Chapter 12: Torn Between Two Women

1615 Words
Kinabukasan ay tama ng sinag ng araw ang pumatama sa mukha ni Sam. Nakalimutan niyang isara ang kurtina sa kaniyang silid. Ayaw pa sanang idilat ang kaniyang mga mata pero tila may pakiramdam siyang may nakatunghay sa kaniyang mukha kaya mabilis na nagdilat ng mga mata. Ang kaniyang Papa ang nabungarang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama. Blangko ang ekspresyon ng mga mata nito. "Papa?!" nanulas sa kaniyang bibig. Ngumiti ang kaniyang Papa. Tatanungin pa lamang sana kung papaano ito nakapasok sa silid nang magsalita ito. "Wake up, my princess. Hinihintay ka na naming lahat. Nandito ang Tita Alexa at Tito Cariaso mo," turan ng ama. Mabilis na naalala ang sinabi ni Calix bago ito umalis kagabi. Marahil kasama rin nila ito at ito ang magbigay ng susi sa ama para makapasok sa silid. Bangon siya at umupo sa tapat ng ama. Magkahinang ang kanilang mga mata. "Kailangan ko ba talagang gawin ito?" aniya na nahahati ang puso kung susundin ang nais gawin sa buhay o maging ulirang anak at magpatianod na lamang. Nakitang tumungo ang ama na tila nahiya sa kaniya. Sinapo nito ang ulo saka nagsalita. "If I only have another choice, hindi ko naman gustong nakikita kang nahihirapan," tinig ng ama. Medyo naantig ang puso sa sinabing iyon ng ama. She knows from the start that her Dad was her saviour. Laging nakampi sa kaniya at base sa nakikita rito ay maging ito ay nahihirapan din. Tanging isang malalim na buntong-hininga ang binigay sa ama saka tumayo at tinungo ang banyo. "Okay, Dad I will be there in a bit," aniya. Kahit naman naging suwail siya at sabihin na nilang malaki ang pinagbago niya pero siya pa rin naman ang dating Sam na ayaw niyang nakikitang nahihirapan ang kaniyang magulang. "Thank you, my princess," ani ng ama habang nakapaskil sa mukha nito ang tuwa sa sinabi. Hindi tuloy niya naiwasang tugunin din iyon ng ngiti. Pagdating niya sa komedor at naroroon na ang lahat maliban kay Calix. Bagay na napansin ng Tita Alexa nito ang paggala niya ng tingin. "Calix didn't come with us. Marami raw siyang aasikasuhin ngayon," paliwanag nito. "Good morning po, Tita," bati upang maiba ang usapan. Hindi naman niya hinahanap ang anak nito. "Maupo ka anak," yaya naman ng kaniyang Mama sa tabi niya. "Alam mo, hija. Excited na akong simulan itong wedding preparations ninyo ni Calix. Mas exciting sana kung nandito rin siya," magiliw na wika ng ginang. Pinilit niyang ngumiti dahil ayaw mapahiya ito. Noon pa man ay gustong-gusto siya ng Tita Alexa niya dahil bukod sa wala itong anak na babae ay parang sa kaniya nito nabuhos ang kagustuhang magkaroon ng anak na babae. Kung hindi lang alam na dahil sa pagkalugi ng negosyo nila kaya sila ikakasal ni Calix ay iisiping talagang plinano ng mga magulang ang kasal nila dahil kung gaano nagiliw ang Tita Alexa sa kaniya ay ganoon din naman ang kaniyang Papa kay Calix pero siyempre ay siya pa rin ang prinsesa nito. Maraming napag-usapan ang mga ito habang siya ay tahimik na kumakain. Hanggang muling naalala si Calix. Mabuti na lamang at wala ito, marahil inasikaso nito ang kasintahan at mukhang ito ang dahilan ng paglalasing nito kagabi. 'Bakit, nagseselos ka ba?' tanong na sumupot sa kaniyang isipan. Sa isiping iyon ay mabilis na binaling-baling ang ulo. Ayaw niya ang ideyang naglalaro sa isipan. "Ano sa tingin mo anak?" dinig na untag ng ina. Hindi namalayang masyadong malayo ang nilakbay ng kaniyang isipan. "Ha?!" gulat na sambit. "Ano iyon, Ma?" ulit na tanong dahil hindi niya talaga narinig ang sinabi nito. "Tinatanong ng Tita Alexa mo kung ilang guests ang gusto mo for the wedding?" malumanay na tanong ng ina. Muli ay natigilan siya. Ayaw niya namang i-involve masyado ang mga kaibigan sa kasalang iyong dahil wala siyang planong ipagbigay alam sa lahat na magpapakasal lamang siya dahil sa papaluging negosyo nila. Lalo na ang mga common friends nila ni Gilbert maliban kay Nathalie. Si Anne naman ay tiyak na iimbitahin ni Calix si Gian kaya hahayaan na lamang niyang ang lalaki ang gumawa noon. Tumikhim muna siy bago sumagot. Masyado siyang tensyunada sa patutunguhan ng usapan nila. "Mainam siguro Tita kung konti lang," aniya sa mga ito na tila nakuha naman ang nais. "Sabagay, mainam na para solemn ang seremonyas. Kami man ay malalapit na kamag-anak at kaibigan lang din ang aming iimbitahan," dagdag naman ng kaniyang Tita Alexa. Marami pang napag-usapan ang mga ito tulad ng venue, gown, pagkain at kung anu-ano pa. Nakikisali lamang siya kung may tinatanong ang mga ito sa kaniya. "What are you doing here?" gilalas ni Geraldine nang makita siyang naghihintay sa labas ng condo nito. "I want to talk to you," mabilis na sagot dito. "For what? Hindi ba't ikakasal ka na! Nagdesisyon kang mag-isa?!" dumadagundong na boses nito saka siya nito nilampasan at tinungo ang pintuhan nito. "Hindi ko ito desisyon, unawain mo—" "Unawain? How?! Tell me, Calix. Paano ko uunawain ang sitwasyon na ang boyfriend ko ay magpapakasal sa anak ng kumpare ng ama, to save their company for bankruptcy?!" anito na halos manginig sa umahong emosyon. Kapwa sila natigilan at nang makabawi ang babae ay muli siyang hinarap nito. "Umalis ka muna dahil habang nakikita kita, nakikita ko ang lalaking walang paninindigan at lalaking hindi ako kayang ipaglaban. It hurts and I can't stand looking at you," anito saka padarag nitong binuksan ang pintuhan at halos pabalibag din nitong isinara. Walang nagawa si Calix kundi ang sapuhin ang mukha. Pinamukha sa kaniya ni Geraldine kung gaano siya kawalang kuwentang tao at lalo na bilang lalaki. Ilang sandali pa siyang nakatayo sa harapan ng pintuhan nito. Naghihintay na muli iyong magbukas at iluwa nito ang kasintahan. Sasabihin nitong naiintindihan niya ang lahat, ang desisyon niya para sa magulang ngunit ilang minuto na ang nakakalipas ngunit walang Geraldine. Pinagtitinginan na siya ng ilang nadaan sa kinaroroonan. Wala siyang nagawa kundi ang lisanin ang lugar na iyon at naipasyang magtungo sa mall malapit sa kinaroroonan. Matapos niyang i-park ang sasakyan ay mabilis siyang bumaba at tinungo ang entrance ng mall nang hindi sinasadyang may mahagip ng mga mata niya. Hindi siya maaaring magkamali dahil si Samantha ang babaeng umagaw ng atensyon niya. Simpleng fitted blouse at skinny jeans ang suot na binagayan ng rubber shoes nito. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kaniyang sundan ito. Hanggang sa makitang pumasok ito sa isang restaurant at maging doon ay nagawang sundan. Tutak ay hindi pa naman siya nakain ay pumasok na rin at umupo sa kalapit na mesa ng mga ito. Malayang naririnig ang usapan ng dalawa at batid na masama na naman ang timplada ng lalaki base sa tono nito. Mas lalo tuloy nati-trigger ang kagustuhang ilayo si Sam sa lalaking iyon. "Mabuti naman at nagawan mo ng paarang makipagkita sa akin. Parang gusto ko na talagang isiping gusto mo ring makasal sa lalaking iyon!" angil na wika nito. "I came here to talk to you, hindi para makipagbangayan. Listen, can we talk normally as fully mature individual?" aniya na nauubusan ng pasensiya bagay na napansin naman nito dahilan upang tumigil sa pang-iinis sa kaniya. "Okay, so what do you want us to talk too?" anito na tipong naging seryoso na. "Alam mo naman sigurong ako lang ang nag-iisang anak. Ayaw kong masaktan sila Mama at Papa kaya ako sumasang-ayon sa kasalang ito," dinig na wika ni Samantha. Masyadong tuon ang pansin ni Calix ngunit nawala iyon ng gamabalain siya ng waiter at kinuha ang order niya. Ayaw niya namang ipahalata rito na nakikinig siya sa usapan sa kabilang linya lalo pa at tila naagaw rin ang pansin ni Sam dahil presensiya nito sa tabi nila. Hindi napigilang sisiwalat ni Samatha sa boyfriend ang plano niyang naisip. Kakausapin niya si Calix, tutal ay batid niyang mahal na mahal nito ang kasintahan nito. Maaari niya itong pakiusapan na maaaring makasal man sila pero pareho pa rin silang malaya. Malayang gawin ang nais, kapag umayos na ang negosyo nila ulit ay saka sila magpa-file ng annulment. Iyon na lamang talaga ang naisip niyang paraan sa loob ng limang araw na pagkukulong sa kaniyang silid. Hinayaan na lamang ang kaniyang mga magulang ang umayos sa kanilang kasal. Sa sinabing iyon ay tila natahimik ang kasintahan. Mukhang kahit papaano ay sang-ayon ito sa plano niya base sa nakikitang reaksyon ng mukha nito. "Okay, fine! Mukhang iyon na nga talaga ang gagawin natin," anito na kinangiti niya ng matamis. "Yes! Thank you, babe! Hindi na ako masyadong maiipit," bulalas niya rito at hindi naiwasang yakapin ito sa galak bagay na laging ginagawa sa tuwing pinagbibigyan siya nito sa kaniyang kapritsuhan. 'Sh*t!' mura ni Calix sa isipan nang hindi masyadong narinig ang usapan ng dalawa. Nagulat na lamang ng mabakas ang excitement sa tinig ni Samantha. Nati-tempt siyang lingunin ang mga ito pero ayaw niyang makilala siya nito. "Oh, awat na babe. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao," ani ni Gilbert at tila natauhan naman si Sam. Wala nga pala sila sa UK na kahit sa publikong lugar ay open magpakita ng affection gaya ng pagyakap at halik sa kasintahan. Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam sa nakikitang pagngiti ng kasintahan. "Just promise me na ako lang," diin nito na agad niyang kinatango-tango. Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi nito. "Yes, ikaw lamang. I love you so much," aniya sa kasintahan. Mga katagang dinig na dinig ni Calix. Tila nais magngitngit ang kalooban dahil sa narinig na usapan ng dalawa. Hindi man niya aminin pero tila sa pagbabalik ni Sam sa buhay ay nabubuhay muli ang paghanga rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD