Mabilis na dinaluhan ni Samantha si Calix nang makitang matutumba ito. Tila nawala ang antok nang maglapat ang kanilang katawan.
"Bakit ka naman kasi naglasing!" hindi mapigilang turan. Nahirapan siyang alalayan ito dahil malaking bulas si Calix idagdag pang nanghihina siya dahil naaantok pa siya. Bumangon lamang siya dahil tila matutuyuan ang lalamunan kaya kahit tamad bumaba sana ay pinilit niyang tumayo.
Dinig pa ni Calix ang sinabing iyon ni Samantha. Mabuti na lang pala at nakauwi pa siya bago tuluyang tablan ng kalasingan dahil nang makita si Samantha ay biglang nanghina ang mga tuhod. Mabilis siya nitong sinalo kaya imbes na umayos ng tayo ay mas lalo siyang yumakap dito.
"Calix!" tapik nito sa kaniya. "Calix!" untag ulit nito sa kaniya.
"Hmmm!" tanging ungot dito.
"Ihahatid na kita sa silid mo pero hindi kita kayang buhatin kaya maglakad ka!" anitong may halong inis pero napangiti siya ng lihim sa sinabi nito.
Inihakbang ang mga paa patungo sa silid. Ramdam niya ang mahigpit na hawak ni Samantha sa kaniyang likod upang hindi siya mabuwal. Ramdam na ramdam ang init ng katawan nito, para tuloy siyang sinisilihan.
Pagpasok nila sa silid ay inalalayan pa rin siya nito patungo sa silid. Nang ilalagay siya nito sa kama ay hindi binitawan ang yakap na baywang nito dahilan upang masama sa kaniya sa pagkakahiga sa kama.
"Ay! Calix!" tili nito sabay palo sa kaniya. Hindi niya sinalag ang mga palo nito pero nang makaapat na palo na ito gamit ang mga kamay ay mabilis na sinalo ang palad nito. Hindi alam kung ano ang nagtulak sa kaniyang bigla itong hilain nang mahawakan ang magkabilaang pulsuhan nito.
"Ayyyy!" malakas na tili ni Samantha sa ginawang iyon ni Calix lalo pa at napadapa siya sa ibabaw nito. Akma siyang babangon nang agad siya nitong yakapin.
"Please stay," anito na tila ba nakikiusap. Awtomatikong napatingin siya sa mukha nito at nakitang nakapikit ito. Mukhang lasing nga ito at hindi alam ang ginagawa. Isip siguro nito na siya ang kasintahan nito. "Stay please, Sam," anito dahilan upang matigilan siya.
Hindi ba siya dinadaya ng kaniyang pandinig. Tinawag pa ba siya nito? Hindi tuloy siya nakahuma at sinandig ang ulo sa malapad nitong dibdib hanggang sa naramdaman ang masuyo nitong paghagod sa kaniyang buhok.
Napapaisip tuloy siya kung lasing nga ba ang lalaki o hindi. "Calix?" mahinang tawag dito.
"Uhmmmm!" tugon nito habang panay ang hagod nito sa buhok.
"La—lasing ka yata? Babalik na ako sa silid ko," nauutal na wika rito.
Namayani ang mahabang katahimikan. Wala nang tugon buhat dito at tumigil na rin ito sa paghagod sa kaniyang buhok pero ramdam na ramdam ang pagtaas-baba ng dibdib nito. Napatingala siya at tinignan ang mukha nito. Tila nais bawiin ang mga mata nang magtama ang kanilang paningin.
Nang bigla nitong hapitin ang magkabilaang pisngi niya at siilin ng marubdob na halik. Halos hindi siya nakapalag at hindi man lang nagawang itulak ito hanggang sa ito mismo ang bumitaw sa kaniya.
Gusto itong sampalin sa kapangahasang ginawa pero maging ang mga kamay ay tila ayaw gumalaw o umigkas upang sampalin ito. Nakailang lunok siya sa labis na tensyong nananahan sa puso sa sandaling iyon. Mabilis siyang lumayo rito saka nag-iwas ng tingin. Batid na nakatingin pa rin si Calix sa kaniya kaya hindi maiwasang kabahan.
Nang tatayo na siya ay agad nitong hinawakan ang kaniyang braso upang pigilan siya. "Hindi ito tama. May....may....may kasintahan ka na!" madiing wika niya saka iwinaksi ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang braso. Pagkatapos siyang mabitawan nito ay dali-dali siyang lumabas ng silid nito para makaiwas bago pa siya ipagkanulo ng sariling katawan.
Naihilamos ni Calix ang dalawang palad sa mukha dahil para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Samantha. Tama ito, may kasintahan siya. Muntik na siyang makalimot ngunit sa kaibuturan ay may malaking panghihinayang. Nasa bisig na niya si Samantha pero nagawa pa rin niyang palayain ito.
Napayakap si Samantha sa sarili nang makalabas sa silid ni Calix. Halos manginig ang mga tuhod, hindi niya inaasahang sa nangyaring iyon sa kanila ni Calix ay muling magugulo ang puso at isipan.
Dinidikta ng isipan na isipin si Gilbert pero ang pusong suwail ay handang lumimot para sa pagkabuhay ng natatagong damdamin. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Pilit pa ring kinakalma ang sarili lalo na ang pusong tila nagwawala sa mga pangyayari kanina sa pagitan nila ni Calix.
Nang mahamig ang sarili ay mabilis na tinalunton ang daan pabalik sa silid. Imbes na magtungo sa kusina ay hindi na dahil tila napunan ang panunuyo ng lalamunan niya sa nakakalasing na halik ni Calix kanina sa kaniya.
Hindi napigilang haplusin ang labi. Napapikit siya at pilit inalala ang halikan nila kanina. Parang nagsisi pa siyang iniwan ito agad. "Samantha! Hindi ka pwedeng ma-in love sa kaniya! For sure, sa huli ikaw pa rin ang talo!" sermon sa sarili habang nakatingin sa kesame.
Ayaw niyang dumating siys sa puntong ma-in love na naman siya rito tapos sa huli ay maiiwan siyang luhaan. Alam niya kung gaano nito kamahal ang kasintahan nitong si Geraldine at ngayon pa lamang ay kinukondisyon na niya ang sarili na baka maulit ang nakaraan.
Sa kaiisip ay hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.
Pagkagising ay agad siyang napabalikwas. Mabilis na tumaba at nakitang maayos ang kusina nila at walang bakas ni Calix. Mabilis na sinipat ng paningin ang orasang nakasabit sa pader at kitang pasado alas dies na iyon. Marahil ay nasa opisina na ang asawa niya o nasa laboratory na ito.
Lulugo-lugo siyang bumalik pagpanhik sa kaniyang silid. 'Sabagay, hindi ko naman siguro obligasyong paglingkuran siya,' aniya sa isipan. Sa isiping iyon ay hindi siya masyadong guilty sa hindi paghahanda ng almusal dito.
Pagkagising ni Calix ay agad siyang nag-imis. May meeting kasi sila ng staff niya para sa production ng ginawa nilang gamot kaya kailangan niyang pumasok kahit may hangover pa.
Paglabas ng silid ay nakita ang silid na inuukupa ni Samantha. Bahagya siyang napatingin doon bago tunguhin ang hagdan ngunit hindi pa man naihahakbang ang mga paa pababa sa hagdan ay muling binalik ang tingin sa silid ni Samantha. Tila ba may pwersang humahatak sa kaniya hanggang nalayang sinusubukan niyang pihitin ang seradora nito.
Hindi niya inaasahang magbubukas iyon. Naisip na lamang na marahil ay nakalimutan nitong isara. Pagsilip ay nakitang mahimbing itong natutulog kaya nagpasya siyang pasukin ito.
Maingat siyang naupo sa tabi nito at malayang pinagmasdan ang mala-hugis puso na mukha nito. Payapa at mahimbing ang tulog nito kaya nagawa pang haplusin ang mukha nito ngunit nang masipat ang oras ay kinakailangan na talaga niyang umalis.
Hinalikan ito sa noo saka nginitian ito. It wasn't normal but at least now, he know that Sam is his wife. "Sleep my princess," bulong saka tumayo.
Pagdating sa kaniyang opisina ay hindi maiwasang mapangiti. Magaan ang pakiramdam niya dahilan upang mapuna ng kaniyang buong team at staff.
"Great to see you smiling, Sir," puna ng head of research team niya.
"Thank you, Rachell," turan dito.
Mas lalo itong napangiti sa kaniya. "Well, kahit na sinong nasa honeymoon stage ay tiyak naman talagang mapapangiti kahit anumang sandali," pasimpleng hirit nito.
"Ha?!" gulat na sambulat.
"Sus! Si Sir, oh? Mukhang magbaba-blush pa!" tudyo pa ni Renz, isa sa kaniyang staff.
"Back to work?!" inis kunong utos sa mga ito upang makaiwas sa pang-aasar sa kanila.
Nang mayamaya ay bumabugin sila ng katok sa pintuhan at doon ay sumungaw ang magandang mukha ng kasintahang si Geraldine. Marami sa staff niya ang napatingin sa kaniya hindi dahil sa kung bakit laboratory nila ang babae kundi iniisip ma ng mga itong nagtataksil siya.
"Wait me in my office," aniya dahil hindi allow si Geraldine na pumasok sa loob ng laboratory roon nila. Sila nga ay naka-full gear PPE sila para maprotektahan ang katawan at ma-avoid ang contamination sa gagawin nilang formula ng gamot.
Mabilis na nagpaalam sa staff at sinabing tapusin na lamang nila ang kanilang ginagawa bago dumating ang kasintahan. Saka naman mabilis na sumunod rito na may pagtataka dahil hindi nito ugaling lumiban sa trabaho o umalis sa trabaho lalo pa at bago ito sa posisyon.
Pagdating sa kaniyang opisina ay kitang hindi ito mapakali. "Is there something wrong, babe?" tanong dito. Ngayon lang itong nakitang balisa.
Napatitig ito sa kaniya saka bumaling sa iba. "Wa—wala, babe! Na-miss lang kita," kaila nito pero base sa kilos nito ay tila may sasabihin itong hindi masabi.
"Are you sure, you don't want to say something?" giit dito. Natahimin ito saka umiling. Hindi na niya ito pinilit.
"Can you come to my place later?" anitong lambing sa kaniya. Pilit man nitong pagtakpan pero may nararamdaman siyang tila may mali sa kasintahan.
"Sure, after work. Don't you have work today?" tanong dito.
"I took a week off," anito dahilan upang mapabaling siya rito at pinag-aralan ang mukha nito.
"A week off? Why?" hindi maiwasang turan dito. Ngayon pa ba siya magpapabaya sa trabaho, kung kailan ay nakuha na ang dream job nito sa kompaniyang pinapasukan.
"Why not?" maang nito na nakangiti.
Pinilit na lang din niyang ngumiti. "Well, hindi lang kasi ako sanay, babe. Masyado ka kasing workaholic kaya hindi ko ini-expect na sasabihin mong naka-leave ka for a week," aniya.
Ngumiti lang ang kasintahan. "I just realized that I must give more time to our relation—" anito nang pigilan ito sa sinabi.
"Wait?! Are you doing this because of what's happening to us?" maang na sabad sa babae. Ayaw niya namang limutin nito ang pangarap dahil lamang sa kaniya.
Nakitang bumuntong-hininga ito saka umiling. "I just want to spend time with you," anito sabay yakap sa kaniya. Yakap na hindi na niya napahindian.