Chapter 22: Denying His Feeling

2301 Words
Nabigla si Samantha dahil pagpasok sa opisina ng asawa ay hindi niya inaasahang makikita ang tagpong iyon. Gustuhin man niya sanang bumalik pero nakita na siya ng babaeng kayakap ng asawa. "Ops! Sorry," mabilis na hingi ng paumanhin. "It's okay," mabilis namang tugon ng babae sabay ngiti sa kaniya na sinuklian naman niya ng ngiti kahit sa loob-loob ay tila nagwawala ang puso. "I don't mean to interrupt you, guys. Anyways, iiwan ko na lang itong dala ko sa labas," aniya sabay taas sa bitbit niyang paper bag. Talagang iniiwasan niyang hindi mapatingin kay Calix. Maging si Calix ay nabigla sa biglaang pagdating ni Samantha sa opisina niya. Nang marinig ang tinig nito ay agad siyang mapatingin. Simpleng plain tshirt, skinny jeans at sneakers shoes ang suot nito pero napakaganda at seksi nito. "She seems she is playing her role," parunggit ni Geraldine pagkalabas ni Samantha sa opisina niya. Sa timbre pa lamang ng tinig ng kasintahan ay batid niyang nagseselos ito. "We're trying to be civil and you know become friends maybe," sagot niya rito na inabala ang sarili sa ilang files na nagkalat sa mesa. Batid na pinag-aaralan siya ng kasintahan dahil matiim itong nakatingin sa kaniya. Nakakapaso ang bawat titig nito ngunit mayamaya lamang ay nagpaalam na ito. "Okay, babe. See you tonight, I'm going. I know you're too busy," anito na hindi malaman kung nagpaparinig ba o hindi. Lumapit siya rito at niyakap ito buhat sa likod. "See you tonight, babe. I miss you," bulong niya rito at doon ay humarap ang kasintahan sa kaniya at hinawakan ang magkabilaang pisngi niya. "I miss you too," tugon nito kasabay ng isang pilyang ngiti ngunit sa mata nito ay banaag ang lungkot bagay na hindi malaman kung bakit. "Are you sure, you're alright?" tanong pa bago ito hayaang umalis. Malawak ang pagkakangiti ng kasintahan pero iba ang lamlam ng mga mata nito "Yes, babe. I will wait you for tonight. I'll cook your favorite food," anito. "Thank, babe," tugon naman dito saka ito tuluyang umalis. It was very unsual to Geraldine to take a week leave without any reason, kaya masyado siyang nababaghan pero gayun pa man ay na-excite siyang malaman kung ano ang dala ni Sam sa kaniya. Mabilis na tinungo ang pintuhang nilabasan ni Geraldine at nang masumpungan ang mesa ng isa niyang staff ay agad namam itong tumayo at nilabas ang paper bag na kawangis ng bitbit ni Samantha kanina. "Sir, pianbibigay po ng asawa niyo," anito dahilan upang mapamata siya rito bagay na napansin nito. "Well, sabi kasi ni Ma'am. Sabibin kong pinabibigay ng asawa niyo," ulit nito. Napakunot-noo siya dahil hindi alam kung ano ang nais iparating ni Samantha sa pagsasabi noon sa kaniyang staff. Ngunit anuman ang nais iyon ay minabuting magpasalamat na lamang sa empleyado saka kinuha sa opisina ang paper bag. Pagbukas noon ay nakitang lutong pagkain. Napapangiti siyang naiiling nang makitang mukhang masarap naman ang pagkakaluto ni Samantha. Hindi tuloy niya maiwasang maalala ang sinabi ni Geraldine sa kaniya kanina. 'She seems she is playing her role.' "Hindi ka siguro mabubusog kung tititigan mo lamang ang pagkain mo?" tinig buhat sa may pintuhan niya. Nakitang si Rachell iyon at may dalang ilang papeles sa kaniya. "Looks yummy," anang pa nito nang makalapit sa kaniya. Napangiti na lamang siya. "Do I need to sign those papers?" tanong dito. Tumawa si Rachell. "Pwede rin namang mamaya na, kainin mo na muna ang pagkaing dala ng asawa mo," anito na tila diniin ang huling dalawang salitang binigkas. "Anyways, I know boss kita at empleyado mo ako pero naging magkaibigan na naman tayo hindi ba?" maang nitong tanong dahilan upang mapabaling siya rito. Nagkatinginan sila nito. Kilala niya si Rachell, very active ito sa church at very conservative ang paniniwala sa mga bagay-bagay. "Hindi sa nangingialam ko pero ayos lang ba sa asawa mo na—" putol na wika nito na hindi alam kung papaano itutuloy ang sinasabi. "There are things na mahirap i-explain sa ngayon pero alam kung tama angg ginagawa ko," mariing turan. Napangiti ito saka nilapag sa harapan ang papeles na dala. "Well, sana nga ay alam mo ang ginagawa mo. Anyways, congrats sa team dahil successfull ang unang research natin," bati nito na kinangiti niya. "Oh, alis na ako. Kainin mo na iyan bago pa mapanis," biro nito saka natatawang umalis sa opisina niya. Maging siya man ay natawa sa hirit nito kaya mabilis na kinuha ang kubyertos na kasama sa pabaon ni Samantha sa kaniya. Unang subo ay napangiti siya sabay iling. Mukhang masarap naman itong magluto. Parang gustong magsisi si Samantha sa kapangahasang ginawa. Wala kasi siyang magawa kanina sa bahay nila kaya naisipang iluto ang mga pinamili ng mga magulang noong pansamantalang tumira doon. Sayang din naman kasi kung itatapon niya at dahil bored na bored siya ay naisip niya na ring puntahan ang asawa. Hindi niya kasi maiwasang isipin na baka panahon na rin naman para magtrabaho siya pero paano siya magtatrabaho kung wala siyang natapos. Hindi tuloy niya maikumpara ang sarili kay Michelle at kay Geraldine. Dahil pinatay na rin ang cellphone gawa ng ayaw niya munang pagambala kay Gilbert kaya mas lalo siyang nabagot. Ngunit hindi naman niya inaasahang may eksena pa siyang masasaksihan sa opisina ni Calix. Pilit naman niyang winawaglit at pinagsasabihan ang sarili na hindi siya pwedeng mahulog sa asawa pero tila mas lalo siyang pinagkakanulo ng puso. Buti nga at nagawa pang makipagplastikan kay Geraldine kahit sa totoo lang ay gustong-gusto niya itong sabunutan. Kaya pagkalabas sa opisina ni Calix ay deretso lamang siya sa mesa ng staff nito at iniwan doon ang dala. "Pakibigay nalamang sa boss niyo. Pakisabi galing sa asawa niya," pormal ang mukha kaya kitang tahimik ang babae na marahil ay nakikiramdam din sa kanilang tatlo. Hindi na niya hinintay itong magsalita bagkus ay halos patakbo siyang nilisan ang buong building ng mga Gonzalves. Pagkababa ay agad na pumara ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na mall. Dumeretso agad siya sa sinehan dahil gusto niya ng tahimik na lugar at madilim. Hindi naman niya inaasahang sa pelikulang may temang kabit pa ang papanoorin dahil nang tanungin siya ng staff ay sinabing kahit anong movie na available sa oras na iyon. Ayaw na niyang maghintay dahil tila anumang oras ay tutulo na ang kaniyang luha sa hindi malamang dahilan. "Buwisit!" hindi mapigilang bulalas nang tuluyang sumungaw ang luha buhat sa mga mata. Mas lalo pang napaluha nang marinig ang pinapanuod na pelikula. Kung saan ay tinanong ng kabit kung hanggang kailan ito makikihati sa legal na asawa nito. Para kasing napaka-irony lamang dahil ito pa talaga ang may ganang magtanong samantalang siya naman ang kumabit. Mas lalong bumuhos ang luha niya nang bigla ay may nag-abot sa kaniya ng panyo. Pagtaas ng mukha ay nakita niya si Gregorio. "Greg?!" maang na wika. Ngumiti ang lalaki sa kaniya. "Yes, the one and only! Nakita kita kanina sa labas kaya lang mukhang nagmamadali ka kaya sinundan na kita," anito dahilan upang mapabaling-baling siya. Wala naman siyang nakitang kasama nito o ka-date bagay na napansin nito. "Mga officemate ko ang kasama ko kaya lang ay ibang movie ang dapat papanoorin namin pero sinundan kita," saad nito bilang kasagutan sa kaniyang mga hindi masabing katanungan. "Masyado bang nakakaiyak manood ng mga kabitan sa panahon ngayon?" hirit nitong natatawa. "Hindi ko nga alam na sa ganitong movie ako mapupunta!" saad niya sabay abot sa panyong binibigay nito. "Buti palagi kang may panyo, sa panahon ngayon wala na yatang nagamit ng ganito," turan dito. Tumawa ito. "Pasmado kasi palad ko kaya palagi ako may panyo. Kaya iyan, puno na ng pawis ng palad ko," biro nitong natatawa dahilan upang ibato rito ang panyo. "Nakakainis ka!" aniya rito. "Sus! Sa guwapo kong ito, maiinis ka pa talaga," kumpiyansang wika nito dahilan upang mapangiti na rin. "Siguro kaya ka inayawan ni Eloisa dahil sa pagiging mahangin mo!" busangot na turan dito. Kahit papano ay nalibang siya sa pagtatagpo nila nito. "Hep! Correction lang, minahal niya ako dahkl sa pagiging masayahin ko. Hindi mahangin ang tawag doon. Masyado lang kaming childish o sabihin nating bata talaga noong panahon na iyon. Anyways, I heard na may boyfriend na ito," wika nito. "Ay, wow! Updated?" tudyo sabay kuha sa hawak nitong nachos. Sa kamamadali kasi kanina ay hindi na siya nakakuha pa ng mangangata. Tumawa ulit ito. "Hindi naman, we're trying our best as co-parent sa anak namin. Beside, magkaibigan naman kami," anito. Iyon ang gusto rito kahit medyo nakakadala ang lakas ng hangin na dala nito ay mukha namang nag-mature. "Hanep! May ganoon ka palang nalalaman ah," sabad rito. "Of course! Ikaw ba? Bakit parang crying lady ang peg mo kanina?" usisa nito dahilan upang matigilan siya. Kaya lang wala pa siyang lakas ng loob para sabihin sa iba ang kaniyang sitwasyon. "Wala lang, trip ko lang umiyak," busangot na turan dito. "Ah, akala ko kasi ay naiyak ka sa linya ng mga kabit?" tawa nitong sambit. Mainam na lamang at konti lamang ang tao sa loob ng sinehan. "Ha! Ha! Ha! So, funny!" aniya rito upang sakyan ang pagbibiro nito. Saka matiim na tumitig sa lalaking kasama. Nakatingin ito sa malaking screen habang ngumunguya ngunit batid na nakikiramdam din sa kaniya. "Huwag mo akong titigan ng ganiyan baka ma-in love ka sa akin," anito dahilan upang matapik ito sa balikat. "Kung alam ko lang na titino ka noon ay baka inagaw kita kay Eloisa," nakangiting turan dahilan upang bumaling ito sa kaniya na noon ay seryoso na ang mukha. "Malay mo, hindi lang talaga tayo noon pero tayo pala sa huli," anito dahilan upang tapikin ito. "I'm serious," dagdag nito na noon ay kitang seryoso na. Pilit siyang napangiti sa sinabi nito saka naalala sila Calix at Geraldine. Nang matapos ang pelikulang iyon kahit hindi naman talaga sila nanuod ni Greg ay niyaya siya nitong magtungo sa isang bar. Masarap kakuwentuhan si Greg, kahit papaano ay nawawala sa isipan ang asawa at ang kasintahang si Gilbert. "Alam mo, sana ganito lang ka-simple ang buhay. Masaya lang at wala kang iniintindi," hirit ni Greg sa gitna ng naglalakasang tugtog sa loob ng bar. Napangiti siya, masyado yatang dinidibdib ng lalaki ang kaseryosohan nito. "Tama ka pero life is too complicated. Buti ka pa nga kahit ganoon ang nangyari sa inyo ni Eloisa ay may maayos ka pa rin namang buhay at trabaho," aniya rito. Hindi katulad niya na walang alam gawin. "Bakit ikaw, wala ka bang trabaho?" anito matapos tumungga ng hawak na beer. Umiling siya. "Masyado kong in-enjoy ang buhay, wala akong natapos tapos malalaman ko na lang na palubog na pala ang kompaniya namin," malungkot na sambit. Kitang muling napatingin si Greg sa kaniya. "If you want, ipapasok kita sa kompaniya namin. Sa galing mong mambula tiyak na kaya mo ang trabaho," anito dahilan upang sikuin ito. "Ewan ko sa'yo! Ikaw lang yata ang eksperto diyan!" buwisit na turan dito saka tumawa. "Cheers!" anito sabay taas sa hawak na beer. "Well, sa ganda mong iyan marami kang mabubulang client. Sa trabahong meron ako ngayon, iyon lang naman ang puhunan ko," turan nito saka napatawa. "Call me if you want," anito sabay lapag ang calling card nito. "Sure," aniya sabay tungga sa hawak na beer. Hindi tuloy niya namalayan na madaling araw na pala. Kaya nang alukin siya ni Greg na ihatid ay hindi na siya nag-hesitate at tinanggap agad kaysa naman mag-taxi siya. Pasado alas onse na nang makauwi si Calix sa bahay nila. Latag ang kadiliman maging ang patio nila ay walang ilaw at tanging liwanag sa poste sa daan. May kabang umahon sa dibdib dahil tila wala tao sa bahay nila. Nag-alala tuloy siya kay Samantha kaya agad na tinungo ang silid nito. Nakailang katok siya. Inisip na baka natutulog na ito ngunit hindi pa rin siya kumbinsido kaya sinubukan niyang pihitin ang seradura nito at bumukas naman. Madilim na ang silid batid na walang tao roon. Binuksan ang ilaw at nakumpirmang walang nga roon si Samantha. Mabilis na hinalughog ang buong kabahayan nila pero wala ito. Naging mapang-usisa at agad na tumawag sa security at sinabing hindi pa nabalik mula nang tumawag ito roon upang magtawag ng taxi. Napasapo siya ng ulo. Hindi alam kung saan ngayon hahanapin ito kaya naisipan niyang maghalughog sa gamit nito at doon ay kita sa side table nito ang nakapatay na cellphone nito kaya batid niyang mas mahihirapan siyang hanapin ito. Wala siyang nagawa kundi ang bumaba sa sala at doon ay hintayin ito. Tinanggal ang kaniyang sabatos at hinubad ang kaniyang long sleeve. Sumandal sa sofa at pilit na kinakalma ang sarili. Nakailang iwas siya kay Geraldine dahil iniisip ito tapos hindi pala ito madadatnan sa kanilang bahay. Dahil sa pagod ay hindi namalayang napaidlip siya at nang maalimpungatan ay tila may sasakyang tumigil sa tapat ng kanilang bahay. Mabilis siyang napasilip at kitang umibis buhat sa sasakyan si Samantha at mukhang nakipagharutan pa sa kung sinumang may-ari ng sasakyan na iyon. Bigla ay tila umakyat lahat ang dugo sa ulo. Nakitang marahan itong naglakad patungo sa hagdan nang magsalita siya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" pasitang turan sa babaeng nasa may paanan ng hagdan. Mabilis itong napatingin sa kinaroroonan niya. "Sorry, medyo late akong umuwi," tanging namutawi sa bibig niya. Ayaw niya kasing mahalata pa nitong medyo tipsy siya. "You're not late, maaga na nga eh," patuyang wika ni Calix sabay bitbit ng sapatos at paikang lumapit kay Samantha na noon ay nakayuko. "Alalahanin mong inihabilin ka nila Papa at Mama sa akin, sana ay hindi na maulit ito!" malamig na turan saka nilampasan ito. Gustuhin mang pagalitan ito pero mukhang wala siyang karapatang gawin iyon dahil kasal lamang sila sa papel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD