Chapter 1: The Shocking News
"What? But Pa, wala pa akong balak mag-asawa at may boyfriend akong tao!" bulalas ni Sam sa kaniyang Papa. "Akala ko naman kung anong urgent ang sinasabi niyo kaya niyo ako pinapauwi. If I know, na ganito ay hindi ako uuwi!" inis pang wika saka naglakad papanaog sa hagdan. Ngunit bago pa man siya makahakbang doon ay narinig ang tinig ng ama.
"Everything is settle. What you can do is to cooperate," malamig na tinig ng ama. Sa narinig ay agad na bumalik sa harapan nito.
"No! I can't do that!" madiing wika sabay titig sa kaniyang Papa. Ayaw niyang patalo rito. Hanggang sa magbaling ang ama sabay lakad.
"Sa ayaw at sa gusto mo ay magpapakasal kayo ni Calix," muli nitong wika banggit pa ang pangalan ng lalaking matagal na iniwasan.
"No, Pa! Kailanman ay hindi ako magpapakasal sa kaniya!" aniya rito saka patakbong paakyat sa hagdan. Nasa itaas na siya nang maulinigan ang may kataasang boses ng ama.
"Magpapakasal ka sa ayaw at sa gusto mo! Kung hindi ay mawawala ang lahat ng ito! Ang bahay, ang negosyo, ang lahat!" bulalas ng ama. Sa tinig nito bakas ang pagiging desperado. Agad na binalingan ito at nakitang sapo nito ang ulo saka nanghihinang umupo sa sofa. Bakas sa reaksyong nakikita rito ang kaseryusuhan ng sinabi nito.
"A—nong ibig mong sabihin, Papa?" naguguluhang turan sa kaniyang ama.
Tila nahihiyang tumitig ang ama sa kaniya. Gustuhin sanang bumaba ulit pero nanatili siya sa kinatatayuan habang naghihintay ng kasagutan buhat dito.
Nakitang nilamukos ng ama ang mukha nito. Saka yumuko sapo ulit ang ulo, tila nag-iisip kung ano ang sasabihin sa kaniya. "Isang taon nang hindi kumikita ang negosyo. I try my best, nag-loan ako sa bangko para lang isalba ang ating negosyo dahil inaakala kong babalik din sa dati pero nagkamali ako. Now, the bank sent me notice," ani ng ama na bakas sa balikat ang bigat ng dalahin nito.
Nakailang lunok si Sam sa narinig sa kaniyang Papa. Tila nais magsisi sa ginawang maninigaw rito at na-guilty dahil wala siyang ginawa kundi ang magpakasasa sa biyayang binibigay nito. Hindi alam na hirap na hirap na pala ito.
Gustuhin mang mag-sorry sa ama ay hindi niya magawa dahil nasa isip ang kasintahang iniwan sa London. Filipino rin ito pero naka-base sa London dahil isa itong freelance singer. Bagay na mahigpit na tinututulan ng ama dahil wala raw siyang mapapala sa lalaking katulad nito.
Nagtaas ng mukha ang kaniyang Papa habang siya naman ay nakadungaw rito. Naglapat ang kanilang mga mata, bakas sa mata nito ang pagsusumamo sa nais nitong mangyari. Tila nadudurog ang puso, gustong magwala pero habang nakatitig sa ama ay hindi maiwasang tumango na lamang.
Doon ay nakitang sumungaw ang luha sa mga mata nito. Batid na ayaw rin nitong pinipilit siya sa bagay na ayaw niya. Bata pa man ay ito na lagi ang sinasabi nito sa kaniyang Mama sa tuwing pinipilit siya nito sa nais gawin. Gaya nang pagtutol ng kaniyang ina sa propesyong nais kunin. Gusto nitong malapit sa negosyo nila. Pharmacist o nasa linya ng pagnenegosyo pero mas pinili niyang magpunta sa London upang doon ituloy ang planong maging interior designer.
"Thank you, my Princess," namutawi sa labi ng kaniyang Papa. Pinilit ngumiti kahit sa loob ay durog na durog siya.
Matapos noon ay pumasok na siya sa silid at doon ay binuhos ang luha niya. Padapa siyang nahiga sa kaniyang kama. Iyak siya nang iyak lalo pa at tila walang solusyon na iba kundi ang magpakasal sa kinaiinisang lalaki.
Matapos nang halos humigit kumulang kalahating oras ay napabangon siya sa kaniyang kama. Hanggang sa hindi namalayang hinahalungkat ang kaniyang side table. Doon ay nilabas ang kaniyang mga lumang larawan. Mga larawan noong bata pa siya.
Napangiti siya nang makita ang larawan noong nagtapos ng Nursery. Hanggang sa mga larawan sa birthdays niya at napabusangot siya nang sa bawat larawan na mag-blow siya ng kandila sa ibabaw ng cake niya ay naroroon si Calix. Masayang nakatunghay sa kaniya. Bawat buklat ay palaki siya nang palaki hanggang sa makita ang huling kaarawan niya na dumalo si Calix. Iyon ay noong thirteenth birthday niya habang ito naman ay katorse.
Habang nakatitig sa larawang iyon ay hindi maiwasang maalala ang isang parte ng nakaraan kung kayat minabuting layuan na lamang ito.
"Hoy, girl. Dumating si Calix at ang magulang. Grabe, ang guwapo niya," tili ni Anne, ang isa sa matalik niyang kaibigan na nakakaalam ng kaniyang sekreto.
"Magtigil ka, baka marinig ka!" gigil na saway rito.
"Oy, nagba-blush oh," tudyo pa nito sa pagsasaway rito. "Iba na talaga, parang aso't pusa noon pero ngayon—" putol nito nang tampalin ang bibig dahil nakitang padaan sila Calix at ang kaibigan niyang si Gian na kaibigan din nito.
"Sure ka bang okay lang kay Michelle?" pahapyaw na narinig sa usapan ng dalawang lalaki. Sa narinig ay biglang sumikdo ang batang puso. Kilala ang pangalang binanggit ni Calix. Ito ang babaeng pinakamaganda sa buong school nila. Palagiang muse sa kung anu-anong organisasyon o aktibidadis sa kanilang eskuwelahan.
"Hoy, bakit mukhang natuklaw ka ng ahas diyan? Birthday na birthday mo, parang gusto mong umiyak?" ani ng kaibigan. "Narinig mo lang ang usapan nila, selos ka naman," mayamaya ay hirit nito.
"Ewan ko sa'yo!" inis-inisang saad saka naglakad sa tinungo ng dalawang lalaki.
"Hoy! Sam, saan ka pupunta? Itong mga drinks, oh!" tawag pa ng kaibigan pero hindi na siya lumingon pa. Mabilis na tinugpa ang kinaroroonan ng dalawang lalaki. Nakitang matamang mag-uusap ang mga ito sa gilid ng kanilang bahay. Kabisado na kasi ni Calix ang loob at labas ng bahay nila. Doon ay nakaupo ang dalawa sa sementong upuan at lamesa sa gitna ng harden ng kaniyang Mama.
May kadiliman doon kaya hindi rin siya pansin ng mga ito. Kaya malaya niyang naririnig ang usapan ng dalawa.
"Ano, kayo na ba ni Michelle?" diga ni Gian kay Calix.
Ngumiti lamang ang huli. Hindi malaman kung ano ang nais ipakahulugan ng ngiti nito.
"Wow, hanep! Iba ka 'tol!" gagad ni Gian. "So, kayo na nga?" paninigurado nito dahilan para tumango si Calix. "Naks, iba talaga ang guwapo," dagdag pa ni Gian na tila hangang-hanga kay Calix na napasagot ang isang magandang tulad ni Michelle.
Napatawa na lamang si Calix sa reaksyon ng kaibigan. Ito ang gusto rito, masyadong bilib sa kaniya regardless sa kaniyang kapansanan.
"Paano si Sam?" mayamaya ay dinig na tanong nito.
Napapitlag naman si Sam sa kaniyang pinagkukublian nang marinig ang kaniyang pangalan. Mas lalong binukas ang kaniyang tainga upang marinig mabuti ang isasagot ni Calix. Malakas ang pintig ng pulso at pagtahip ng dibdib.
"Maganda siya pero maldita. Kay Michelle na lamang ako. Maganda na mabait pa," wika ni Calix.
Dinig na dinig ni Sam ang sinabi ni Calix. Laking dismaya niya. Aalis na sana siya sa pinagkukublihan nang marinig pa ang hirit nito. "Ayaw kong magmahal ng babaeng araw-araw pinapamukha sa akin ang aking kapansanan," anito dahilan upang tumulo ang kaniyang mga luha saka tuluyang umalis sa pinagkukublihan sapo ang kaniyang luhaang mga mata.