywang mula sa likod. Kinabahan agad ako at napamulat. Hindi ko siya nagawang malingon dahil sa higpit ng yakap niya. Maging ang pagsasayaw ko ay napatigil din.
Magwawala sana ako dahil sa lalaking yumakap sa akin nang maamoy ko ang pamilyar na bango ng lalaki. Kaagad na kumabog ang puso ko.
“Hey, I’m looking for my wife. I want to ask if you, by any chance, saw her? She’s beautiful, has long hair, brown eyes, and stunning heart-shaped lips that will probably attract all the damn boys here.” Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kaya’t nagkaroon ako ng pagkakataong lingunin siya.
Para akong nahulas at ang alak sa sistema ko ay nawala nang kahit sa medyo kadilimang lugar na ito ay nakita ko siya. Ngumiti si Alexei sa akin.
“Oh, there you are!” sabi niya bago malalim na humalakhak. Nanginig ang labi ko nang makita ko siya sa harapan ko. I didn’t expect him to be here! Kailan siya umuwi?
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ang una kong ginawa ay ang yakapin siya nang mahigpit. His familiar scent and warm filled my system. Gosh, I missed him so bad!