Chapter 9: Her Painful Words

1686 Words
Nang makita ni Calix ang mga luha sa mga mata ni Sam ay hindi niya maiwasang ma-guilty. Tila naawa siya rito at nang biglang may dumampi sa gilid ng labi ay nagbalik siya sa kaniyang sarili. Kita ang Tita Clarita niya na ginagamot ang labi niya. "Don't worry, hijo. Ganoon lang si Samantha kapag ang boyfriend niya ang pag-uusap. Hindi ko ba alam kung ano ang nakita sa lalaking iyon at sinusuway kami," matamang wika nito. Hindi maiwasang igala ang maningin at hanapin kung nasaan na ang babae at kitang nasa itaas na ito. Nakatigil at matamang nakatunghay sa kanila. Nagsugpong ang kanilang mga pangingin at tila walang nais magbitaw. Nang mapadiin ang dampi ng Tita Clarita niya. "Ouch!" bulalas niya sa kabiglaan. "Naku! Sorry, hijo. Kailangan ko kasing bahagyang idiin ito para kahit papaano ay hindi mamaga. Pasensiya ka na, napaaway ka pa," muling hingi nito ng pasensiya sa kaniya. Sasagot sana siya ngunit muling nilingon si Sam at wala na siya doon. Saka dumating ang Tito Samuel niya na may dalang tubig galing sa kusina. "Heto, hijo. Uminom ma muna," anito paglapas sa basong sinalinan nito ng tubig. Umayos ito ng upo. Bago pa man uminom ay muling narinig itong nagsalita. "Isa sa dahilan kaya gusto naming ipakasal sa'yo si Sam ay dahil sa lalaking iyon. Masyado nitong kinukontrol ang anak namin. Hijo, ayaw kong sa katulad niya mapunta si Samantha. Nakita mo kung gaano siya kabayolente?" may gigil na wika nito. Tama ang Tito Samuel niya. Hindi nga magandang mapunta si Samantha sa kamay ng lalaking iyon. "Ah—opo, Tito," mabilis na sang-ayon ni Calix. Hindi alam ni Sam kung ano ang mararamdaman sa sandaling iyon maliban sa naiiyak siya. Hindi rin malaman kung dahil ba iyon sa mga nangyari o dahil sa paninigaw ng ama. Ganoon kasi siya kapag feeling guilty siya tapos nasigawan siya ng ama. Minsan lang itong magalit pero kung magalit naman ay wagas. Nang makataas ay muling binalingan ang pinanggalingan at nakitang wala na doon ang ama at tanging si Calix at ang ina na ginagamot ito. Sa pagtitig sa mga ito ay hindi niya inaasahang magtatama ang kanilang mga paningin. Tila may magneto ang mga mata nito at dahil sa malalim nitong mga tingin ay hindi maipaliwanag kung bakit tila nagwawala ang dibdib at nais kumawala. 'Hindi maaari ito!' sawata ng isipan sa nais ipakahulugan ng puso sa pagwawala nito. Mabilis na nilisan ang kinatatayuan at tinungo ang silid. Doon ay nagkulong siya. Ayaw niya munang makita o makausap ang mga magulang. Ngunit nang hapon na ay hindi yata siya natiis ng ina at doon ay kinulit na siya. Mga ilang katok ang narinig sa kaniyang pintuhan. "Anak, alam kong naririnig mo ako," panimula nito. "Iwan mo muna ako, Ma. Ayaw mo munang makausap kayo ni Papa," tahasang wika. "Okay, anak. Pero buksan mo ang pintuhan dahil pinagluto kita ng paborito mong bistek. Hindi ka kumain ng tanghalian," malambing na tinig ng ina. Sa katunayan ay kanina pa nakulo ang tiyan pero ayaw niyang sabihin ng mga magulang na hindi kayang makipagtikisan sa mga ito. "Anak, please! Ginagawa namin ito para sa kapakanan mo. Nag-iisa ka naming anak kaya nais ka naming mapabuti," sumamong turan ng ina sa labas ng pintuhan. "Pero bakit ganoon, Ma?" basag na tinig dahil nagsisimula na naman siyang