Chapter 23: Hidden Feelings

1962 Words
Hindi nakaimik si Samantha sa parunggit na iyon ni Calix. Ngunit mayamaya ay hindi niya naiwasang mapangiti sa ideyang naglalaro sa kaniyang isipan. Napatingin siya sa likod nitong papanhik sa itaas. Sa tinig kasi nito ay bakas na nagpipigil ito ng inis sa pag-uwi niya ng mag-uumaga na. Hindi maiwasang lingunin ni Calix ang asawa pagdating sa itaas at doon ay nakitang nakangiti pa ito dahilan upang mapakunot-noo siya. Nang mapansin siya nitong nakatingin ay mabilis itong nagbaling ng tingin. Halos mapamura si Samantha sa sarili nang pagtingin kay Calix ay nakitang nakatingin na pala ito sa kaniya. Parang gusto niyang magsisi sa ginawang pagngiti, nahuli pa tuloy siya. "Hindi ka pa ba inaantok?" mayamaya pa ay dinig na tanong nito buhat sa itaas. "Sabagay, mukha namang nag-enjoy ka sa kasama mo," hirit pa nito saka tuluyang tinungo ang silid nito. Nang makumpirmang wala na doon si Calix ay napangiti siya. Tama ang hinala kanina, mukhang nagseselos si Calix. 'Tuwang-tuwa ka naman?' sabad ng isipan. Napabuntong-hininga na lamang siya saka nagsimulang ihakbang ang mga paa pataas. Maayos pa naman siyang nakakalakad kaya mabilis na narating ang ikalawang palapag kung saan naroroon ang silid. Mabilis na tinalunton ang pasilyo patungo sa silid nang matapat sa silid ni Calix ay napahinto siya nang makitang hindi masyadong lapat ang pintuhan nito. Masyado siyang naagaw niyon at hindi napilitang lumapit. Nang biglang masilip ang hubo't hubad na katawan nito. Para siyang natauhan sa nakita at nagmamadaling tinungo ang silid. Pagkapasok sa pintuhan niya ay halos mapa-antanda siya. Hindi naman niya sinasadyang sumilip pero hindi naman niya inaasahang masisilip itong walang saplot. Talagang pinagpawisan sa nakitang tanawin sa silid ng lalaki. Ilang beses na rin niyang nakita ang katawan ni Gilbert pero hindi ganoon kalakas ang epekto sa kaniya. Naihilamos ang dalawang palad sa mukha baka sakaling mahimasmasan siya pero kahit saan ibaling ang tingin ay nakikita ang hubad nitong katawan. "Oh, no! Huwag mong sabihing pinagnanasahan mo pa siya ngayon!" sermon sa sarili. Mabilis niyang tinungo ang banyo niya upang mag-imis. Nang mahubad lahat ang saplot ay hindi maiwasang titigan ang hubad na katawan sa salamin. Maganda siya at seksi pero bukod roon ay wala na siyang maipagmamalaki kagaya nila Michelle at Geraldine. Laglag ang balikat na tinungo ang shower room. Wala siyang oras para mag-self pity sa kaniyang buhay ngayon kaya mabilis na nag-shower upang makapagpahinga na muna. Kinabukasan ay muli siyang napabalikwas ng gising. Mabilis na pumanaog ng hagdan pababa sa kusina at nang masipat ang orasan ay napabuntong-hininga na lamang siya dahil tanghali na naman pala siyang nagising. Alumpihit na naglakad patungo sa fridge at tinignan ang laman noon. Nilabas buhat doon ang loaf bread dahil naisipan niyang gumawa na lamang ng light breakfast tutal ay siya lang naman mag-isa. Ngunit hindi pa man siya nakakahuma sa pagkakasara sa fridge nang marinig ang tinig ni Calix. "Good that you're awake, akala ko ay matutulog ka na maghapon," anito dahilan upang mabilis siyang mapalingon dito. Kung siya ay nagulat sa biglaan nitong pagdating. Ito naman ay nagulat sa hitsura niya. 'Shocks!' palatak niya sa isipan nang mapagtanto ang katangahang nagawa. Mabilis na niyakap ang sarili bago pa pagsawaang tignan ni Calix. Nakasuot lang kasi siya ng silk spaghetti strap nighties na hanggang kalahating hita ngunit ang dahilan ng pagyakap sa sarili ay wala siyang suot na bra kaya bakas ang kaniyang pasas sa suot. Siya man ay nabigla sa lalaking inakalang nasa opisina o laboratoryo na nito. Iyon pala ay nag-jogging lang ito. Topless at tanging ang suot na jogging pants at maliit na tuwalya sa balikat. Mas lalong nagwala ang kaniyang pasas nang maalala ang tagpong nasilip sa silid nito kagabi. "Ah—akala ko pumasok ka na?" medyo nauutal na wika upang maibsan ang katahimikan at nararamdamang pagkailang sa sandaling iyon. "Saturdays, I have an apointment out but maybe just a couple of hour," imporma ni Calix sa asawa. Lumakad siya papalapit sa fridge at kita ang titig ni Samantha sa kaniya. Pilit niyang kinukontrol ang sarili na huwag niyang mahila ito at halikan dahil iyon ang nais gawin nang bigla itong mabungaran sa kusina. Grabe ang pagwawala ng dibdib ni Samantha lalo na sa paglapit ni Calix sa kinaroroonan. Bahagya siyang umusod at piniling tunguhin na lamang ang coffee maker at ang toaster upang makagawa ng almusal niya. Hindi maiwasang pagmasdan ni Calix ang likod ni Samantha buhat sa kinatatayuan. Batid niyang pinapakiramdaman din siya nito dahil bahagya itong natigilan sabay baling ng ulo sa kaniya. Mabilis niyang binalik ang tingin sa fridge bago pa siya mahuling nakatingin dito. "Did you had your breakfast?" tanong niya kay Calix. Ramdam niya kasi ang nakakapasong titig nito sa kaniyang likuran. "Yeah," simpleng tugon dito. Nagkita kasi sila ni Sean sa park kung saan sila madalas magkita tuwing Sabado. "Okay," tanging nasambit na lamang saka binalik ang tingin sa kape at tinapay na kahahango niya sa toaster. Hindi alam kung ano ang mararamdaman sa sandaling iyon. Natatakot siya sa sariling damdamin dahil baka sa luhi ay muli na namang maiwang luhaan. "Ahemmm!" tikhim ni Calix ang pukawin ang pansin ni Samantha. "Yes?!" gulat na sambit ni Samantha sa pagtikhim ni Calix sa kaniyang mismong likuran. Muli ay dinaluyon ng kakaibang init ang buong katawan. Langhap ang mabangong katawan nito kahit pa galing sa labas. "Calix?!" aniya nang maramdaman ang mainit na palad nito sa kaniyang balikat. Hindi malaman ni Calix kung paano at ano ang nagtulak sa kaniyang lapitan si Samantha, basta namalayan na lamang na nasa likod na siya nito at hinawakan ang makinis nitong balikat. May takot sa tinig nito sa kaniyang ginawa. May nagtutulak kasi sa kaniyang gawin iyon, gusto niyang malaman kung kahit konti ba ay may damdamin din ito sa kaniya. Teenager pa lamang sila ay nasa isipan na ang katanungang iyon, na hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang sagutin. Napakalayo nito at tila ba kay hirap niyang abutin kahit ngayong asawa na niya. "Calix?" ulit ni Samantha nang bigla siya nitong halikan sa labi. Halos manlaki ang mga mata sa kapangahasang ginawa ni Calix ngunit hindi siya tumutol. Nanabik ang pusong uhaw at ninamnam ang halik na ginagawad sa kaniya ni Calix. Nagsusumigaw ang puso ngunit tila nahimasmasan nang bigla siyang bitawan nito. 'Samantha,' nagsusumigaw na damdamin sa kaibuturan ni Calix. Alam niya aa sarili niya si Samantha. Sabagay, noon pa man ay mahal na ito. Alam iyon ni Gian pero kagaya ng isang bituin na mahirap abutin. "I'm sorry," sambit nang bitawan ito. Masyado siyang nadala sa kaniyang damdamin. Naguguluhan ang mga matang napatingin sa mata ni Samantha na noon ay nagsisimulang mag-ulap. "I—I have to go, I have an appointment at lunch," pagbibigay alam kay Samantha saka nagmamadaling lisanin ang kusina. Hindi naman napigilang tumulo ang luha ni Samantha. Luha ng panghihinayang dahil inakalang lagustuhan din ni Calix ang paghalik nitong iyon sa kaniya tapos maririnig ang salitang sorry dito bagay na nagpatulo ng luha niya. At luhang tanda ng pag-amin na tuluyang nabuhay ang damdaming matagal na panahon niyang pilit ibinaon sa kaniyang nakaraan. "Anong ginawa mo?!" sermon ni Calix sa sarili pagkapasok sa silid. Hindi niya inaasahang mangangahas siyang gawin ang bagay na ginawa kanina. Napaupo siya sa gilid ng kama at sinapo ang mukha. Mahal niya ang kasintahan pero sa kaibuturan ng puso ay naroroon ang pag-asam na mahalin din siya ng asawa. Iba pa rin ang damdaming pinupukaw ni Samantha sa kaniyang puso. Ito iyong pagmamahal na kay hirap niyang limutin, iyong tipo ng pagmamahal na maraming what ifs. Paano kung subukan nila? Paano kung sila pala? Paano kung mas mahal din siya nito? Paano kung mas magiging masaya sila sa piling ng isa't isa. Ngunit bago pa mapunta sa kung saan ang isipan ay mabilis na tinungo ang kaniyang banyo upang maghanda na sa kaniyang meeting sa labas. Pagkapanhik ni Calix sa silid nito ay siyang dating ng Mommy nito. "Good morning," nakangiting bati nito sa kaniya na noon ay akmang papanhik na rin sa silid upang magbihis. "Mom?" tila may gulat na bati rito na kinatawa ng ginang. "Sorry, nagulat ba kita?" "Hindi naman po, nagulat lang ako sa biglaan—" putol niyang wika nang sumabad ito. "Bukas kasi ang gate at ang pintuhan niyo. Well, I know it's a gated community pero mainam pa rin naman ang mag-lock," paalala nito. Napangiti siya, naalala ang asawang kapapasok lamang. "Ah, kapapasok lang po kasi ni Calix," bigay alam niya rito. "Ganoon ba? Buti naman at hindi pumasok ang batang iyon?" maang pa nito. Napangiti na lamang siya bilang tugon sa sinabi ng ginang. "May plano ba kayong puntahang mag-asawa ngayon?" dagdag pang tanong nito. "Po?!" maang niyang tugon. "Ah, wala naman po. May meeting daw po siya," turan na lamang. "Hay, naku! Ang batang iyon talaga, masyadong workaholic. Dapat ay nag-e-enjoy pa kayo ngayon bilang mag-asawa. So, ayos ka lang naman ba dito, hija?" usisa pa nito. Halos hindi siya makaimik sa mga sinasabi ng ginang na tila hindi nito alam ang mga kasunduan para lamang masagip ang negosyo nila mula sa pagkalugi. "Ayos naman po, Mommy," aniya na pinilit na lamang ngumiti. "Tutal ay abala ang anak ko ay ako na muna ang magyaya sa'yong lumabas," masiglang wika na nito. Maging siya ay napangiti ng tudo. Kahit papaano ay hindi siya mabu-bored maghapon. "Talaga, Mommy?" masayang turan dito. "Yes, kahit saan mo gusto but I think mas mainam kung sa spa o parlor tayo. Mukhang kailangan ko ng masahe at magpaganda," natatawang wika nito. "Naku, tiyak na mahuhumaling si Daddy niyan sa inyo?" hirit dito na kinatawa naman ng ginang. "Well, gusto ko ring mahumaling lalo ang anak ko sa'yo," natatawang wika nito na siyang kinatigil niya. "Gusto ko ng maraming apo," hirit pa nito. Nanlaki ang mga mata sa hirit na iyon ng ginang nang marinig ng tinig buhat sa may hagdan. "Mom?" sabad ni Calix nang maulinigan ang usapan ng ina at ni Samantha. Dahilan upang mabaling sa direksyon niya ang mga mata ng dalawang babaeng importante sa buhay niya. Halos mapasinghap si Samantha ng marinig ang tinig ni Calix. Agad na napalingon sa direksyon kung saan ang tinig at doon ay kita ang napakakisig na asawa. Ibang-iba kay Gilbert na isang tshirt at tattered pants ang suot. Calix is a perfect example ng isang dignified businessman sa suot nito. "Tama naman, anak. Ikaw din, you have to slow down and start working how to build a family. Ang pera nandiyan lang iyan pero ang pagkakataong kasama ang asawa mo ay mahirap nang ibalik," sermon na ng ginang kay Calix. Tuluyan itong nakababa ng hagdan saka lumapit sa kinatatayuan nila. Muli ay napayakap siya ng sarili nang makitang napatingin ito sa kaniya na agad rin naman nitong binaling sa ina. "Thank you, Mom. I will," anito sabay baling sa kaniya. Napalunok siya sa narinig na sinabi nito. Hindi alam kung sinabi lang ba nito iyon upang tumigil na ang ina o gusto lang nitong malaman ang reaksyon niya. Nang makitang hindi na makatingin si Samantha sa sinabi ay nagpaalam na siya sa ina. "I have to go, Mom. Thank you," paalam nito sa ina. Saka mabilis na binalingan si Samantha at humalik sa pisngi nito bilang paalam. Gulat at naguguluhan si Samantha sa huling ginawa ng asawa ngunit hindi noon maikukubli ang sayang nadarama. Sa simpleng halik ng pamamaalam nito upang magtungo sa trabaho ay tila nagampanan ang isang responsibilidad niya bilang asawa. "See, sweet din naman ang anak ko, hindi ba?" bulalas ng ginang ng makaalis ang anak nito. Natawa na lamang siya sa hirit nito saka nagpaalam upang makapag-ayos upang makaalis na sila sa kanilang spa adventure ng kaniyang mother-in-law.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD