Naging mabilis ang mga pangyayari pagkatapos ng kanilang kasal ni Calix. Hindi inaasahang makikita ang sarili kasama ito sa loob ng iisang bahay.
Wala na ang kaniyang mga magulang kaya talagang sila na lamang ni Calix ang titira doon.
"Ayos ka lang ba, hija?" tanong ng Tita Alexa niya.
"Ah—hmmm! Oo naman po, Tita," mabilis na sabad na kinatawa ng ginang.
"Sanayin mo na ang sarili mong tawagin akong Mommy, gaya nitong si Calix," magiliw nitong wika. "Huwag kang mag-alala, you can visit us sa bahay o 'di kaya ay pupuntahan kita minsan para mag-shopping tayo," anang pa nito. Alam niyang inaaliw lamang siya ng Mommy Alexa niya dahil sa totoo ay hindi mapagtakpan ang ngiti sa labi ang lungkot sa mukha.
"Sure po, Mom—my," alanganing wika.
"Yes, ganiyan nga. Hay naku, I longing so long na magkaroon ng anak na babae. Kapag abala si Calix at wala kang makasama rito, puntahan mo lang ako sa bahay o kaya at tawagan mo ako para ako ang pumunta dito, ha?" dagdag pa nito.
Kahit medyo malayo ang kinaroroonan nila ng ama sa kinaroroonan ng ina at ni Samantha ay nakikinig pa rin siya sa usapan ng dalawang babae.
"Are you listening to me?" mayamaya ay bulalas ng ama.
"Hmmp, yes!" mabilis na sabad rito at tumingin sa mukha ng kaniyang ama. Nakita ang panghihinala sa mga mata nito na tila ba inaaral siya nito bagay na kinabahala niya. "Hmmmp!" tikhim pa upang pukawin ito.
"Pasensiya na, Dad. Medyo nabibilisan lang ako sa pangyayari, akala ko kasi ay kasal lamang. We didn't expect na magsasama kami sa iisang bubong," turan sa ama.
Doon ay nagpamulsa ito tumiim pa lalo ang pagtingin sa kaniya. May kabang umahon sa dibdib na baka hindi niya kayang ilihim sa ama ang tunay na damdamin para kay Sam.
"Well, lahat ng mag-asawa ay nagsasama sa iisang bubong. Bilang pangako mo sa Tito Samuel mo ay aalagahan at proteksyunan mo ang iyong asawa," paalala ng ama dahilan upang muling mapabaling kila Sam at ang kaniyang Mommy.
"Wala ka ba talagang gusto kay Sam?" mayamaya ay tanong ng ama na nagpabalik ng tingin dito.
Nagkatinginan silang mag-ama. Gustong sagutin ang tanong ng ama ngunit tila napipilan ang bibig at walang ni isang salitang lumabas buhat doon.
"Bueno ay aalis na kami ng Mommy mo. Kung may kailangan kayo ay huwag kayong mahihiyang lumapit sa amin," pamamaalam ng ama sa kaniya.
Hinawakan nito ang kaniyang balikat. "Alam kong may sarili kang buhay at plano, anak. Salamat ay hindi mo ako binigo," ani ng ama. Malaki kasi ang utang na loob ng ama sa Tito Samuel niya na ngayon ay father in law na niya.
Binata pa lamang sila nang mangyaring biglang nanghina ang kaniyang Daddy at ang dahilan ay ang kaniyang kidney. Dahilan upang kailanganin ng ama ang isang agarang kidney transplant. Sa dami ng nasa waiting lists ng kidney recipient ay nahihirapan silang maghintay lalo pa at both kidneys are not working anymore. Mabuti na lamang at naroroon ang matalik nitonh kaibigan na handang gawin ang lahat.
It was long and agonizing days for his Dad. Noong unang malaman na ang kaibigang si Samuel ang magbibigay ng kidney sa kaniya ay ayaw nito. Alam nito ang kaakibat noon pero dahil mas higit pa sa kapatid ang turingan ng dalawa ay talagang desidido ang Tito Samuel niya na iligtas ang best friend nito.
Matagal na niyang alam ang kuwentong iyon dahil noon pa mang bata siya ay natanong na sa ama kung bakit palagi nilang kasama ang mga ito. Sa kabila ng pagiging aso't pusa nila ni Samantha noong mata pa man sila.
Kaya naiintindihan ang ama nang tuluyan nitong aminin sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit sila ipinapakasal ni Samantha. Marahil ay nanaig pa rin ang pagiging ama niya kaysa sa kaibigan kaya nagawa nitong bigyan siya ng huling pagkakataon para umayaw. Ngunit mas pinili ng pusong sumunod na lamang at may pag-asam na sana ang munting pagtinging nagsimula sa kanilang kabataan ay madugtungan pa.
'Paano si Geraldine?' tanong na namutawi sa isipan.
"Mukhang tapos na ang Mommy at si Sam," pukaw ng ama. Muli ay napatingin sa kinaroroonan ng dalawang babae at mukhang tapos na nga sila sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila.
"Mabuti naman at hindi ka pala mahihirapan, hija. Sabagay, mahirap sa babaeng walang alam sa kusina," dinig na wika ng ina kay Sam habang papalapit ang mga ito sa kinaroroonan nilang mag-ama.
"Bueno ay uuwi na kami ng inyong Mommy," ani ng ama.
"Oh, wait! Before I forgot," ani ng ina at may dinukot itong sobre sa bag. "It was late but I want to give you this," dagdag pa sabay pakita sa hawak na sobre.
May pagtataka sa mata niyang tumingin sa ina bagay na agad naman nitong nakuha. "This is your iterinary for your honeymoon, don't worry son. It's just a week vacation to Palawan. I know, your too busy but I want you both have time together and enjoy being together," magiliw at puno ng excitement na turan ng ina na tila ba hindi alintana na ang kasal nilang iyon ay pilit at hindi normal.
Napatigil silang lahat nang iabot iyon kay Sam ay napatingin ito sa kaniya. Nagtama ang kanilang paningin at kapwa hindi nakahuma. Pero hindi inaasahang kukunin iyon ni Sam.
Walang nagawa si Sam kundi abutin ang regalong iyon ng kaniyang mother in law. Ayaw niya itong mapahiya lalo pa at higit pa sa anak ang turing sa kaniya.
"Thank you, Tit—"
"Hmmmp! I told you, sanayin mo na akong tawaging Mommy," giit pa nito.
"Thank you, Mommy," ulit niya kinangiti naman nito ng ubod tamis.
"You're most welcome, hija. Bigyan niyo kami agad ng apo," natatawang hirit nito na siyang agad na kinalingon kay Calix na noon ay nakatingin din sa kaniya.
"Mahal hayaan mo na muna sila. Baka gusto muna nilang magpahinga, nahirit ka agad ng apo," saway ng kaniyang ama sa ina.
Tumawa lamang ang ina. "Malay mo mahal, makalusot. Oh, aalis na kami ng Daddy niyo. Mag-iingat kayo dito. Are you sure, na ayaw mong papuntahin ko dito ang isa kong kawaksi?" tanong pa nitong pahabol.
Ngumiti si Samantha sabay iling. "Kaya na po namin ni Calix, Mommy," sabad rito.
Maang lamang na nakatingin sa kaniya na tila tinatantiya kung tama ba ang narinig nito. "Bueno, siguro at once a month ko na lang papuntahin sila dito para naman hindi ka masyadong mahirapan sa paglilinis sa buong bahay," concern pa rin nitong wika.
Nang mawala ang magulang ni Calix ay biglang natahimik ang pagitan nila. Walang nais bumasag ng katahimikan o gumawa man lamang ng ingay. Matapos ng halos limang minutong katahimikan ay si Calix ang unang nagsalita.
"Are you sure, ayaw mo ng makakasama mo rito?" tanong niya kay Samantha. Alam niyang kahit papaano ay may alam ito sa simpleng gawaing bahay pero baka hindi nito kaya ang buong kabahayan nila.
"Siguro, ayaw ko lang na may makakakita kung anong sitwasyon meron tayo," simpleng tugon ni Samantha.
Napatahimik si Calix sa sinabing iyon ni Samantha. Sabagay nga naman, mahirap namang magtago kung may kasama sila sa loob ng bahay. Hindi pa man siya nakakapag-salita ay muling nagsalita si Sam. "I think I'm using your room, lilipat na lamang ako sa—"
"No need, doon na lamang ako sa kabila," agad niyang sabad. Iyon siguro ang isang sitwasyong iniiwasan nitong makita ng kawaksi ng kaniyang ina.
Hindi na nakipag-argue pa si Samantha dahil ayaw na niyang mapalawig pa ang kanilang usapan. Muli ay namayani ang katahimikan sa pagitan nila.
"Ba—balik na ako sa aking silid," alanganing paalam niya kay Calix. Naiilang siya rito at hindi alam kung papaano ito pakikisamahan.
"Okay, aalis nga pala ako," pahabol niya sa papalayong si Sam nang kapwa sila matigilan. Natigilan siya dahil hindi inaasahang tila ba nagpapaalam siya rito.
Napatigil si Sam dahil batid na pupuntahan nito ang kasintahan. 'Bakit, hindi ba't ikaw ang nag-suggest nito?' sita ng isipan sa sarili.
"Okay," salitang nanulas sa kaniyang bibig saka muling naglakad. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan ng muling marinig ang tinig nito.
"Better lock your sliding door. I don't want to see that guy in the house again!" madiing wika bagay na kinairap ni Sam sa kaniya. Wala siyang pakialam pa kung kahit anong irap ang gawin ni Sam sa kaniya. Basta gagawin ang lahat para hindi pa nito katagpuin ang lalaking iyon. Nakausap na niya ang head security ng buong subdibisyon at sinabing magroronda sila every thirty minutes.
Gusto pa sanang umangal sa sinabi nito pero nanatiling nakaumid ang bibig. Naisip na bahay nito ang kinaroroonan kaya marahil susunod na lamang siya sa rules nito.
"Okay, fine!" aniya saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa silid. Batid na nakatingin pa rin si Calix sa kaniya kaya pinilit na huwag na itong lingunin pa. Nakahinga lamang siya ng maluwag ng nasa loob na siya ng silid.
Nanlulumong napaupo sa gilid ng kama. Hindi alam kung ano ang gagawin ngayong mag-asawa na sila ni Calix at nakatira sa iisang bahay. Pagod at hapo ang naramdaman kaya naisip na mag-shower na at makapagpaghinga ng maaga. Pinatay na muna niya ang kaniyang cellphone para hindi siya magawang gambalain ni Gilbert.
Nang mawala si Sam sa paningin ay sumunod na rin siya. Mabilis ang mga hakbang na tinungo ang silid upang maligo. Magkikita sila ni Gian bago sila bumalik sa Cebu kasama ang mag-ina nito.
Pagkabihis ay hindi maiwasang isipin si Sam sa kabilang silid. Nang matapos ayusin ang kaniyang buhok ay naisipan niyang daanan muna ito. Dalawang katok ang kaniyang ginawa ngunit wala siyang narinig na pagtugon buhat dito. Muli siyang kumatok ngunit gaya ng dalawang beses na ginawa ay walang pagtugon sa loob. Bigla ay dinaluyon ng kaba ang dibdib at agad na pinihit ang pintuhan na noon ay bukas.
"Ahhh!" malakas na tili ni Sam nang makitang bumukas ang kaniyang pintuhan at niluwa noon si Calix habang siya naman ay papalabas pa lamang ng banyo habang nakatapis ng tuwalyang bitin sa katawan. Halos makita kasi ang singit sa iksi ng tuwalya.
"Sorry!" agad na turan ni Calix sabay labas at sara ng pintuhan. Napalunok siya habang nasa may pintuhan pa rin siya ni Sam.
"What do you want!" malakas ay may inis na tinig ni Samantha.
Hindi tuloy agad siya nakasagot. Pilit na pinapakalma ang sariling biglang nakaramdam ng pagnanasa nang makita ang hitsura ni Sam kanina. 'Oh, man!' hindi mapigilang sambitin sa isipan dahil sa tanawing nakita. Nabuhay ang bagay na hindi dapat mabuhay.