maiyak. "Anak, pinapaintindi namin sa'yo na hindi ang ganoong klase ng lalaki ang nababagay sa'yo," pilit sa saad ng ina. Awtomatikong napakunot-noo siya sa sinabi ng ina at dahil sa prustrasyon niya ay maging ang kapintasan ni Calix. Ang lalaking pinapakasal sa kaniya ng mga magulang ay hindi maiwasang sabihin sa ina. "At anong klaseng lalaki ang nababagay sa akin, Ma? Pilantud ba?" aniya. Hindi umimik ang ina sa kabilang pintuhan dahilan upang mapalunok ng sunod-sunod. Nais mang bawiin ang sinabi ngunit huli na. "Samantha!" dumadagundong na wika ng ina sabay malalakas na katok. "That's what we don't like. When you met that guy, you changed a lot. At kailan ka pa natutong mang mata ng tao!" sa mga tinig ng ina ay ramdam ang disappointment sa sinabi niya. Nais magsisi pero nasabi na niya at tuluyang nagalit ang ina sa kaniya. "I don't know kung saan ako nagkulang bilang ina mo! Ang tigas-tigas na ng ulo mo!" anito. Dahilan upang nanlulumong mapaupo siya sa may paanan ng pintuhan. Saktong kaaakyat lang nila ng Tito Samuel niya kung saan naroroon ang Tita Clarita niya. Mula kasi nang masigawan ito ng Tito Samuel niya kaninang umaga ay nagkulong na ito sa silid at hindi na lumabas pa. Ngunit saktong nasa itaas na sila ng hagdan ng marinig ang sinabi ni Sam. "At anong klaseng lalaki ang nababagay sa akin, Ma? Pilantud ba?" anito dahilan upang matulos siya sa kinatatayuan. Hindi niya inaasahan na sa kabila ng lahat ng pagbabago sa kanila ni Samantha ay may isang bagay na hindi nabago sa pagdaan at pagiging moderno ng panahon. Iyon ay ang pagiging pilantud niya sa paningin ni Sam. "I'm so sorry, hijo. My daughter is acting so immature. Hindi ko alam kung papaano ko siya ilalayo sa lalaking iyon. Hopefully ay hindi ka umatras sa kasal ninyo sa kabila ng narinig mo?" puno ng pag-aalalang tinig ng Tito Samuel niya. Sa pagtingin sa mukha nito ay kita ang pagiging desperado nito sa sitwasyon ng anak. Kung ang ama ay nakipagkasundo para sa ikaliligtas ng negosyo nila, ang Tito Samuel naman nila ay sumang-ayon para mailayo ang anak sa lalaking iyon. Sa isiping iyon ay lumakas ang loob na tuluyang pakasalan si Sam. He's not a kind of Knight in Shining Armour guy or a prince to save his princess pero sa pagkakataong iyon ay tila gusto niyang maging hari at tuluyang iligtas si Sam sa bingit ng mapang-aping kamay ng kalaban. "Huwag po kayong mag-alala, Tito. Immune na po akong tawagin ni Sam na pilantud. Hindi pa ba kayo nanawa sa patawag ng principal ng school noon?" paalalang biro rito noong bata pa sila. Maging ang Tito Samuel niya ay hindi maiwasang mapangiti sa sinabi. Mabilis siyang tinapik sa balikat nito. "Salamat, hijo. Wala naman kaming hinangad para sa anak namin kundi ang ikakabuti nito," anito matapos mapalis ang ngiti sa labi nito at muling naging seryoso. Napangiti na lamang siya dahil higit kaninuman ay pareho silang makikinabang sa kasalang iyon. "Alam ko naman po iyon, Tito," aniya at nang balingan nito ang asawa nito ay tila suko na ito sa pag-aamo sa anak. Lumakad itong pasalubong sa kanila at sa mata ay concern sa narinig niyang sinabi ng anak. "Ikaw na nga muna ang kumausap sa anak mo! Ang tigas na ng ulo!" gigil na wika nito. "Relax lang mahal. Ang puso mo," awat naman ng Tito Samuel sa esposa nito. "Pasensiya ka na, hijo sa narinig mo," hingi pa nito ng pasensiya. "Wala po iyon, Tita. Gaya ng sabi ko kay Tito ay immune na ako noong bata kami," niya sa Tita Clarita niya habang pababa sila ng hagdan. Mukhang kailangan kasi ng mag-ama ng one on one na usapan. Bahagya naman itong napangiti sa sinabi. Marahil ay naalala rin ang madalas na pagpapatawag sa kanila ng kanilang school principal. "Hay, naku! Ang batang iyon talaga, hindi pa rin talaga nagbago," anito na lamang. Tapos nang nasa sala na sila ay lumingon ito sa kaniya. "Salamat nga pala sa pagpapatuloy sa amin dito sa bahay mo," dagdag pa nito. "Wala po iyon, Tita. Actually, hindi pa naman ako rito nakatira kaya wala pa masyadong gamit," aniya. He bought that house as a surprise for Geraldine pero mukhang may ibang plano ang Diyos sa kaniya. Alam ng magulang na may nakuha siyang bahay kaya matapos nilang kausapin noon ang mga Fuentabella ay kinausap siya ng mga ito upang ipagamit na muna sa mga ito ang kaniyang bahay. Dahil matagal-tagal naman daw ang ilalagi ng mga ito sa Manila gawa ng kanilang kasal. "Wala po iyon, Tita," nakangiting tugon dito nang mayamaya ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Si Geraldine ang natawag at doon lamang naalalang may usapan nga pala silang susunduin ito. "Sorry, Tita. May lakad nga pala ako ngayon. Pakisabi na lamang kay Tito na nauna na ako," pagpapaalam dito. "Salamat sa lunch, nabusog po ako," aniya sa Tita Clarita niya na kinangiti nito. "Wala iyon, hijo. Kami dapat ang magpasalamat. Oh, bueno. Mukhang hindi ka na mahintay ng katatagpuin mo," paalala nito nang muli na namang tumunog ang kaniyang cellphone. Napangiti siya sa hirit nito at tuluyang nagpaalam. Pagkapasok sa sasakyan ay siya na ang kusang tumawag sa kasintahan. "Hey, what took you so long? I'm calling you so many times?" bulalas nito ngunit nang mapagtanto nito ang sinabi ay agad ring nag-sorry. Geraldine is a kind of woman, na soft-spoken, calm at mapagpasensiya pero sa tinig nito kanina ay tila nawala lahat ng iyon. Subalit mabilis din yata iyong nag-sink in dito kaya agad na naging malambing. "I'm sorry, medyo mainit lang ulo ko dahil kanina pa kaya ako. Nagpaganda pa naman ako para sa'yo," paglalambing nito. Sa hirit nito ay tila nais malunok na lamang ang dila. Paano ba naman kasi ay ngayon niya balak sabihin dito ang tungkol sa napagkasunduan ng pamilya nila at pagpapakasal sa kababata para masalba ang kompaniya nila. "Hmmmp! Hindi mo na kailangan iyon, babe dahil maganda ka na," hirit niya at dinig pa niya ang pagtawa ng kasintahan sa kabilang linya. Parang hindi alam kung makakaya bang saktan ito. "Iyan na naman tayo eh, bilisan mo kaya bago pa humulas lahat ng make-up ko," anito. Wala siyang nagawa kundi ang magpaalam na saka mabilis na pinaandar ang sasakyan. Tumingin sa bahay niyang nilabasan na tila ba doon huhugot ng lakas upang masabi sa kasintahan ang lahat. Inihahanda ang sarili sa maaaring idulot ng lahat. Muling nanariwa sa isipan ang mga salitang narinig buhat kay Sam. "At anong klaseng lalaki ang nababagay sa akin, Ma? Pilantud ba?" Napapikit siya sa alalahaning iyon dahil iyon ang patunay na lumipas man ang panahon ay mananatiling pilantud siya sa paningin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD