Chapter 11: The Intruder

2071 Words
"Hindi ko naman gustong pakasal kay Samantha pero—" putol nitong wika na nagpatulos sa kaniya. Hindi siya nakakilos sa kinatatayuan at hinintay ang susunod nitong sasabihin pero mumunting hilik na nito ang narinig. "Ayaw ko rin namang magpakasal sa'yo!" bulong sa kawalan saka mabilis itong iniwan. Mukhang komportable na naman ito sa carpet matulog kaya hindi na lamang ito ginambala. Mabilis na tinalunton ang kusina. Medyo hindi pa rin siya familiar sa kabuuhan ng bahay na kinaroroonan. Pagdating sa kusina ay agad na naghanap ng makakain. Masuwerte namang may luto ang ina at mabilis siyang nagsalin ng kakainin. Pinainit iyon sa microwave. Kung may isang bagay man niyang natutunan sa pag-aaral sa London ay iyon ang natuto siya sa gawaing bahay. Kung sa Pilipinas ay buhay prinsesa siya sa London ay kailangan niyang maging independent. Lalo pa nang makilala si Gilbert. Tila naging yaya at katulong siya nito. Mahal na mahal ito kaya nagagawa itong pagsilbihan gaya ng pagluluto para rito at paglalaba ng marurumi nitong damit. Sa tuwing linggo ay nagtutungo siya sa lugar apartment nito at nililinisan iyon. Sa mga aalalahaning iyong ay napailing siya. Ngayon niya lamang napagtatanto ang mga bagay na iyon. Masyado niya kasing tinuon ang buong atensyon sa kasintahan to the extend na ito ang ginawa niyang mundo. Habang kumakain ay hindi maiwasang mapailing saka mabilis na inubos ang pagkain niya. Pagkatapos ay maingat na hinugasan ang mga pinagkainan niya at pinunasan iyon upang muli ay matuyo at ibinalik sa pinagkunan. Ayaw niyang malaman ng mga magulang na lumabas siya at kumain. Saka kumuha ng baso at tinungo ang fridge. Linabas doon ang karton ng fresh milk at nagsalin sa kaniyang baso. Uminom buhat doon saka humakbang pabalik sa silid nang magulat siya nang makita ang bulto ng taong nakatayo sa pintuhan ng kusina. Biglang naalimpungatan si Calix nang marinig ang mga yabag papalayo sa kinaroroonan. Pagdilat ng mga mata ay doon napagtantong nahulog nga pala siya buhat sa may sofa. Kita ang likod ng isang babaeng papalayo sa kaniya. Kahit papaano ay nawala ang pagkahilo niya at tumayo mula sa pagkakahulog sa carpet. Nang igala ang paningin ay doon na lamang bumalik sa isipan na doon nga pala pansamantalang nakatira ang mga Fuentabella sa bahay niya at ang babaeng nakita kaninang patungo sa kusina ay si Samantha. Napangiti siya nang maalala kung gaano ito kaingat maglakad. Nang makuha ang balanse ay tinugpa ang daang tinahak nito at napahinto siya nang makitang nakain ito. Base sa galaw nito ay tila may alam ito sa kusina lalo pa nang makitang hinugasan nito ang mga pinagkainan. Nawili tuloy siyang pagmasdan ito hanggang sa hindi namalayang nasa harapan na pala niya ito. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatunghay sa kaniya. "Ka—kanina ka pa diyan?!" gulat na turan sa lalaking kanina ay nakita lamang na nakahiga sa sala nila. At nang maalala kung bakit ito naroroon sa ganoong oras ay nagpamaywang siya sa harap nito. "What do you think you are doing here?" bulalas na wika sa lalaking simpatikong makangiti sa kaniya. "This is my house," anito. "What?!" gagad na tanong dahil hindi malaman kung dinadaya lamang ba siya ng pandinig niya. "You heard it right," anito at humakbang pabalik sa pinanggalingan nito. Mabilis din naman itong sinundan at hinablot ang braso nito dahilan upang mapalingon ito sa kaniya. Tila nais magsisi sa pagkakahablot ng braso dahil tumiim ang titig nito sa kaniya. Agad niyang binitawan ang braso nito na siyang hakbang nito papalapit sa kaniya. Awtomatikong humakbang ang mga paa pausog hanggang sa wala na siyang mauusugan pa dahil pader na ang nasa likuran niya. Mga ilang lunok ang ginawa habang papalakas nang papalakas ang tambol ng dibdib. Parang nausawan si Calix nang maramdaman ang paggapang ng mga mumunting kuryente sa buong katawan gawa ng pagkakahawak ni Sam sa kaniyang braso. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay parang nais angkinin ang mga mapupulang labi nito. Inihakbang ang mga paa at kitang napaatras ito. Sa pagkakataong iyon ay kitang tila nahihintakutan ito sa kaniya. Nang masukol ay agad na tinukod ang magkabilaang kamay sa pader sa magkabilaang gilid ni Sam. Kita sa mata ang pagkailang, pagkalito at pag-aalinlangan nito. Para siyang natauhan ng makita ang malamlam nitong mata. Mabilis na tumalikod bago pa kung ano ang magawa rito. Tuloy-tuloy ang lakad hanggang sa makarating sa may tarangkahan nang maulinigan ang tinig nito. "Aalis ka ba? Gabi na?" Nang ma-realize ni Sam ang sinabi ay mabilis na natutop ang bibig ngunit huli na dahil nakatingin na sa kaniya si Calix. "Don't ever think that I'm acting like your wife already. I'm just like a normal person, concern lang ako dahil gabi na," depensa niya. Nakitang nakatayo pa rin si Calix sa may main door. Kaya nang wala siyang makuhang reaksyon dito ay humakbang na siya patungo sa may hagdan. "Okay, if you leave. Don't forget to close the door," aniya saka mabilis na umakyat sa hagdan ngunit ramdam ang pagsunod ng mata nito sa kaniya. Pagdating niya sa itaas ay hindi niya maiwasang tignan ang kinaroroonan ng lalaki at nakitang nakatingin pa rin ito sa kaniya. Hindi tuloy alam kung papaano babawiin ang mga mata mula sa paglalapat ng kanilang mga paningin. Kung hindi pa tumunog ang cellphone ay hindi pa mapuputol ang kahibangan ni Calix. Hindi alam kung anong klasing magneto meron si Sam at parang hindi matanggal ang mga mata buhat dito. Mabilis na dinukot ang cellphone at nakitang ang kaibigang si Sean ang nasa linya. Tinignan muna si Sam ngunit wala na ito sa kinatatayuan nito kanina kaya lumabas na siya at gaya ng sinabi nito ay sinara iyon at ni-lock. Pagkapasok ni Sam sa silid ay napakapa siya sa dibdib na tila nagwawala kanina nang masukol siya ni Calix. Ibang-iba na ito sa dating Calix. Mas confidence na ito sa sarili at talaga namang ang guwapo nito. Idagdag pa ang mataas nitong edukasyon hindi kagaya niya na, nakapag-aral nga abroad pero tila walang patutunguhan ang career. "Sam, hindi maaari ito," aniya sa sarili ng mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng pagiging iratiko ng puso sa tuwing malapit ang lalaki. Ganoon na ganoon ang puso noong teenager na sila at nakakaramdam ng paghanga rito. "No! Hindi ako pwedeng humanga sa kaniya," sweto niya sa isipan na nais i-intertain ang ideyang may gusto nga siya sa lalaki. Sapo-sapo niya ang ulo habang nakaupo sa may paanan ng bed niya nang makarinig siya ng pagkatok sa pintuhan sa may balkonahe ng silid. Mabilis siyang tumayo at inusisa. May takot at pagtataka pero mukhang determinado ang tanong nais kunin ang atensyon niya. "Samatha this is me, Gilbert," pabulong ng lalaki sa labas ng sliding door niya. Mabilia iyong binuksan. "What the heck are you doing?!" bulalas dito sa ginawang pag-aakyat nito sa kanilang bahay. "What is that guy doing here at this time?" bulalas din nitong tanong. "Answer my question first? And how could you able to passed the security guards?" maang niya rito. "I have my ways, now answer my question. What is that guy doing here at this time? It's almost twelve midnight?" gilalas nito. Napabuntong-hininga siya saka humakbang papalayo sa lalaki. "Bahay niya ito," aniya. "Whaaaat?!" malakas na bulalas nito. "Shhhhhh! Lower your voice!" gigil na sabad rito. "What are you doing here?" muling tanong dito. "I came to get you. I won't let you marry that guy. You love me, right?" malakas na loob na tanong nito bagay na kinatigil niya. Bigla ay natanong sa sarili kung mahal pa ba niya ito. Mukhang sa maiksing panahong nalayo dito ay nabuksan ang mga mata niya sa maraming bagay. "Don't tell me, mahal mo na ang lalaking iyon?" anito na nagsisimula na namang tumaas ang boses. "Shhhhh! I told you, lower your voice!" muling saway rito. "I can't come with you! Not this way," tangi niyang saad sa lalaki. Kita ang pagngalit ng mukha nito ngunit bago pa ito muling magsalita ay inunahan na niya. "Let me fix this tomorrow I will talk to Dad," aniya sa lalaki. "Your Dad is decided. He wants you to marry that idiot—" "Hey, stop it!" gigil na bara rito. "See, you starts defending that id—" "Okay, so that makes you stupid too!" bulalas dito nang bigla ay natigilan siya nang iamba nitong isampal sa kaniya ang malapad nitong palad. "Do it!" tinig na nagpatigil sa kanilang dalawa. 'Oh, sh*t!' malutong na mura ni Sam sa isipan ng marinig ang tinig. Hindi pa naman tuluyang nakakaalis si Calix dahil kinausap pa ang kaibigan nang mapansin ang anino na naakyat sa balkonahe kanugnog ng silid ni Sam. Masama ang kutob niya kaya matapos sabihin ng kaibigang naiuwi na nito si Geraldine at magpasalamat sa pag-aalay sa kasintahan ay tuluyang nagpaalam dito. Nagmatiyag muna siya. Batid kung sino ang nagmamay-ari ng anino ngunit may nag-uudyok sa kaniyang huwag umalis. Sa huli ay nanaig ang kagustuhan niyang bumalik sa loob ng kaniyang bahay at tinalunton ang silid ni Sam. Gamit ang hawak na master key ay malayang nabuksan ang silid. Tila masyadong mainit ang usapan ng dalawa at hindi man lang napansin ang presensiya niya. Ngunit nang akmang sasampalin ng lalaki si Sam ay ipinabatid na sa mga ito ang kaniyang presensiya. "Do it!" may himig pagbabantang wika. Kapwa gulat ang dalawa at napalingon sa kinaroroonan niya. Susugurin sana siya nito pero hawak ang telepono kung saan konektado sa guard house. "Do it!" muling hamon dito. "Sa ating dalawa ikaw ang trespassing. Baka gusto mong tumawag na ako ngayon ng security para deretso ka ng kulungan o malaya kang aalis mula kung saan ka dumaan," aniya na pagbibigay ng opsyon sa lalaki. Kita ang pagtalim ng mga mata nito pero hindi nagsalita. Nakipagmatigasan siya rito. "Aside from trespassing baka gusto mo pang dagdagan ko ang kaso mo. Harassing my fianceé," aniya rito na kinasingkit ng mga mata nito "I'm her boyfriend?!" giit nito. "I'm going to be her husband, soon!" aniya. Hindi alam kung bakit may pag-angkin kay Sam ang kaniyang tono. Mas lalong nagngalit ang bagang ng lalaki at tumiim ang titig sa kaniya. Buong akala ay susugurin siya nito. Ramdam na ramdam ni Sam ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki at bago pa muling magrambulan ay pumagitna na siya. "Gilbert just leave. I told you, I will fix this one. Trust me," aniya na matiim na tumingin sa kasintahan. Kitang nakatingin na tila tinatanya kung sinsero siya sa sinabi. "Okay, I trust you," anito saka lumapit sa kaniya at mabilis nitong hinapit ang baywang at hinalikan sa labi niya. Siya man ay nagulat sa mabilis na ginawa ng kasintahan sa kaniya pero marahil nais nitong ipakita kay Calix na pag-aari siya nito. "I trust you. See you soon, babe," anito saka umalis gamit ang balkonahe. Bahagyang nakaramdam ng inggit o mas magandang sabihing selos si Calix sa lalaking humalik kay Samantha. Nakitang sinara na ni Sam ang sliding door sa may balkonahe niya matapos umalis ang lalaki. Nang balingan siya nito ay bakas sa mukha nito ang pagtataka. "What are you doing here? Paano ka nakapasok sa silid ko?" bulalas pa. Naalala kasi kanina ni Sam na ni-lock iyon dahil ayaw niyang magpakita muna sa ina o sa ama. "I just saw him climb the balcony. Akala ko nga magnanakaw eh, buti hindi ako tumawag ng security. Baka naman sa kulungan pa ninyo ituloy ang pagmamahalan ninyo," aniya kay Sam. He don't mean to be rude or annoying, kaya lang hindi niya maiwasan lalo pa at ramdam pa rin ang selos sa paghalik ng lalaki rito. "Are you annoying me?" napapataas ang boses niya sa inis dito. "Sshhhhh! Lower your voice, baka magising si Tito at isiping may nangyayari sa atin. Baka mas mapabilis ang kasal natin niyan," hirit muli kay Sam na kinainis nito. "Get out of my room!" aniya na halos magngitngit ang ngipin sa banas dito. Napangiti si Calix. Bago pa man sumabog si Sam ay nagsimula na siyang humakbang palabas ng silid nito. Ngunit bago lumabas ay tumingin sa babae. "Better sleep, we have a long day tomorrow for the wedding preparations," aniya saka lumabas. Pagkalabas ay narinig pa ang pagdadabog at pagsambulat ng inis ni Sam. "Ikakasal kang mag-isa mo! Buwisit!" bulalas ni Sam sa sobrang inis kay Calix. Ngunit agad rin namang napabuntong-hininga dahil naalalang sila pala ang humihingi ng pabor sa mga Gonzalves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD