Chapter 20: My Wife Is My Housemate

2047 Words
"What do you want?" muling tanong ni Sam buhat sa loob ng silid. Nagulat talaga siya kanina dahil hindi inaasahang papasok si Calix sa kaniyang silid. Kaya kampante siyang lumabas kahit maiksi ang suot na tuwalya. Nang marinig muli ang tinig ni Sam ay mabilis na sumagot. "Ah, I just want to check on you. Akala ko kasi ay kung napaano ka na kasi hindi ka nasagot sa mga nauna kong katok," mabilis na depensa dito. Sa mga sinabi ay wala siyang nakuhang sagot buhat sa loob nang bigla iyong bumukas at niluwa ang magandang mukha ni Sam. "Akala ko ba'y aalis ka?" maang nitong tanong saka tumingin sa kaniya. "Hmmmp! Oo, dumaan lang ako para sabihing nakausap ko na ang head of security ng subdibisyon. Paiigtingin nila ang pagbabantay para masiguro ang siguridad rito," turan ni Calix. Siguro ay sapat na iyong paalala kay Samantha na hindi niya gusto kung makikitang naroroon ang kasintahan nito. Gustong mapataas ang kilay ni Sam pero mainam na rin iyon dahil wala siyang time para makipag-argumento kay Gilbert ngayon. Nang makitang natahimik si Sam ay nagpaalam na siya. "Sige, mauna na ako," paalam dito. "Sige, mukha namang hinihintay ka na niya," saad at halos natapik ang bibig sa kaniyang sinabi. Hindi niya inaasahang mabibigkas pala ang nasa isip. Maging si Calix ay nabigla sa sinabi nito ngunit agad ring lihim na napangiti. Hindi alam pero tila natuwa pa siyang tila may himig selos ang tinig ni Samantha. "Yes, actually kanina pa naghihintay si Gian," aniya saka mabilis na tinungo ang hagdan ngunit bago pa man siya humakbang pababa ay tumingin siga kay Samantha saka ngumiti. "Don't forget to lock your door specially your sliding door. I will be back soon!" anito saka mabilis na bumaba. Natitigilang nakatingin lamang si Samantha sa lalaking paalis. Nasa main door na ito ngunit nakatingin pa rin siya hanggang sa bigla itong bumaling at napatingala sa kinaroroonan. Bigla ay nabahala siya dahil mukhang nahuli pa siya nitong tinitignan ito. Mabilis na nag-iwas ng tingin at pumasok na sa silid. Pagkapasok ay napasandal sa pintuhang pinasukan na tila ba nakini-kinitang nakatingin pa rin ito sa kaniya. Parang gustong pagalitan ang sarili dahil hindi alam kung ano ang gagawin sa tuwing nasa paligid si Calix. Nang maalala ang sinabi nitong magkikita sila ni Gian ay naalala ang kaibigang si Anne. Mabilis na tinungo ang kinaroroonan ng cellphone upang tawagan ito ngunit bago pa man pindutin ay napaisip siya. Hindi kaya masyadong halata na gusto lamang niyang kumpirmahin na tama ang sinabi ni Calix. 'Nagseselos ka ba?' aniya sa isipan bagay na pumipigil na tawagan ang kaibigan. Akmang ibababa na ang cellphone nang tumunog iyon. Noong una ay inakalang si Gilbert pero nakitang si Anne ang tumatawag. Mabilis na sinagot ang tawag nito. "Hello?" "Good evening sa ating bagong kasal? So, kumusta naman dalawang araw mo matapos kang maging Mrs. Gonzalves?" nakatawang wika ni Anne. Batid na nagsisimula na naman itong manudyo. "Ayos lang naman," aniya na sinundan ng malalim na buntong-hininga. "Ay, wow! Ang lalim noon, bakit parang hindi ka naman masaya?" anito. "Don't worry, hindi naman sila magtatagal ni Gian. Babalik din agad iyon dahil sinabi kong huwag masyadong pagabihin si Calix dahil alam mo na, pangatlong gabi niyo pa lang at alam kong sabik kayo sa isa't isa," mahabang litanya nito na tila ba walang preno ang bibig. Gustuhin mang sawayin ang sinasabi ng kaibigan pero piniling itikom na lamang ang bibig. Sa sinabing iyon ay nasagot naman ang dapat ay nais alamin dito kanina. "Mukhang natahimik ka diyan?" puna pa ni Anne sa kaniya. "Wala naman, kumusta naman kayo ni Gian?" baling na lamang since ngayon lang ulit sila makakapag-usap ng matagal-tagal. "Ayos naman kami, hanggang ngayon naman ay sweet pa rin ang loko. By the way, kayo ni Calix? Kumusta naman kayo, hindi mo man lang nabanggit sa akin na nagkita pala kayo matapos ng maraming taon. Pero teka?!" mabilis nitong wika na tila ba may naalala ito. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. "Sabi ni Calix may kasintahan siya. Ano bang pangalan noong girl?" anito dahilan upang mas lalong natigilan siya. Hindi niya alam na nakuwento pala ni Calix ang tungkol kay Geraldine. "Sabagay, it was two years ago, noong ikasal kami ni Gian. Siguro nga ay kayo talaga ang para sa isa't isa. Biruin mo iyon, girl. Kung noon ay hanggang tingin ka na lang ngayon ay asawa mo na!" tili nito na tila ba wala pa rin itong asawa o anak kung makatili. Nang mayamaya ay narinig ang pag-ingit ng batang paslit na agad namang inalo ng kaibigan. "Oh, sige na, Mars. Ibababa ko na muna ito dahil umiingit ang boss mukhang gustong dumede," anitong pamamaalam sa kaniya. "Kung makatili wagas, parang teenager lang!" aniya na muling kinatawa nito sa kabilang linya. "Well, parang bumabalik nga ako dahil sa inyo ni Calix, ang mister dreamboy mo! Kung maka-bully ka kasi wagas kaya iyan tuloy, pinagpalit ka kay Michelle," anito. Mayamaya ay tila may naalala na naman ito. "Speaking of Michelle, alam mo bang kauuwi lang niya galing Canada at hinahanap niya kay Gian si Calix?" gagad ni Anne. Maging siya ay naintriga sa sinasabi ng kaibigan pero ayaw niyang isipin nitong interesado siya. "Akala ko ba ay ibababa mo na ito?" Tukoy sa tawag nito dahil nagpaalam na ito kanina. Napatawa ito pero mahina na. "Nakatulog kasi agad si baby. Mukhang gusto lang talagang dumede," turan nito. "Ayaw mo bang malaman kung ano ang latest kay Michelle?" maang nitong pasaring sa kaniya. "Ano?!" aniya pero wala naman siyang planong alamin ang tungkol sa buhay nito. "Isa na siyang nurse pero ang chika ay nag-aaral daw para maging isang doktor at ito pa Mars. Para siyang artista sa ganda at porma," palatak nitong wika. 'Ano ngayon?' aniya sa isipan pero deep inside ay tila mas lalong nanlumo siya dahil kung ikukumpara sila ni Geraldine ay masasabing kulilat na siya. Paano pa kaya at may Michelle pa na successful sa career at buhay. Hindi tuloy niya maiwasang mapabuntong-hininga. "Lalim noon, Mars. Pero ikaw pa rin naman ang nagwagi dahil ikaw na ang Mrs. Gonzalves," muli nitong tili pero pigil na iyon baka na naman magising ang anak nito. Sapat na nga ba iyong panghawakan para masabing kaniya ang lalaki? "Hoy, ano na?!" muling untag ni Anne sa kaniya. "Bakit ang tahimik mo yata, girl? Bilisan niyo nang bumuo ni Calix para naman may kalaro na itong anak ko," wika pa nito na tila ba kay dali ang sinasabi nito lalo sa sitwasyon nila. "Bakit hindi niyo sundan ni Gian?" turan dito na kinatawa muli ng kaibigan. "We're trying," maarteng wika nito. "Lahat na nga ng posisyon—" putol na wika nito nang agad siyang sumabad. "Ay, ang landi!" bara dito. Tumawa lamang ang kaibigan. "Baka gusto mong turuan kita para hindi ka agad pagsawaan ng asawa mo. You know, Gian. Masyadong babaero pero tignan mo naman ngayon," anito na tila tawang-tawa pa dahil napapasunod ang asawa sa lahat ng nais. "Hay naku! Baka kung ano pang ituro mo sa akin," aniya rito na mas lalong kinatawa ng kaibigan. "Depende sa kung ano ang gusto mong malaman," anito dahilan upang mapailing siya. Hindi pa rin nagbabago ito, palabiro pa rin. "Ewan ko sa'yo! Kailan nga pala ang balik niyo ng Cebu?" tanong dito. "Bukas na Mars kaya nga nagkita na ang dalawa upang mapag-usapan daw ang negosyong itatayo nila sa Cebu," bigay alam pa ni Anne sa kaniya. "Negosyo?" maang niyang ulit sa sinabi ng kaibigan. "Yes, hindi ba binanggit ni Calix sa'yo na magtatayo sila ni Gian ng isang resto-bar. Medyo malayo sa linya ng asawa mo pero alam ko ay si Gian ang magma-manage," dagdag pang wika nito. "O—kay," nauutal na tugon. "Hindi mo pa pala alam ang tungkol doon? Naku! Baka gustong i-surprise sa'yo ni Calix. Na-spoiled ko pa tuloy," gagad pang wika nito. "Talaga lang na wala siyang balak isali ako sa personal niyang buhay," bulong sa sarili. "Ha?! May sinasabi ka ba, Mars?!" gagad ni Anne. "Ah, wala, Mars. Oh, siya ibababa ko na ito dahil magpapatuyo pa ako ng buhok," aniya rito nang putaktihin na naman siya ng kantiyaw. "Sus! Mukhang iti-text ko na si Gian na pauwiin si Calix. Mukhang nagpapabango ka para sa kaniya," palatak nitong buska. Natawa na lamang siya. Kung alam lang ng kaibigan ang sitwasyon nila ay hindi niya alam kung magagawa pa ba nitong magbiro. Samantala, pagdating pa lamang ni Calix sa tagpuan nila ni Gian ay nagsimula na itong mang-alaska tungkol sa kanila ni Samantha. "So, kumusta naman ang unang dalawang gabi ninyo bilang mag-asawa? Nakarami na ba?" agad na tanong nito dahilan upang mapailing siya. "Huwag mo nga akong itulad sa'yong—" putol niya nang sumabad ito. "Sa aking ano?!" susog nito. "Sa'yong palikero at baba—" putol din niya nang agad rin itong umapila sa sinabi. "Hindi ako babaero. Noon, aminin kong medyo may pagkababaero ako pero nang pakasalan ko si Anne ay never akong nagloko," puno ng kumpiyansang wika nito. "Oh, 'di ikaw na!" aniya saka mabilis na tuwag ng waiter at um-order ng beer. "Hindi ako pwedeng mag-inom ng marami," agad na wika ni Gian dahilan upang mapangiti siyang tumingin dito bagay na napansin naman nito. "Alam mo na, magagalit si kumander," anito na mas lalong kinatawa niya. "Okay, fine! 'Di ako ang iinom," aniya pa. "Sus! Baka hindi ka makapuntos niyan," tawang turan nito. Natahimik siya. Paano naman siya makakapuntos kung magkahiwalay nga sila ng silid? Napangiti na lamang siya sa kaibigan at sinimulan na lamang nilang pag-usapan ang tungkol sa balak nilang negosyo. Malaki-laki na rin ang savings niya at plano niyang mag-invest hanggang sa inalok siya ni Gian sa plano nitong negosyo. Maayos ang negosyong iprenisenta nito at tiyak niyang sa galing ng kaibigan sa ganoong uri ng negosyo ay magagawa nitong paunlarin iyon. "Ipapadala ko na lamang sa'yo ang ilang blue print ng ipapagawang building natin. The structures will be finalize soon, then I am already working all the permits we need in order to operate," dagdag pa ng kaibigan. "I'm leaving it for you since you are the one who knows better," turan bilang pagbibigay niya ng tiwala rito. "Salamat, bro! Hopefully, kapag magbubukas na tayo ay dumalaw kayo ni Samantha para naman naroroon kayo sa ating opening," paalala ng kaibigan. Doon ay naisip si Samantha at muling naalala ang nakita bago siya umalis. Para siyang sinisilihan sa nakikitang imahe ni Samantha sa kaniyang isipan dahilan upang hindi mahalatang napaparami na pala ang laklak niya ng alak. "Bro, hinay-hinay lang baka hindi ka makapag-drive pauwi." Tapik ni Gian sa balikat niya. Para naman siyang natauhan sa sinabi nito. Nang makitang panay na ang tingin nito sa orasang pambisig ay sinabing mauna na ito. Tiyak kasing nami-miss na nito ang mag-ina nito. "Pwede ka nang mauna, bro. Alam kong naghihintay na sa'yo ang mag-ina mo," aniya kay Gian na noon ay tumiim ang titig. "Ikaw, hindi ka pa ba uuwi? Baka hinihintay ka na ni Samantha?" balik saad naman nito na tinugon na lamang niya ng ngiti. "Pauwi na rin," sagot rito. "Ubusin ko lang itong isang bote," dagdag pa. Doon ay tumayo na ang kaibigan at nagpaalam habang siya ay naiwang hindi alam kung ano ang gagawin sa sitwasyong napasok niya. Asawa nga niya si Samantha pero tila kay layo naman ang loob nito sa kaniya. Napabuntong-hininga na lamang siya saka mabilis na inubos ang huling bote ng beer para makuwi na rin. Pasado alas dose na nang makauwi siya. Tahimik na tahimik ang buong bahay. Pag-akyat sa hagdan ay napatingin siya sa pintuhan ng silid ni Samantha. Tila may humihila sa kaniyang tunguhin iyon. Nasa may pintuhan na siya nang matigilan siya. Bahagyang tinablan siya ng alak na nainom kaya medyo nahihilo siya. Ngunit napagtantong marahil ay tulog na si Sam kaya ihahakbang na sana ang mga paang paalis roon nang marinig ang pagbukas ng pintuhang nasa harapan. Mabilis pa sa alas kuwatrong binalik ang tingin at doon ay nakita ang napakagandang mukha ni Samantha. Namumungay ang mga mata pero nababakas pa rin niya ang gandang unang hinangaan. "Sam?" tanging nausal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD