Chapter 10: Breaking Up His Girlfriend

1332 Words
Napakaganda ng kasintahan ng buksan nito ang pintuhan ng condo nito. Mabilis itong lumambitin sa kaniyang leeg. Sa pagkakataong ganoon ay talaga namang hindi niya pinapalampas at batid na gusto nitong may mangyari sa kanila. Subalit sa pagkakataong iyon ay may iba siyang plano kaya matapos siyang halikan ni Geraldine ng ubod tamis ay agad siyang bumitaw rito. "Let's go, babe," malamig na wika bagay na pinagtataka nito. "Is there something wrong, babe?" tanong nito pero ayaw niya itong biglain. "Nothing, babe. We will talk later," aniya na pinilit ngumiti. May pagtataka man ang kasintahan sa inaasal ay pinili nitong itikom ang bibig. Maging sa loob ng sasakyan ay panay ang lingon ng kasintahan sa kaniya. Hindi kasi alam kung bakit tila ayaw magsalita ang bibig. Masyadong abala ang isipan sa pag-iisip kung papaano sasabihin dito ang sitwasyon na hindi ito masyadong masasaktan. Naramdaman ang paggagap nito ng palad niya. Lumingon siya rito at kita sa mukha ng kasintahan ang simpatya. Sa paghinang ng kanilang mga mata ay hindi na nito napigilang mang-usisa pa. "I know, there is something going on? What is it, honey?" anito nang hindi na makatiis sa katahimikan na namamagitan sa kanila. Pinilit niyang ngumiti. "We'll talk over dinner, honey," aniya na lamang. "Okay," anito kahit bakas pa rin sa mukha ang pagkalito sa kaniyang kilos. Sabagay, maging siya man ay nabibigla sa bilis ng mga pangyayari. Akalain bang may kasintahan siya tapos iba ang papakasalan niya. Somehow, tila nais niyang magrebelde gaya ni Sam pero mas malawak ang pagkakaintindi at ayaw niyang mawala ang kompaniya nila. Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga saka pinilit ngumiti sa kasintahan. Dalangin na sana ay maintindihan siya nito. Gagawin ang bagay na iyon para sa ikasasalba ng kanilang negosyo. Pagdating sa restaurant na napiling pagdalhan kay Geraldine ay agad silang inasistehan ng ilang waitress. Kahit papaano ay may privacy sila doon at makakapag-usap sila ng maayos. Hindi pa man sila lubusang nakakapasok ay agad siyang hinarap nito at para bang nang-uusig ang mga tingin. "Tell me, what's going on? You look so tense, kaya batid kong may pag-uusapan tayong seryoso," anito na ramdam ang emosyon sa tinig nito. "Have a seat first," aniya sabay paghila ito at tinawag ang waitress na umasiste sa kanila upang mag-order ng pagkain nila. Pagkatapos ibigay ang kanilang orders ay umalis na ang waitress. Muli siyang tinignan ng kasintahan at nang-aarok ang bawat titig nito. "Our business is not doing so well," panimula niya bagay na kinakunot nito. "How come?" bulalas nito. "Wait?! How did you say, it's not working well?" "Dad told me the other day," aniya at hindi pa rin mahanap ang tamang pagkakataon upang sabihin talaga ang totoong pakay. "Oh, sorry to hear that babe. It seems Gonzalves Pharmaceutical is working so well, it shocked me knowing that sad news. So, what your Dad's plan?" Katok sa pintuhan ng cubicle na kinaroroonan ang gumambala sa kanila. Pumasok doon ang isang waiter na puno ng pagkain ang tray na hawak. Matapos nitong ilapag sa mesa ay agad ring nagpaalam. Nang mapag-isa silang muli ay kitang nakamaang sa kaniya ang kasintahan. Pinilit ngumiti saka sinabing kumain na muna sila bago nila pag-usapan ang mga bagay-bagay. "Let's eat first, babe," aniya rito. Nagsimula silang kumain habang sa isipan ay iniisip pa rin kung papaano magsasabi sa kasintahan na hindi ito lubusang magalit sa kaniya. Nang halos patapos na sila ay kitang tumigil na ito at nagpunas ng bibig. "Now tell me, what's going on?" seryoso na nitong tanong. Napalunok siya upang matanggal ang nakabara sa lalamunan. "Babe hope you understand—" "Understand, what?! You aren't telling me anything?!" gilalas nito na mukhang nasi-sense na nito ang kaniyang sasabihin. Napatigil siya at maang na nakatingin sa maganda nitong mukha. "What?!" "The only way that Dad think will save the company is—" putol na wika dahil tila sasabog ang dibdib at pilit kinakalma ang sarili. "What?!" gagad nitong muli na tila ba hindi na makapaghintay pa. "Ipakasal ako sa anak ng kumpare niya," tuluyang sambit. Nakitang natigilan ang kasintahan. Blangko ang nakikitang mukha nito. "What?" maang nito ng makahuma. "What did you say?" ulit nito. Kinuha ang kamay nito ngunit mabilis itong umiwas. Hindi siya nakaimik hanggang ito na rin ang umulit sa kaniyang sinabi. "Magpapakasal ka sa anak ng kumpare ng Daddy mo to save your company?!" anito na hindi alam kung galit, nang-aasar o nanunuya. Nabalot sila ng katahimikan hanggang sa marinig ang malalalim nitong buntong-hininga. Pinilit hawakan ang kamay nito at mabilis naman iyong binawa nito sabay sampal sa kaniya. "Magpapakasal ka sa iba samantalang ako ang kasintahan mo?! So, tell me? Ano ang magiging lugar ko sa buhay mo? Kabit, ganoon?!" halos pasinghal nitong bulalas. Kita ang pagpipigil nitong hindi maiyak habang siya naman ay sapo ang mukhang sinampal nito. "Hindi ko rin naman gusto ito pero—" "Pero ano?! Hindi mo ako kayang ipaglaban, ganoon?!" ani ni Geraldine na nangingilid ng luha ang mga mata. Tila nais magwala pero hindi magawa. Hindi nakaimik si Calix dahilan upang mas lalong manggigil si Geraldine. "Fine! We're done! We're done!" anito na galit na galit na nilisan ang kinaroroonang cubicle. Piniling hindi na lamang sundan ang kasintahan at nanlulumong napaupo. Pinindot ang button upang tawagin ang pansin ng mga waitress o waiter. Mabilis siyang nag-order ng bucket ng beer. Batid na mastadong nasaktan ang kasintahan sa binalita rito. Maging siya man ay naiipit sa kung ano ang tamang gawin niya. Nang dumating ang in-order ay mabilis na lumaklak. Gusto niyang mamanhid ang katawan. Labis na guilt ang nararamdaman sa nakikitang sakit sa mukha ng kasintahan sa sinabing ikakasal siya sa iba. Nakakatatlong bote na siya nang makitang natawag ang kaibigang si Sean. "Hello?" gagad agad nito pagkapindot pa lamang ng answer button. "What the heck are you doing, man? Tumawag si Geraldine sa akin, panay ang iyak. Hindi ko nga maintindihan kung anong pinagsasabi pero isa lang ang naiintindihan ko. She said, na ikakasal ka raw sa iba. What is that? What's going on?!" sunod-sunod nitong turan. "I don't know," tila bangag na tugon. "Wait?! Are you drunk?" gagad nito. "Nope! Do you know where is she?" tanong kung nasaan ang kasintahan. "Yeah, pupuntahan ko siya dahil mukhang hindi niya kayang magmaneho. Mind to tell me, what's going on?" ulit nito. "Maybe next time, dude. Puntahan mo muna siya, make sure she's safe. Thank you!" aniya saka pinatay na ang tawag ng kaibigan at muling lumaklak ng alak. Pagkatapos ng pagrerebelde sa magulang ay hindi rin siya nakatiis. Hating gabi at nakikiramdam siya kung tulog na ba ang magulang o hindi. Mahapdi na ang tiyan idagdag pang talagang tuluyang nainis ang ama sa kaniya sa huling usapan nila dahilan para maging ang cellphone ay kunin nito. Gusto niyang umiyak ngunit maging ang mga mata ay tila natuyuan na rin ng luha. Kaya nang ganap na pumatak ang alas onse ay maingat siyang lumabas. Maingat ang bawat hakbang upang hindi siya marinig ng mga ito. Pababa na siya ng hagdan at saktong nasa ibaba na siya nang tila may naulinigan siyang malalim na paghinga. Mabilis siyang napahinto at ginala ang paningin. Hindi siya matatakutin pero sa pagkakataong iyon ay tinubuan siya ng takot sa dibdib. Napansing galing iyon sa sala at kitang wala namang tao roon. Hinakbang ang mga paa at palakas na palakas ang paghinga ng kung sinuman. Napapalunok siya at halos magulantang siya nang parang may nalaglag kung saan. Nang sipatin ang pinanggalingan ng tunog ay kitang may tao nga. Inalalang ang ama ito ngunit nang akmang hahawakan sana ay bigla itong nagsalita na kinatulos niya. "I'm so sorry, babe. I have to do this," husky na boses ng lalaki. Hindi man kita ang mukha ay batid na niya kung sino ito. Mabilis siyang umayos ng tayo at maingat sanang iiwan na lamang ito nang muli itong nagsalita na kinatulos niya lalo pa at dinig na dinig ang kaniyang pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD