Pagpasok sa loob ng kabahayan ng mga Gonzalves ay nakitang sumunod sa kaniya si Calix. Bagay na napansin ng mga magulang nila.
"Mabuti naman at mukhang kilala niyo pa rin ang isa't isa sa kanila ng maraming taon na hindi kayo nagkita," ani ng Mama ni Samantha na siyang unang nakapansin aa kanila.
"Hindi naman po kasi mahirap kalimutan si Sam, Tita lalo na kung—" putol nito sabay tingin sa kaniya na lalong kinairap naman ni Sam sa lalaki. "Lalo na kung naging parte siya ng iyong kabataan," dagdag ni Calix. Tila nais tumawa sa reaksyong binigay sa kaniya ni Samantha pero nagpigil na lamang.
Katulad nito ay may kasintahan din siyang dapat alalahanin. Doon ay muling nanumbalik ang alalahanin kung paano kakausapin si Geraldine at ipapaliwanag sa kaniya ang sitwasyon.
"Bueno, mukhang nandito na tayong lahat ay simulan na natin ito," panimula ng kaniyang Daddy. "Napagkasunduan namin na sa susunod na buwan na natin gawin ang kasal," agaw-pansin nito.
"Sa susunod na buwan na?" halos sabayang sambit nila.
"But Dad, hindi ba tayo masyadong nagmamadali niyan?" ani agad ni Calix nang makabawi.
"The sooner the better, anak. Bakit pa natin patatagalin kung doon din naman ang punta ninyo?" ani ng kaniyang ama. Tama naman ito pero tila nawalan siya ng pagkakataong mag-isip kung papaano sasabihin kay Geraldine ang papasuking sitwasyon. Ayaw niyang masaktan ito at mas lalong ayaw itong bitawan.
Napalingon siya kay Samantha at gaya niya ay malalim din ang iniisip nito. Marahil iniisip din ang lalaking kausap nito kanina. Sa isiping iyon ay tila may nag-uudyok sa isipan na tama lamang na makasal na sila ni Sam sa lalong madaling panahon.
"Okay, Dad," hindi namalayang sang-ayon sa nais nilang gawin.
"That's good. So, aayusin na namin ng Tito Samuel mo ang lahat para sa kasal ninyo o gustong kayo na ni Sam ang umayos?" tanong ng ama.
"Po?!" gulat na wika sa biglaang tanong nito.
"Anong masasabi mo doon, hija? Since ikaw ang babae at alam kong mas active kayo in terms of wedding preparation?" baling ng ama kay Sam na noon ay tila clueless sa usapan nila
"Po?!" bulalas din nito.
"Mukhang nabibigla pa sila kumpare. Hayaan mo at nandito naman kami ni Alexa upang tulungan sila sa bagay na iyan," ani ng Mama ni Sam.
"Oo nga naman, mahal. Alam kong medyo nabibilisan sila sa mga nangyayari kaya kami na nitong si Clarita ang bahala sa bagay na iyan," nakangiting segunda naman ng Mommy ni Calix.
Mukhang wala na ngang excuse para sa kanila ni Samantha para hindi ituloy ang kasal nila kahit pa may sari-sarili silang kasintahan.
"Ayos na ba kayo doon?" tanong naman ng Tito Samuel niya na noon ay nakatingin sa kaniya. Batid sa mukha nitong hirap na hirap ito sa sitwasyon ng anak nito. Noon pa man ay batid na Daddy's girl si Sam kaya hindi kataka-taka na mahirap ditong basta na lamang hayaan ang anak nito.
Naisip tuloy na siya pa ba ang magpapakipot kung sila naman ang may kailangan sa mga ito. "Opo, Tito. Si Sam lang naman ang inaalala ko," nasambit at doon ay kitang nagbaling ito ng tingin sa kaniya.
Napakunot-noo si Sam nang marinig ang tugon ni Calix sa tanong ng ama. 'Ako daw?! Eh, siya nga itong nakikipag-date kahit alam na malapit nang ikasal?' aniya sa isipan.
Hindi niya napansin na nakatitig na pala si Calix sa kaniya dahilan upang irapan ito nang magtama ang mga mata nila.
"Ayos ka lang ba, anak?" untag ng kaniyang Papa. Kahit naman sabihin niyang hindi ay wala na siyang magagawa pa dahil kailangan nila ang kompaniya ng mga ito upang iligtas ang kanilang kompaniya.
"Yes, Pa," aniya.
"Okay, kung ganoon ay ituloy na natin ang ilang detalye ng kasal sa komedor. Ayos na ang mesa para sa atin," magiliw na wika ng ina ni Calix.
Lahat sila ay nagtungo sa komedor at naiwan sila ni Calix. Hindi niya tuloy maiwasang paringgan ito tungkol sa babaeng ka-date nito kagabi.
"Are you sure, gusto mo ang kasal na ito?"
Susunod na sana si Calix sa komedor nang marinig ang sinabi ni Sam kaya agad itong binalingan. "Aren't you?" maang na balik dito.
Nakitang ngumisi ito. "To be honest, no!" deretsahang turan ni Sam na kinalunok niya. Hindi ito maaaring mag-back off dahil manganganib ang negosyo nila kapag nagkataon. "But I have too," hirit nito.
Kapwa sila natitigilan at dumaan ang ilang minuto saka muling pukawin siya ng tinig ni Sam. "How about her? Did she know what's going on?" tahasang tanong. Masokista na kung masokista pero kahit papaano ay nahiling na ito ang humindi sa kasunduan nila. Bakit hindi na lamang hilingin ng ama ang tulong ng kaniyang Tito Cariaso at kailangan pa nilang magpakasal.
Sa narinig na tanong ni Sam ay muling nanumbalik ang isipin tungkol sa kasintahan. Mabait at mapagpasensiya ang kasintahan pero hindi alam kung paano nito tatanggapin ang lahat kapag nalaman nitong malapit na siyang makasal.
Sa mesa ay naging abala pa lalo ang mga magulang para sa nalalapit nilang kasal habang abala naman siyang pinag-aaralan si Sam. Hindi tuloy niya maiwasang ihambing ito sa kasintahang si Geraldine. Kung tutuusin ay mas maraming masasabing maganda kay Geraldine. Sa pag-uugali man at sa karera.
Nakapagtapos at matagumpay na kahit medyo kulang ito sa panahon sa kaniya pero naiintindihan naman ito sa bagay na iyon. Samantalang si Sam, hanggang ngayon ay nag-aaral at wala rin yatang balak pamahalaan ang negosyo nila dahil napakalayo ang kinukuha nitong propesyon sa negosyo ng pamilya nito.
Mas lalong naging uneasy si Sam nang mapansin ang manaka-nakang pagtitig ni Calix sa kaniya. Hindi tuloy niya maiwasang ma-conscious sa mga titig nito. Aakalain ba kasi na kasing hunk at hot ng hollywood star na hinahangan niya ito.
Hindi tuloy niya mapigilang usisahin din ito at doon ay napansin na kahit sa loob ng bahay ng mga ito ay nakasapatos. Napagtantong customized lahat ang suot nitong sapatos para magpantay ang mga paa.
Wala na ang mga Fuentabella at dinig pa rin ang mga magulang na nag-uusap tungkol sa napipintong kasal nila ni Sam. Hinayaan na lamang ang mga ito at nagtungo sa silid. Hindi tuloy mapakali lalo at may pressure na kailangan niyang sabihin agad kay Geraldine ang lahat.
Hindi pa man nakakapag-isip mg solusyon sa kinahaharap na problema, mukhang tila nananadya pa ang pagkakataon dahil natawag ngayon ang kasintahan. Nakatitig lamang siya sa cellphone at hindi malaman kung sasagutin ito o hindi. Ngunit hindi nagtagal ay sinagot din iyon.
"Yes, babe," mabilis na turan.
"Hey, babe, are you free tonight. My place," ani ng kasintahan. As usual ay naglalambing ito at napangiti siya dahil sa totoo lang ay miss na miss ito. Ngunit sa likod ng excitement at tila nagsasabing dapat na niya itong iwasan dahil malapit na siyang ikasal.
May mga pagkakataon din kasi sila ni Geraldine na nakakalimot ngunit ito na mismo ang nagsuggest na kailangan nilang mag-ingat dahil marami pa itong pangarap na nais makamit.
"Hey, aren't you free?" anito na napansin ng pananahimik niya.
"Ahmmm! Yes, sure," mabilis na tugon.
Ngunit mukhang malakas din kasi ang pakiramdam nito. "Are you sure, you're okay? Mukhang napipilitan ka lamang," anito dahilan para ma-guilty siya.
"Yes, I'm good. See you later, babe," mabilis na wika. Batid na hindi siya titigilan nito kaya mabilis na nagpaalam at k*****y ang tawag nito.
Napasapo ang dalawang palad sa mukha at hindi alam kung ano ang unang iisipin. Ang napipintong kasal kay Sam, ang pagpapaliwanag kay Geraldine o kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat. Gulong-gulo ang isipan niya ngunit isa lamang ang malinaw sa sandaling iyon. Iyon ay ang kausapin ang kasintahan.
Mula nang matapos silang makipag-usap sa mga Gonzalves ay lumipat sila sa isang gated community house na katulad ng mga Gonzalves. Malaki ang pagtataka kung kanino ang bahay na iyon pero hindi na lamang nang-usisa pa dahil maging ang email at chats ay nagwawala ang kasintahang si Gilbert. Sinabi nitong hintayin daw siya nito at uuwi ito. Gusto niya raw kausapin ang ama na huwag ituloy ang pagpapakasal sa kaniya sa anak ng kumpare nito.
Malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan matapos makapasok sa kaniyang silid. Mukhang walang balak ang mga magulang na bumalik ng Cebu hanggang hindi sila nakakasal at doon na muna sila maglalagi.
Hindi nga nagtag ay dumating ang kasintahan at gaya ng pinangako nito ay nagtungo sa bahay na tinutuluyan nila upang kausapin ang mga magulang. Noong una ay ayaw ibigay rito pero mapilit ito at may parte rin naman sa kaniyang naaawa rito at somehow ay mahal pa rin ito.
"What are you doing here? Hindi ba't nag-usap na tayo hinggil dito?" bulalas sa kasintahan nang mapagbuksan ito ng gate.
"I want to talk to your parent," giit nito.
"Wala sila kaya makakaalis ka na bago pa sila bumalik. Gilbert please, ayaw ko ng gulo. How many times do I need to explain na ikakasal lang kami para isalba ang negosyo namin?" ulit na paliwanag dito.
Mabilis nitong hinuli ang kaniyang braso bagay na lagi nitong ginagawa sa kaniya sa tuwing naiinis ito.
"Kahit ulit-ulitin mo pa ay hindi ako makakapayag na mapunta ka sa ibang lalaki! Alam ko namang mahal na mahal mo ako kaya akin ka lamang!" malakas na boses nito nang bigla ay makarinig sila ng tinig buhat sa may tarangkahan.
"What happening here?!" dumadagundong na boses ni Calix pagpasok sa bahay ng mga Gonzalves. Mabuti na lamang at may kinukuha pa ang Tito Samuel at hindi nakita kung paano kontrolin ng lalaking kasama ni Sam ang anak nito.
Nagulat si Sam nang malingunan si Calix, hindi ang ama. Ngunit mayamaya pa ay sumungaw ang mukha ng ama sa likuran ni Calix at kita ang pag-alsa ng mukha pagkakita pa lamang ng kasintahan.
"Anong ginagawa ng lalaking iyan dito?" malamig na turan sa kaniya ng kaniyang Papa.
Tila naumid ang dila at hindi agad nakasagot. Ang kasintahan ang sumagot sa tanong nito. "Tito, nandito po ako para kausapin kayo," ani ni Gilbert.
"That's not what I saw!" sabad ni Calix dito.
Kita ang pagngalit ng mukha ng kasintahan sa pambabara ni Calix. Isa kasi iyon sa ayaw na ayaw ng kasintahan, ang nababara ito o 'di kaya ay nasasabihan. He thinks, he's always right.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko!" balik bara kay Calix dahilan upang magkaroon ng tensyon sa pagitan ng tatlong lalaki.
"If you are here to talk to me, young man? Sorry, but I am busy. Ikakasal na ang anak ko kaya—" putol na wika ng ama nang biglang sumabad ang kasintahan.
"No!" singhal nito. "You can't do that! Ako ang kasintahan ng anak ninyo tapos ipapakasal niyo siya sa lalaking ito!" anito sabay bigwas sa mukha ni Calix bagay na hindi napaghandaan ng lalaki.
"Sh*t!" bulalas ni Calix nang sapukin siya ng lalaki sa mukha kaya nang makabawi ay agad rin itong sinuntok.
Nakipagbuno sa lalaki at maging ang Mama nitong kagagaling lang din sa labas ay nagulat sa mga nadatnang eksena.
"Dios ko santisima! Samuel, tumawag ka ng security!" halos pautos na turan ng ina sa ama.
"Gilbert, enough! Ano ba, Calix?! Tama na iyan," natitilihang awat sa dalawang lalaking nagpapangbuno.
Natigilan lamang ang mga ito nang tumawag ang Papa niya ng security guard na siyang umawat sa mga at sinabing kailanman ay hindi na nila papapasukin doon si Gilbert.
Gustuhin mang tulungan ang kasintahan pero hindi na nagawa dahil halos kaladkarin na siya ng kapatid at pagbaling kay Calix ay kitang may dugo sa labi at sa ilong nito. Ngunit sa kabila noon ay kita ang matiim nitong titig sa kaniya.
"From now on, hindi ka aalis ng bahay kung hindi mo ako kasama o ang Mama mo!" matigas na wika ng ama.
"But Dad?" angil niya.
"Maliwanag ba?!" singhal nito at doon lang niya nakitang tila bulkang pumutok ang ama. Dahil sa takot ay wala siyang nagawa kundi ang tumango rito pero hindi niya maiwasang maluha. Luha na hindi nakaligtas sa mga mata ni Calix.